Chereads / Yesterday's dream / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Adrian's POV

Unang pagkakataon palang na nakita ko si Missy iba na ang dating sa akin pero noong nasilayan ko ulit ang kagandahan ni Monique, siya na lagi ang tumatatak sa isip ko.

Noong intramurals napasilip ako sa booth na yun kasi curious akong malaman kung bakit ang ingay nila. At sa mga puntong yun akala ko magkasintahan ang kinakasal kaya sila naghihiyawan and at this point mali pala ang nasa isip ko.

Nahalata kong panay ang tingin ng babae kung saan ako nakatayo pero hinayaan ko lang baka kasi nagkamali lang ako na nasa akin ang direksyon ng tingin niya.

Miss okay ka lang?" Tanong ko sa babaeng nadulas. Dali dali ko siyang pinuntahan para makatulong.

"Oo, okay lang ako. Makakaalis kana. Salamat nalang" masungit na sagot niya. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa ang may ganang magsungit pero hinabaan ko nalang ang pasensya ko baka kasi nahihiya lang siya

"Hindi Miss. Dalhin na kita sa clinic" pagpipilit ko

"Kaya ko to. Umalis ka nalang" paulit ulit na sagot niya

Tinangka kong hawakan ang kamay niya para madala na siya sa clinic. Nahalata ko kasing panay ang hawak niya sa bewang niya kaya ganun ko nalang kagustong tulungan siya.

"ANO BA?! OKAY LANG AKO!"Pasigaw niya na kinagulat ko

"Gusto ko lang makatulong Miss. Halika na. Sasamahan kita" pakumbabang sumbat ko at inabot ang kamay ko

Nakita ko sa mata niyang nagulat pero hinayaan ko lang. Familiar siya sa akin pero hindi ko na matandaan kung saan ko siya nakita dito sa campus.

Dinala ko nga siya sa clinic para matingnan siya ni Doc. Kinausap siya ng Doctor kaya nilapitan ko na siya para tanungin kung okay lang siya. 

Nakipagkilala nga ako sa kanya. At natuwa ako sa pangalan niya. Napakasimple kasi, obvious na hindi pinag isipan ng maayos ng mga magulang niya. Napaisip tuloy ako kung yun parin ba ang itatawag sa kanya pag Misis na siya?

Nagpaalam na nga ako sa kanya nung nalaman kong okay na siya. Pinigilan niya ako pero hindi ko na siya pinansin kasi late na ako.

Galing akong probinsya kung saan nakatira noon sina Monique bago sila lumipat dito sa City. Isa siya sa mga kalaro ko noong mga bata pa kami pero hanggang noong lumipat na sila ng bahay wala na akong balita sa kanya.

"Hi" bati ko kay Missy habang abala sa pagkain niya

"Hello" sagot naman niya

"Pwedeng makitabi?" Tanong ko kasi wala nang available na upuan pa sa canteen

"Ayos lang. Wala naman akong kasama" sagot niya naman

Tinanong niya kung pwedeng magtanong pero before yun inutusan niya muna akong mag order para maganda daw ang usapan.

"Ano yung itatanong mo?" Curious na tanong ko

"Kailan pa yang marka sa braso mo?" Tanong niya na parang sobrang interesado sa marka ko

"Etong tattoo ko?" -tanong ko at tumango naman siya

"Nagpatattoo ako noong highschool pa ako kasi eto yung requirement para makasali sa isang grupo" sagot ko

"Ano? Ibig sabihin hindi lang ikaw ang may markang ganyan?" Gulat na sumbat niya. Napaisip tuloy ako kung may alam ba siya sa tattoo ko kaya ganun nalang siya makatanong.

"Oo. Hindi lang ako. Madami kami. Bakit nga kasi tinatanong mo to?" Sagot ko

"Wala. Ang astig kasi e. Hugis diamond tapos may nakasulat sa loob na hindi ko naman maintidihan" sabi niya na tila ba nalungkot

"Oo. Maganda talaga to. Ang ibig sabihin nitong nakasulat ay I always protect you" paliwanag ko naman

"Ang ganda naman" -siya

"Oo. May kwento kasi to kaya ganun ang ibig sabihin" sabi ko

Nakakapagtaka lang kasi sa lahat ng taong nakabangga ko dito sa campus, siya lang yung taong sobrang may interest dito sa marka ko sa braso. May alam kaya siya dito? Pero parang ang dami naman niyang tintanong tungkol dito.

