Sa mga pelikula, parang ang daling magmahal. Parang palaging masaya. Parang kahit anong pagsubok, malalagpasan ng pag-ibig. Pero sa totoong buhay, ganon ba talaga kasimple? Sa lahat ba ng pagkakataon, mamahalin ka rin ng taong mahal mo?
Paano ba ang magmahal? Hindi ko na nga maintindihan yung konseptong 'pag-ibig', mas lalo pang ginulo ni Chester ang utak ko. Kagigising ko lang at parang hindi pa rin gising. Buti na lang sabado ngayon at walang pasok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Siguro mga alas-tres na ng umaga ako nakapikit. Pikit lang pero hindi mahimbing ang pahinga ko.
Inisip ko yung mga sinabi niya kagabi habang nakahiga sa kama ko.
"I was confessing"
"I was telling Love my real feelings"
"I was telling her that I've loved her since we were kids"
After nun, hindi na siya pumasok sa bahay para kumain ng hapunan. Inaya kasi ni mama pero tumanggi na rin. Matapos ang nakakamanghang rebelasyon, tumakas si Chester papunta sa bahay nila. And I swear I saw him blushing. Namumula siya mula leeg hanggang tenga. Ang cute.
Tumawa ako nung maalala yun pero sumimangot din ako.
"I was telling her that I've loved her since we were kids"
Hinawakan ko yung dibdib ko. Nandito na naman yung mga kabayo sa puso ko. Ang bilis ng tibok eh.
Dumaing ako at hinawakan yung buhok ko. Tinignan ko ang berdeng kisame ng kwarto.
Why do I feel like this? 'Di ako mapakali. Diba bakla siya? Bakit niya sinabing mahal na niya ako simula nung bata kami? Paano nangyaring bakla siya pero mahal niya ako? Last time I checked, I don't have a p*nis.
Nagwala ako sa kama at niyugyog ang mga paa ko sa ere. "Uaaaahhhhh!!!!!"
Chester you piece of- ()^(*#$#$$%^&(&!!
"Hoy!", may humampas ng unan sa mukha ko. Tinanggal ko yung unan at tinignan si mama.
Nakataas ang kilay niya at naka-commander pose. "Ano nanaman ang problema mo't nagwawala ka diyan?! May naalala ka na naman bang nakakahiya?", tanong niya pero ilang segundo ay ngumiti rin.
"Ahhh, yung nangyari ba kagabi ang inaalala mo?", kinindatan niya ako.
"MA!", sigaw ko at alam kong namumula ako na parang kamatis. Dahil sa hiya ay sumigaw ako ng "FLYING PILLOW ATTACK!" at hinagis sa kanya yung unan.
At siyempre dahil isa siyang polis, madali niyang naiwasan ang flying pillow attack ko. Ngumisi siya sa akin at sinabi, "Dapat hindi mo hinahayaang malaman ng kalaban ang gagawin mo"
Tumalikod ako sa kanya at naramdaman ko na umupo siya sa likod ko.
Natahimik kami habang nag-iisip ako at nag-iisip siya.
"So anong masasabi mo sa revelation kagabi?", tanong niya na parang paparazzi na naghahanap ng tsismis.
Humarap ako kay mama at nakita kong kahit nakangiti siya ay medyo seryoso pa rin ang mukha. Nung nakita na niya ang kanyang hinahanap sa ekspresyon ko, nagsalita siya. "Naguguluhan ka?", mahinahon niyang tanong.
Tumango ako.
"Bakit?"
Sasabihin ko sana na imposibleng magkagusto sa akin si Chaz dahil bakla siya nang maalala ko na sikreto nga pala yun. Hindi alam ng parents niya at siyempre hindi rin alam ng mama ko. Hindi naman ako yung tipong ipagkakalat ang personal na impormasyon ng mga kaibigan ko kaya iba na lang ang sinabi ko.
"Kasi mag-kaibigan na kami simula pagkabata. Kaibigan…", di ko alam kung paano ko ipapaliwanag kaya pinalitan ko na lang yung meaning ng pangungusap. "I mean para nga kaming magkapatid. Mag-sisters ang turing naming sa isa't isa kaya hindi ako makapaniwalang masasabi niya na mahal na niya ako nung bata pa lang kami"
Kumunot ang noo ni mama. "Mag-sisters?", then as if tinamaan siya ng kidlat, nanlaki ang mga mata niya at tinanong ako kung bakla ba si Chaz.
