Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 7 - Chapter 6 : Baby Bro

Chapter 7 - Chapter 6 : Baby Bro

Palakad-lakad ako sa labas ng opisina ni Chal Raed habang patuloy na nag-iisip kung bakit gusto siyang makausap no'ng Englisherong Hypebeast.

Hindi talaga ako mapapanatag nito!

Nasa isip ko kasi baka mag ex-jowa talaga sila, ayaw naman kasing sabihin ni Englisherong Hypebeast! Kanina tanong ako nang tanong, hindi naman niya sinasagot! Leshe napakadamot!

Napatigil ako sa paglalakad nang may bigla akong naalala sa pinag-usapan namin kanina.

"2 minutes and 24 seconds," natinag ako bigla mula sa pagkakatitig ko sa kanya nang sabihin niya 'yon, "keep on staring at me so you can beat your own record," dagdag pa niya. Ano na naman ba ang pinagsasabi niya? "You look puzzled. What I am saying is the scenario happened when we first met, remember? You stared at me for three minutes. Are you trying to stare at me again for that long, or this time, you want to make it longer than what you did the last time?" tanong pa niya. Napatango-tango naman ako.

Pero ha, bilib lang talaga ako sa pamamaraan ng pagsasalita niya, hindi mo talaga maririnig 'yong 'kahanginan', kasi kung nahahanginan na ako sa kanya ngayon malamang nasapak ko na 'to.

Huwag ka, liliit-liit man tong braso ko mapapatulog ko pa rin ang kung sinong bruskong siraulong iinisin ako.

"H-hey! Why are you showing me your fist? Are you planning to hit me? I was just joking," seryoso talagang sabi niya. Sorry naman nadala ako sa pinag-iisip ko kanina at 'di ko namalayang nailabas ko bigla 'yong kamao ko.

"H-hindi naman, hobby ko lang talaga na ikuyom 'yong kamay ko," pagpapalusot ko pa at saka ko itinago agad ang kamay ko.

"Ahh, t-that's unique, ha," aniya. Tumango-tango na lang ako at pekeng ngumiti sakanya. "Hmm, so just like I said earlier, can you please set me an appointment with Mr. Chal Raed?"

Tiningnan ko naman agad 'yong sched ni Chal Raed at sa ngayon ay 'di naman busy ang Baklush. "Pwede mo na siyang puntahan ngayon, hindi naman siya busy," sabi ko sa kanya.

"Thank you so much," aniya at agad na tumayo. Excited yata siyang makausap si Chal Raed, ha. "I'll go now," pagpapaalam niya at ngumiti na lang ako bilang ganti. "I'm so excited to see him," may emosyon niya talagang sabi saka niya ako tinalikuran at tuluyang lumabas.

"Waaaa—" natakpan ko agad ang bibig ko nang hindi ko namalayan na napangawa na pala ako.

Kasi naman, eh! Ano bang meron kay Chal Raed 'di ba para ma excite siya?! At ano naman ang pakialam ko, 'di ba?!

"Siraulo ka, Maundy. Ba't nga ba todo react ka? Pake mo ba ha? Baka mamaya niyan nagkakaganyan ka dahil isa sa kanila crush mo? O baka sila talagang dalawa? Ano? Tama ako, 'di ba?" dire-diretso kong tanong sa sarili ko. "Hala, hoy! 'Di, ah!" sagot ko naman.

Hay! Abnormal na nga yata talaga ako! Self naman, tigilan mo na ang pag-aadik!

"Talking to the air?"

"AY KALABAW!" hindi ko napigilang mapasigaw nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko siya at bumungad naman sa akin agad ang genuine niyang ngiti—halaka, Maundy, may pa genuine-genuine ka pang nalalaman diyan!

"I-I'm sorry, did I scare you?" nag-aalala talagang tanong niya!

Huta! Kapag lagi siyang ganyan mamaya dalhin ko na 'to sa simbahan eh, hindi para magpakasal 'no, para dasalan na dumami 'yong katulad niya, tapos ibebenta ko 'yong mga kauri niya roon sa mga babaeng hindi binibigyan ng pake, walang nag-aalala at nag-aalaga.

Sigurado akong maraming bibili! Instant yaman na, nakatulong pa 'ko! Yes naman, ang talino!

"You're staring at me again," natatawang sabi niya. Syempre nahiya ako, slight lang.

"A-ah, h-hindi mo naman ako tinakot, nagulat lang," sabi ko.

Wait!!

Narinig niya kaya 'yong mga tinanong ko sa sarili ko kanina?! OMG!!

