"Ma'am si Mari nalang ang mag iikot sakanya sa school tutal parehas naman silang babae" wika pa ni Dongmin.
Iiwasan niya ba ko?
Wala ba siyang balak na bumalik kami sa dati naming estado.
"Oo nga ma'am si Mari nalang, diba Mari?" sabay ngiti ko pero sa likod ng ngiti na to ay ang sakit sa puso ko.
Ang matalik kong kababata nilalayuan na ko.
"Yes, ma'am" sabi ni Mari.
Umupo naman na ko sa bakanteng upuan sa likod ni Mari mayroon ring bakanteng upuan sa likod ni Dongmin pero halata namang ayaw niya kong umupo doon.
Natapos na ang Homeroom class namin at sabay sabay lumapit ang mga kaklase ko.
"Hi, Ainsleigh ako nga pala si Elize Villamore number 1 fan mo ko" sabi ng babaeng wavy ang buhok na hanggang bewang ang haba, medyo boyish siya tignan.
"Salamat sa suporta, Liz" sabay ngiti ko.
"Wag mo na pansinin si Dong min kanina kasi ilap talaga sa tao yan si Mari nga lang ata nakakakausap jan ng maayos" sabay nguso nito.
"Wag mo kami gawan ng issue, Liz. Magkaibigan lang kami." wika ni Mari.
Si Mari, maganda siya babaeng babae kumbaga ang tawag sa kanya ay "PURE" mahiyain at mahinhin pero mukhang may ibubuga rin naman.
"Leigh, for good ka na ba talaga dito?" tanong ni Liz.
"Ahhh, oo for good na ko dito" bigla naman nitong kinuha yung bakanteng upuan para sa mahabang usapan.
"Buti naman para bukod kay Mari ikaw din ang kaibigan ko, yung iba kasi dito plastik" sabay lingon sa 3 babaeng nakatayo sa may bandang unahan at nakita kong nakatingin sila sa gawi namin pero ngumiti ito ng makitang tumingin kami sakanila.
"Wag kang mag alala sanay na ko jan lalo na sa industry namin mas marami pang plastik" banat ko naman.
Totoo yun, naalala ko pa noon may isang artista akong nakasabay sa salon para magpa ayos ng buhok tapos nakita niya yung Designer bag na hawak ko sabi niya saan ko daw binili ang sabi ko naman regalo lang sakin ng kapwa artista which is true, tapos kinabukasan meron na rin siya. Nakakatawa pero ang tawag doon inggit.
"Leigh, paano na pala yung career mo?" tanong pa ni Liz.
Nakita kong biglang sumulyap si Dong min ng marinig ang tanong niya kaya naman agad akong sumagot.
"Titigil na ko, tatapusin ko lang yung iba kong contract tapos babalik na ko sa normal kong buhay ayoko na kasi mawalan ng tao na mahalaga sakin" sabay tingin ko kay Dongmin alam kong alam niya na siya ang tinutukoy ko pero tumalikod nalang siya ng tuluyan.
"Wag kang magalala, babalik din sa normal ang lahat Leigh." nakangiting sabi ni Mari.
Ngayon, alam ko na yung dahilan kung bakit malapit si Dongmin sakanya. Totoong tao siya at mabait para siyang anghel na bumaba sa lupa.
Bigla naman ng dumating ang susunod na subject namin kaya bumalik na ang lahat sa kani kanilang upuan.
Napapaisip parin ako kung bakit niya ko nilayuan pero alam ko sa sarili ko ang dahilan.
Dahil naging IDOL ako kaya siya lumalayo sakin, bata palang kami gusto ko ng maging IDOL pero tutol siya rito ngunit dahil sa isang pangyayari umalis siya at naiwan ako kaya nagpasya na akong gawin ang bagay na gusto ko. Hindi ko inaakala na ito pala ang tuluyang maglalayo saming dalawa.
Papunta na kami ngayon sa Music class namin kasama ko si Mari at Liz.
"Ito na..... Mapapakita mo na yung talento mo Leigh para siguro akong nanunuod sa concert mo na eexcite na ko!! Diba Mari diba" sabay yugyog niya kay Mari.