Nagdalawang-isip ako. Sasabihin ko ba? Anyway, nag-confess na si Chaz. Mahalaga pa ba kung bakla siya o hindi?
Para mas klaro ang usapan, ipinaliwanag ko."Nung elementary kami, lalaki siya for sure. Pero nung high school parang na-enlighten yata siya sa tunay niyang pagkatao. Nakita ko siya na nagme-make-up sa liblib na lugar sa garden. Tapos inamin niyang bakla siya"
Tumaas ang kilay ni mama. "Kung bakla siya, bakit niya sasabihing mahal ka na niya simula bata pa lang kayo?"
Magsasalita na rin sana ako nang sumingit siya. Tinadtad niya ako ng mga tanong.
"At kung bakla nga siya, nakita mo bang kumikilos siya na parang bakla?"
"Paano ka nakasisiguro na hindi lang siya umaakting na bakla?"
"Bakit hindi alam ng parents niya? Bakit ikaw lang ang nakakaalam? Sa tingin ko tatanggapin naman siya ng magulang niya kung aamin siya"
"Nagkagusto na ba siya sa mga lalaki?"
"Nagaka-boyfriend na ba? Kung meron, sino, saan, at kelan?"
"Nakita mo ba ng personal yung boyfie? Kung hindi, bakit hindi pa? May facebook at social media naman, madali nang magi-stalk ng mga taong. Kahit hindi mo nakita sa personal, at least alam mo itsura at pangalan."
Tinignan niya ako na parang nagi-interrogate ng criminal. "Aber? Alam mo ba kung sino?"
Binuka ko yung bibig ko pero wala ring lumabas na tunog. Hinulog ko ang katawan ko sa kama na parang nalantang bulaklak. Winagayway ko ang kamay ko in a defeated state. "Okay fine. Hindi nga siya bakla."
Ngumiti si mama na akala mo nanalo sa lotto. "So ano nang gagawin mo?"
Sinuksok ko yung mukha ko sa unan. "'Di ko alam"
Tumahimik kami ng sandali bago nagsalita ulit si mama.
"Bakit 'di mo alam?"
At napaisip ako sa tanong niya? Bakit nga ba? Alam ko na hindi lang ang pagiging bakla ni Chaz – na hindi naman pala totoo – ang isyu. Naisip ko rin si Taym. Bakit ganoon yung unang reaksyon ko sa kanya? Crush ko ba siya? Siguro slight lang. Nung una medyo exaggerated yung feelings ko but I can't deny that he's a great guy. Pero is it enough? Sapat na ba yun para masabing may gusto ako sa kanya? Hindi ba't na-attract lang ako dahil sa panlabas na kaanyuan niya? I admit na superficial yung rason kung bakit ko pinagpatuloy ang interaksyon ko sa kanya. Pero habang nakikilala ko siya. Na-realize ko na komportable ako sa kanya because of something else.
Hinawakan ni mama yung balikat ko at inakat ko ang ulo ko sa unan para pakinggan siya ng maayos. Pero laking gulat ko nang makita na medyo namumula ang mga mata niya na parang konti na lang ay iiyak na siya. Napaupo ako. "Mama…"
"Naisip ko lang na hindi magpapanggap si Chester kung… kung…", unti unting tumulo ang luha niya.
Niyakap ko siya. Kahit hindi niya pinagpatuloy, alam ko ang sasabihin niya. Dahil sa nangyari noon kay papa, naging iba ang tingin ko sa mga lalaki. May halong takot at pangungutya. Takot na baka maransan ko na taksilan ng taong mahal ko. Pangungutya dahil matapos ang mahabang pagsasama, nauwi rin sa hiwalayan. At ako na anak ay iniwan din.
Nang tumahan na si mama ay binitawan ko na siya."Alam mo ba kung bakit kita pinangalanang Love?", bigla niyang tinanong.
Pinag-isipan ko muna bago ako sumagot. "Para maramdaman ko ang pagmamahal niyo?"
Ngumiti siya, "Isa lang yun sa mga dahilan"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Love kasi ikaw ang resulta ng aming pagmamahalan"
Cringe. Sumimangot ako kay mama at tumawa siya.
