Sa kabilang banda habang nageensayo ang limang bata ay patungo naman na si Hameck sa lugar ni Vishka. Pagkarating n'ya sa kinaroronan nito tumambad sa kan'ya ang higanteng si Vishka na may hawak na malaking tobako.
Vishka: Sino ka?
Hameck: ako si Hameck at nandito ako ngayon upang kunin ang mahiwagang bato sayo.
Vishka: At bakit mo naman gustong makuha ang bato?
Hameck: Kailangan yan ni Haring Iskwag.
Vishka: Kung ganon alagad ka pala ji Iskwag. Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo makuha ang bato sakin.
Hameck: Sige kung yan ang iyong nais.
Naglaban si Hameck at Vishka. Ginamit ni Vishka ang kanyang mga naglalakihang kamao sa pag-atake kay Hameck. Napuruhan si Hameck kaya naman nag-anyong lobo s'ya upang mapataas ang kan'yang bilis at lakas. Sa gitna ng kanilang laban nakaramdam ng panghihina si Vishka. Dahil sa katandaan ang dating pinaka malakas na kapre ay mabilis ng mapagod. Sinamantala ni Hameck ang panghihina ni Vishka at ginamit n'ya ang kanyang matutulis na kuko upang sugatan ang magkabilang hita ni Vishka.
Vishka: Kahit patayin mo pa ako ngayon hindi mo parin makukuha ang mahiwagang bato.
Hameck: (Lumapit kay Vishka at pinisil ang sugat nito sa binti) Nasaan ang bato?
Vishka: Binigay ko ito sa isang albularyo na tumulong sakin sa pagtatanggol ko sa punong tinitirahan ko.
Hameck: Nasaan ang albularyong ito?
Vishka: Hindi ko alam. Isa lang ang alam ko, hindi n'yo magagamit sa kasamaan ang bato.
Hameck: Kung ganon paalam sayo inutil na kapre.
Pinatay ni Hameck si Vishka at bumalik na s'ya sa kanilang pulungan. Isinalaysay n'ya ang nangyari sa kanilang pinuno kaya naman ipinatawag ng kanilang pinuno si Tesiler, isang opisyal ng Dugong Itim na may kakayahang manghula.
Tesiler: Nasa isa itong bata at kasalukuyan s'yang nageensayo upang magamit ang kapangyarihan ng bato.
Pinuno: Nasaan ang batang ito?
Tesiler: Hindi ko masasagot ang tanong na yan dahil tila may humaharang na mahika sa lugar kung nasaan sila.
Pinuno: Kung nagsasanay nga ang batang yan kaylangan natin s'yang antalain sa kanyang pagsasanay.
Hameck: Ngunit paano po? Hindi natin alam kung nasaan s'ya.
Pinuno: Ang mabuti pa ihanda mo ang ilan sa ating mga alagad.