Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 16 - Chapter 15 : Strange Pain

Chapter 16 - Chapter 15 : Strange Pain

Ang ganda at ang laki nitong condo ni Jazz, grabe! Pwede yata isang pamilya rito, eh. Tsaka kung makikita lang ni kuya Mico itong T.V niya, mababaliw 'yon kasi mas klaro na 'yong itsura ng mga paborito niyang Korean at Chinese actors sa laki ng screen.

Pero, hoy, huwag kung anu-ano ang iniisip niyo riyan, ha. Andito ako sa condo niya dahil isang oras lang naman kaming nag-antay ng jeep, pero wala na talagang dumadaan na may bakante pa. Matumal kasi talaga kapag umuulan, eh, at dahil malapit lang naman doon sa binabaan ko 'yong condo ni Jazz, niyaya niya muna akong pumunta rito dahil kapag hindi kami umalis doon ay siguradong basang sisiw na kami. 

At saka 'yong legit na pag tibok ng puso ko kanina baka nabigla lang talaga ako na dadating siya sa gano'ng sitwasyon tapos papayungan niya pa ako, hindi ba parang ang cute namin.

"Buti na lang talaga at may binili ako sa katapat na convenience, Mon, dahil kung hindi, hindi kita makikita at paiguradong basang-basa ka na ngayon," sabi ni Jazz habang dala-dala 'yong sopas na niluto niya.

"Buti na lang talaga, Jazz," nakangiting sabi ko. 

Nakakatuwa namang tingnan itong si Jazz, pang lalaki ang suot, pero may tuwalya sa ulo animoy ang haba ng buhok niya. Hay! 

Kakatapos lang din kasi niyang maligo, gusto ko rin sana dahil pakiramdam ko ang init-init kahit umuulan, pero wala naman akong bitbit na extrang damit, 'no.

"Wait me here, Mon," aniya at pumasok sa isang kwarto.

Kinain ko na lang din 'yong niluto niyang sopas. "Hmm, may talent pala sa pagluto itong si Jazz," bulong ko pa. Halos maubos ko na 'yong isang bowl, pero hindi pa rin bumabalik si Jazz. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Umuulan pa naman. Hmm, baka...nag ritwal? Joke!

"Sorry, natagalan ako. I get lots of clothes kasi, Mon. Hindi ko kasi alam kung ano 'yong taste mong damit at halos 'yong pang babae ko kasing damit ay sexy. I'm pretty sure you don't wear revealing dress, right?" aniya at ibinigay sa'kin ang napakadami ngang damit. Mighad! "And here, a mystical firebird thong, made by Lolevila. I didn't use that underwear, don't worry. Maligo ka muna nang hindi ka magkasakit, naambunan ka pa naman," dagdag pa niya at naupo na sa couch.

Nakatingin lang ako sa ibinigay niyang panty! Halata namang hindi pa 'yon nasusuot, pero...isusuot ko ba 'to? Magsusot talaga ako nitong panty na mukhang may feathers na ewan, basta maganda siya, pero hindi talaga siya 'yong panty na usually kong isinusuot, hindi kaya magrereklamo ang baby Maundy ko?

"Hesitating to wear it?" natatawang tanong niya. "I still have lots of unused underwear there, pero kasi alam kong hindi ka komportable ro'n, napaka revealing no'n, regalo 'yon ni Chal Raed from Canada, gusto mo ba 'yon?"

Baka naman T-back na 'yon? Iw! Hindi na, pagtitiisan ko na 'tong panty na maganda, pero mukhang ewan.

-Here's a picture of that Mystical Firebird Thong, made by LoLeviLa

Umiling ako sabay sabing, "ito na lang gagamitin ko," at pumili na ako ng damit. Grabe ang daming magaganda, ang hirap pumili! "Magkano nga ba 'tong underwear na 'to, Jazz?" biglang tanong ko.

"Why? Babayaran mo?"

"Depende kung afford."

"That's 13 dollars only, in Philippine peso that's almost 676 pesos."

Huta! Ano raw? 676 pesos?! Para panty lang? Jusko! Ibabalik ko na nga lang 'to.

"Why are you giving it back?" takang tanong niya. 

Hindi pa ba obvious, Jazz? Hindi ko 'to kayang bayaran! 

"Iyo na 'yan, Mon. I have lots of it, huwag mo ng bayaran, everything is free, basta ikaw," dagdag pa niya dahilan para makahinga ako nang maluwag.

"Pati rin itong damit libre?" paniniguro ko pa at agad naman siyang tumango. 

Very good! Pwedeng akin na lang lahat? Charot! Abuso!

"I only use my girl's clothes once, kapag nag ba-bar kami and we want to look like a lady," aniya. Wow, talagang handang-handa ang mga baklang 'to! Sabagay, mayayaman naman kasi, afford na afford ang pangbabae at panglalaking mga damit.