"Matutupad na yung pangarap mong mapanuod siya ng live" sabay ngiti ni Mari.
"Kailangan ko ba talagang kumanta ?" tanong ko pa sakanila.
"Oo pag bago ka kailangan malaman namin anong instrument ang kaya mong tugtugin" sabay hawak ni Liz sa baba niya.
"Paraan yun ng pag welcome namin sayo sa klase parang initiation narin" dagdag ni Mari.
Nang makarating kami sa silid agad kaming umupo sa bandang likod wala namang sitting arrangement dito basta kung saan mo lang gustong umupo nakita kong umupo si Dongmin malapit sa bintana.
"Good morning class, so alam naman nating may bago kayong classmate kaya alam niyo na makakapanuod na kayo ng live niya hahaha" tawang malakas ni Mr. Aragon siya ang music teacher namin.
"Anong instrument ba ang kaya mong tugtugin?" sabay lingon niya sakin.
"Guitar, Piano and Violin po" sagot ko naman sakanya.
"Ikaw na ang bahala kung ano ang kukunin mo" at tinuro na niya ang harapan ng silid.
Makikita mo dito yung iba't ibang instrumento Acoustic Guitar, Electric Guitar, Drums, Grand Piano, Violin, Ukelele, Flute etc.
Kinuha ko ang Acoustic Guitar.
Nagpalakpakan naman ang mga nasa klase mayroon ring mga tao ang nakatingin sa labas.
Bigla akong kinabahan.
"Ang kakantahin at tutugtugin ko ngayon ay isa sa mga composed song ko na hindi ko pa nilalabas, para sana to sa best friend ko kaso mukang malabo na kami" sabay sabay naman silang na Awwww.
Tumikhim muna ko at sabay "The title of this song is STORY"
Habang kumakanta ako ngayon gusto kong tumitig lang sakanya pero natatakot ako.
Natatakot akong makita na hindi niya ko tinitignan o sa iba siya nakatingin.
Pero may mangyayari ba kung hindi ko ipaparamdam sakanya na gusto kong malaman lahat kung anong nangyari sa pagkakaibigan namin.
Kung nasaan na yung Min min na makulit, pala tawa at para ko ng kapatid.
Kung saan siya pumunta? Bakit hindi siya nag paalam? Kung maibabalik pa ba namin yung dati naming pagkakaibigan.
Nilakasan ko na ang loob ko at tumingin sakanya.
Nakatingin siya.
Nakatingin siya sakin...
Naiintindihan mo ba yung gusto kong iparating.
Inilabas ko yung pinaka matamis kong ngiti pagkatapos ng kanta.
Nagpalakpakan ang lahat yung iba tumayo pa may ibang naluluha.
"Mahusay napaka husay ng composed song mo, Ainsleigh" wika ni Mr. Aragon.
"Nakakaiyak, Leigh waaaaaa!" parang bata na sabi ni Liz.
Niyakap nila ko ni Mari.
Sa hindi ko masabing dahilan, naiyak ako ng makita kong nakatingin sakin si Dongmin.
Sana maging daan ito para mag kausap kaming muli.
Natapos ang klase ng matiwasay at sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria para kumain.
"Hmmm, anong kakainin natin? Mari?" nawala sa gilid si Mari at ng makita namin siya kausap niya si Dongmin.
Buti pa siya....
Inggit, ito yung bagay na hindi ko naramdaman noon at tanging ngayon ko lang naramdaman.
Nasanay na siguro ako sa atensyong binibigay sakin ng lahat pero ang atensyon ng best friend ko nasa iba.
"Mari, anong ioorder mo!" sigaw ni Liz.
Lumapit naman si Mari " Pork cutlet nalang samin "
Humanap na ng upuan si Mari at Dongmin kami naman ni Liz Nag umorder para saming apat.
"Dapat umupo ka na doon IDOL ka dapat di pa pumipila" sabi ni Liz na medyo mahaba ang nguso.
"Madami kang bibitbitin kaya tutulungan kita" sambit ko sakanya.
"Dapat kasi si Dongmin ang pumila dito para satin hindi tayong babae ang pipili nakakaloka!" pagrereklamo ni Liz.
