Victor: Kilala ko sila, sila yung mga nakaaway ko kaninang nag-iinuman.
Gloria: Kung ganon baka Pinakain lang sila ng itim na paru-paro. Kaya sila nagkaganyan.
Victor: Itim na paru-paro?
Gloria: Para rin yong itim na uwak.
Victor: Anong dapat nating gawin?
Gloria: Ako ng bahala dito.
Kumuha si Gloria ng bote na naglalaman ng pulbos at nang hinagis n'ya ito sa tatlo napalibutan sila ng mga baging kaya naman hindi sila nakagalaw.
Gloria: Ikaw naman Victor. Sunugin mo sila.
Victor: Ano!? Pero mapapatay ko sila?
Gloria: Hindi na sila mga tao ngayon, mga halimaw na sila. Pag pinabayaan natin sila ngayon makakasama lang sila sa mga nakakarami.
Victor: Pero...
Gloria: Ngayon na Victor hindi ko sila kayang pigilan ng matagal.
Makakawala na sana ang tatlong halimaw hanggang sa nakapagdesisyon na nga si Victor na gawin ang nais ni Gloria. Sinunog n'ya ang tatlo. Di makapaniwala si Victor sa ginawa n'ya. Natulala nalang ito at hindi umimik nang biglang dumating ang dalawang misteryosong lalaki na kasapi ng Dugong Itim.
Ang isa sa kanila ay payat at mukang mayabang samantalang ang isa ay may mala narsisong muka at mga seryosong tingin.
Gloria: Sino kayo?
Tikboy: Ako si Tikboy at ito naman ang kapatid kong si Hameck.
Gloria: Teka muka ngang namumukaan ko kayo. Isa kayo sa mga nakasagupa namin ni Jose limang taon na ang nakalilipas.
Tikboy: Oo kami nga yon. Ito pa nga ang pilat ko sa muka na ibinigay mo sakin. Mag babayad ka sakin tanda!
Gloria: Bakit ba kayo nandito? kung nais n'yong malaman kung pano mapapalaya si Iskwag wala kayong mapapala sakin.
Tikboy: Ano bang pinagsasabi mo? Hindi naman ayon ang dahilan kung bakit pinapatay ni pinuno ang matandang yon.
Hameck: Marami ka nang nasasabi Tikboy magingat ka baka may malaman sila.
Tikboy: Wag kang mag-alala kung may malaman man sila bali wala lang rin yon dahil papaslangin naman natin sila.
Gloria: Kung kaya n'yo.
Inilabas ni Tikboy ang kanyang matalim na karet at umatake kina Gloria. Naghagis naman muli si Gloria ng boteng may pulbos na gumawa ng makapal na usok sabay hila kay Victor.
Tikboy: Hindi kayo makakatakas sakin!! Huli ka!
Gloria: Nahuli mo na nga kami.
Tikboy: humanda ka nang mamatay tanda.
Gloria: Teka muna bago ako mamatay nais ko munang malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit n'yo pinapatay si Jose.
Tikboy: Hehe total mamatay ka naman na sige sasaabihin ko.
Hameck: Tikboy!
Tikboy: Ayos lang Hameck mamatay naman na 'to sila. Alam mo kasi tanda hindi na namin kaylangan pang palayain si Haring Iskwag dahil nakalaya na s'ya. Nag kalamat ang dimensyong pinagtapunan sa kanya kaya naman nakagawa s'ya ng lagusan pabalik. Kapalit nga lang non nabawasan ang kapangyarihan ng hari kaya naman nagpapalakas pa s'ya ngayon at syempre nalaman ito ng matanda mong kaibigan kaya naman ipinapatay na agad s'ya nj Haring Iskwag bago pa n'ya ito masabi sa iba pang albularyo.
Gloria: Haha salamat sa impormasyon mangmang.
Tikboy: Ha?
Unti-unting naglaho ang Gloria at Victor na nasa harapan ni Tikboy. Dahil isa lamang pala itong ilusyon. Samantala nakalayo na sina Victot at Gloria kaya naman hindi na sila nahabol ni Tikboy at Hameck.
Hameck: Nakipagpalit sila sa ilusyon na yun habang nasa makapal na usok sila kanina.
Tikboy: Tsk!!
Hameck: Mangmang ka talaga Tikboy ngayon alam na nila na buhay si Haring Iskwag.
Tikboy: Habulin natin sila.
Hameck: Nakalayo na sila hindi ko na sila maamoy. Mabuti pa bumalik na tayo. Siguradong magagalit ang pinuno pag nalaman n'ya ito.
Samantala habang tumatakas tinanon ni Victor si Gloria kung pano n'ya nagawa yon.
Victor: Lola Gloria pano mo yun nagawa?
Gloria: Siguro naman alam mo ang alitang "shaman" diba?
Victor: Oo, term yon para sa mga taong may ispiritwal na kapangyarihan sa Japan.
Gloria: Puwes ganon din tayo. Tayo ay mga pilipinong shaman at bukod sa pagtataboy ng mga halimaw at panggagamot marami pa tayong iba't-ibang kapangyarihan. Depende yon sa kung ano ang biyayang kapangyarihan na napunta satin. Ngunit may mga kakayahan din na napagsasanayan.
Victor: Yung ginawa mo kanina pano n'yo po yun nagawa?
Gloria: Kumuha ako ng spiritual particles mula sa hangin at pinagsama-sama ko ang nga ito upang gumawa ng imahe nating dalawa.
Victor: Ngayon ano nang gagawin natin?
Gloria: Kaylangan nating sabihin sa ibang mga albularyo ang nalaman natin.
Nagsimula na ngang hanapin ni Gloria at Victor ang iba pang mga albularyo. Samantala nakarating na nga sa kaalaman ng pinuno ng Dugong Itim na alam na nina Gloria ang tungkol sa pagkakalaya ni Iskwag.
Tikboy: Patawad po pinuno.
Pinuno: Bugok ka talaga Tikboy!!!
Tikboy: Patawad po talaga. Hindi na po mauulet.
Pinuno: Hindi na talaga dahil dapat binubura na ang mga katulad mo sa mundo.
Nilapitan ng Pinuno si Tikboy at nang hawakan n'ya si Tikboy unti-unting nabulok ang katawan ni Tikboy.
Tikboy: Pinuno pakiusap "wag!!!
Pinuno: Hahaha!!! basura!! pwe!!
Samantala walang magawa si Hameck upang iligtas ang kapatid n'ya dahil alam n'yang mamatay lang rin s'ya kaya naman pikit mata n'yang hinayaang mamatay ang kapatid n'ya. Nagwalang kibo na lang s'ya sa nangyari.
Pinuno: Hameck!!
Hameck: Bakit po pinuno?
Pinuno: Isama mo sina Shina at Sho. Gusto kong unahan n'yo ang matandang babae na 'yon at ang batang 'yon. Bago pa nila mapuntahan ang ibang mga albularyo gusto kong patayin n'yo na ang mga albularyong pupuntahan palang nila.