Chereads / Personal Life of an IDOL / Chapter 5 - Chapter 4: Forget

Chapter 5 - Chapter 4: Forget

"Anong kakainin natin?" ganadong ganado na sabi ni Liz.

"Alam mo kaya ka tumataba kasi puro pagkain ang iniisip mo" banat naman ni Louie at nag simula na silang mag away sa harap ko.

Ganito naman yata talaga sila parang aso't puso.

"Oh siya, tara na tara na bago pa maubos ang masasarap na pagkain sa cafeteria" at kinuha ko agad ang kamay ni Liz para makapag lakad na.

Si Mari naman nasa likod at tawa ng tawa.

"Mari, si Dongmin pala?" tanong ni Louie.

"Mauna na daw tayo kasi may kukuhanin pa siyang libro" buti pa siya alam niya ginagawa ni Dongmin samantalang ako extra lang sa buhay nila.

Ito na ata yung tinatawag nilang pag seselos.

Simula kasi ng dumating ako si Mari talaga madalas ang kausap niya ako wala tahimik lang pag nandito siya, nangingitian niya rin si Mari pero sa akin ang sungit niya pero bakit ko nga ba iniisip iyon hindi ba nga hindi na iikot sakanya ang mundo ko.

Dapat siguro mag focus pa ko sa ibang bagay.

"Lei, anong gusto mo?" tanong ni Liz

"Sweet and sour pork nalang" at saka na ako nag hanap ng mauupuan namin maya maya pa.

"Huy! Dalian niyo may magtatapat nanaman kay Dongmin!!" sigaw ng isang babae na ngayon ko lang nakita.

Isa lang naman ang nakapukaw sakin iyon ay ang pangalan ni Dongmin.

"Lei, tara tara!!" biglang sigaw ni Liz kaya naman hinatak niya ko agad papunta sa pasilyo.

Ang daming naka silip sa bawat bintana ng paaralan para makita ang nasa baba.

"Dongmin! Matagal na kitang gusto!" isang magandang babae ang biglang yumuko habang inaabot ang sulat niya para kay Dongmin.

Pero parang walang nakita si Dongmin at diretso lang ang lakad at ni isang tingin hindi niya ginawa pero hindi nag patinag ang babae agad niyang hinabol at niyakap patalikod si Dongmin.

Gusto kong sumugod, sumugod para pigilin ang babae at ikalas siya sa pagkakayakap nito.

"May iba na akong gusto" iyon lang sinabi ni Dongmin. Isang malamig, walang emosyon at walang pagaalinlangan.

Tumingin si Dongmin sa taas at nakita ko siyang nakatingin sa banda namin. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko at kung kay Mari siya nakatingin.

Sabagay malabong hindi niya ito magustuhan dahil halos perpekto si Mari.

Maganda, matalino, tahimik at naiintindihan siya.

Nang makita ko ang pangyayari na yun nawalan na ako ng pag asa at nawalan narin ako ng gana na kumain pa.

"Liz, una na ko may gagawin pa pala ako" at hindi na ako nag atubiling umalis.

"Lei, hindi ka na kakain!" habol ni Liz.

"Hindi na muna ako sasabay" agad na akong bumaba papunta sa tahimik na lugar.

Habang papunta ako sa likod ng paaralan kung saan walang tao at madalang madaanan may narinig akong umiiyak, agad ko namang hinanap at nakita ko ang babaeng nagtapat kay Dongmin.

Hindi ko alam bakit agad akong lumapit at umupo sa tabi nito, nagulat naman ang babae.

"Miss Ainsleigh" gulat na sabi nito habang pilit na pinupunasan ang naguunahang luha.

"Bakit mo nagustuhan si Dongmin?" ayun ang unang bagay na lumabas sa bibig ko hindi ko rin alam kung bakit, gusto ko nalang kainin ng lupa ngayon at lumiit sa harap niya.

