THE NEXT FEW days and weeks with Vlad was like a cloud nine. May malaking nagbago sa aming dalawa though I can't explain what exactly it is. But Vlad became less annoying instead, he became much sweeter and gentler to me. Although hindi pa rin nawawala ang pang-aasar niya sa akin. But everytime he looks at me feeling ko may something special sa likod ng mga ngiti at tingin niya. Or is it only me who gives meaning to that?
Inalis ko na lang sa isip ko ang mga pag-aalala at ninamnam ang mga sandaling magkasama kami. The kisses, blood suckings, and momols happened a lot. But what surprised me the most is that Vlad has so much control. He doesn't take advantage of me. Even though may mga sandali na parang gusto kong dumating na kami roon, sa you know... making love. Or maybe it was just sex for Vlad but in my dreams I considered it as making love with him.
Honestly, every time we kissed and momol nakikita ko sa mga mata ni Vlad ang labis na desires. He was still a man after all. But Vlad has been a gentlemen at palagi niyang pinipigilan ang sarili. Madalas tuloy I feel like I'm being unfair to him dahil ako na lang ang palaging nagbe-benefit.
I don't know if I could label what we have as an official relationship but heck! Ayokong mag-risked na magtanong sa kanya kung ano na ba talaga kami `coz I'm afraid of what he might say. At kung hindi tulad ng inaasam ko ang sagot niya ay masasaktan lang ako at ayokong mangyari `yon. Sapat na ang sakit na naranasan ko kay Jonathan sa loob ng walong taon. Hindi ko na kakayanin kung mauulit pa iyon.
"I'll fetch you again after school, sweetie." Vlad kissed my forehead before he said goodbye.
Palagi na rin niya akong hinahatid-sundo ngayon. Vlad is always worried na baka may mangyaring masama na naman sa akin kaya ayaw niyang pinapabayaan akong mag-isang umuuwi. He still insist to buy me a car though, pero nanindigan akong ayoko. It's useless. At mas masaya ako tuwing nagco-commute kaming dalawa.
"Ang haba ng hair mo `te! Ano ba'ng gamit mo, Rejoice?"
Nakangiti ako nang lumingon ako kina Sam at Apple. `Yung mga ngisi nila sa mukha hindi maalis alis.
"Mukhang nakaget-over ka na talaga kay Jonathan at lunod-lunod ka sa relasyon niyo ni Vlad," dagdag pa ni Sam.
Ngumisi lang ako sa kanila and flipped my hair. Well, duh! Obvious ba? Daig ko pa ang naka-camera 360 everyday dahil grabe sa blooming ang skin ko.
"Well... masaya kami ni Vlad ngayon and I don't regret choosing him over Jonathan," sagot ko. Naglalakad na kami papasok ng first subject.
"Akala ko nga dati rebound mo lang si Vlad dahil all of a sudden after ng confession mo kay Jonathan, may boyfriend ka na agad. But surely, I was wrong." Napatingin ako kay Apple.
Minsan gusto ko ng umamin sa kanila kung ano ba talagang klaseng relasyon ay mayroon kami ni Vlad pero alam kong hindi iyon magandang idea.
"Sometimes we can't expect what would happen. Sabi nga ni Nina: love moves in mysterious ways," makahulugang sabi ko na lang.
Nag-ayie lang ang dalawa at nagtawanan. Malapit na kami sa classroom nang matanaw ko ang isang pamilyar na bulto na nakatayo sa kabilang dulo ng hallway malapit sa hagdanan. Napahinto ako sa paglalakad. He's a tall guy wearing a red long sleeve and dark jeans. Nakasuot din siya ng red cap but it didn't hide his face so I was able to recognized him.
"Uhm... mauna na kayo mag-c-cr lng ako," sabi ko sa dalawa. Pumasok na sila sa loob at hindi na nagtanong pa. Natanaw kong ngumisi ang lalaki sa akin at lumakad palayo. Agad ko siyang sinundan. I found him at the fire exit.
