Chereads / Yesterday's dream / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Missy! tatapusin ko ang pageant to cheer you!" sabi ni Mon habang yakap yakap ako

"Mon, sa tingin mo makakaya ko? Nanginginig na ako sa kaba" sagot ko

"we trust you Missy! Manalo o matalo we're always here. Your admirers also support you. Ma-shock ka mamaya paglabas mo dito sa back stage" sabi niya at hinawakan ang malamig na kamay ko

"Thank you in believing me Mon, pray for me. Okay?" sumbat ko na sobrang positive

"Always Missy! Okay get ready kayo na ang next na papasok. Good luck Missy!" sabi ni Mon at niyakap ulit ako

Hindi ko naman first time makisali sa pageant pero sobrang kabado ako ngayon. Isa na sa rason ay di ako ganun kagaling sa question and answer portion pero ang tanging dahas ko lang to withstand the pressure ay ang mama ko at bestfriend ko.

"Eto na. Tatawagin na kami ng emcee! Kaya mo yan Missy. Trust yourself. Manalo o matalo dapat smile parin." Suyo ko sa sarili ko

"Candidate number 4" -emcee

Naghihiyawan na mga tao sa bleachers. Dapat very confident akong lumabas. Sasabog na ako sa pressure!

"GOOOOO MISSYYYY!" sigaw ng iba

Nawala ang kaba ko nang makita ko mga supporters ko. Feeling ko napakafamous ko na. Ginamit ko nga ito para maboost ang confidence ko and lucky enough nagawa ko namang rumampa at ngumiti ng maayos sa harap ng mga judges, supporters and friends

Eto na retouch retouch na naman with Mon para sa evening gown and the same time Q&A portion.

"Mon? Eto na kinakatakot ko" sabi ko kay Mon habang abala sa pagma-make up sa akin

"Missy, kaya mo yan. Don't doubt yourself kasi kaming mga supporters mo, we believe in you. So huwag kana mag isip ng ano ano dyan. Laban lang" payo niya na nagpatigas ng loob ko

"What if di ako mananalo?" tanong ko

"It's okay. Atleast you did your best Missy! Ang importante ngayon ay ang lumaban ka. Don't think too much kasi mas makakasira yan sa beauty mo tonight and to your performance as well" sagot niya habang nakangiti sa akin

"Iloveyou Mon. Thankyou for supporting me to all my up and downs. You're really a good friend to me." Drama ko

"Iloveyoutoo Missy always and forever." Sagot niya at niyakap ako

Natapos din ang pageant but sadly di ako nanalo pero masaya parin kasi nasa first runner up ako and nalaman kong marami paring naniwala sa kakayahan ko kahit ganito akong tao. I really appreciate those supporters of mine na intact parin hanggang matapos ang pageant.

"Congratulations anak" surprise ni mama pagpasok ko sa pintuan ng bahay

"Ang galing mo ate!" Singit naman ni Miko

"Sayo talaga ako nagmana ate" dagdag naman ni Maine, ang bunsong kapatid ko

"Thankyou mama at mga ading ko pero hindi ako nanalo" sagot ko at ngumiti

"Anak okay lang yan. Proud na proud parin kami sayo. Hindi ka man nanalo sa pageant, number one ka naman sa puso namin" Sabi ni mama

Nagyakapan nalang kaming apat since wala naman ang kuya Mike ko.

-----------------------------------------------------------

"Anong gusto mong ulam love?" Tanong niya habang nakaback hug sa akin

"Ako na magluluto para sayo love! Masarap akong magluto" sagot ko at humarap sa kanya

"Sige love. Gusto ko adobong manok, alam mo naman na ang paborito ko" sabi niya at inilapit ang mukha niya sa akin

"Iloveyou love" -ako

Maghahalikan na kami noong nagising ako. Ano ba? Pati ba naman sa panaginip nabitin ako? Andun na e! Malapit na e! Baki di matuloy tuloy? Dapat kasi makilala ko na siya nang hindi na to puru panaginip!