"Si Dongmin kasi iba siya sa ibang lalaki"

Oo tama siya, iba talaga siya sa ibang lalaki si Dongmin kasi marespeto sa babae hindi niya pinipilit ang bagay na ayaw ko, kaya niyang mag adjust any time, hindi siya nagagalit at inuunawa ang isang bagay bago mag salita, gusto niya lagi niya kong napapasaya, gusto niya give and take higit sa lahat mapagmahal siyang tao.

"Napaka tahimik niya, misteryoso, at higit sa lahat parang pag naging kayo hinding hindi ka niya lolokohin" pagtutuloy niya sa kanyang kwento.

"Kaso napansin ko isang babae lang ang dinidikitan niya si Mari kaya naisip kong dapat sabihin na sakanya bago pa mahuli ang lahat kaso" bigla naman siyang humagulgol at tuluyan ng umiyak.

Wala akong nagawa kundi yakapin siya at hayaang umiyak sa balikat ko. "Alam mo marami pa namang ibang lalaki jan hindi lang si Dongmin ang ganyan makakahanap ka rin ng ibang tao na mas makakaintindi sayo at higit sa lahat yung tao na susuklian ang pagmamahal mo" sinabi ko yun ng mula sa puso.

Parang sinabihan ko na rin ang aking sarili na hindi lang si Dongmin ang ganoon sakin nandiyan naman si JK, siya ang tumayong matalik kong kaibigan sa industriya, siya yung laging nandiyan pag kailangan ko siya, pag may sakit ako kapag nag away kami ni Mom or Dad, siya din ang nagpapatawa sakin kapag naaalala ko si Dongmin.

"Miss Ainsleigh, salamat ng marami ha gumaan ang dibdib ko dahil sa sinabi mo" ngumiti naman ako sakanya.

"Akala ko noon mahirap lumapit sayo kasi artista ka pero ikaw pa ngayon ang lumapit sakin para mawala ang lungkot ko" sabay ngiti ng babae sa harap ko.

"Ako nga pala si Hannah, nice to meet you Miss Ainsleigh salamat talaga ng marami"

"Walang anuman yun, nandito lang naman ako lagi handang tumulong" pagkasabi ko noon ay nagpaalam na siya sa akin at kakain na daw siya.

Nakakatuwa na nakakapagpasaya ako ng ibang tao pero ang masakit yung sarili ko hindi ko mapasaya pero ngayon sigurado na ko, kakalimutan ko na.

Kakalimutan ko na ang lahat pero mananatili ang mga alaala sa puso ko, mabubuhay akong masaya sa piling ng mga kaibigan ko at hindi lang kay Dongmin.

Narinig ko na ang bell senyales na 10 minuto nalang at magsisimula na ulit ang klase.

"Lei! Saan ka ba nagpunta kanina ka pa namin hinahanap" sabay yakap na mahigpit ni Liz.

"I just mend a broken heart" sabay hawak ko sa aking dibdib na umaarte pa.

"Hahaa, Lei marunong ka palang mag joke akala ko para kang si Mari eh Santa" hagalpak na tawa ni Louie.

Nakita ko naman na naka tingin sakin si Dongmin kaya nginitian ko siya pero umiwas siya ng tingin.

Maya maya dumating na ang aming guro. Nagkaroon kami ng takdang aralin grupo ng 5 ang kailangan at may tutuklasin tungkol sa mga binigay na akda.

Sakto kaming lima Ako, Louie, Liz , Mari at Dongmin. Napag usapan naming sa bahay nalang ni Dongmin magkita kita ng Sabado at Linggo na umuwi para tapusin ang aming takdang aralin, mag isa lang daw kasi si Dongmin sa bahay nito .

Habang pinaguusapan nila ang mga gawain bigla namang tumunog ang aking telepono at sinagot agad ito.

"Hello Mr. Wang, nasa eskwelahan ako, opo , bukas na ba iyon? Akala ko next week pa, okay po masusunod" iyon ang naging paguusap namin sa telepono.

"Lei, sino iyon?" tanong ni Mari.

"Manager ko mukang hindi ako makakapasok bukas may photoshoot kasi ako para sa Mega Magazine, ako kasi ang gagawing cover" malungkot na sabi ko.

"Bakit ka malungkot?" tanong ni Liz.

