Chereads / Ako si Love / Chapter 4 - Chapter 3: Love is Mysterious

Chapter 4 - Chapter 3: Love is Mysterious

Hindi ako kinakausap ni Chaz. Simula kahapon after ng lecture namin sa Philippine Literature hindi niya sinasagot yung tawag ko. Nagkamot ako ng ulo. Ano nanaman kaya ang problema nun? PMS?

"…Love moves in mysterious ways

It's always so surprising

When love appears over the horizon

I'll love you for the rest of my days

But still it's a mystery

How you ever came to me

Which only proves

Love moves in mysterious ways.."

Inangat ko yung ulo ko sa cellphone ko. Tinignan ko yung kumakanta ng Love Moves in Mysterious ways. Nasa bar kami ngayon at kasama ko si Taym. Nung una medyo nag-aalangan ako kasi kahit ilang beses na kami nag-usap hindi pa rin naman kami sobrang close. Pero nung sinabi niya na hindi naman kami iinom ng alcohol at pupunta lang para bumisita sumang-ayon ako. Akala mo pupuntahan lang naming yung ninang namin no?

Yung rason kung bakit niya ako inaya ay dahil kahit kailan hindi pa siya nakakapunta sa ganitong mga lugar. Good boy kasi siya ih.

Tinignan ko siya at yung coke na nasa lamesa namin. "Di ako makapaniwala na hindi ka pa nakakapunta sa mga bars and clubs"

Tumawa siya. "Legit, hindi pa talaga ako nakakapunta sa mga ganitong lugar"

Matapos ang ilang mga tagpuan, isang araw tinanong ko siya kung marunong ba siyang magtagalog. Marunong naman daw siya kaya lang dahil unang tinuro sa kanya ang Ingles bago ang Filipino, nahirapan siyang mag-adjust. Kaya ayun, medyo may accent yung Tagalog niya. Lagi rin daw siyang natutukso tungkol dito kaya nagi-Ingles na lang siya. Pero pag nagi-Ingles na man Pero pag nagi-Ingles naman siya, pakiramdam niya parang may pader sa harapan niya at sa ibang tao. May stereotype kasi ang mga Pilipino na kapag magaling mag-Ingles ay mayaman, matalino, o makapangyarihan. O diba? San kaya siya lulugar niyan?

"Does my Tagalog bother you?", nag-aalala niyang tanong.

"Huh? Ah hindi, okay lang"

Napansin niya siguro na parang wala ako sa sarili kaya sinabi niya. "Kung may problem ka, you can confide in me. Pero kung hindi ka komportable it's okay"

Aw. Ang sweet. Ngumiti ako. "Hindi okay lang talaga". Nagdalawang-isip ako. Hindi naman ganun kapersonal kaya okay lang naman siguro na sabihin ko sa kanya. "Well I do have one problem. So may kaibigan ako", humarap ako sa kanya. Nilagay niya yung forearms niya sa lamesa at humarap din sa akin para ipakita na nasa akin yung buong atensyon niya. "Simula kahapon hindi niya ako pinapansin. Usually madaldal si Chaz kaya lahat ng balita sa buong mundo gusto niyang ipamahagi sa mga tao sa paligid niya and of course kasama ako dun. Kaya walang araw na lilipas na hindi niya binubuka ang bibig niya. Walang araw na lilipas na hindi niya ako kakausapin dahil mag-bestfriend kami. Wala ring araw na lilipas na hindi siya makikipagtsimisan. May time na nag-away din kami pero hindi naman yun tumagal ng araw. Siguro mga isang oras ang nakalipas nakipagbati rin siya sa akin. Di rin naman ako nun matitiis na hindi kausapin. Ganun siya kadaldal. Kaya lang iba yung nangyayari ngayon eh. Isang araw na ang nakalipas na hindi niya pinapagana ang machine gun niya sa kakadaldal. Kaya nag-aalala ako…"

At ayun humaba ang usapan namin na hindi naman matatawag na usapan dahil ako lang ang nagsasalita at nakikinig lang si Taym. Pero na-appreciate ko yung effort niyang making. Kung ako nakikinig sa sarili ko baka binalibag ko yung kausap ko.

