Chapter 38 - Help!

NGAYON AY mag-isa lang ako sa bahay. Hindi ko maiwasan hindi maparanoid. Paano kung kapitbahay ko lang pala ang bampira? Paano kung nasa tabi lang siya at nag-aabang na kainin ako? Paano kung nagtatago lang pala siya sa loob ng aparador ko all this time?

Agad akong napatingin sa aparador ko.

Tangina this! Author naman, eh! Ayoko ng scary scene!

Nagmadali akong kumuha ng tali at packing tape. Agad kong tinali ang handles ng aparador at tinapalan ng makapal na tape ang gitna niyon para siguradong walang lalabas na bampira. Pakingshet! Mapa-praning na ata ako.

Kanina lang habang pauwi ako. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Feeling ko may aninong nag-i-stalk sa akin pero kapag lumilingon naman ako sa likuran ko wala akong nakikita.

Nababaliw na ba ako? O guni-guni ko lang lahat nang `yon?

Kainis! Ayoko na tuloy mag-commute mag-isa. Buti pa noong nandito si Vlad may kasama ako palagi. Haaaay!

Akap-akap ko ang unan ko. Nag-ready na rin ako ng pepper spray at kawali na hawak ko habang natutulog para may pang self-defense. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tumungin ako sa orasan. Alas dose na pala ng gabi. Tulog na halos lahat ng tao.

Sobrang tahimik parang mababaliw ako. Unti-unting pumihit ang mukha ko sa bintana. Nakasara `yon at dahil pina-laundry ko ang kurtina kaya wala tuloy takip. Kitang-kita ko ang bilog at maliwanag na buwan sa maitim na kalangitan.

Napalunok ako. Sobrang natatakot na talaga ako. Hindi ko alam pero parang feeling ko ako ang susunod na target ng bampira. Biglang may aninong dumaan sa bintana.

BWAKANANGINAMOTALAGAAUTHOR!!!

Napatalon ako sa kama. Mas napahigpit ang kapit ko sa pepper spray at kawali. Anu `yong nakita ko? Pusa? Daga? Pero may ganoon bang kalaking pusa o daga?

"S-sino `yan? Tangina kung sino ka man hindi ako masarap!" sigaw ko.

Nanginginig na talaga ang mga tuhod ko. Bakit ba kasi nangyayari sakin ` to? Kung alam ko lang na magiging ganito ang takbo ng istorya hindi na sana ako pumayag na maging bida.

Nanay ko po!

Hindi ko maalis ang tingin sa bintana. At kung mamalasin ka nga naman biglang namatay lahat ng ilaw at nag-brown out.

ENEBE EYEKE NEEEE!

Naiiyak na talaga ako. Hindi na `to nakakatuwa!

Biglang may itim na anino ulit na dumaan sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong tumakbo sa kabilang side ng kwarto at nagtago sa ilalim ng kama. Pawis na pawis na ako. Pakiramdam ko tatalon na ang puso ko sa sobrang kaba. Nagsisitayuan na rin lahat ng balahibo ko. Bigla pumailanlang ang langitngit ng pintuan sa labas. May pumapasok sa loob ng aparment ko. Hala! Ni-locked ko naman ang pinto!

Panay ang panalangin ko sa lahat ng dasal na alam ko. Ni-recite ko ang Our father, Hail Mary, pati na rin dasal ng Iglesia ni Cristo, Dating Daan, Seven day Adventist, Muslim, at KAPA! (Ay mali! Scam pala iyon!)

Sa ganitong oras na takot na takot ako. Iisang pangalan lang ang sinisigaw ng isip ko.

Vlad... please save me.

Mabibigat na yabag ang sunud kong narinig. Papalapit iyon sa kwarto. Tinakpan ko ang bibig pero ayaw paawat ng iyak at hikbi ko. Madiin akong pumikit. Hindi ko pa naman napapagawa `yung sira kong pintuan. Nakita ko ang mga paa ng estranghero na nagkatayo na ngayon sa gilid ng kama.

"Miss beautiful... alam kong nandito ka. Lumabas ka na... promise, sandali lang tayong maglalaro."

Kinilabutan ako nang husto sa boses ng lalaki. Hindi pamilyar. Pero sapat na ang narinig kong boses niya para masiguro kong kalaban siya.

Jusko po! Ito na ba ang the end ko? Wag naman sana. Hindi ko pa nga nabibigay ang virginity ko kay Vlad papatayin na agad ako sa istorya? `Wag ganun!

Ayokong mamatay ng Virgin!

Napatili ako nang malakas nang may humatak sa paa ko.

"Aaaaaaahhhhhhh!!!"

Hinatak niya ako palabas ng kama at mabilis na pinaibabawan. "HAHAHA! Huli ka balbon!" Nanlilisik ang kanyang mapupulang mga mata. Mahaba ang itim na buhok at sobrang nakakatakot ang itsura niya. Binuka niya ang naglalaway na bibig at kitang-kita ko ang matutulis niyang pangil.