"Kasi kung kailan nagiging masaya na ko dito sa paaralan saka naman ganito trabaho nanaman" totoo naman kung kailan nakapag desisyon na ko saka naman ganito.

"Akala ko ba titigil ka na?" nagulat ako at biglang nagsalita Si Dongmin.

"Titigil na nga, hindi pa kasi tapos yung kontrata ko pag natapos iyon malaya na ko"

Ito yung bagay na gusto ko yung kakausapin niya ko pakiramdam ko may pakialam parin siya sakin. Huwag kang ganyan Dongmin kung kailan nakapag isip isip na ko bigla ka namang lalambot.

Natapos narin ang araw namin at agad ng nag uwian. Ako naman katulad parin ng dati kasama ko si Mang Randi at magpapahinga na dahil maaga pa daw ang photoshoot.

Kinabukasan, agad akong naligo at naghanap ng casual na kasuotan para hindi ako mahirapan.

Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon sa eskwelahan. Masaya kaya sila ng wala ako?

Agad kaming umalis ni Mang Randi, wala parin akong kibo sa loob ng sasakyan.

"Anong iniisip ng maganda naming binibini?" bati ni Mang Randi.

"Wala po, hindi ko lang gustong gawin yung ipapagawa nila" tumahimik naman si Mang Randi.

Ang Mega Magazine kasi ay isang international magazine para sa mga international starz at ang gusto nila ay ilathala nila kung gaano kami ka lapit sa isa't isa ni JK. Ayoko ng dahil sakin ay mapahamak siya.

Dumating naman kami sa lokasyon ng na aayon sa oras 30 minuto bago mag alas 8 ng umaga.

Biglang may yumakap sa likod ko at agad naman akong humarap para yakapin siya.

"Ai, namiss talaga kita!" mahigpit na yakap sakin ni JK.

"Namiss din kita" ganito talaga kami ka lapit sa isa't-isa yung parang walang gustong humiwalay.

Nagkwentuhan kami habang inaayusan, kinuwento niya sakin yung mga ginawa nila sa isang television show ang pangalan ay Happy Camp ang dami daw pinalaro sakanila at saya saya daw.

"Ginawa ko na yan sakanila, naalala mo ng makapareho ko si Yang Yang naglaro pa kami ng piloow fight buti nanalo ako hahahaha" pagmamayabang ko sakanya.

"Nakita mo na ba siya?" biglang tanong niya.

"JK, wala na, wala na akong babalikan" sabay ngiti ko sakanya.

Nang sinabi ko iyon agad siyang tumayo sa upuan at niyakap ako.

"Wag kang mag alala nandito naman ako, hindi ba shining armor mo ko? Ako si JK nasa tabi ni Ai lagi!" sinabi niya yun ng may ngiti sa labi at minostra pa ang biceps niya.

Nagtawanan naman ang mga nag aayos sa amin kaya agad ko siya tinulak.

"Sinasaktan mo na talaga ang damdamin ko" sabay arte niyang nasasaktan habang nakahawak sa dibdib.

Maya maya pa ay nag bihis na kami ng unang set na damit na aming susuotin.

Sa akin ay isang simpleng white dress at kay JK naman ay puting long sleeve. Kinuhanan kami ng litrato sa madamong parte na lugar ang damo ay halos aabot sa dibdib ko. Agad naman kaming pumwesto ni JK. Tumingin lang ako pababa at siya naman ay humawak sa aking baba.

Madaming flash ng camera pero mas iniisip ko si JK habang umiiba kami ng pwesto dahil alam kong pagod siya mula sa flight galing China tapos diretso na agad dito.

Pure picture ang tawag nila dito dahil hindi kami nag garbo ng damit, ng make up at ng lugar pero hindi pa doon natatapos ang lahat dahil hanggang 4th batch ang damit na susuotin namin.

Pure, School, Street at Elegant Style ang gagawin namin ibig sabihin 4 na lugar din ang pupuntahan namin.

2 klaseng style sa isang araw.

Kaya naman puspusan talaga ang lahat dahil lahat ng kumukuha ng video at picture namin ay international.

