Chereads / Bite Me (Sexy Monster Series #1) / Chapter 1 - Be careful what you wish for

Bite Me (Sexy Monster Series #1)

🇵🇭AnjGee
  • 43
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 437.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Be careful what you wish for

"I'M SORRY, ERINNA but I don't love you romantically. I only love you as a sister."

Twentieth century na pero uso pa rin ang sirang plaka rito sa loob ng puso ko. Paulit-ulit ko lang naman naririnig ang mga lintek na litanyang `yan sa `king isipan. Mga salitang sinabi sa `kin ng childhood friend kong si Jonathan. Ang kaisa-isang lalaking tinitibok ng puso at mga lamang loob ko. Pati na rin ng pagkakababae ko. You know... wet dreams. Charot!

Nabasted na nga, na sisterzoned pa! Walanghiya! Wala naman akong kiber kahit maging incest ang peg ng lovestory naming dalawa. I don't mind being taboo. Charot ulit! Ew-ew to the highest level. Buti na lang hindi kami related kasi water is not thicker than blood.

Anyway, bahala na nga siya sa buhay niya. Akala naman ni Jonathan siya lang ang nag-iisang lalaki sa balat ng Planet Earth. Heller! There are many fishes in the oceans and talipapa!

Buti na lang at sinamahan ako ni kumpareng Empi, as in, Emperador Lights sa dilemma ko sa gabing ito. Bakit ba `yung mga taong totoo at tapat magmahal sila pa ang madalas nasasaktan? Hindi ba pwede na `yung mga manloloko na lang ang umiyak ng dugo at hindi kaming mga miyembro ng SMLP?

As in... Samahan ng mga Loyal na Puso? Aba! Eh, sa tagal kong loyal sa kanya pwede na `kong makakuha ng award: "Best in Kamartyran and Kagagahan Award." Dahil ang tagal ko lang namang umasa na magugustuhan niya rin ako.

Arouch! Bigti na besh!

Habang nagmo-moment ako sa isang park ngayon gabi, may nakita ako na isang wishing well na medyo spooky ang aura. Parang katulad nung napanood kong japanese horror movie na ang title ay The Ring. `Tapos ang pangalan nung multo ay Sadako. Just like me, sad ako.

Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko at dumukot ng limang piso. Nakipag-eye to eye muna ako sa barya habang naniningkit ang mabigat kong mga mata. Yakap-yakap ko sa kabilang braso si kumpareng Empi. Muling bumalik ang mga masasayang memories namin ni Jonathan simula no'ng mga bata pa lang kami. Bumalik din lahat ng sakit at kirot dito sa dibdib ko.

Nagsimula nang lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagmi-meeting sa dalawang mata ko. Daig pa ng ilong ko ang kamatis sa pamamaga at pamumula. Baka magalit pa sa `kin si Rudolf dahil maaagaw ko na sa kanya ang korona sa pagiging red nose reindeer. Tama na! Tigil nang kadramahang ito. Wala naman ako sa music video. Move on move on din `pag may time, Erin! Huwag ka nang umasa. Hindi ka pa ba nadala sa eight pakeng years na one-sided love?

Buti pa si Vice Ganda may Ion na. Eh, ako? Nganga!

Bumuntong hininga ako sabay pumikit nang mariin. Makalilimutan din kita Jonathan. Makahahanap din ako ng lalaking magmamahal sa akin at pagsisihan mo na sinaktan at winarak mo ang virgin kong puso.

"Sana magkaroon na `ko ng lovelife. Gusto ko `yung pinakagwapo. Pwede na'ng kamag-anak ni Johnny Depp. Pinakaseksi, dapat may matitigas na six-packs abs at pumuputok na biceps. Ayoko ng hairy ah, kadiri! Dapat hindi mabuhok ang bulbo—este ang chest! Higit sa lahat, bigyan mo `ko ng pinakanakaaakit na lalaki sa buong mundo. `Yong kaiinggitan ako ng mga bilat, ex-bilat at half-bilat sa planet earth!"

Hinalikan ko ang limang piso bago hinagis sa loob ng wishing well. Medyo madilim at mukhang malalim ang balon dahil ilang segundo pa ang nagdaan bago ko narinig ang tunog ng tubig.

Plok!

Bigla naman ang pag-ihip ng malakas na hangin. Nagising lahat ng mga balahibo ko, pati buhok ko sa kili-kili tumayo. Ito na ba `yon?

Ginala ko ang paningin sa paligid at natagpuan ang isang matandang babae na nakatayo sa tabi ko habang may hawak na abaniko at malakas na nagpapaypay.

Luh. Kala ko naman, umepek na ang hiling ko, si Manang lang pala. Pati ba naman wishing well paasa?

Napatingin sa `kin si Manang nang mapansin niyang nakatitig ako nang masama sa kanya. "May problema ka ba miss?" Pinagtaasan niya pa ako ng kilay niyang drawing ng lapis. Sobrang puti ng foundation shade niya sa mukha, hindi tuloy pantay sa leeg niya. Sobrang pula pa ng blush on niya sa pisngi. Para siyang siopao na tinubuan ng mukha. Tapos ang boses niya, ipit na ipit, katunog ni Spongebob!

Inirapan ko lang si Manang Siopao na kamag-anak ni Spongebob at umismid bago umalis. Susuray-suray akong lumakad palayo hanggang sa natanaw ko ang isang taxi na paparating. Agad akong pumara, pumasok sa loob, at nagpahatid sa address ng apartment building na tinutuluyan ko sa Sta. Ana, Manila. Lasing na lasing na ako nang makauwi ng bahay. Iniwanan na rin ako ni pareng Empi dahil ubos na siya.

Padapa akong humiga sa kama. Naaninag ko sa side table ang picture namin ni Jonathan noong grade ten pa lang kami. Foundation day noon at napagtripan kami ng mga kaklase namin na isali sa wedding booth kaya nakasuot pa kaming dalawa ng pangkasal.

Napangiti ako nang mapait. Iyon na siguro ang pinakamasayang moment ng buhay ko. Talagang pina-frame at dinisplay ko pa `to at sinabi ko sa sarili kong balaw araw magiging totoong wedding picture namin ang susunod na ilalagay ko sa picture frame na `to. Nanikip ang dibdib ko na para bang may kamay na pumipiga niyon.

"Bakit Jonathan? Bakit hindi mo ako magustuhan? Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko para sa `yo sa loob ng walong taon? Am I not enough? Panget ba `ko? Kapalit-kapalit ba `ko? Pwede na ba kaming maging bestfriends ni Liza Soberano?"

Sa inis ko ay tinabig ko ang picture frame. Nabasag ang salamin nang malaglag ito sa sahig. Katulad nang pagkabasag nitong puso ko.