Hi" bati niya sa akin habang abala ako sa pangunguya ng pagkain
"Hello" sagot ko naman
"Pwedeng makitabi?" Magalang niyang tanong
"Ayos lang. Wala naman akong kasama" sagot ko at nginitian siya
"May itatanong sana ako" dagdag ko
"Ano yun?" Tanong niya na tila ba naguguluhan
"Mag order kana muna para maganda ang usapan" pahabol ko
Nakakakaba pero kailangan ko na talagang tanungin siya.
"Ano yung itatanong mo?" Tanong niya at naupo na sa harap ko
"Kailan pa yang marka sa braso mo?" Curious na tanong ko
"Etong tattoo ko?" -sya at tumango ako
"Nagpatattoo ako noong highschool pa ako kasi eto yung requirement para makasali sa isang grupo" sagot niya
"Ano? Ibig sabihin hindi lang ikaw ang may markang ganyan?" Gulat na gulat na tanong ko
"Oo. Hindi lang ako. Madami kami. Bakit nga kasi tinatanong mo to?" Curious nyang tanong
"Wala. Ang astig kasi e. Hugis diamond tapos may nakasulat sa loob na hindi ko naman maintidihan" rason ko
"Oo. Maganda talaga to. Ang ibig sabihin nitong nakasulat ay I always protect you" paliwanag niya
"Ang ganda naman" maikli kong sagot
"Oo. May kwento kasi to kaya ganun ang ibig sabihin" dagdag niya
Oo. Sobrang disappointed ako dahil akala ko talaga siya na pero marami pa pala silang may markang ganon naisip ko tuloy na parang nilayo ulit ako ni kupido sa taong gusto kong makilala.
"Gusto kong malaman ang kwento niyan" sumbat ko
"Saka na pag nagkita ulit tayo. Sige Missy, mauna na ako. May klase na kasi ako" pagpapaalam niya
"Sige. Ingat ka" sumbat ko naman
Sa totoo lang nawalan ako ng ganang umasa na nandyan lang siya sa tabi tabi. Pero gaya nga ng sinabi ko diko naman priority ang pakikipagrelasyon pero sa mga puntong to gustong gusto ko nang makilala siya. Iba na talaga ang pakiramdam ko.
"Mon, para bang uhaw na uhaw na ako sa lalaking nagpapakita sa panaginip ko?" Panimula ko habang abala siya sa pagsusulat
"Missy, nagpapatawa kaba?" Sagot niya
"Hindi Mon. Seryoso ako. Feeling ko hindi na ako healthy sa nararamdaman ko. Lagi lagi syang dumadalaw sa panaginip ko Mon" paliwanag ko
"Saka yung lalaking sinabi kong sumisilip noon sa booth ay nakilala kona. Siya yung tumulong para dalhin ako sa clinic noon." Dagdag ko
"Glad to know that. So, close na kayoo?" Tanong niya
"Hindi Mon. May marka siya e. Gaya ng napapanaginipan ko" sumbat ko
"Whattt? Totoo yang sinasabi mo?" Gulat na tanong niya
"Oo naman Mon. Seryoso ako sa bagay na to kasi ito ang nagpapabagabag sa akin" sagot ko
"Ang masakit kasi Mon hindi lang pala siya ang may tattoo ng ganon. Madami sila kasi yun daw kasi ang requirement para makasali sa isang grupo noong highschool sila" dagdag ko
"Paano na yan Missy? Hindi lang naman pala siya ang may markang ganon. Bakit ba kasi napapanaginipan mo yang markang yan? Ganun din ba kaya siya sayo? Napapanaginipan ka din kaya niya?" -mon
"I don't know. Basta ang alam ko may marka siya sa bandang----" sabi ko habang inaalala ang tao sa panaginip ko
"Saan?" -mon
"Hindi ko matandaan kung saan ang marka niya Mon. Kasi yung tumulong sakin nasa kanan pero yung nasa panaginip ko hindi ko na maalala" sagot ko
"Alam mo napaka epic mo Missy! Hayaan mo na nga siya. Ma-stress ka lang dyan" ani mon
Kung sabagay tama si Mon bakit ko nga naman isipin yung taong di ko naman kilala. Mas mabilis lang akong tumanda kung siya lang ang isip isipin ko.