"Alam kong cheesy pero kung wala ka ngayon… hindi ko alam kung ano na ako ngayon matapos tayong iwan ng papa mo", hinawakan niya ang pisngi ko. "Anak, kahit hindi naging forever ang samahan namin ng papa mo, hindi ko pinagsisihang mahalin siya"
Inayos niya ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang kanyang kamay. "Kasi kung wala siya. Wala ka rin. At mahal na mahal kita anak. Isa kang regalo na binigay sa akin ng Diyos"
Naluluha ako matapos ko marinig yun at nginitian ako ni mama. "Kapag pinili mong magmahal, dapat handa ka ring masaktan. It's not all rainbows and unicorns. Hindi naman lahat may happy ending katulad sa mga fairytale at pelikula. Hindi lahat masaya. Pero gayunpaman, nandun pa rin yung kasiyahan sa mga alaala. Kapag kasama mo ang taong mahal mo, bakit mo papahirapan ang sarili mo na isipin ang ending kung pwede mo namang pahalagan ang kasalukuyan? Kung lagi mong inaalala ang ending, paano mo pahahalagahan ang present?"
Nung nakita niyang pinagninilayan ko yung mga sinabi niya, tumayo na siya. "Nakahanda na ang agahan mo sa lamesa. Papasok na ako sa trabaho. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka"
Tumango na lang ako at narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga nang tumunog ang ringtone ng phone ko. Kinuha ko 'to sa lamesa ko. "Hello?"
"Hey, it's me"
Napa-upo ako. "Ah Taym. Ba't ka napatawag?"
"Did you forget?"
"Huh?"
Tumawa siya. "Diba sabi ko sayo kagabi may movie tickets ako ng Aladdin? Free ka ba ngayon?"
"Ah oo nga pala! Sige free naman ako, saan tayo magkikita?", kailangan ko rin naman ng distraction.
"Sa MOA? Mga 3:00 yung start ng movie. Let's meet up at around 2 PM? Text mo na lang ako kapag nandun ka na"
"Okay sige"
Nag-end call na ako. Tinignan ko yung oras. Tanghali na pala. I guess brunch na yung agahan ko.
***
"So how was the movie?"
Tinanggal ko yung tingin ko sa dagat. Matapos namin panoorin ang Aladdin, kumain kami bago pumunta sa seaside. Hindi na namin naabutan yung sunset pero nakaka-relax pa rin yung tunog ng mga alon.
"Um okay lang". Sa totoo lang 'di ko nagets kung ano yung nangyari. Lumilipad kasi yung utak ko.
"Penny for your thoughts?", sabi niya sa akin. Tinignan ko siya pero wala akong masabi.
Nanahimik kami.
"That guy.. Chester"
"Hm?", napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Chaz.
"I don't think he's gay"
"Paano mo nalaman?", gulat kong tanong.
Tumawa siya. "Alam mo nung nakipagkamayan ako sa kanya kahapon, sobrang higpit ng hawak niya. Kulang na lang baliin niya yung buto ko"
"And also I'm familiar with his look"
Kumunot ang noo ko. When he saw my confusion, he just shook his head and smiled slightly.
"That was the look of a jealous man"
Huminga ako ng malalim.
"I guess he confessed last night?", ngumisi siya. Nung nakita niyang namula ako, tumawa siya.
"Called it! I knew he wouldn't be able to hold back"
"Paano mo naman nalaman?", ulit kong tanong. Psychic ba 'to? Parang lahat alam niya ah.
"I don't know", nagkibit balikat siya, "Men instinct I guess. Anyway, I had my speculations when you described him to me at the bar. At that time, hindi pa ako sigurado. But when I met him later on I realized I was probably right. And", diniin niya, "you confirmed my theory"
At tulad ni mama, tinanong din niya ako. "Ano nang gagawin mo?"
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam.
"Don't you like him?"
Nagkibit balikat lang ako. "Ewan"
Makaraan ang ilang menuto, tinanong niya ako ng hindi inaasahan.
"What about me?"
Tinignan ko siya ng sobrang bilis. Na-whiplash yata ako.
"Huh?"
"I mean do you like me?"
Nagdalawang-isip ako. Dahil sa kaguluhan sa isipan ko, napagpasyahan kong sabihin sa kanya ang totoo. Ipinahayag ko sa kanya yung unang kong maramdaman nung nakita ko siya at yung opinyon ko sa interaksyon naming dalawa nitong mga nakaraang araw.
"…and you're a great guy but… but for some reason, I don't think it's enough to stay in a relationship with you"
Nung marinig niya yun, ngumiti na lang siya. "Do you believe in love at first sight?"