"…kaya hindi ko alam kung ano ba yung nagawa kong mali", pagtatapos ko makalipas ang ilang menuto. Siguro mga 20 minutes ako nagpaliwanag kung sino ba si Chaz at 5 minutes lang ang ginamit ko para sabihin yung pinaka problema. Okay so baka soulmate ko si Chaz sa sobrang kadaldalan ko rin.

Nag-isip si Taym habang nakahawak sa baba niya. Kamukha niya yung estatwa ng The Thinker ni Auguste Rodin.

"Is he a guy?"

"Huh?"

"Lalaki ba siya?", natatawa niyang tanong. Tinranslate niya yung sinabi niya sa Tagalog.

Napaisip ako "Oo"

At ngumiti siya. Medyo misteryoso nga lang yung ngiti niya. Para siyang si Magellan na nadiskubre ang isang parte ng Pilipinas. At least yun yung imagination ko sa itsura ni Magellan nung time na yun. Anyway, so ganun yung itsura ni Taym ngayon. Parang may nadiskubre siyang hindi ko maintindihan.

"Pero bakla siya", pinagpatuloy ko.

Tumaas yung kilay niya. "Oh"

Tapos nun medyo natahimik lang kami. Parang may iniisip din siya kaya hinayaan ko muna siya. Binalikan ko ng tingin yung kumakanta sa stage. Iba naman yung song na pinapatugtog. Di ko namalayan na nag-iba na dahil sa pagko-complain ko kay Taym.

"..Maybe I know, somewhere deep in my soul,

That love never lasts.

And we've got to find other ways,

To make it alone, or keep a straight face.

And I've always lived like this,

Keeping a comfortable distance.

And up until now, I have sworn to myself

That I'm content, with loneliness

Because none of it was ever worth the risk..

Well, You are.. the only exception…"

Nung marinig ko yung lyrics ng The Only Exception ng Paramore, naalala ko yung childhood ko. Actually, there's a reason why I'm uncomfortable around men. Nanggaling ako sa isang masayang pamilya. Yung nakikita mo sa mga commercial na picture perfect families. Kakain sa lamesa na magkasama. Magba-bonding kung saan saan. Pag may problema, magkasamang lulutasin. Kaya hindi ko alam kung anong nangyari at saan ba nagkaroon ng pagkukulang.

Unti unting gumuho ang masaya naming pagsasama nung elementary ako. Siguro mga grade 3 ako noon. One day, pauwi na ako galing school nang may makita akong hindi ko inaasahan. Sa loob ng isang café, may isang babae at lalaki ang magkahawak kamay. Hinalikan ng lalaki yung kamay ng babae. Nasa tabi sila ng bintana at kitang kita ko sila. Nung una hindi ko maintindihan anong ginagawa nila kaya binalewala ko na lang at umuwi na lang.

Pero may pangamba na ako na hindi ko lang kayang harapin.

At ayun nga, nalaman na ni nanay na may ibang babae si tatay. Ang wedding vows na kanilang pinangako at ang 'till death do us part' ay tuluyan nang napako.

Simula noon medyo may pagkamapangutya ang tingin ko sa mga lalaki. Alam kong hindi lahat ng lalaki ay ganoon pero hindi ko mapigilan ang sarili. Siguro defense mechanism ko lang yun dahil napagtanto ko na masakit magamahal nang makita ko kung gaano kalungkot ang nanay ko. Kung gaano siya nadismaya't gabi gabi ay umiiyak siya.

