Chereads / Ako si Love / Chapter 6 - Chapter 5: Love is Bittersweet

Chapter 6 - Chapter 5: Love is Bittersweet

Love is bittersweet. Sa mahabang panahon na kasama mo ang taong mahal mo, ang mga alaala ay nagbibigay kulay sa buhay mo. Ngunit sa panahong wala na siya sa piling mo, ang mga memories ay nagudulot ng saya at lungkot. Saya dahil at least may pinagsamahan kayo. Lungkot dahil wala na kayong pagkakataon para gumawa ng panibagong kabanata sa istorya ng 'kayo'. Yun ay kung meron ngang 'kayo'.

Ganito nga ang sitwasyon ni Chester ngayon nang makita niya si Love at Taym na naglalakad na magkasama. Gabi na at dahil isang gentleman si Taym ay niyaya niyang ihatid si Love matapos silang mag-enjoy sa bar. Hindi naman sila naglasing kaya lang madilim na rin kaya't sumang-ayon na lang si Love.

Magkapitbahay lang si Chester at Love kaya matatawag silang childhood friends. Although naging tunay na magkaibigan lang sila noong high school nang malaman ni Love na 'bakla' si Chester.

Kahit ito'y isang kasinungalingan ay masaya pa rin si Chester na makasama siya. Hindi katulad nung distance nila noong elementary dahil sa pagiging torpe niya. At least ngayon ay mas close na sila.

Pero nung tinignan niya yung distansya ni Love at Taym habang naglalakad sa ilalim ng buwan, ang ilaw ay parang nakapokus sa kanila.

Palayo siya nang palayo na may kasamang iba.

Lalaki na hindi ako.

Lumunok si Chester at hinawakan ang dibdib. Mas lalong sumasakit. 'Akala ko ba you'll take the risk? 'Wag ka ngang duwag!'

Binigyan niya ang sarili ng lakas ng loob at sinundan ang dalawa.

***

Iniisip ko yung mga sinabi sa akin ni Taym sa bar. About Chaz being gay. Yung so-called boyfriend niya at yung teorya sa isip ko. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na lumagpas na kami sa bahay namin.

"Love, where are you going?!"

Nagulat ako at lumingon sa narinig kong sigaw. At doon sa harap ng gate namin nakita ko si Chaz na nakatayo. Nasa bulsa niya yung kanang kamay niya. Nakasuot ng patterned shirt, denim jeans, and sneakers. Messy hair and hooded eyes. Tapos idagdag mo pa yung spotlight sa harap ng bahay namin. Mukha siyang anghel na hulog ng langit. Kapag nakita mo siya, 'di mo aakalaing bakla pala.

Actually, Chaz is very handsome. Nung bata kami, although bully siya sa akin, maraming girls ang may crush sa kanya nung elementary kami kasi nga pogi. Siyempre interesado rin ako sa kanya nung una kaso nung tinabunan niya ako ng pang-aasar, nawala na yung interes at napalitan ng inis.

'Pogi nga, basura naman ang attitude'. Yun yung una kong naisip nun.

Pero nung nakita ko siyang nagme-make-up sa garden noong high school, nawala rin ang inis ko. Pagkamangha, tuwa, at pagkadismaya ang naramdaman ko. Pagkamangha kasi hindi ko in-expect na bakla pala siya. Tuwa dahil nalaman ko yung sikreto niya at may pang blackmail… um may chance kami na maging kaibigan. Right that's it. Pwede kaming maging close. Uh huh. Tapos yung huli ay dismaya. Di ko alam bakit ako nadismaya. Siguro dahil gwapo tapos beki pala kaya medyo na-disappoint ako? Maybe that's the reason.

Right. It must be.

"Chaz, san ka galing? Kahapon pa kita tinatawagan ah. 'Di ka sumasagot. Pinuntahan din kita sa bahay niyo, wala ka rin dun kanina", lumapit ako sa kanya na nagmumukmok. Siyempre sumunod din si Taym.

"I was busy so I didn't answer your calls". Well, at least honest siya. "I'm Chester, you are?", inalok niya yung kamay niya kay Taym.

"Taym", nagkamayan sila.

Huminga ng malalim si Taym at ngumit ng pilit. Nang binitawan ni Chaz yung kamay niya, medyo namumutla siya. Hinawakan ko yung braso niya. "Taym are you okay?"

"Hm? Ah yeah I'm okay", tinignan niya nang malalim si Chaz bago tumingin sa akin. "May gagawin pa akong assignment so I guess I'll see you around?"

