Hindi na ako masaya love" sabi ko sa lalaking abala sa pagluluto
Napatigil nga siya sa pagluluto at lumapit sa akin.
"May problema ba tayo love?" tanong niya at hinawakan ang kamay mga ko
"Iwan mo nalang ako" sabiko at pilit tinatanggal ang kamay niya sa akin
"Hindi. Ayawko at saka bakit ko naman gagawin yun?" maluha luhang tanong niya
"Doon ka nalang sa babae mo!" Sigaw ko at pilit nagpupumiglas sa bisig niya
"Love, walang katotohanan ng lahat ng yan" sumbat niya habang yakap yakap ako
Nagising nalang ako sa sakit ng loob dito sa dibdib ko. I really can't imagine our situation. Bakit ganon na ang napapanaginipan ko sa kanya? Puru sakit na ang nararamdaman ko.
Sa kakaisip ko at paghahalungkat ng mga kasagutan sa lahat ng panaginip na yun hindi na ako pumasok sa school. Feeling ko kasi hindi lang din ako makakafocus sa pag-aaral if ever man na aattend ako sa klase ko.
Puru texts at calls ang natatanggap ko kina Mon, Nathan and friends at sa unknown number. Nag aalala na daw sila sa akin pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang new number na nagtext sa akin
"Pasok kana. Nag aalala na kami lahat sayo. Labas tayo minsan ng makapagkwentuhan tayo" text ng unsaved number
Kinaumagahan pumasok nga ako para di na sila mag alala sakin. Pati na din kasi sina mama hindi na din alam kung anong gagawin sa akin.
"Welcome back Missy! Namiss ka namin" bungad ni Mon at niyakap ako ng mahigpit
"Salamat naman at pumasok kana Missy. Nag alala kami sayo" sabi naman ni John
"Kakain tayo sa labas mamaya ng mawala yang dinadala mong problema" seryosong sabi ni Nathan at hinawakan ang kamay ko
"Salamat sa pag aalala. Wala akong problema, trip ko lang sigurong di pumasok" sagot ko at pilit na tumawa
"Hindi ganyan si Missy na kilala ko. Sa bahay tayo lahat mamaya. Overnight tayo total wala namang pasok bukas" -Nathan
Pumayag nalang ako ng wala silang masabi sa akin at para naman malibang ko ang sarili ko. Napakaconcern ng mga kaibigan ko sa akin at kahit hindi ako perpekto masasabi kong ang swerte ko kasi meron akong mga kaibigang kagaya nila.
Inihahanda ko na ang mga gamit ko ng may nagpitada sa harap ng bahay. Dali dali nga akong sumilip sa bintana para makita kung sino yun. Si Nathan pala susunduin na niya ako, ako nalang daw kasi ang kulang sa grupo. Nagpaalam na nga ako kay mama at lumabas na ng bahay.
*Nathan's house*
"Nandyan na pala si Missy! Halika na tulungan mo ako sa pagluluto ng ulam natin" yaya ni Mon sa akin
Sumunod na nga ako kay Mon para magluto ng pagkain namin. Mahilig magluto si Mon kaya naman gustong gusto kong matuto sa kanya. Masarap din ang luto niya. Napaparami ako ng kain pag siya ang nagluluto.
"Mon, ako ang magluluto tapos turuan mo ako" sabi ko kay Mon
"Oh sige Missy. I will guide you basta makinig ka ng maayos a?" Pabirong sumbat ni Mon
Nag umpisa na nga kaming magluto habang abala naman ang mga lalaki sa paggigitara at pagkanta. At si Nathan naman abala din sa paghiwa ng karne.
Wala ang parents ni Nathan dito sa bansa. Busy sila sa business nila sa Canada kaya naman okay lang na sa bahay nila kami magbonding.
Dalawa lang kami ni Mon na babae tapos 5 lalaki: sina Nathan, John, Miguel, Karl, Den at Adrian
Masaya kasi kahit papaano nangingibabaw parin ang pagkakaibigan namin. Kahit hindi ko pa ganon kaclose si Adrian ay magaan na rin ang loob ko dahil isa din siya sa nag alala noong di ako pumapasok sa school. Yes, tama siya nga yung unknown number na nagtext noon sa akin kasi according to him binigay daw ni Mon ang number ko sa kanya.
"Matagal pa ba yang niluluto nyo?" Tanong ni John na mukhang gutom na
"Konti nalang to. May mga chichiria kaming binili ni Adrian kanina dyan, yan na muna ang kainin nyo" sabi ni Mon
"Sige pero gusto ko na matikman ang luto ni Missy. Mas mapapamahal na naman siya sa akin pag natikman ko yang luto niya sigurado" nakangiting sumbat ni John
"Nasa loob ka ng pamamahay ko John. Tigil tigilan mo si Missy!" Singit naman ni Nathan
"Hay nakoo! Tumigil na kayo. Eto na, luto na. Matitikman na natin ang luto ni Missy" excited na sumbat ni Mon
Ganyan sila sa akin. Mag kakaribal man sila sa paggusto sa akin pero mas nangingibabaw ang pagkakaibigan ng bawat isa.