"Hi Missy!" Bati ni Nathan sa akin
"Hello. Long time no see huh" sumbat ko
"Busy sa projects e. Kamusta kana?" Tanong niya
"Okay lang ako Nathan. Always!" -ako
"Good. Yayain sana kitang magdinner mamaya kung gusto mo?" -Nathan
"Nako wag na. Gastos lang tapos bawal akong lumabas ng bahay pag gabi na" sagot ko
"Okay. Puntahan nalang kita mamayang gabi sa bahay niyo. Pasyal lang ako" -Nathan
"Oh sige. Mas maganda nga naman" sagot ko
Sweet si Nathan sa akin lalo na sa family ko. Parang boyfriend ko na siya kung umasta kina mama pero okay lang ang importante alam nila mama ang totoo na hindi talaga kami.
-----------------------------------------------------------
"Habulin mo ako!" sigaw ko sa taong nakatayo sa tabi ng dagat
"Oh sige. Tumakbo kana ng di kita madaling huliin!" Sagot naman niya
Dali dali nga akong tumakbo na puno ng kasiyahan ang aking puso pero nang liningon ko siya wala na siya doon. Nakaramdam nga ako ng takot at pangamba na baka iniwan na niya ako o di kaya may nangyari sa kanyang masama.
Napahawak nalang ako sa aking dibdib noong naaninagan ko siya sa malayo. Imbes na habulin niya ako, tumakbo siya palayo sa akin at kumaway. Napaluha ako kasi feeling ko iiwan na niya ako.
Nagising nalang ako sa lungkot ko. Namalayan ko ding umiiyak na pala ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko. Daig ko pa siguro ang broken hearted. Sobrang sakit!
Oo. Nakakawalang ganang umasa kasi sa panaginip palang nabigo na ako. Masakit! Ayaw ko na. Halos isumpa ko na ang lalaking yun sa panaginip ko pero paano?
Papasok na ako sa room ng may nakita akong red balloon na hawak ng isang estudyante sa harap ng room namin. Napaisip tuloy ako, parang nangyari na ito sa akin pero baka sa panaginip na naman. Wala na talaga akong tiwala sa sarili ko kasi kahit sa panaginip lang ginagawa kong totoo.
"Missy?" ani mon
"Oh Mon, halos magkasabay lang pala tayooo" nakangiting sagot ko
"Oo nga. Hinatid kasi ako ni papa kanina Missy. Nga pala birthday ngayon ni mama, punta ka ha may konting salo salo naman kaming ihahanda. Sabay nalang kayo nina Nathan" -Mon
"Sure sure, Mon. Thank you for inviting me" sagot ko
Dahil sa wala naman kaming last subject ngayong araw nagpasama ako kay Nathan bumili ng gift para kay tita
"Ano bang ibibigay mo sa kanya Missy?" Tanong ni Nathan habang nagdridrive
"Hindi ko alam. Ikaw may ibibigay ka ba?" Tanong ko din sa kanya
"Meron syempre. Parang mama ko na din si tita kaya dapat may ibibigay ako sa kanya" sagot nito
"Oh. Sa mall nalang tayo pupunta. Handy bag nalang bibilhin ko para kay tita tapos papabalot na rin natin doon" sabi ko at tumango naman siya
Nakabili na nga kami ng gift for tita. Nakakahiya kasi kulang pala ang dala kong pera kaya si Nathan muna ang nagbayad at nanlibre sa akin para sa meryenda. Kaya sa hiya ko binigay ko na lahat ng perang meron ako pati piso and sa party na ang iba.
Matalik na magkaibigan din sina Nathan at Mon. Magkakaibigan kasi ang mga parents nila kaya ganun nalang din kalapit si Nathan kay Monique.