"Parang hindi na ko agad sanay" sabi ni JK.

"Dapat ako ang nagsasabi niyan hindi ikaw" pag bibiro ko at agad na sumandal sakanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nakasandal kay JK nagising nalang ako ng tinawag na ang lahat para susunod na set.

Elegant Style, pumunta kami sa isang mamahaling hotel kung saan pinasuot ako ng napagandang white dress ball gown at naka tuxedo naman si JK marami rin kaming pose na ginawa.

Natapos ang araw ng ganoong kabilis saka kami nag uwian perk si JK sumama sakin pauwi dahil doon daw siya matutulog sa school kasi ang lokasyon bukas.

Pagdating namin sa Condo agad kaming nag takip ng mukha at nag salamin para hindi kami makilala.

"Dalian mo baka may makakita pa sa atin" biglang may narinig kaming papalabas sa kabilang condo kaya naman dali dali kaming pumasok sa loob ng condo ko.

"Nice, ngayon lang ako nakapunta dito ang ganda!" bati ni JK habang ikot ng ikot sa sala.

"Puchi, sa guest room ka matutulog ok? Ako magriritual na at matutulog anong oras na" sabi ko dahil talagang napagod ako sa ginawa namin.

"Kailan mo pa ako naging aso ha?!" umakma naman siyang mangingiliti kaya agad akong umakyat ng hagdanan at pumasok sa aking silid.

"Good night puchi!" sigaw ko.

Kinabukasan maaga kaming gumising paraa nag ayos at dumiretso na sa paaralan ko doon daw gaganapin ang photoshoot.

Suot ni JK ang uniform namin at gamit ko naman ang uniform ko. Sa hindi ko alam na dahilan sobra ang kaba ko parang sasabog ang puso ko. "Ayos ka lang, Ai" tanong ni JK tumango naman ako bilang sagot at dumating na kami sa paaralan marami rin ang nakikiusyoso dahil hindi nila alam ang nangyayari.

Maraming kamera at studio person ang nandoon lahat talaga ng estudyante ay mapapatingin pag baba namin ay agad kaming dinumog ng tao mabuti nalang at may mga body guard na humarang sakanila iyong iba ay kinamayan ko bilang respeto sakanila.

Sa loob ng isang silid ay doon kami inayusan ng buhok at nag make up saka sinimulan ang photoshoot.

"Guys, the first shoot will be on the entrance gate!" sigaw ng international photographer tipikal na amerikano ang kanyang itsura at matipuno ang tindig.

"Lei!!!!!" pamilyar na boses ng babae ang aking narinig.

"LIZ!!" sigaw ko sabay yakap namahigpit sakin.

"Miss na miss na agad kita" sabi niya habang nakayakap parin maya maya pa ay lalapit na ang body guard.

"It's okay she's my friend" warning ko sakanya. May naisip naman ang photographer na isama siya sa photoshoot para sa extra kaya naman ang ginawa namin ay sabay kaming pumasok sa entrance gate habang nakatingin sa isat-isa at nakangiti.

Pagkatapos non ay pumasok na siya sa aming silid aralan kami naman at nanatili sa school grounds para sa ibang photoshoot nasa ilalim kami ng puno ngayon at naka higa siya saking hita habang ako ay kunwaring nagbabasa. Madaming mga estudyante rin ang kinikilig sa aming dalawa.

"Ainsleigh, sa isang classroom daw tayo sunod" sumunod naman kami sa isang producer at hinanap ang silid at sa swerte ko naman ito ay silid pa namin.

"Waaaaah, si JK at si Lei!!" sigaw ni Jasmine na nasa bandang unahan.

Pinaupo naman ako kung saan ang natural kong upuan at pinaupo si JK sa may bandang bintana habang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok at saka kami kinuhanan ng litrato lahat ay humanga kung gaano ka gwapo si JK.

Pagkatapos ng ilang shot ay agad naman kaming nagpahinga biglang lumapit sakin si JK at agad akong niyakap paligod kaya naman nag tilian ang mga kaklase namin.