Nagpaalam na kami sa isa't isa since sinabi na niya na may gagawin siya. "Ingat ka ah"

Nag-wave siya habang naglakad papalayo. Then, as if may naalala siya, bigla siyang huminto. "Oh right" Bumalik siya at sinabihan ako "Binigyan ako ng movie tickets ng kaibigan ko. It's Aladdin, gusto mo manood?"

Ngumiti ako at since mahilig naman ako sa mga Disney princess, sumang-ayon ako.

Nung nakita kong malayo na si Taym, tinignan ko si Chaz na sobrang tahimik. Weird. Inakbayan ko siya kahit halos hindi ko na abot yung kabilang balikat niya dahil sa katangkaran. "Uy. Ba't ang tahimik mo?"

"Do you like him?"

Medyo natameme ako sa tanong niya. I mean do I really like Taym? Nung una medyo exaggerated yung feelings ko as if in love na talaga ako. Pero para sa akin masyado naman yatang mabilis yun. After all, hindi ako naniniwala na true love na agad ang nararamdaman ko lalo na't hindi pa namin masyadong kilala ang isa't isa. It's probably not like or love. Siguro infatuation lang. Iniisip ko. Yes maybe it's infatuation.

"Maybe it's infatuation", sinabi ko habang nakasandal kay Chester. "Nung una ko siyang nakita, siguro na-attract ako dahil sa itsura niya. As human beings, it's natural na yung una nating makikita ay yung panlabas na anyo diba? So as a rational human being, I admit I'm attracted to him pero when it comes to feelings… Nitong mga nakaraang araw naisip ko na maybe it's only an infatuation. But if it will grow into something more eh hindi ko alam. Time will tell", natawa ako kasi parang pun. Get it? Taym. Time.

'I won't let it grow then'

"Huh?", may binulong si Chester na hindi ko narinig kaya nilapit ko yung mukha ko.

Suddenly, inikot niya yung kanang kamay niya sa baiwang ko at niyakap ako. Kaya yung kaliwang kamay ko ay nasa leeg niya. In an intimate position, Chaz hugged me under the spotlight. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa likod ko.

Tumingala ako sa kanya, tatanungin ko sana kung may problem siya nang binaba niya nang konti yung ulo niya while maintaining eye contact with me. Di ako makahinga. Bumilis yung tibok ng puso ko feeling ko maraming kabayo ang nagti'tigidig'tigidig sa dibdib ko. Normal naman siguro yung reaksyon ko lalo na't mataas ang kaledad ng mukha ni Chaz. Or maybe it's just his muscular arms around me.

Nung nilagay ko yung kanang kamay ko sa braso niyo para tanggalin, napatigil ako. Suddenly, as if I just realized, napagtanto ko na yung bully nung bata ako, yung chibi na Chester, yung medyo feminine na Chester nung high school… that Chester is no more. He has grown up.

Tinignan ko siya sa mata. Mas masculine na ang mukha niya, mas matangkad na siya, at yung tingin ko sa kanya ay isang baklang pabebe na mas babae at mahina pa sa akin. Pero yung braso na hawak ng kamay ko definitely says otherwise. I slid my arms upward, as if may diwatang nang-akit sa akin, hahawakan ko sana yung pisngi niya-

"Love?"-nang bigla kong marinig ang nanay ko. At parang batang natagpuang may ginagawang masama, inikot ko ang ulo ko – robotic style – sa boses na narinig ko.

And there in all her beautiful glory, nakatayo si mama sa pintuan papasok ng bahay. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bawaing niya at nakataas ang kaliwang kilay habang nakatingin as aming dalawa ni Chaz.

Na-realize ko yung posisyon namin at namula ng bonggang bongga. Kumalas ako kay Chaz pero imbes na lumayo siya ay hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Good evening po mama", sabi niya. Dahil magkapitabahay kami, close din ang nanay ko sa parents ni Chaz. Since only child lang kaming dalawa at gusto rin naman ni mama na magkaroon ng anak na lalaki, hinayaan niyang tawagin siya ni Chaz na mama. Ituring na rin daw siyang pangalawang nanay, sabi niya noon kay Chaz. Siyempre ganon din ako sa parents ni Chaz.

"Anong ginagawa niyo?", balik niya sa amin na nakangiti.

Natahimik kaming dalawa.

And then out of the blue, biglang sinabi ni Chaz.

"I was confessing"

Huh? Confessing? Kanino?

"I was telling Love my real feelings"

Nanlaki yung mata ko at tinignan si Chester as if hindi ako makapaniwala.

He was serious.

I can tell from his expression. Ito yung mukhang ginagamit niya tuwing nag-iisip siya ng malalim, nagso-solve ng math problem, at gagawa ng life-changing na desisyon. At base sa susunod na sinabi niya, sa tingin ko ay yung pangtlo ang pinaka-akma.

"I was telling her that I've loved her since we were kids"