"Hindi ko tuloy maisip kung mag asawa na kami ni Missy. Araw araw niya akong lulutuan ng ganitong kasarap na pagkain" sabi ni Karl sabay nguya ng pagkain
"Uulitin ko Karl nasa loob kayo ng pamamahay ko. Ako lang ang may karapatan kay Missy" -Nathan
"Tumigil nga kayo. Di naman ganyan ang lasa niyan kung di dahil kay Mon. Nagpaturo lang ako sa kanya" -ako
"Talaga? Bukas si Mon nga din ang magluto ng matikman ko ang luto niya" sabi ni Adrian at tila ba may kumurot sa puso ko
"Oh sige. Para naman matikman mo. Tiyak siguro makakalimutan mo pangalan mo pag natikman mo!" pabirong sumbat ni Mon
Nagtawanan nalang kaming pito pero deep inside nasasaktan ako. Feeling ko kasi si Adrian yung lalaking nasa panaginip ko pero baka iba pala. Baka pala umaasa lang ako. Baka nag aasume lang akong siya yun sa kagustuhan kong makita na yung taong nasa panaginip ko. Nakisabay nalang ako sa tawanan para hindi sila makahalata.
Pagkatapos naming kumain tumambay muna ako sa roof top ng bahay nina Nathan. Napapaisip na naman ako kung sino talaga yung lalaking yun.
"Hi" bati ni Adrian sa akin
"Hello" sumbat ko
"Parang ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya at nagbuntong hininga
"Iniisip ko lang kasi yung lalaking nasa panaginip ko" -ako
"Darating din siya." -Adrian
"Sana nga darating na siya. Madami akong katanungan sa kanya" malungkot na sagot ko
"Ano nga pala yung kwento nang markang meron ka?" dagdag ko
"Gusto mo talaga malaman?" -adrian
Tumango nalang ako at nag umpisa na nga siyang magkwento
"Eto kasing marka na to ay napakaimportante sa founder ng grupo namin." -Adrian
"Then?" -ako
"May girlfriend kasi siya noon madaming nagkakagusto sa kanya dahil nga napakaganda niya. Perfect na perfect siya kaya ganon nalang ang paghanga ng ibang lalaki sa kanya" -adrian
"Hmm?" -ako
"Marami din namang may gusto na sila nalang until the end pero madami ding may ayaw. Yung mga ibang nagkagusto sa girlfriend niya, gumawa sila ng grupo para mas malakas ang pwersa nilang agawin siya sa kanya" -adrian
"Tapos?" -ako
"Kaya nag isip din tong founder namin ng paraan para malabanan tong ibang grupo. Nagrecruit siya ng mga lalaking gustong maging sila until the end. Pero ang kamali kasi ay di niya kilala lahat ng sumali, walang palatandaan kaya naman nakapasok ang ibang grupo para tangkahing kunin ang babae." -adrian
"Totoo lahat? Parang pelikula lang a." pabirong sumbat ko
"Huwag ko na kayang ituloy" Seryosong sagot niya
"Joke lang. Sige ituloy mo na" sabi ko
"Nakuha nila yung babae. Nilayo nila yung babae sa founder namin. Nagwala nga siya at mas pinalakas ang pwersa niya sa pamamagitan ng pagrecruit at pagmarka sa amin ng ganito. Palatandaan na hindi lang siya ang proprotekta sa babae kundi lahat kaming may tatak ng ganito" -Adrian
"Wow. Ang swerte naman ng babae. Ang daming protectors " -ako
"Pero noong mas malakas na ang pwersa ng founder namin para kunin yung babae, wala na siya. Hindi na mahanap kung nasan siya." -adrian
"Ano? Diba kinuha ng kalaban? Saan siya? Hinanap niyo ba ng hinanap?" Nag aalalang tanong ko
"Hanggang ngayon hinahanap parin namin yung babae kahit nabuwag na ang grupo dahil yun yung ipinangako namin sa kanya" -Adrian
"Asan na yung founder niyo ngayon?" Curious na tanong ko
"Hindi ko alam kung nasaan siya" simpleng sagot nito
Nalungkot ako sa kwento ng marka niya. Ganun pala kaimportanteng magkaroon ng ganung tattoo. Kung tutuusin sino namang tanga ang gagawa ng ganun para lang sa isang babae pero doon ko narealize na pag totoong pag ibig ang pinag uusapan, willing kang isugal lahat para sa kanya. Siguro kung ako man yung babae ang swerte ko na magkaroon ng ganung pagmamahal. Pero ano nga ba ang connection ng lahat ng yun sa napapanaginipan ko?