"Aiiiiii, Kain tayo sa cafetria niyoooo" paglalambing ni JK.

"Oo na, sige na magpaalam muna tayo tapos sasabay tayo sa mga kaibigan ko" sbay tapik sa kamay niyang nakayakap at agad naman niya itong inalis at hinawakan ang kamay ko.

"Tara magpaalam na tayo" sabay hatak saakin mabuti nalang at pinayagan kami.

"JK, ito si Liz, Mari, Louie at Dongmin sila ang mga kaibigan ko dito" pag papakilala ko sakanila.

"Hi ako si JK" sabay pakikipagkamay nila sa isa't-isa.

"Dongmin, parang narinig ko na..." hindi niya na natuloy yung sasabihin niya dahil dali dali ko itong pinisil at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"JK, fan niyo ni Lei pwede pa picture ako" sabi ni Liz at kumuha na sila ng kani kanilang litrato .

"Ai?" rinig kong sabi ni Dongmin sabay ngiting aso nito. Hindi ko alam kung anong problema niya, ang hirap niyang intindihin.

Pumunta na kami ng cafetria at agad nilabas ang pagkain namin ni JK. "Wow! Mukang masarap yung pagkain niyo" sabi ni Louie at agad na kumuha sa pagkain ko.

"Hoy hoy hoy, wag mong kunin yung kanya ito nalang sakin" Sabay abot ni JK kay Louie.

"Bro, thank you na touch ako" pagiinarte mi Louie "Ano ba yan bromance kadiri" pangontra ni Liz " Imposibleng bromance to dahil may gusto ako" banat ni JK "Sino sino?" sinabi ni Liz yun ng kumikinang ang mata bigla namang tumayo si JK at pumunta sa likod ko sabay yakap nito " Walang iba kundi ang nag iisang Ai ng buhay ko" umarte namang kinikilig si Liz at Mari.

Nagulat kami ng biglang tumayo si Dongmin " Tapos na kong kumain" sabay alis nito "Anong problema nun?" tanong ni JK " Wag mo nalang pansinin ganoon naman siya madalas" sabi ni Mari. Pagkatapos kumain ay naghiwahiwalay na kami at agad naring tinapos ang photoshoot, pumunta muna ko sa Vendo para mapagisa.

"Hmm, green tea na nga lang" biglang may pumindot na kung sino at ng nilingon ko ay agad akong nagulat "Min min" agad akong nabigkas. "Hindi ba sabi ko sayo wag mo na kong tawagin sa pangalan na yan" galit na tono niya, "Pasensya na, nasanay lang ako" "Ai din pala ang tawag niya sayo sobrang lapit niyo sa isa't isa" biglang sambit niya.

"Si JK, siya ang tumayong sandalan ko ng iwanan mo ko sa ere siya lang ang tanging nandiyan para sakin, para damayan ako sa lahat ng pagkakataon" sagot ko sakanya.

"Magaling pala siyang sumalo" nainis ako sa sinabi niyang iyon pero gusto kong manatiling kalmado.

"Min, may gusto sana akong sabihin sayo." tinitigan naman ako ni Dongmin, ang mga mata niya ay puno ng galit at inis ni wala akong makitang kaligayahan rito. "Hindi ba sabi mo wala na akong babalikan? Natanggap ko na iyon kaya simula ngayon ang nakaraan ay nakaraan na KAKALIMUTAN ko na ang lahat at iisiping ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala sana ay wag mo ring sabihan ng kung ano ano si JK dahil HINDI MO KAMI KILALA" may diin kong sabi at agad ng umalis sa kanyang harapan, gumaan ang aking dibdib sa mga sinabi ko kay Dongmin pero may kirot parin sa aking dibdib.

"Ai!" nakita ko namang kumakaway si JK sa malayo at nakangiting tinatawag ako, ibang iba siya kay Dongmin ang kanyang mata ay puno ng liwanag at saya. Agad akong tumakbo papalapit sakanya at agad niyang hinimas ang aking ulo at saka ako inakbayan pagkatapos ng pag liligpit ng mga gamit ay agad naming nilisan ang paaralan.