"Kanina ka pa ba riyan? I mean, sa mga sinabi ko, a-ano 'yong mga narinig mo?" natataranta ko talagang tanong at para namang takang-taka siya sa pagkataranta ko.

"I just heard you say, 'Tama ako 'di ba? Hala hoy! 'Di ah', why?" nagtataka talagang tanong niya.

Nakahinga ako nang maluwag at napangiti pa. Napakainosente kasi ng boses niya nang sabihin 'yon eh, at nakakatuwa 'yong accent, pero teka—

"Ayiiie, napatagalog siya bigla—" natakpan ko 'yong bibig ko at talagang nanlaki 'yong mga mata ko!

Nakakahiyaaa!! Sinabi ko ba 'yon? Bakit? Dapat sa sarili ko lang, eh!!

"So cute," nakangiting usal niya.

Huta, ang gwapo niya kahit mukha talagang hypebeast ang pormahan niya!

Bigla na lamang tumunog 'yong cellphone niya at sumenyas pa siya sa'kin na sasagutin niya muna 'yong tawag. Ako naman ay napatango agad habang takip-takip pa rin ang bibig dahil baka kung ano na namang kabaliwan ang masabi ko, mahirap na.

"Yes, I already did... Just tell me the exact time and place, we'll surely come, don't worry...What? You guys really don't sound so excited, ha. Okay, I'll go now," ibinaba niya na 'yong phone niya at muling bumaling sa'kin. "I'll take my leave now," aniya.

Pwede naman siyang umalis na, eh!! Nagpapaalam pa! Ba't ba masyado 'tong mabait?

"Always take care, Miss purple hair," dugtong pa niya saka siya tuluyang umalis.

Bigla na lamang nanlambot ang tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan!!

Sana hindi ko na siya makita! Ayoko na 'tong crush-crush na 'to biglang lumevel-up! No, not this time, I'm not yet ready. Tsaka ano ba! I don't even know him. Kilalanin muna, bago harot! Hahahaha.

***

I'm still at the office doing this endless editing of the latest minutes!

Kung bakit ba kasi ang arte-arte ng tatay nitong si Jazz! Para mali lang ng tatlong bantas pinaulit sa'kin ipagawa 'yong mga minutes kasi daw kailangan daw 'yon bukas sa meeting niya at ewan dami niyang kuda sa'kin kanina.

Huhuhu, is very pagod na is me, 'no!

"Maundy?" napatingin ako kay Chal Raed na kasalukuyang nakadungaw sa may pintuan ng opisina niya, "aren't you going home?" tanong niya.

"Hindi pa. I still have lots of paperwork to do, Boss Gorgeous," oo, kinarer ko na, gustong-gusto naman ni Bakla!

"Hmm, I feel you," aniya. "Paps sent unexpected paperwork to be done within this day! Hags!" maarte pang usal niya. Lumabas na siya nang tuluyan sa may pintuan saka ako biglaang hinila. Nakakaloka! Medyo nagulat ako, ha. "Let's have dinner first," aniya. Aayaw sana ako, pero talagang mapilit ang Bakla at sapilitan akong hinila palabas.

"Boss Gorgeous, kasi parang nakakahiya naman kung—" biglaan niyang inilagay ang hintuturo niya sa labi ko.

And, Mighad! Natalsikan ko pa yata ng laway 'yong kamay niya!! Nakakahiya!! Pero, nakakailang! Hutaaaa! May patitigan challenge pala na magyayari, 'di ko man lang napaghandaan!

Isang minuto at trentay tres segundo kaming nagtitigan! Kikiligin na sana ako kung hindi lang Baklang Maharot 'tong taong 'to, eh!

Oo nga pala, natigil 'yong titigan namin nang biglang tumunog 'yong cell phone niya. Panira! Charot! "Hey? Where are you?... Kumain ka na?... Diretso ka sa katapat na resto, Jazz is there, sumabay ka na sa amin...Okay, Baby Bro, seeyah!" sabi ni Chal Raed sa kausap niya sa kabilang linya.

Baby Bro?! Waaah! Siguro ang cute-cute niyang Baby Bro ni Chal Raed. Feel ko kasi ang ganda ng lahi nila.

Omg! Excited akong makita 'yong Baby Bro nila, feel ko 7 years old pa 'yon, cute-cute naman.

"Ay Butiki!" hindi ko talaga naiwasang magulat nang tumunog 'yong cell phone ko.