Papasok na ako sa school nang nakita ko ang lalaking sumisilip noon sa amin. Lalapitan ko na sana siya kaso nag alinlangan ako. Baka kasi kung anong masabi niya sa akin pag ako ang unang lumapit sa kanya. Pero naglakas loob parin ako pero nung tatangkain ko ng lumapit may aksidenteng nangyari, nadulas ako. Hindi ko nakita ang warning sign na wet pala yung floor ayun natumba ako.

"Miss okay ka lang?" Tanong ng isang lalaki habang hawak hawak ko pa ang bewang ko

"Oo, okay lang ako. Makakaalis kana. Salamat nalang" sagot ko na nakayuko. Nakakahiya naman kasing magpatulong kung sarili kong katangahan ang dahilan

"Hindi Miss. Dalhin na kita sa clinic" yaya niya

"Kaya ko to. Umalis ka nalang" sagot ko habang nakayuko parin

Tinangka niyang hawakan ang kamay ko dahilan para tingnan ko siya at sigawan

"ANO BA?! OKAY LANG AKO!"Pasigaw ko

Pero halos matunaw ako sa hiya noong makita ko ang lalaking tutulong sa akin na nasigawan ko pa

"Gusto ko lang makatulong Miss. Halika na. Sasamahan kita" sabi niya at inabot ang kanyang kamay

Oo. Nakakahiya dahil siya yung lalaking gusto kong makilala. Siya yung sumisilip noon. Para naman mabawasan yung kasalanang nagawa ko hinawakan ko nalang ang kamay niya at nagtungo na kami sa clinic. Iba na kasi ang pakiramdam ko parang may masakit sa may bantang pwetan ko.

"Missy, magrest ka muna" sabi ni Doc

"Okay Doc. Thankyou " sagot ko

"Miss okay kana ba?" Tanong ng lalaking tumulong sa akin

Tumango nalang ako bilang kasagutan

"Ako pala si Adrian. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong niya

"Missy" maiksi kong sagot at tumawa siya

"May nakakatawa ba sa pangalan ko?" Asar na tanong ko

"Wala naman. Natawa lang ako kasi naman miss ako ng miss yun pala dadagdagan lang ng letter Y. E basta!" pigil tawang sagot niya

"Weird mo!" Asar paring sagot ko

"Ganda ng uniform niyo! Isa ka pala sa mga medical students dito. Siguro magaling ka no?" Tanong niya

"Porke medical student magaling na?" Tanong ko naman sa kanya

"Oo naman. Humahanga nga ako sa inyo." Sagot nito

"O sige. Pwede na ba kitang iwan dito? May klase na kasi ako." Dagdag niya

"Oo. Okay na ako. Pasok kana baka ma-late kapa." Sagot ko naman

"Okay. Pagaling ka" sabi niya at tinapik ako

"Okay salamat." Sagot ko at napatingin ako sa braso niya. Ang marka nakita ko sa kanya.

"Tekaa--" pagpigil ko sa kanya pero umalis na.

Nasa kanya ang markang napapanaginipan ko. Anong ibig sabihin non? Siya na kaya yung hinahanap ko? Pero napakaimposible! Baka kagaya lang niya yung markang napapanaginipan ko. Saka di naman siya mukhang yummy hindi gaya sa panaginip kong sobrang yummy niya!

"Missy? Okay ka lang ba?" Pag aalalang tanong ni Mon

"Oo Mon. Okay lang ako." Sagot ko naman

"Ay salamat. Akala ko kung ano na nangyari sayo?" Pag aalala niya

"Mayy---" napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi

"May? Ano?" Tanong niya

"Wala Mon. Kalimutan mo na yun" sagot ko

"Gutom ka lang. Tara na ng makakain na tayo para maka-attend ka na rin sa second subject natin" yaya niya

Hindi parin mabura sa isip ko ang lalaking yun. Parang nabigyan na ng mukha ang lalaking laging nasa panaginip ko. Gusto ko ulit siya makita at makausap pero first name lang naman ang alam ko sa kanya.