"Okay lang yan, anak siya ng Director kaya naman alam mo na" biro ko sakanya at kinindatan siya.
"Life savior talaga kita Leigh " sabay yakap na mahigpit ni Liz sakin.
Umorder naman kami ng 3 pork cutlet at 1 Curry dinagdagan ko narin ng 4 na slice ng strawberry cake.
"Wow! May stawberry cake tayo ngayon" wika ni Liz.
"Pasasalamat ko to sainyo kasi kayo ang una kong kaibigan dito sa school" sabi ko habang umuupo.
Kinakabahan nanaman ako, kasi nakaupo ako ngayon sa tabi ni Dongmin bali ang pwesto namin ay ganito
Dongmin - Mari
Ako - Liz
"Dapat pala wala si Dongmin kasi di ka naman niya tinulungan." banat pa ni Liz
"Mali ka, tinulungan niya ko" napatingin naman si Dongmin sakin pero hindi parin ako kinakausap.
"Paano naman???" pag kibit balikat ni Liz.
"Tinulungan niya ko na makilala ka at si Mari, diba Min min?" sabay ngiti ko sakanya.
"Wag mo kong tawagin na min min" malamig na sabi niya at parang dumilim ang mukha niya.
Agad naman akong tumahimik at nagsabi ng " Sorry "
Biglang tumayo si Dongmin at umalis nakita namin siyang umupo sa isang bakanteng lamesa biglang may dumating si Louie isa sa mga malalapit na kaibigan niya.
"Okay ka lang ba, Leigh" tanong ni Mari
"Oo, okay lang ako" pero ngayon nakahawak na ko na mahigpit sa palda ko gusto kong tumakbo sa labas at umiyak ng umiyak.
Gusto ko lang naman na magka ayos kami gusto ko lang naman bumalik yung pag kakaibigan namin pero bakit ganito parang nag back fire lahat ng ginagawa ko.
Natapos kaming kumain na puno ng katahimikan walang gustong magsalita.
"Una na kayo sa room, may pupuntahan lang ako" sabi ko at umalis.
Bumili ako sa vendo ng iced tea at sumiksik sa puwang ng 2 magkatabing vendo.
"Yosh, kasya ako" doon ako nagmuni muni.
Ng biglang may narinig akong bumili rin sa vendo kaya napasilip ako.
"Min min" tumingin naman siya sakin
Walang ibang tao dito ako lang at siya.
Nang akmang aalis na siya agad akong tumayo at hinawakan ang dulo ng damit niya.
Tulad noong mga bata pa kami tuwing aalis siya at magtatampo hihilahin ko lang yung polo niya at babalik siya.
"Bakit ka dito nag enroll?" ayun ang una niyang sinabi.
"Gusto kong bumalik min, gusto kitang makasama ulit" iyon lang ang gusto ko iyon lang.
"Satingin mo ba may babalikan ka pa?" galit na sabi niya.
Oo, galit siya sa tono niya para niya kong sinusumpa.
"Bakit min min, wala na ba?" tanong ko
Wala na ba talaga akong babalikan na minmin
" Wala na " ng marinig ko iyon napabitaw ako sakanya
Pero agad ko siyang niyakap mula sa likod.
"Min, I'm sorry I'm really really sorry kun di ako tumupad sa pangako ko patawarin mo na ko please" pag mamakaawa ko.
"Iyan ang pinili mo hindi ba? Hindi naman ako" ng marinig ko iyon biglang may galit akong naramdaman.
Bakit parang kasalanan ko?
Tinulak ko siya "Bakit parang kasalanan ko ang lahat? May kasalanan ka rin naman hindi ba? Iniwan mo ko hindi ka nagpaalam sakin ilang taon kitang hinintay na bumalik pero hindi ka bumalik iniwan mo ko sa ere!" sabay takbo ko.
Hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa luha ng aking mga mata.
Nagsisimula palang ako pero parang tapos na.
Wala na, wala na kong dapat balikan.
Napatigil ako sa pagtakbo ng bigla akong madapa at narinig ko ang boses ng isang lalaki.