Kasi naman kitang nag-iimagine dito 'yong tao, tapos may di-disturbo? Kaloka! Sino ba 'to nang mabalatan nang buhay kapag nagkita kami.

Huta! Kuya ko pala, binabawi ko na. Hehehe.

"Ku—"

"WHERE THE HELL ARE YOU, MAUNDY MARICE?!" talagang galit na tanong niya sa kabilang linya. Grabe, 'di man lang ako pinatapos ng Kuya ko na batiin siya, diretso talak.

"Palabas nang kompanya, Kuya Mico Marice," sagot ko naman habang nakasunod kay Chal Raed na huta ang bilis mag lakad! Gutom, te? Gutom?!

"You're just about to go home?! Do you know what time is it, Maundy?!" sigaw na naman niya.

Wala ba siyang relo o wala bang orasan sa bahay para itanong niya sa'kin 'yan? Char!

Alam kong OA lang talaga ang Kuya ko, pero mahal na mahal ko 'yan lalo na kapag lagi akong binibilhan ng pizza at fries! Yummy!

Sing yummy nitong lalaking kanina pa talaga nililingon ng mga kababaihan habang siya'y parang modelo na naglalakad. But wait—lakaki nga ba? Riyan tayo mali!

"MAUNDY MARICE! WHY AREN'T YOU ANSWERING?!"

'Cause I'm currently daydreaming, Kuya, sorry na!'

Ay, huta! Si Kuya, galit na talaga!

"S-Sorry, K-Kuya. Hmm, lalabas po ako para kakain, kasi—"

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Chal Raed, pero mas nagulat ako kasi kinausap niya 'yong Kuya ko! Good game! "Hello Mr. Marice, this is Chal Raed Alonzo, Maundy's Boss. I apologize for she didn't come home early as what she usually does. May kailangan pa kasi siyang tapusin na minutes and it is very significant for tomorrow's meeting. You don't have to worry about your sister as long as she's in the company and she's with me, she's safe," dire-diretsong sabi pa nito sa Kuya ko.

At sa tingin niyo kinikilig ako? Muntik na!

Pero, 'yong boses niya kasi eh, baklang-bakla talaga!!

"Uuwi siyang buo, Mr. Marice, trust me...Okay, thank you for your understanding," aniya at ibinigay sa akin ang cell phone ko. "Problem done, Sis. Next time don't let your Kuya get mad. Ano ba kasing nangyari at napasigaw 'yon ng, Maundy Marice! Why aren't you answering?" tanong pa niya at ginaya talaga 'yong pagkakasabi no'n ni Kuya, in his...no, I think her...ay his or her...huta, his na nga lang! He imitated what Kuya said using his real voice! Wow, so damn manly! Tsk!

"P-paanong narinig mo 'yon? May superpowers ka ba? Mighad! Taga Mars ka siguro, 'no?" wala sa sariling tanong ko. Syempre, takang-taka ako 'no, paano niya nalamang sinigawan ako at sinabi 'yon ng kuya ko.

"Stop that crazy thought of yours, Sis! Nakakamatay 'yan," inikotan na naman niya ako ng mata. Taray talaga! "You're not just bobo, Sis, tanga ka rin. Superpowers-superpowers, baka naka loudspeaker 'yong phone mo at rinig na rinig ko 'yong sexy na boses ng Kuya mo," pabalang pa niyang sabi.

Pero, hutaeners! Ang harot no'ng sexy!! Not my Kuya, Baklush!

"Tara na nga, gutom na ako, ang hina mo talaga maglakad, Sis, wala ka kasing resistensya!" matapos ay hinila na niya ko papasok sa resto, hindi man lang ako pinaganti sa pang bu-bully niya!!

"At last you're here," usal pa ni Jazz saka tumayo at binigyan ng upuan ang maharot na Chal Raed na ang laki-laki ng ngiti sa labi!! Iw! "Maundy, sit down," sabi niya nang makitang nakatayo pa ako. Naupo naman ako agad sa bakanteng upuan, saka ko hinanap 'yong Baby Bro niya, pero wala naman.

"Where's my Baby Bro?" tanong ni Chal Raed.

"He's on the phone before he left, but he said he'll be back right after he's done with the call," sagot naman ni Jazz.

Okay, hindi na ako makikisawsaw! Englishan gaming ang peg ng dalawa!

"Oh, there you are, Baby Bro," tumayo si Chal Raed at niyakap agad ang isang taong hindi ko inaasahan na siya palang Baby Bro niya.

Like...Mighad! Is this real? Dalandan real na real, real na real?!