Chereads / Albularyo: The Filipino Shamans / Chapter 9 - Chapter 9: The Test

Chapter 9 - Chapter 9: The Test

Inihanda ni Hameck ang kanilang mga alagad upang maghasik ng kasamaan. Sa syudad.

Pinuno: Hameck gusto kong pamunuan mo ang ating mga alagad at magtungo kayo sa Metro Manila para pumatay ng maraming mga tao, mapa bata man o matanda.

Hameck: Masusunod po pinuno.

Tesiler: Magandang plano pinuno. Kung gagawa tayo ng kaguluhan maaaring mapilitang magpakita ang bata upang pigilan tayo. Ngunit papaano kung lumaban ang mga pulis?

Pinuno: Hindi kaya ng mga normal na armas ang mga kagaya natin pati na rin ng ating mga alagad.

Samantala sa kabilang dako naman ay patuloy na nageensayo si Victor. Sa loob ng kweba nakaharap n'ya ang kan'yang sarili.

Victor: Sino ka? Bakit tayo magkamukha?

Victor(Impostor): Ako ay ikaw Victor. Ako ang iyong pinaka kinatatakutan at ang iyong pinaka matinding bangungot.

Victor: Ngunit bakit?

Victor( Impostor) : Dahil takot ka sa sarili mo. Matapos mamatay ang lolo mo sinisi mo na ang sarili mo sa mga masasamang nangyayari sa mga taon nasa paligid mo. Una ang lolo mo sunod si Gloria at ngayon naman natatakot ka na pati ang mga kasama mo ay mawala rin. Natatakot ka na hindi sapat ang lakas mo upang iligtas sila.

Victor: Hindi ako takot.

Victor(Impostor): Kung ganon talunin mo ako upang mapatunayan mo na hindi ka takot sa sarili mo.

Halos magkapantay lamang ang lakas ni Victor at ng kan'yang kalaban kaya naman nagtagal ang kanilang laban hanggang napaluhod si Victor:

Victor(Impostor): Mahina ka Victor. paano mo maililigtas ang ibang tao kung sarili mo lang hindi mo kayang iligtas. Mamatay lang ang lahat ng mga taong nasa paligid mo gaya ng lolo mo dahil mahina ka!!

Tinukso ng tinukso si Victor ng kan'yang kalaban hanggang sa naalala n'ya ang mga panahong tinuturuan s'ya ng kan'yang lolo kaya naman naalala n'ya rin ang turo nito na ang takot ay mahaharap lang kung iisipin mo ang mga bagay na nagbibigay ng tapang sayo para mabuhay. Sumabog ang kapangyarihang nasa loob ni Victor na nagpaliwanag sa buong kweba. Tumilapon ang impostor na Victor at bigla itong naglaho. Pagkatapos itong mangyari nabalot si Victor ng gintong liwanag at ang liwanag na ito ay galing sa bato na nasa kan'yang kwintas. Lumipat na ang kapangyarihan ng bato kay Victor at pagkatapos nito ay bigla s'yang nawalan ng malay.

Samantala sinimulan na nila Hameck ang panggugulo nila sa Metro Manila. Marami ang namatay at nakita pa sa telibisyon ang pangyayaring ito. Naalarma ang nga tao kaya naman marami sa kanila ang lumikas at nagtago. Napanood ito ni Alfred, mayordomo ni Antonio kaya naman tinawagan n'ya si Antonio upang ipaalam ang pangyayari.