*party
"Hello tita. Happy birthday po" bati ko at hinagkan ko sya sa pisngi
"Oh so beautiful Missy! Thank you" sagot niya
"Eto pala gift ko sayo tita." Sabi ko at inabot ang nakabalot na dala ko
"Salamat Missy. Nag-abala ka pa" -tita
"Naku tita, konting halaga lang naman yan" sagot ko sabay tingin kay Nathan
Patagong tumawa nga si Nathan sa sinabi ko kay tita. Niyaya ako ni Mon na umupo muna sa sala para makajoin sa ibang bisita. At nang uupo na ako I was surprise kasi si Adrian ang katabi ko.
"Ha-hiiii" pautal utal na bati niya
"Hello" sumbat ko naman
"Missy, si Adrian pala childhood friend ko sa probinsya" singit ni Mon
"So, magkakilala kayo?" Gulat na tanong ko
"Yes. Bakit magkakilala din ba kayo?" Tanong din nito
"Hi--hindii" pautal utal na sumbat ko
"Ngayon lang kami nagkita. Yes! Ngayon lang!" Dagdag ko
"Oo. Ngayon ko lang siya nakita at nakilala" singit naman ni Adrian and laking pasasalamat ko kasi sinakyan niya ang mga sagot ko
"Bakit dimo siya nakwekwento sakin?" Tanong ko
"Mga bata palang tayo noon Missy. Halos di ko na nga sya maalala. Galing syang manila tapos kinuha siya ng mama niya sa probinsiya namin then doon na kami nagkakilala." Paliwanag ni Mon
"And doon na rin ako nag aral ng Elem and highschool" singit naman ni Adrian
"Saka di ko alam na sa school pala natin nag aaral tong taong to Missy. Kanina ko lang talaga siya nakita" sabi ni Mon
"Kaya pala" maiksi kong sagot
"Oo. Oh sige maiwan ko na muna kayo. Tutulong lang ako doon kina mama" pagpapaalam ni Mon sa amin
Inaantay ko ngang makaalis muna si Mon bago ko kausapin si Adrian
"Salamat di mo ako hinulog kanina kay Mon" panimula ko
"Na-gets naman kita doon yun nga lang diko alam kung bakit kailangan mong magsinungaling" sagot ni Adrian
"May ano kasi. Basta" -ako
"Ay walang ganyanan. May utang na loob ka sa akin kaya dapat kong malaman kung ano yun" sabi niya
"Bahala ka sasabihin ko kay Mon ang totoo" dagdag pa nito
Niyaya ko nga si siya sa balcony para doon mag usap.
"Ganito kasi yun. Yang marka mo sa braso napapanaginipan ko lagi" panimula ko pero tinawanan lang niya ako
"Anong nakakatawa?" Tanong ko
"Ano namang connect sa pagsisinungaling mo?" -Adrian
"Alam kasi ni Mon na mahal ko yung taong nasa panaginip ko and sinabi kong na-meet ko na siya. Ayaw ko namang mabigla siyang ikaw yung tinutukoy ko" nakayukong sumbat ko na tila ba nahihiya
"Ako? Mahal mo?" Seryosong tanong ni Adrian
"No. Hindi yan ang point ko. Diba ang sabi mo madami kayong may ganyang tattoo?" Depensa ko
"Sabagay. Oo, hindi lang ako ang may ganito" sumbat naman niya
"Akala ko na kung mahal mo ako" nakangiting bulong niya pero di na ako nagsalita pa
Mga minuto din ang lumipas na walang kibuan sa aming dalawa.
"Sino kaya yung nasa panaginip mo? Swerte naman niya" panimula niya ulit
Nagkibit balikat nalang ako bilang kasagutan.
Napapaisip tuloy ako kung hanggang kailan ako aasa? Kung hanggang kailan ako mananaginip nalang? Mahirap pero sabi nga nila nakakapag antay ang mga bagay bagay.