Nang makapili na ako ng isusuot ay agad na akong nagpunta sa banyo. Isang short na 3 inches above the knee na may konting palamuti at off shoulder ang napili ko, halos lahat kasi ng ibinigay niya ay formal dress, hindi naman ako makiki-party, 'no.

Matapos kong maligo ay parang nag-aalangan pa akong lumabas, itsurang babae talaga ako ngayon. Mighad! Tapos 'yong panty na sobrang mahal, napaka-comfortable isuot, siguro 'pag nasa kwarto lang ako at sobrang init hindi na ako mag susuot ng short, kasi medyo may kahabaan kasi 'yong feather-feather na desinyo, eh.

"Oh, you're done. Give me your clothes, I called someone to wash it for you. Hindi ba isusuot mo pa 'yan pagkauwi mo nang hindi ka mapagalitan ng mga kuya mo dahil ganyan ang suot mo," aniya at kinuha nga 'yong suot kong damit kanina. "Anyway, seeing you wearing that clothes seems so pretty. Mas bagay talaga kapag totoong babae ang nagsusuot, kaysa sa bakla," natatawa pang sabi niya. Totoo naman, lalo na kapag siya ang nagsuot, bruskong-brusko 'yong katawan niya tapos magooff shoulder siya? May muscles ang binti niya tapos mag so-shorts siya? Mighad, justice!

***

Mahigit trenta minutos na rin kaming nag-uusap ni Jazz ng kung anu-ano. Nag ki-kwento siya tungkol sa family niya, kay Chal Raed at marami pang iba. Hinihintay ko na lang din na tumila ang ulan para makauwi na ako. Tinawagan ko na rin 'yong mga Kuya kong O.A para hindi na sila mag-alala at sinabi kong nasa bahay ako ng kaibigan ko, hindi na rin naman nagtanong si Kuya Mico kung sinong kaibigan kaya medyo napanatag ako.

"Do you know why I like you, Maundy?" nagulat talaga ako sa tanong niyang 'yan. 

Nagkoconfess ba siya? Mighad! Hindi ako ready! 

"H-hey, don't get me wrong. I like you for being you, but not in a romantic way, okay?" teka, isisink-in ko muna 'yang sinabi mo, Jazz, "I do really like you, Mon, because you somehow resembles my Tita," pagpapaliwanag pa niya.

Okay! 100%, gets ko na! Pahiya na naman tayo ng konti! Masyado talaga tayong over thinker. Hay!

"Tita mo? Magkamukha kami?" tanong ko. Pakiramdam ko, umiiral na naman 'yong pagiging dugong tsismosa ko.

"Yeah, but she's 3 years dead. Leukemia 'yong ikinamatay niya," malungkot niyang sabi. Ramdam na ramdam ko 'yong kalungkutan ni Jazz. Naalala ko tuloy sina Mommy at Daddy, nami-miss ko na sila.

"I-I'm sorry."

"It's okay," ngumiti siya, kahit halatang malungkot talaga siya ngayon, hay, "kung siguro nabuhay 'yong anak ni Tita no'ng naaksidente sila may magmamatch sana sa bone marrow na kinakailangan niya, so she'll survive. Pero wala, eh, wala kasi talagang iba na nag match kay Tita, siguro hanggang doon na lang talaga 'yong buhay niya," nakayuko pang usal niya. Lumapit ako bahagya sa kanya at marahang tinapik 'yong likod niya.

Noong namatay sina Mommy at Daddy kahit nasa murang edad pa lang ako, gayan din 'yong nasa isip ko. Siguro hanggang doon na lang sila. Kung hindi man sila mamamatay dahil sa sunog, siguro sa ibang paraan naman, dahil 'yon na talaga 'yong oras nila, naubos na siguro 'yong kandila nila at 'yon na 'yong oras na kukunin na ni Lord 'yong buhay na pinahiram niya.

"Pero, no'ng makita kita sa company ni Tito Chan, sobrang saya ko," muling usal pa niya. "Remember, we almost hit you kasi bigla kang tumawid, buti na lang at mabilis na naipreno no'ng driver ko 'yong sasakyan," oo nga, naalala ko na naman 'yon, 'yong araw na nag sorry ako kahit hindi ko naman alam kung narinig ba nila 'yong sorry ko at 'yon 'yong araw na nakakita ako ng sobrang gwapo at perpektong lalaki na bakla pala. Hay!

"Masaya ka kasi magkamukha kami nang Tita mo?" tanong ko.

"Precisely," nakangiting sagot niya.

Aw! Masaya ako na masaya si Jazz. Mabuti na lang talaga at magkahawig kami ng Tita niya kahit papano ay napapasaya ko siya. Yiiee! 

