Ano nga ba ang pag-ibig?
Simula bata ako hanggang sa paglaki ko, ito ang konseptong hindi ko maintindihan. Alam ko na mahal ko ang aking pamilya at mga kaibigan. Alam ko ang family love at platonic love. Yung pangatlo ang nagibibigay ng sakit sa ulo ko: ang romantic love.
Ayon sa website na marriage.com, ang romantic love ay may kinalaman sa sexual desire. Pinaniniwalaan din na itong klase ng pag-ibig ay hindi tumatagal ng mahabang panahon.
Kumunot ang aking noo habang nagbabasa sa aking cellphone. May kinalaman ba 'to sa science? Diba ang ating utak ang nagge-generate ng emosyon kabilang na ang love?
Habang pinahihirapan ko ang sarili ko na mag-isip, biglang may tumapik sa likod ko ng malakas.
"Huy!"
Lumingon ako at tinignan ng masama si Chastity, ang aking kaibigan na araw araw ay hyper. Akala mo laging high. Hindi naman siya nagda-drugs kaya lang parang ano eh…
"Siguro dapat mong bawasan ang pagkain ng chocolate araw araw nang hindi ka ganyan", sabi ko sa kanya na may kasamang pag-ikot ng mata. Gets mo? Yung iro-roll mo yung mata mo na parang maldita. Yung ganun.
"No way! Chocolate is life noh! Hindi ko siya bibitawan. Siya kaya ang pinakamamahal ko sa balat ng lupa", wika niya habang nakahalukipkip.
Nang marinig ko ang salitang 'mahal', bumalik ako sa pinagninilayan ko kanina. Malalim na ang aking pag-iisip nang bigla naman akong hampasin ng bruhang nagngangalang Chastity.
"Alam mo masakit ha?!", nagngangalit kong sabi sa kanya. Actually, 'di naman ako galit kaya lang yung pakiramdam na, for once, makabuluhan yung iniisip ko tapos biglang mawawala. Grrrrr.
"Eh kasi naman kanina pa ako nagsasalita dito tapos yung utak mo kung saan saan lumilipad. My gosh. Girl, I feel neglected ha". Umupo si Chastity sa tabi ko. "Ano bang iniisip mo ha? Kanina ka pa diyan ah. Pilosopo ka ba? 'Wag masyado malalim ang iniisip baka di ka na makaahon. Don't overestimate your utak Love, naku baka makoma ka"
"Gago"
"So hindi ka pilosopo? Ahh alam ko na, na-achieve mo na ba ang enlightenment? Whew, 10 minutes ka na nagme-meditate baka makasama mo na si Buddha niyan", sarkastikong sambit ni Chaz, nickname ng bruhang 'to.
"Gagi"
"So nagpe-pray ka lang? Anong sabi ni Hesus?"
"Ga-"
"Ga. Gi. Gu. Ge. Go. Besh, bawal mura. It's blasphemous." Pinagbawalan ba naman ako na parang bata habang winawagayway ang index finger from left to right na may kasamang tsk tsk tsk.
Hinampas ko ang kamay niya na nasa mukha ko. Kulang na lang ay isungkit sa ilong ko yung daliri eh.
Hinawakan niya ang kamay niya na tinamaan at tinignan ako na parang batang kinuhanan ng kendi. Galing. Bigyan ng Oscar award. "Ano ba kasing iniisip mo? "
Napatingin ako sa kanya at napagbuntong-hininga. "Love"
"Medyo narcissistic ah. Iniisip mo sarili mo?" Pabiro niyang sabi.
Nagbilang ako mula 1 to 100. Keep calm Love. Keep calm. Bawal mura today. Isa kang anghel. Santo. Santo. Santooooooooo. "Alam mong hindi yun ang ibig kong sabihin"
Tumawa siya. Sarap hampasin. Hmph. "I know. I know. Natatawa lang ako kasi ang aga aga ganyan ang iniisip mo"
"So kailangan gabi ako mag-isip?", sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Huwag, masyadong malalim ang konseptong iyan kaibigan", umakting naman na parang pormal na pilosopo si Chaz. Matatawa na sana ako nang idagdag niya, "Baka matuluyan ka't hindi na magising"
At ayun nagsimula ang World War III sa isang silid-aralan.
☺☺☺
Ako nga pala si Love. 19 years old at isang sophomore sa college. Kung tatanungin ako kung ano ang pinaka-unique sa sarili ko. Siguro yun ay hindi pa ako na-inlove kahit kelan at no boyfriend since birth ako.
Actually, may parte sa high school life ko na naging interesado ako sa relasyon. Pero hindi dahil may minamahal ako. Curious lang ako kung ano ba ang feeling na magkaroon ng boyfriend. Kaya lang wala naman akong lakas ng loob na maghanap. Introvert kasi ako. Studying is life at food is lifer ang motto ng lola mo.