"HINDI AKO BALBON!" singhal ko sa kanya.

"HAHAHAH! Hindi ba? `Di bale, okay lang dahil mukhang masarap ang hapunan ko ngayon."

Sinubukan kong manlaban ako pero hindi ako makagalaw sa sobrang bigat niya sa ibabaw ko. Nabitawan ko rin ang kawali. Nakita ko ang pepper spray malapit sa kinahihigaan ko. Umiling-iling ako. "Maawa po kayo, hindi ako masarap. Lagi akong kumakain ng isaw at betamax sa kanto kaya madumi ang dugo ko!"

Tumawa siya nang nakakakilabot. "Okay lang hindi naman ako choosy."

Uwaaaah! Tengeneeee

Bumuka ang bibig niya at akmang dadakmalin na ako nang sumigaw ako ulit. "HUWAG!" Napahinto siya. "Ah... ah... a-adik ako! Pusher ako ng katol at rugby. Pati mighty-bond sinisinghot ko kaya mamang bampira pramis, madumi ang dugo ko. Magsisi ka lang pag-ininom mo."

Saglit na kumunot ang noo niya sa `kin. Akala ko epektib na pero tinawanan niya lang ako. "Walang kaso `yon. Sideline ko rin ang pagiging pusher! BWAHAHAHA!" Binuka niya ulit ang bibig niya. "Kaya kakainin na kitaaaa!"

"Aaaaaahh wait! wait!"

Nahinto ulit siya. Medyo pikon na ang itsura niya. "Ano na naman?"

"Ah... eh... natatae ako. Pwede bang tumae muna?"

Nalukot nang husto ang mukha niya kaya sinamantala kong maduwal-duwal pa siya at mabilis kong inabot ang pepper spray sa gilid ko at inispray sa mukha niya.

"Aaaaah!" nagsisigaw siya at napahawak sa mga mata.

Buong lakas ko siyang tinadyakan at tumakbo palabas ng kwarto. Nagmadali akong tumakbo palabas nang apartment diretso sa hallway. Agad akong bumababa ng hagdanan pababa nang biglang may lumipad na paniking itim sa harapan ko at mabilis na nag-transform sa lalaki.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!"

Napatili ako at mabilis na bumalik paakyat pero hinatak niya ang buhok ko at kinaladkad ako pabalik. Inangat niya ang ulo ko at mabilis na tinagilid ang leeg ko. Naramdaman ko ang makirot na kagat niya at napaiyak ako sa sobrang sakit.

"Aaaaaah... h-huwag!" Pero wala akong magawa. Wala akong laban. Ramdam ko ang makirot na pagsipsip niya sa dugo ko. Mabilis na tila patay gutom na halimaw. Wala siyang balak na itira. Uubusin niya lahat.

Unti-unti nang nanghihina ang aking katawan. Nasasaid na ang bawat patak ng dugo ko. Nagdidilim na aking paningin.

Ito na ba ang katapusan ko?

Isang malakas na sigaw ang sunod kong narinig. Bumagsak ang nanghihina kong katawan at isang malaking bulto ang nakita ko sa aking harapan. Sa kabila ng panlalabo ng paningin ay nagawa kong manatiling nakadilat.

"How dare you!" I heard a familiar growling voice of a man.

"P-patawarin mo ako K-kamahalan. Nagugutom lang naman ako." Namimilipit ang bampira habang nakaangat ang kanyang mga paa sa sahig. Sakal-sakal siya ng lalaking sumigaw. Sa likuran niya ay may isa pang pamilyar na bulto ng lalaki. Dalawa sila.

Hindi ko na makita nang maayos ang itsura nila pero malakas ang pakiramdam ko kung sino sila.

"You broke the law. And you know what punishment is waiting for you, Kryshler," sabi ng isa pang lalaki na pamilyar din.

"Huwag! Huwag kamahalan maawa kayo!" Kryshler the bad vampire pleaded.

"There's no mercy for a monster like you. Now, die!" Sumiklab ang matinding galit ng lalaking sumasakal sa kanya at buong lakas na kinagat nito ang bampira. Nangisay ang katawan ni Khryshler habang walang awanng sinisipin ang dugo niya ng lalaki.

Umangat ang ulo ng lalaki at binitawan ang katawan ng walang buhay na bampira. Ang sumunod na nangyari ay mas nakakatakot. Tila papel na pinutol ng isa pang lalaki ang ulo ni Kryshler.

"We need to burn him now, Vlad."

At mabilis na sinunog nila ang katawan ni Krysler gamit ang lighter at gasoline.

Parang nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib. Wala na ang halimaw. Ligtas na ako. Natanaw kong lumapit ang isang lalaki sa akin.

Ang nagliliyab na apoy sa kanyang likuran ang huli kong nasilayan bago tuluyang nilamon nang kadiliman.