Brusko ang katawan, pero naka bestidang pula! Mighad! 'Yong mga muscle niya labas na labas!
Ano bang samaligno sumapi rito?
Putok na putok ang labi, on fleek na kilay, naka piloka, ang haba pa ng buhok, may pa bangs pa, haba pa ng takong ng kanyang sapatos, Jusko!
Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil parang trying hard siya, o maiinis dahil kinabog ang ganda ko? Hay, ewan!
"Siiis! You're so early for tomorrow," sarkastikong sabi nito nang tuluyan kaming magpang-abot. Hindi ko talaga siya kayang titigan at ang weird niya kasi. Kung saan-saan na lang ako napapatingin habang tinatalakan niya ako na ang tagal ko raw, hags na raw siya, at kung anu-ano pa. Marami na tuloy ang mga taong napapalingon sa amin. May iba namang titig na titig sa kanya na hindi mo maintindihan ang mga itsura kung nagagandahan ba o nanghihinayang dahil ang gwapo niya talagang lalaki! "Nakikinig ka ba, Sis?" tanong niya at doon lang ako tuluyang napatingin sa kan'ya.
"Y-yes, Sir? I mean, Boss? Or, Ma'am?" sunod-sunod kong tanong dahilan nang biglaan niyang pagngiti. At ito ako, tinatago ang lihim na kilig, charot! Ang gwapo niya kasi talaga, kahit ganyan pa ang ayos niya, ang gwapo niya pa rin, lalo na kapag nakangiti siya. Oh, heaven!
"Call me whatever you want, Sis. 'Yong kung saan komportable ka," aniya habang nakangiti pa rin.
"Love?" wala sa sariling tanong ko.
"Huh?"
"I-I mean...love! Love ko 'yong suggestion mo na tawagin kita sa kung saan ako komportable, gano'n," talino mo, Maundy! Best in palusot! Ikaw na, ikaw na ang reyna!
"Ahh. Akala ko bet mo ko, Sis, eh! Kaloka 'yan, ha. Remember, babae rin ako, mas babae pa ako sa'yo," matapos ay umikot pa siya at talagang pinainggit sa akin na ang ganda-ganda niya kapag naging babae siya!
"Hehe, oo, lagi kong tatandaan 'yan," peke talaga ang ngiting pinakita ko sa kanya. "Bakla—" hindi ko natapos 'yong sasabihin ko dahil tinaasan niya ako bigla ng kanyang on fleek na kilay.
"Bakla talaga?" asar tanong niya.
"Ano ba dapat?" tanong ko. Hindi naman siya sumagot at tinalikuran na ako. Nakasimangot naman akong sumunod sa kanya palabas sa Yummy resto.
Ano ba dapat kong itawag sa kanya? Ayaw niya ng Love, ayaw rin sa Bakla...so, ano ba talaga?
"Sis?"
Babe na lang? Eh, ang harot naman!
"Sis?"
Baklita? Ay, sagwa! Parang bakla pa rin.
"Sis?"
Sis na lang din kaya? Para mukhang endearment? Yiieee—
"AY! KALABAW!" sigaw ko at naitulak ko bigla 'yong mukha niya dahil hindi ko inaasahan na ang lapit-lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko! Gosh! Paano bang nangyari 'yon? "S-Sorry," paghingi ko agad ng tawad.
"Kaloka naman, Sisteret! Makatulak, wagesh! Mamaya hindi na pantay ang foundation ko at kamay mo na ang nakamarka sa mukha ko!" maarte talaga na sabi niya habang tinitingnan ang mukha sa salamin.
Napatingin ako sa kanya at pilit tinutumbasan ang kanyang titig sabay tanong ng, "b-bakit ba kasi ang l-lapit-lapit ng mukha mo s-sa'kin?" Kahit na nauutal at may kung ano sa akin ang 'di ko maintindihan ay mas pinili ko na lang na palakasin 'yong loob ko at kausapin siya na parang hindi 'yon nangyari.
"I've been calling you kasi, tapos you're not listening naman. Naging manikin ka earlier eh, kaya nilapit ko 'yong mukha ko sa'yo para magising ka sa pagkakastatwa mo," pagpapaliwanag niya. "Ay, hindi pala! Ginawa ko 'yon para magising ka, magising ka sa katotohanan na mas maganda ako sa'yo," dugtong pa niya habang pabebeng natawa.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi. Kapal din ng panga nitong Baklang 'to, ha! Over sa taas ang self confidence, 'yong tipong mas mataas pa riyan sa hanggang pwetan niyang blonde hair!
"Hoy! Tulaley again, Sis? Tara na nga," nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, pero napailing ako nang sa make up section pala ang punta namin. "Sis, what do you think na mas pretty, red lipstick or maroon?" tanong niya pa sa akin.