Bukod sa pamilya at kaibigan, wala akong masyadong interaksyon sa mga lalaki. Meron kaya lang kung hindi bakla ay silahis. Ewan ko ba, hindi kasi ako komportable makipag-usap sa mga tunay na lalaki. Merong mga tunay na lalaki kaya lang iba ang nararamdaman ng gay radar ko. Kaya kapag comfortable ako sayo at lalaki ka. Naku, may chance.
So in my 19 years of existence, I have never fallen in love. Medyo ironic at Love ang pangalan ko, kaya lang ganun talaga. Naniniwala naman ako na, one day ay makikilala ko ang Mr. Right ko.
"Anong kakainin mo? Sandwich, kanin, o salad", tanong ni Chaz.
"Pwede lahat?", nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hoy! Porket libre lahat na? Alam mo bang there's no such thing as free lunch?". Kinuha niya ang kanyang hello kitty wallet at pumila sa canteen.
"Wala nga. Kaya lang 3 PM na kaya 'di to lunch kundi miryenda"
Inirapan ako ni Chaz. "Dapat Pig ang pangalan mo eh, hindi Love"
Tumawa na lang ako. Bakit ba. Studying is life and food is lifer ang motto ko eh.
Sinabi ko sa kanya ang order ko at bumalik sa pwesto namin. For your information, salad lang ang inorder ko. Diet muna ako.
Pag-upo ko ay tinignan ko ang aking paligid. Nagmasid muna ako. Medyo weird pero hobby ko ang mag-observe ng tao. Hindi ko naman sila pinag-iisipan ng masama. Hindi rin naman ako judger. Don't judge me.
Yung pwesto namin ay nasa dulong kanan kaya nakikita ko ang kabuuan ng canteen. Left, right, and center. Ang daming tao. Maraming naglalakad na mga estudyante. Pero gayunpaman ay may nangyaring hindi ko inaasahan. Naka-upo si guy malapit sa amin. Mga two tables away na diagonal sa amin kaya nakikita ko yung buong profile niya. Medyo matangkad, fluffy yung buhok, parang ang sarap hawakan, ang lambot siguro. Hindi ko m akita yung mukha niya dahil nakayuko habang kumakain ng spaghetti pero nakasalamin siya na parang harry potter style.
At ito ang nangyari.
Inangat niya yung ulo niya at nagkatinginan kami. Nung time na 'yon, parang nag-slow motion yung paligid. Parang narinig ko rin yata si kuya Willie na kumakanta ng "Ikaw na nga~ Ang hinahanap ng puso~"
'Di ko alam ba't yun yung kanta pero parang ganun na nga yung nasa isip ko nung time na yun.
Bumalik na lang ako sa realidad nang binababa ni Chaz yung tray ng pagkain sa lamesa namin. Nagising ako sa tunog at bumalik sa normal yung speed ng paligid.
"Oh eto na yung salad mo mahal na prinsesa"
Tinanggap ko yung salad. "Salamat dukha".
Tinignan ko si guy. Kumakain siya ulit.
Kumain na lang ako pero paminsan minsan ay parang magnet yung mata ko at bumabalik sa kanya.
"Huy", bumulong si Chaz. Kinilabutan ako sa hininga niya dahil sobrang lapit sa tenga ko nung bibig niya. Tinignan ko siya ng masama.
"Diba sabi ko sayo 'wag kang bubulong ng sobrang lapit? Nakakapangilabot kaya", sabi ko habang hinihimas ang braso ko.
"Eh sino ba kasi yung tinitignan mo aber?"
Sinundan niya yung tingin ko na napupunta lagi kay guy. Tawagin na lang natin siyang Mr. Guy. Wait, Naruto feels hahahahaha.
"Yung lalaki na yun yung tinitignan mo?'', tanong niya sabay turo.
"Huy!'' Hinablot ko yung kamay niya. "Ano ba baka makita niya. Baka sabihin pinag-uusapan natin'', naiinis kong bulong.
"Sus, masyado kang affected. Bakit? Crush mo?''. Sinundot niya yung bilbil ko. Joke wala naman. Konti lang.
''Ayieeee~''
Ngumiti na lang ako na parang nagpipigil ng ihi. Ikaw na bahala kung paano yun. ''Tumigil ka nga dyan. Di ko naman yun kilala''
''Eh bakit mo palaging tinitignan?''
''Anong palagi? Ngayon lang naman ah''
Di siya naniwala. ''Eyyy, love at first sight noh? Ayyyyieee~!'' Tumili siya na parang manok.
Tumawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng salad.
Love at first sight?
Heh. Imposible.