"Actually at first, gusto lang talaga kitang kaibiganin dahil you look like her, but as time passes by, mas lalo kitang nakilala at you really are a good person, plus point na rin 'yong ang saya mong kasama," dagdag pa niya.

Napangiti naman ako agad. Compliment kaya 'yon. "Mabait din kasi kayong dalawa ni Chal Raed kahit na harap-harapan kayo kung magharutan," sabi ko na agad niyang tinawanan.

Ilang sandali lang ay mag door bell at pumasok 'yong babaeng kumuha ng mga damit ko kanina. "Thank you," nakangiting sabi ni Jazz kay Ateng naglaba ng damit ko at saka ibinigay 'yon sa'kin.

"Salamat ulit," sabi ko at agad na ring nagpunta sa banyo para magpalit, pero napahinto ako at parang medyo nahihiya nang tawagin siya. "Ah, Jazz, ibabalik ko ba 'tong mga damit sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"No, it's already yours," aniya. Ngumiti na lang ako saka tuluyan nang nagpuntang banyo.

***

Nanatili muna ako sa condo niya ng mga ilang minuto hanggang sa mga bandang 7 ay tuluyan nang tumila ang ulan.

"Are you sure, Mon, na hindi ka muna kakain?" kanina pa niya 'yan tinatanong, eh. Simula pag labas namin sa condo niya, sa elevator at hanggang dito sa labas.

"Hindi na talaga, Jazz. Hindi naman sa nahihiya ako, 'no, pero kinakailangan ko na muna talagang tanggihan 'yang offer mo para makakain pa ako sa bahay. Minsan kasi nagtatampo 'yong Kuya ko kapag hindi ko kinain 'yong luto niya," sagot ko naman.

"Oh, how cute he is," aniya. 

Iwness! Ang harot nang pagkakasabi niya!

"May taxi na rin sa wakas," bulong ko at agad 'yong pinara. "Thank you ulit, Jazz," muli kong sabi. Siguro pang bente dos ko na 'yang thank you, kulang pa kasi 'yan sa pagtulong niya sa'kin ngayon.

"Don't mention it, Mon, ingat ka," aniya. Kumaway na siya sa'kin kaya kumaway na rin ako pabalik at nagpaalam na nang umandar na 'yong taxi.

Isinandal ko 'yong ulo ko sa may bintana ng sasakyan habang iniisip kung ano nga ba ang mukha no'ng Tita ni Jazz na kamukha ko raw. Siguro ang ganda-ganda rin niya. Sayang kasi nakalimutan kong itanong kay Jazz kung may picture ba siya no'ng Tita niya.

"Oh, Manong ba't po tayo huminto?" tanong ko bigla no'ng  hininto ni Manong Drayber 'yong sasakyan.

"May banggaan po kasi, Miss, hindi pa yata nakukuha 'yong katawan sa sasakyan," sagot niya kaya agad umiral 'yong dugong tsismosa ko. Ibinaba ko 'yong bintana at tiningnan 'yong sinasabi niyang banggaan. Nasa loob pa nga nang sasakyan 'yong mag-ina at mukhang may tao rin sa likuran.

Napailing ako habang medyo naiiyak na rin. Kawawa 'yong mag-ina kasi punong-puno ng dugo. I wonder kung buhay pa ba sila.

"Miss, dito na lang ho tayo sa kabila dadaan, ha, mukhang matatagalan pa kasi tayo kung hihintayin nating maialis 'yong mga biktima," usal ni Manong Drayber na agad kong sinanga-ayunan.

"Ahh!" napahawak ako sa ulo ko nang bigla na lamang itong kumirot.

"Miss, okay ka lang?" tanong ni Manong Drayber. Nagmana rin 'to sa'kin eh, may pagka-tsismoso, charot! Siguro nag-aalala lang siya, Maundy! Napaka judger mo!

"Okay lang ho ako," sagot ko naman, pero, mighad! Ang sakit talaga ng ulo ko. Hay! Baka ito na 'yong resulta dahil naulanan ako. Nakakainis naman 'to! 

Pero, naalala ko, ganito talaga ako kapag may nasaksihan akong aksidente at may napakaraming dugo, sumasakit 'yong ulo ko kahit sa palabas nga lang eh naapektuhan pa rin 'yong ulo ko, weird, pero nakasanayan ko na rin. 

Pero, ang sakit-sakit lang talaga ngayon! 

Matulog na kaya muna ako, tutal malayo-layo pa naman 'yong byahe. Gigisingin naman siguro ako ni Manong Drayber kapag nasa Loyola Village na kami. Hehehe!

Nakapikit na ako nang  bigla na lamang may kumalabog saka tuluyang nagdilim ang buong paligid.