"Maroon," diretsong sagot ko. Mighad, Bakla! Pwede bang i-alis mo na 'yang pagkakahawak sa kamay ko dahil pakiramdam ko namamawis na talaga siya! Iwy na!! "G-Girl?" tawag ko sa kanya at nakangiti naman niya akong nilingon. "Y-Yong kamay ko kasi namamawis na," naiilang kong sabi.
Napatingin naman siya roon at agad na binitiwan. "Sorry, Sis, ha, pero kasi..." bigla niya na lamang pinulupot 'yong braso niya sa braso ko, "...clingy talaga ako, Sis, eh," dugtong niya. Wala na akong nagawa kun'di ang hayaan siya. Hindi naman sa naiilang ako dahil crush ko siya or whatever, naiilang ako kasi hindi naman kami close o kahit magkaibigan para maging touchy, 'no.
Nakalabas na kami sa make up section matapos ang isang oras at kalahati! Sobra siyang mapili! Minsan nga ay parang ayaw ko na lang magbigay ng suhestyon dahil hindi naman niya sinusunod! Kung hindi niya lang talaga ako tinatanong ay talagang hindi na ako magsasalita, eh.
"Helloowie?" biglang usal niya. Akala ko ay nakatulala na naman ako at ako ang kinakausap niya, pero napagtanto kong may kausap pala siya sa cell phone niya. "4 PM, sharp?...Okay, pupunta aketch! Prepare a bucket of...boylet!"
Harot, ha!
"Dapat marami! 'Cause I'll be bringing someone later...You know her, Darling...Okay, I'll eat my lunch now. Seeya!" ibinaba na niya ang cell phone niya at muli na namang humawak sa kamay ko. "Let's have a date, Sis," aniya. Hay! Kung hindi lang talaga siya nagboboses babae at walang 'Sis' siguro kinilig na ako, todamax!
***
Matapos ang 'date' kuno namin— na siya lang naman ang nag enjoy kakaharot sa mga crew ng Yummy resto—ay muli kaming nag ikot-ikot sa A mall. Sobrang sakit na nga ng paa ko eh, pero siya parang wala lang kahit ang haba-haba no'ng takong niya, halatang beterana ang Bakla!
"Let's gooo!" masayang sabi niya at hinila ako papasok sa loob ng bar. Agad bumungad sa akin ang iba't ibang amoy ng usok, masasakit sa matang ilaw, at napakaingay na tugtog. Kung hindi ko lang responsibilidad na samahan ang baklang 'to sa kung saan-saan ay malamang iniwan ko na 'tong mag-isa eh. Hindi na ito parte ng trabaho ko, pero sabi kasi ni Boss na kailangan kong sundin 'yong anak niya at dapat kilalanin ko raw para hindi ako ma-awkward sa kanya, kaya kahit hindi ko trip itong bar-bar na 'to ay kailangan kong pag-tiisan, no choice!
Naupo na lang ako habang tinitignan ang mga taong sumasayaw na parang wala ng bukas. Kaya lang ay hindi talaga ako mapirme ngayon, kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit panay ang tinginan sa akin ng mga tao rito sa bar. Simula nang pagpasok namin dito hanggang ngayon ay napapalingon sila sa akin. Ganyan na ba ako kaganda, pati mga babae natotomboy na?
"Stop giggling and wear this, Sis," usal ni Bakla at binigay sa akin ang isang supot. "Look, ikaw lang ang naka office attire here," dugtong niya at agad akong napatingin sa suot ko at sa suot ng mga babae ngayon dito. Lahat sila halos pormado, may ilang labas na labas ang kaluluwa, may iba naman na okay na, pero sexy pa rin. Tapos eto ako, pormal na pormal ang suot sa loob ng isang pang party na lugar! Kaya pala panay ang tinginan nila sa'kin, akala ko pa naman ang ganda-ganda ko, assuming lang pala ako!
"Hmm, G-Girl," tawag ko kay Bakla na busy kakatype sa cellphone niya. "Okay na ako sa suot ko—" hindi ko natapos 'yong sasabihin ko nang may dalawang babae ang huminto sa harap namin at nihead to foot ang Lola niyo, kala niyo mga Dyosa madyo-dyoga lang naman!
"Oh, cool outfit," sabi ng babaeng kulang na lang kita na buong dede niya.
"You're so unique, ha. Pauso? Office attire sa loob ng bar?" tanong naman ng isa pa niyang kasama na may suot ngang short pero kita na halos 'yong pisngi ng pwet niya. Grabe!
"Will you please go away? You girls smell so stinky," mataray na sabi ni Bakla. Napatingin tuloy ako sa kanya na gulat na gulat ang itsura.