For a moment, nag-hesitate akong lapitan siya dahil baka maulit na naman ang nangyari nung isang araw. However, I need to know why he's here and why he keeps on bothering me.
"Romeo."
Humarap siya sa `kin, still flashing his mischievous smile. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya.
"Hello again joker girl," aniya. Nakatago pa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang tamad na nakasandal sa pader. Just like Vlad, Romeo has a bright aura around him. Siguro nga ay isa iyon sa katangian ng mga bampira. They are too beautiful in the eyes of ordinary humans. Maihahantulad sila sa nagbabagang apoy na nang-aakit sa lamok upang dumikit sa kanila kahit na ang kapalit ay pagkasunog.
"Bakit ka nandito? Ano ba talaga'ng kailangan mo sa `kin?"
Naalala ko pa ang gabing nag-confrontation sila ni Vlad. Alam kong may ugnayan silang dalawa na ayaw sabihin sa `kin ni Vlad. Pero bakit?
"You're wondering kung ano ba talaga'ng kaugnayan ko kay Vlad, right?" He said like he was able to read what's on my mind.
Napalunok ako. Don't let yourself get tricked, Erin. Kaaway siya. He tried to hurt you before.
"Hindi ko na kailangang malaman at siguro naman aware ka na malalagot ka kay Vlad `pag may ginawa kang masama sa akin," lakas loob kong sabi.
He smirked. Halata naman takot siya kay Vlad. "Don't worry my dear. I know that I scared you the first time we've met but believe me, I'm not a bad vampire. Just... a lil bit playfull."
Napairap ako sa hangin. I don't have time for his childish games. "Tama na'ng pasikot-sikot mo, Romeo. Ano ba talaga'ng kailangan mo sa `kin?" I asked again without hiding my irritation.
Tumawa siya at humakbang palapit. Agad akong napaatras at my defense.
"Actually, wala naman akong kailangan sa `yo. However, my dear. I have something precious that for sure you'd want to know."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Pero mas pinangungunahan ako ng kuryosidad ko. "Anung ibig mong sabihin?"
Mas lumapit si Romeo hanggang sa ma-corner niya ako sa likod ng pinto ng fire-exit. Mapaglarong tumitig sa `kin ang kanyang mga mata. It gives me wild shivers. Nilapit ni Romeo ang bibig sa tenga ko. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Takot na baka kagatin niya ako. "I know a secret... at sasabihin ko lang sa `yo ang secret na `to kapag nakipagkita ka sa akin bukas ng gabi sa dati nating tagpuan."
Napigil ko ang hangin ko sa dibdib. Anung sikreto?
Bigla kong naalala ang isang sinabi niya kay Vlad noong nagkita sila sa plaza.
"How's your vacation?"
May kaugnayan kaya iyon sa sikretong sinasabi niya? Now that Romeo is here. Hindi ba't may chance na si Vlad na umuwi pabalik sa kanila? Then why does Vlad seems to be hiding something from me? Bakit iniiwasan niyang pag-usapan namin si Romeo? Does Vlad really lose his powers kaya hindi siya makabalik sa kanila?
Or am I just being fooled by a vampire all this time?
Nang mapagtanto ko ang lahat ng `yon ay bigla akong nanghina. Buti na lang at napakapit ako sa pinto sa likod ko bilang suporta sa nanlalambot kung mga tuhod.
Romeo twirled the ends of my hair to his fingers and smelled it. "I'll tell you everything tommorow night. See you again, Erinna." Iyon ang mga huling bulong ni Romeo bago siya biglang naging itim na paniki at lumipad paalis.
Nasapo ko ang dibdib. Pakiramdam ko'y naninikip ang baga ko na para bang tumakbo ako sa isang marathon at naghahabol ng hangin.
Ano'ng tinatago mo sa akin Vladimir?