Anyway, ngayon ay masaya naman kami. Minsan nakikita kong may nararamdaman paring sakit si nanay pero para sa akin ay ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para magkaroon ako ng magandang kinabukasan. Nung iniwan na kami ni tatay nahirapan si nanay noon dahil siya na lang ang naghahanap-buhay. Pero matapos ang ilang taon ay nakabangon kami ulit at ipinakita niya ang kalakasan ng mga kababaihan. Go! Women empowerment!

"Is he really gay?"

Tinignan ko si Taym. "Who?"

Ngumiti na lang siya dahil sa kavuvuhan ko. "I mean that Chaz guy. Bakla ba talaga siya?"

Naguluhan ako sa tanong niya. Diba sinabi ko namang bakla siya? Ba't parang di siya makapaniwala?

Napabuntong-hininga siya. "Sige, may itatanong ako sayo at sasagot ka lang ng yes or no"

Tumango na lang ako. "Okay"

"Sinabi ba niya na bakla siya?"

"Yes"

"Nagkaroon na ba siya ng boyfriend?"

"Yes"

"Pinakilala sayo?"

"No"

"Nakita mo na ba siyang nakikipaghalikan sa lalaki?"

"No"

"Bakit?"

Napaisip ako. Totoong sinabi sa akin ni Chaz na bakla siya. May boyfriend pa nga siya ih. Pero nung sinabi ko na ipakilala niya sa akin, sinabi niyang long-distace relationship sila kay imposible. Nung tinanong ko yung Facebook name, ayaw niyang ibigay. Baka daw mainlove ako sa sobrang kagwapuhan at mag-away kami. Nung pinilit ko pa rin, inamin niya na natatakot siya dahil baka maging straight yung boyfriend niya sa kagandahan ko. 'Di ko alam kung sarkastiko ba yun o totoo. Anyway, di ko na pinilit. Hinayaan kong mahulog ako sa ilusyon ng aking kagandahan. Para naman sa isyu ng pakikipaghalikan, siyempre loyal si bakla. Hindi daw siya cheater at hindi niya raw gagawin yun sa taong mahal niya.

Naalala ko pa yung sinabi niya yun. Nasa gym kami nanonood ng practice match ng basketball team ng school naming. Marami raw kasing pogi sabi ni baklush kaya sinamahan ko na. Konti lang tao nung time na yun tapos nakaupo kami sa bench sa gilid.

"Diba mahirap ang long-distance relationship?", tinanong ko siya habang kumakain ng Piattos. Cheese flavored.

Kumuha siya ng Piattos, "Okay lang. Bakit mo natanong?"

Nilunok ko muna yung kinakain ko at uminom ng tubig. "Kasi may iba nga na laging magkasama pero naghihiwalay pa rin dahil may isang nangaliwa. Paano pa kaya kapag malayo kayo sa isa't isa? Siyempre hindi niyo mamo-monitor yung ginagawa ng isa't isa"

Tinignan niya ako. "Ano bang tingin mo sa relasyon? Monitor? Ano ba kami magtatay? Kailangan may report kung saan pupunta at anong gagawin? E kung ganon lang din pala edi sana inadopt ko na lang siya at ginawa kong anak"

Natahimik ako. Oo nga naman. May point siya. "Sorry naman. Eh ganon kasi yung nakikita ko ngayon eh"

Parang 'di pa siya tapos kaya tinuloy niya. "Tsaka…" Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata. "Tsaka kapag nagmahal ako. Iisa lang. Kahit anong mangyari siya lang ang nasa puso ko"

Nung sinabi niya yun, parang may double meaning. Pero di ko alam kung ano.

"…But hold your breath

Because tonight will be the night

That I will fall for you over again

Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day

I swear it's true

Because a girl like you is impossible to find

You're impossible to find…"

Nagtapos yung singer sa kantang Fall For You ng Secondhand Serenade. Tinignan ko si Taym matapos akong mag-isip. Ngumiti siya at ngumiti rin ako. Binalewala ko yung mga teorya sa utak ko.

Pero subconsciously, may gumugulo sa isipan ko na baka maybe. Just maybe. May chance na tama ang hinala ko.