"Mas mabaho ka, Bakla!" 'yong mukhang uod na babae naman ang nagsalita. Uod talaga, kita mong mabilbil nagsuot ng sobrang fit na damit.
"Shut your damn mouth if you don't want to taste this dirty floor right now," kalmado, pero seryoso talaga na sabi nitong si Chal Raed. Nawawala na rin 'yong pagiging boses babae niya, nakakatakot na rin 'yong itsura niya, 'yong tinginan niya parang nagsasabi na 'magsalita pa kayo, ingungudngod ko 'yang mukha niyo sa sahig'.
"We're scared, Bakla," sabi pa ni Uod at kunyari ay umakto pa silang naiiyak at natatakot.
Aambahan na sana ni Chal Raed 'yong babaeng uod, pero agad akong pumagitna. "Sorry ha, pero alis na kami," matapos kong sabihin 'yon ay agad ko ng hinila ang Bakla papaalis doon.
"You're so KJ, Sis! Makikita mo na sana kung paano ko ipapatikim sa mga trashy girls na 'yon ang sahig ng bar na 'to, eh," reklamo pa niya. "Kapag talaga nakita natin ulit 'yon ay talagang makakatikim sa akin 'yon, lalo na kapag—what?" tanong niya nang mapansing titig na titig ako sa kanya at talagang walang emosyon ang makikita sa mukha ko.
"I hate making a scene, pero ikaw, napaka iskandalosa mong Bakla ka," seryosong sabi ko sa kanya na agad niyang ikinagulat. "Akin na nga ulit 'yang damit na 'yan! Magbibihis na ako!" hindi ko naiwasang sungitan siya dahil talagang nainis ako sa sinabi niya na kapag nakita niya ulit 'yong tatlong babaeng 'yon ay ipapatikim na niya sa kanila 'yong sahig. Hindi ba pwedeng palipasin niya na lang 'yon at tuluyang kalimutan? Naghahanap pa ng away eh, tapos kargo ko pa siya? Mapapagalitan pa ako ni Boss nito.
Matapos kong kuhanin sa kanya ang supot ay aalis na sana ako nang magsalita siya bigla. "I'm just trying to protect her, 'di man lang ma-appreciate. Hindi ko naman susugurin 'yong trashy girls kapag nagkita kami ulit, pwera na lang kung i-insultuhin ulit nila itong skinny, short legged na babaeng kasama ko," aniya.
And, boom! My conscience hits me hard. Nakagat ko na lang 'yong labi ko dahil hindi ko alam kung paano ko babawiin 'yong pagsusungit ko. Nakasimangot tuloy akong nagpunta sa cr.
***
Napanganga ako bigla nang makita ang damit na nais niyang ipasuot sa akin. Ito 'yong damit na kinaiinggitan ko! Lagi ko itong tinititigan sa tuwing nagpupunta ako sa A Mall, wala kasing bumibili dahil mahal! Isa siyang one-shoulder, royal blue cocktail dress, tapos kumikinang-kinang! Gustong-gusto ko siya, kasi paborito ko 'yong kulay, hindi masyadong sexy pero napaka glamorous ng dating.
Pero, bakit nga ba binili niya 'to at pinasuot sa akin? Nakita niya bang tinitigan ko 'to o gusto niya rin 'tong damit? Ay, ewan! Tatanungin ko na lang mamaya.
Lumabas na ako roon at hinanap ko siya agad, pero, my gosh! Ang daming tao, hindi ko siya mahagilap! Saan ba nagsusuot 'yong baklang 'yon?
Nagulat ako nang may naglagay ng jacket sa akin mula sa likuran. Nilingon ko siya, pero hindi ko naman siya kilala.
"Nagsitayuan kasi 'yong balahibo mo kaya binigyan kita ng jacket, maginaw pa ba?" tanong niya. Kahit hindi ko pa siya nakausap ng sobrang tagal ay tumatak na sa akin ang boses niya.
"Jazz? Jazz Powers?" tanong ko at agad naman siyang tumango.
"Tara puntahan natin si Chal Raed," aniya at hinila ako.
Wala silang pinagkaiba ng Baklang Chal Raed na 'yon! Huhuhu! Kung si Chal Raed naka pulang bestida, ito namang si Jazz ay pink na pink!
Mahaba rin ang buhok niya pati na ang takong ng kanyang sapatos, at syempre naka make up din siya!
My God! Ano bang nangyayari sa kanila? Okay na 'yong babakla-bakla silang magsalita at kumilos, pero itong mag anyong babae na talaga—hindi ko tanggap! Mas maganda pa sila sa kung sinong babae riyan, kaya lang ay talagang lumilitaw ang malalaki nilang katawan!
Hay, Jusko!