Chereads / Yesterday's dream / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Missy's POV

Naglalakad ako papuntang plasa nang may makabangga akong bata na mga nasa 15-16 years old ang edad. Tiningnan niya ako at inirapan pero nginitian ko siya bilang ganti at humingi ng pasensya. I'm expecting that she will do the same but surprisingly dinilatan niya ako ng parang ang laki ng kasalanan ko.

After a few moments suminyas siya sa lalaking kanina pa nakatingin sa amin at lumapit nga ito.

"kuya, bigyan mo nga ito ng lesson ng hindi na to mauulit pa" she said to the guy na kapatid niya ata

"Umuwi na tayo. Magsorry ka Steph nakita ko ang lahat na ikaw ang bumangga" sagot naman nito

"anong ako? palibhasa kasi nagandahan ka lang sa babaeng to kaya hindi mo ako kinampihan" galit na sumbat ng babae

"hinahanap ka na nina mama kaya umuwi kana! wala ka ng ibang ginawa kundi makipag away dito!" sigaw niya

Umalis nalang ang batang babae at inirapan ulit ako. Hindi pa siya nakuntento at binalikan ako at nagbantang may araw din daw ako.

"pasensya kana Miss. Siga siga lang kasi talaga ang kapatid kong yun." pakumbaba nito

"okay lang. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan. Hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko kaya siguro ganun nalang siya magalit sa akin" mahaba habang sumbat ko

"Basta pasensya talaga Miss. Sige nagmamadali kasi ako" pagpapaalam nito

I just nodded then. Nagpatuloy na nga akong maglakad kasi maggagabi na pala.

Wala sigurong magawa yung batang yun kundi awayin ako. Buti nakapagpigil pigil palang ako noong kotang kota siyang irapan ako.

"Bakit napatagal ata ang pamamalengke mo anak?" tanong ni mama nang makauwi na ako

"Mahaba haba kasi ang pila sa counter kanina mama" sumbat ko at nagtungo na sa kusina

Tinulungan ko ngang magluto si mama para sa panggabihan namin. Bukod kasi kay Mon na masarap magluto ganon din ang mama ko. Minana pa daw niya kasi ang kagalingan niya sa pagluluto sa lola ko.

------------------------------------------------------------------------

Ang sarap matulog! Ang sarap damdamin ang init ng kama ko ng walang iniisip na problema. Teka, bakit pala hindi siya dumalaw sa panaginip ko kagabi? Napagod na atang dalawin ako sa panaginip. Hayyy! ni hindi ko pa nga siya nakikilala, napagod na?

"Missy?" sigaw ng lalaking humahabol sa akin pagpasok ko sa gate ng school

Si Adrian pala ang humahabol. Kanina pa daw pala niya sinisigaw ang pangalan ko pero hindi daw ako lumilingon. Naramdaman ko nga ang saya ng puso ko nang sabihin niyang siya na daw ang magbitbit sa karga ko.

Hindi ko siya maiwasang titigan. Napakatangos ng ilong niya at ang kinis ng mukha niya. Tinalo pa niya ang kababaihan ko na may bakas ng pimples. Hindi ko maiwasang ngumiti kahit wala namang kibuhan sa amin.

Bukod kasi sa gwapo niyang itsura, ang gentleman pa niya at palangiting tao.

"Salamat" maikling sagot ko at kinuha na mga gamit ko

Ngumiti lang siya bilang ganti at nagpaalam na. Feeling ko ako nabuo ang araw ko dahil sa kanya pero ayaw kong magtiwala sa feelings na meron ako ngayon kasi ayaw kong umasa.

"Nakita ko kayo ni Adrian kanina. Type ka ata niya Missy!" sabi ni Mon na parang tuwang tuwa para sakin

"hindi ba pwedeng matulungin lang yung tao Mon?" sumbat ko naman

"I'm just kidding Missy. Eto naman seryoso" nakangiting sumbat niya

"Ano yan? May problema ba tayo?" singit ni Karl sa usapan namin ni Mon

"Ang lakas ng radar mo Karl. Naka antena ka ba?" pabirong sumbat ko

"hayaan mo na nga siya Missy. Tara na bago pa makahagip ng kung ano anong kwento yan" sabi ni Mon at hinila na ako papasok sa room

I'm on my way home when someone riding a motor wearing a black long sleeve together with a blue cap stop in front of me and ask if it is okay to me that he'll the one to send me home.

"Wow. Thank you for being generous Mister but I don't talk to stranger" sumbat ko na may halong konting kasungitan

"Magtagalog ka. Hindi tayo magkakaintindihan niyan" sabi niya while removing his cap

"Oh. You looks so familiar to me Mister. Did we----" -ako

"Oo. Nagkita na tayo. Sabing wag magEnglish" sumbat niya

"Okay. Salamat nalang pero hindi kita matandaan" sabi ko at sinimulan ng maghakbang

"Ako yung kapatid ng batang babaeng nakabangga mo noon!" sigaw nito

"Oo nga pala. Ikaw nga! Salamat nalang pero kaya kong umuwi kahit di mo ako ihatid" sumbat ko

"Para naman sana makabawi ako sa nagawa ng kapatid ko sayo" sabi nito habang nakasunod sa akin

"Okay. Madali lang akong kausap" sabi ko at dali daling sumakay sa motor niya

Langhap na langhap ko ang amoy ng mantika sa kanya. Hindi ko alam pero sa bihis niyang yun hindi na ata niya namalayang mantika ang naipabango niya.

"Anong brand ng pabango mo?" tanong ko habang abala siya sa pagdradrive

"Wala naman akong pabangong ginamit." sagot niya na seryoso parin sa pagdridrive

"Hindi mo ba naaamoy ang sarili mo?" nagtatakang tanong ko

"Bakit amoy mantika ba?" tanong niya na informed pala kung anong amoy niya

Tumawa nga ako sa sinabi niya. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi siya tawanan. Kung saang lupalop naman kasi ng mundo niya nabili tong damit nya para magkaamoy mantika.

"Galing kasi akong binyag sa kabilang barangay. Ninong ako ng anak ng barkada ko kaya huminto ka ng kakaisip ng kung ano ano dyan. Kanina pa kita nakikita dito sa Side mirror oh" naaasar na sumbat nito

"Ganun pala. So pag galing pala sa binyag kailangang magpunas ng mantika" nagpipigil na tawang sabi ko

Hindi na nga siya kumibo. Mukhang tuluyan na nga siyang naasar sa mga sinabi ko sa kanya. Edi sorry nalang! Honest lang siguro talaga ako para iprangka siya ng ganon.

"Dito na ako bababa." sabi ko at huminto naman ito

"Salamat" sabi ko at tumango lang siya. Naasar na nga talaga ata siya

"Ano palang pangalan mo?" tanong ko habang hindi pa siya nagsimulang magdrive

"Balong" maiksi niyang sagot

"Seriously?" sabi ko at nagpigil ng tawa

"Kung wala ka ng ibang magawa kundi pagtawanan ako, aalis na ako" sabi nito at nagdrive na ng mabilis

Gustong gusto na niya siguro niyang makalayo sa akin kaya ganon nalang siya magmaneho. Nagkalat na ata kasi ang mga gwapo sa mundo kaya lahat nalang ng mga nakikilala ko ay puro may itsura. Hindi ko man natitigan ng matagal si balong noon at ngayon ay alam kong may itsura na ito.

Ang tanong ay kailan ko ulit mapapanaginipan ang lalaking matagal ko nang hinahanap. Kung kailan ko ulit mararamdaman ang yakap niya at mga halik. Namiss ko tuloy siya!