Kakatapos lang ng pagsasanay ng apat na bata nung tumawag si Alfred kay Antonio. Samantala hindi parin lumalabas si Victor sa loob ng kweba.
Antonio: Mga bata tumawag sakin ang mayordomo kong si Alfred at sinabi n'ya sakin na sinugod ng dugong itim ang Metro Manila kaya naman pupunta tayong Metro Manila upang kalabanin sila. Tutal tapos na ang ating pageensayo at sa tingin ko naman ay handa na kayo.
Natalia: Ngunit hindi parin po lumalabas si Victor mula sa kweba.
Melvin: Ang mabuti pa papasok ako sa loob para sabihan s'ya.
Antonio: Hindi ka makakapasok sa loob ng kweba hanggat may isang taong nasa loob nito.
Luna: Ngunit ano na ang gagawin natin?
Antonio ang mabuti pa Natalia hintayin mong lumabas si Victor mula sa kweba at kaming apat naman ay pupunta na sa Metro Manila, sumunod nalang kayo ni Victor.
Umalis na nga sina Antonio at naiwan si Natalia upang hintayin si Victor. Sa loob ng kweba may imahe ng isang babae na nagliliwanav ang gumising kay Victor.
Babae: Gumising ka na Victor kaylangan ka ng mga tao.
Pagkabangon ni Victor hinabol n'ya ang babae ngunit bigla itong naglaho. Naging isang malaking misteryo para kay Victor kung sino ang babaeng yon. Naramdaman ni Victor na may kuneksyon sila mg misteryosong babae. Samantala nararamdaman din ni Victor ang panibagong kapangyarihang nananalaytay sa kan'ya. Agad s'yang lumabas ng kweba upang makita ang mga kasamahan n'ya ngunit si Natalia lamang ang naroon.
Victor: Nasaan sila Natalia?
Natalia: Nasa Metro Manila sila ngayon upang kalabanin ang mga aswang na sumugof sa Manila.
Victor: Kung ganon tara tulungan natin sila.
Natalia: Hayaan mo munang pagalingin kita Victor. Marami kang mga sugat.
Victor: Ayos lang ako Natalia makapagpahinga naman na ako ,salamat sa pag-aalala.
Samantala pagkarating nila Antonion sa Manila nilabanan agad nila ang mga Aswang. Agad na bumaba sa kalahati ang bilang ng mga aswang matapos silang kalabanin nila Antonio ngunit maraming lakas ang nawala sa kanila. Bigla namang dumating si Hameck na may kasamang tatlong myembro ng Dugong Itim. Kasama ni Hameck ang bampirang si Ella, ang balbal ma si Kulaw at ang shokoy na si Paliktik. Dahil marami ng lakas na nawala sa kanila nahirapan silang kalabanin ang apat na dumating. Nag bagong anyo pa ang apat na aswang kaya naman maslalong nadagdagan ang lakas nila.
Luna: Masyado silang malakas.
Melvin: Tama, pero kakayanin natin to.
Andrew: Nagbagong anyo na sila kaya naman gamitin narin natin ang natutunan natin sa pageensayo natin.
Antonio: Sige gawin n'yo na mga bata.
Tinawag ni Luna ang lahat ng mga hayop na nasa paligid n'ya at sinugod ng mga ito Si Ella. Pinagalaw naman ni Andrew ang lahat ng halaman sa paligid at ginawa itong mga halimaw na halaman ng umatake kay Paliktik. Si Melvin naman ay gumawa ng malakas na usok na ilang pong doble ang lakas kaysa sa normal na insenso. Samantalang si Antonio naman ay naglabas ng isang pirasong papel na sinulatan n'ya ng mga kataga, dumami ang papel at nagmistulan itong mga kutsilyo sa tibay at talim ng mga ito. Ang lahat ng mga atakeng ito ay sabay-sabay na tumama kina Hameck. Napuruhan sina Hameck at nanghina kaya naman kinain nila ang ilan sa kanilang mga alagad at matapos nila itong kainin mas nadag-dagan ang lakas nila ngunit nawalan sila ng kontrol. Nagwala ang apat na halimaw. Nanginig sa takot sina Andrew dahil sa nakikita nilang kabangisan ng mga halimaw.
Tumingin sina Hameck sa lugar na kinatatayuan nina Andrew at bigla itong sumugod sa kanila. Sa bilis nina Hameck hindi na namalayan nina Andrew na nasa harapan na nila si Hameck. Pinagsusuntok nina Hameck sina Andrew Hanggang tumalsik silana at tumama sa pader. Hindi na makatayo sina Antonio dahil sa pinsalang natamo nila. Lumapit sa kanila ang apat na halimaw at naghanda ang mga ito sa isang malakas na pag-atake nang sa may maliwanag na bolang apoy ang tumama kay Hameck at sa iba pa n'yang mga kasamang halimaw.
Antonio: Buti nalang dumating ka na bata.
Andrew: Salamat Victor.
Dumating na pala si Victor upang tulungan ang mga kasamahan n'ya.
Victor: Ako na ang bahala sa mga halimaw na ito. Natalia pagalingin mo ang mga sugat nila.