DECEMBER 18, 2015
Bakit kaya ako nabuhay?
Bakit ako naging tao?
Bakit naging si Cendria Froster pa ako?
Bakit hindi nalang ko naging prokaryotes para hindi na ko namomroblema sa earthly needs ko? O kaya naging bacteria nalang sana ako.
Sa fifteen years na existence ko sa mundo, hindi ko pa rin alam kung bakit ako naging tao. Hays.
"Ceeennn!" sigaw sakin ng bestfriend kong si Pajen! Kainis talaga nito! Ang hilig sumigaw!
Take note, nasa tabi ko lang siya ha? Sabay kaming naglalakad. Damn! Ang sakit ng tainga ko.
"Pajen naman! Hinaan ang volume please!" naiinis kong sabi.
Nagpeace sign naman siya sabay sabing...
"Wahehehehe! Churiee besplen!"
Kung siya eh parang na-overdose sa ENERVON at nakalunok ng MICROPHONE! (Aba! Rhyme ah!)
Ako naman parang hindi nakatikim ng ENERVON at hindi pa nakakagamit ng MICROPHONE.
Naku! Miracle talaga na naging bestfriend kami nito!
"Tara kain tayo." sabi ko. Nagugutom na ako, eh kakarating ko pa lang namin sa school. Simple lang, hindi pa ako nag-aalmusal dahil nalate ako ng gising.
Kaya lang naman ako nalate ng gising ay dahil sa kaniya. Binulabog niya ko kagabi at nakitulog sa kwarto ko dahil binangungot daw siya. Wala naman akong nagawa dahil hindi naman sakin yung bahay na yun.
Hindi talaga ako nakakatulog nang may katabi. Sa sahig na sana ako matutulog kaso nilabhan yung comforter dahil sa camping namin last week. Malas talaga.
"Eeeeehhh! Besfrwen. Gagawa pa aketch ng assign sa trigoooo! Pasalamat ka at nakalunok ka ng calculator kaya tapos ka na!" nakanguso niyang sabi. Napairap nalang ako sa kaartehan niya.
"Kopya ka na lang sakin! Sige na. Gutom na talaga ako." sabi ko ulit. Ayokong kumain mag-isa no.
"Oo na. Lablab kita eeeehhhh!" akmang yayakapin na niya ako pero pinigilan ko siya.
"Oh siya tara na." hinila ko siya para di niya ako mayakap. Baka kasi hindi ako makahinga.
Ansama ko bang bestfriend? Totoo naman eh.
Napakaprangka ko kasi. Maraming nagsasabi na prangka ako. Totoo naman.
Marami ring nagsasabi na OA daw si Pajen. Totoo naman.
Kaya iniiwasan kami ng mga tao. Kumbaga, rejected ng mga rejected!
Kaya kami nagcollide ni Pajen! Hahaha!
Woshooo! Nagdrama na naman ang lola nyo!
Ang cute nga eh! Cen at Pajen! Rhyme talaga!
Habang naglalakad kami, panay ang kwento ni Pajen tungkol sa nightmare nya kagabi. Pero hindi ako nakikinig masyado dahil panglimang beses na ata niya kinuwento sa akin yun. Ganyan siya, ikukwento niya yan hanggang sa makamove on siya.
Sanayan lang yan.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa may pedestrian lane. Tatawid na lang at doon na yung kakainan namin. Kaso nakaredlight pa kaya nakatayo lang kami. Aish. Gutom na talaga ako. 90 seconds pa.
Napukaw ang atensyon ko nang may nagsigawan. Napalingon kami ni Pajen at nakita ko ang isang babae na hinahabol ang isang lalaki.
"Thanos! Stop running away!" sigaw nung babaeng humahabol sa kaniya.
It wasn't my business pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila. Sino ba namang hindi? Isang lalaking naka-business attire at sunglasses at babaeng nakapang gangster attire at cap ang naghahabulan papunta samin.
Wait...papunta samin?!
"Move!" sigaw nung lalaki sa akin pero huli na ang lahat.
Nabangga na niya ako at natumba kami sa semento.
Ramdam ko ang sakit ng likod ko at mas lumala pa ito nang pumatong ang lalaki sa akin at bumangga ang sunglasses nya sa nose bridge ko.
"Cen!"
"Thanos!"
"Ugh..." hindi ko na napigilan ang daing ko.
Napatitig ako sa lalaking nakasunglass. Why does he look familiar?
"Ayos ka lang?" tanong ng lalaki.
"Ma-mabigat..." yun lang ang nasagot ko.
Agad namang tumayo ang lalaki. Damn it. Buti nakajogging pants ako ngayon at hindi suot ang uniform namin na skirt.
"Cen, ayos ka lang?" Pajen asked at inalalayan akong tumayo. Tumango lang ako sa kaniya.
Nagkatinginan kami ng lalaki. He was about to say something pero may sumigaw sa likod nya.
"Got you!" sigaw ng babaeng nakagangster attire at cap at piningot ang lalaki sa tainga.
"Ah! Sia, masakit!" sabi ng lalaki at pinipigilan ang kamay ng babae pero hindi nagpatinag ito.
"Masakit? Kulang pa yan! Fuck off Thanos! Pinagod mo ko!" sigaw ng babae at binitawan ang tainga ng lalaki pero hinampas niya naman ang lalaki sa balikat.
Why does her voice sounds familiar? Silang dalawa, feeling ko kilala ko sila. Bumaling sa akin ang lalaki at nagbow.
"I'm sorry for bumping you. Nasaktan ka siguro. Do you want to be taken to the hospital?" tanong ng lalaki.
Umiling lang ako sa kanila. Hindi ko maaninag ang itsura nila dahil sa salamin at cap na suot nila.
"Tara na." sabi ng babae at naunang maglakad habang nakayuko.
"Pasensya na ulit Miss." sabi ng lalaki at sumunod sa babae.
"Kilala mo ba yung babae Cen? Grabe yung titig sayo eh." tanong ni Pajen.
Napakibit balikat nalang ako. Weird.
Napalingon ako sa stop light at nakagreen na ito.
"Tara na Cen."
I shook my head to brush away my thoughts. They are familiar pero sigurado akong hindi ko sila kilala. Baka mga nakasalubong ko lang dati.
Thanos' POV:
"That's her, right?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa kotse.
Napabuntong hininga nalang siya at sinamaan ako ng tingin.
"Because of your stubbornness, nagkita na tayo agad. This is not the right time yet." sabi nya.
I just bit my lips because of guilt. Tama siya. It's not the right time yet.
"She must live normal first. I don't want her to be involve in our dangerous world, Thanos." mahinang sabi niya. Kitang kita ang pag-aalala sa mga mata niya.
I know. It's for her safety. She must not get involve.