"Gusto kong malaman ang kwento niyan" sabi niya

"Saka na pag nagkita ulit tayo. Sige Missy, mauna na ako. May klase na kasi ako" pagpapaalam ko kasi ayaw kong ikwento muna sa kanya hanggat hindi ko nalalaman kung anong rason niya

Nagboboarding ako malapit sa school tapos once a month lang akong umuuwi sa probinsya para hindi magastos sa pamasahe. Tatlo kaming magkakapatid pero may mga asawa na ang dalawa kong kapatid kaya naman nagsusumikap akong mag aral para makatulong sa mga magulang ko.

Naglalakad ako sa mall nang may babaeng lumapit sa akin.

"Nagkita na ba tayo dati?" Tanong niya

"Siguro." Sagot ko

"You looks familiar!" Sabi niya at nag iisip

"Exactly! Ikaw yung kalaro ko noon sa Baranggay Macalintay sa probinsya?" Dagdag niya at ngumiti ng bahagya

"Monique?" gulat na tanong ko

"Ako nga! Ano na kasi pangalan mo? Adriano?" Tanong niya

"Adrian. Napakadalaga mo nang tingnan a" sagot ko

"Ikaw din naman. Binatang binata kana" -siya

"Teka dito ka ba nag aaral sa City?" Tanong niya

"Oo. Ikaw saan ka na ngayon?" Tanong ko. Ayon sa sinabi niya pareho kami ng eskwelahan. Masaya ako kasi nagkita na naman kami and she's so gorgeous!

"Punta ka mamaya sa bahay Adrian. Birthday ni mama. Aasahan kita a? Eto number ko. Just text me okay? Tapos itext ko nalang din ang address ng pupuntahan mo. Okiii?" Sabi niya at nagmadali ng umalis

Sinave ko nga ang number na binigay niya sa akin. Ang ganda ganda na niya. Hindi na siya gaya noon na walang pakialam sa sipon na tumutulo hanggang sa bunganga niya. Hindi ko talaga inakalang siya na si Monique kung hindi pa siya lumapit sa akin.

Nag-attend nga ako sa birthday party ng mama niya at doon ko ulit nakita si Missy at nakilala na din ang ibang barkada nila. Doon ko din nalaman na tagahanga lang pala ni Missy si Nathan. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling si Missy kay Monique pero pinagtakpan ko nalang siya kasi baka may importante namang rason kaya siya nagsinungaling.

Nagyaya nga siya sa Balcony at doon ko nga nalaman yung tungkol sa panaginip niya at  sa marka. Nakaramdam ako ng awa pero anong magagawa ko? Ang tanging maitutulong lang naman ay ang ikwento na ang ibig sabihin ng marka ko.

Mga isang linggo ang lumipas at nalaman ko kay Monique na hindi pumapasok si Missy kaya kinuha ko nga ang number niya para itext siya. Bukod kasi kay Monique, alam ko din ang dinadala niyang problema.

Nagyaya si Monique na mag overnight kina Nathan para daw kay Missy kaya pumayag ako. Bago kami dumaretso sa bahay nina Nathan, nag-grocery muna kami.

"Alam mo Adrian, napakaespesyal ni Missy sa akin" panimula ni Monique

"Kaya nga. Nahalata ko na yan noon  pa" sagot ko

"Oo. More than friend na kasi turing ko sa kanya." Sumbat niya

Sa panahon ngayon napakaswerte ni Missy na meron siyang kaibigan na gaya kay Mon. Bukod kasi sa mahal niya ito ay kapatid na ang turing nito sa kanya.

Masaya sa bahay nina Nathan. Puru tawanan at kantahan ang ginawa namin habang abala naman sina Monique at Missy sa pagluluto ng pagkain.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Monique habang abala sa paghiwa ng sibuyas. Ang ganda niya!

Pagkatapos ng kainan nakita kong umakyat si Missy kaya sinundan ko siya para kausapin.

Ang lalim ng iniisip niya kaya naman sinabi ko sa kanyang i-kwento na sa kanya ang tungkol sa marka ko. Masaya ako kasi nakinig naman siya ng maayos. Gaya sa akin noon humanga din siya sa founder ng grupo namin. Pero sa huli nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Naghahanap ng kasagutan sa mga panaginip niya.