Chereads / My Fan Girl is a Gangster / Chapter 4 - Curse Princess' First Kiss

Chapter 4 - Curse Princess' First Kiss

Cen's POV:

"Please *sobs* po." nagmamakaawang sabi ko sa gay.

Waaaah! Pano ba naman kasi! Mag-iisang oras na kong nagmamakaawa't umiiyak dito tapos ayaw pa ring tanggapin yung video ko!

Nakakainis talaga! Hindi talaga ako nainform na hanggang 3pm lang ang deadline! Tapos etong echoserang baklang frog na to, ayaw pang tanggapin tong video ko! Pakshet dre! Sayang effort!

"Hindi na talaga pwede Miss." maarteng sabi nung bakla. Arrrgghh!

"Bespie. Tama na." alo sakin ni Pajen.

"Waaaaaaaahhh!" nilakasan ko pa ang pag-iyak ko! This is really not me!

Inaalo na ako ni Pajen pero hindi ko sya pinapansin. Nagpatawag pa ng security yung bakla pero wala akong pakialam! Makonsensya kayo!

"Ahhhh! Firmy! Damn that voice! Can't you see I'm trying to sleep here!"

Napatigil ako sa paghikbi. Kilala ko kung sino yun.

"Sorry JM." sabi nung bakla.

"Aaaahh! Si JM ba yon?!" sigaw ko. Hindi ko napigilan. Sorry dre!

"Damn it Firmy! How many times do--" napatigil siya sa pagsisigaw nang makarating siya sa pintuan.

"Who are these uhh...ladies?" tanong ni labidabs ko.

Natulala ako. Super.

Si JM..

Si JM..

SI JM?!

"Aaaaaahh!"

"Oh sh*t! Why are you shouting snotty girl?! You're annoying!"

Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko siya. At nakakunot ang noo nya. Pero ang gwapo.

Wait...Nakakunot ang noo?

"Hey snotty girl!" sabi nya nang nakatingin sakin.

Nakatingin siya sakin?

Nabitawan ko ang USB nang hindi namamalayan.

"S-snotty girl?" nauutal kong tanong.

"Bes. Ang uhog mo." bulong saken ni Pajen.

Watdapak! Nakalimutan ko nang kakatapos ko pa nga lang palang umiyak.

Mabilis ko namang hinilamos ang mukha ko. Waaaah! Nakakahiya.

Tumalikod na ako kasi hindi ko na matake ang kahihiyan. Hinila ko si Pajen.

"Bes teka--"

"Bilisan mo na bago ako kainin ng lupa nang buhay dahil sa kahihiyan." sabi ko with a warning tone.

I hate this! Never kong inimagine na ganito ang first meet up namin ni JM my loves ko! Huhuhu. Inimagine ko na magkakabanggaan kami tapos pupulutin niya gamit ko, tapos magpapakilala siya sakin dahil sa ganda ko, tapos magiging textmate kami, magiging bestfriend, tapos madedevelop kami sa isa't-isa, tapos liligawan nya ko--

"Hey snotty girl!"

Teka ako ba yun? Hindi naman snotty girl pangalan ko. Bahala na nga. Patuloy lang ako sa paghila kay Pajen.

"Hey snotty girl! Are you deaf?! Damn it!"

Lumingon si Pajen dun. Ano bang tinitingin-tingin nya dun.

"Bes tawag ka ni JM."

Napapreno ang paa ko. As in preno na muntik na kong masubsob!

"T-talaga?" tanong ko kay Pajen. Naku subukan lang niyang daanin sa biro, hahambalusin ko siya dito mismo!

"Oo nga." at hinila nya ako. Tss. Ano pa bang magagawa ko?

"Bakit?" mataray kong tanong kay JM my loves. Ewan ba, nabadtrip ako bigla. Parang sumanib yung prangkang ako.

He look at me confused. Psh. Nakalimutan ko nga palang kano to. Dapat matuto siyang magtagalog! Bat di nya gayahin si Sandara Park?!

"She said why." sagot nung bakla. Wow! Instant interpreter!

"You drop this." sabi nya at tinaas ang USB ko.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko yun.

Cen, isipin mo na lang na makakaholding hands mo si JM kahit 1 second lang.

Punyet*ng malanding konsensya..

Namalayan ko na lang inaabot ko na yung USB. Akala ko ba ibibigay nya? Bat tinaas nya kamay nya?

"Hey! Give that to me! That's mine!" pero ayaw nya pa ring ibigay! Ahhhh! Ayoko na ngang ipasa to kasi hindi na raw pwede tapos ayaw ibigay.

Napatigil ako sa pag-abot nung nagring yung cp ni "baklang epal". Ayaw ko siyang bigyan ng ganyang endearment. Binadtrip nya ko, kung di nya sana ako pinaiyak, di sana ako uhugin nung first meet up namin.

"Hello?....Yes Mrs. Myens." tapos naglakad samin palayo si bakla.

"Why are you not giving that to me?" teka tama bang grammar ko? Takte ka Cen, naisip mo pa yan ngayon?

"Hmmm. Because I'm curious about this thing. Wait...Are you going to submit a Fan Girl Video to me?"

Bat ba ganyan siya?! Ang yabang nya sa personal. Ugh! Di na kita idol!

"Bat ka ba nangingialam ng bagay na hindi sayo?! Akin kaya yan!" Tang*na! Dudugo ang ilong ko sa ingleserong to! Curse Princess Mode activated.

"Hey what are you saying?"

Arrrgghh! Kung wala lang si Pajen dito, kanina ko pa kinuha yan ng gangster moves ko!

"Manigas ka, hindi ko sasabihin sayo! Bleeeh! Filipino ka di ba? Dapat matuto kang magtagalog! Ika nga ni Jose Rizal,ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng mab--"

Windang ang beauty ko. Term ni Pajen na naman ang ginamit ko.

"Aaaaahh!" si Pajen yan.

"*slap* Damn you! How dare you do that to me?!"

Huwaaaa! He stole my first kiss!

My first kiss is stolen by JM?

Aaaahhh! Tang*na! P*ny*mas! Kinikilig ako!

Pero siyempre di ko pinahalata. Bwisit ako sa kanya.

"Ehh? What's with the late reaction? You're spacing out for almost 30 seconds?"

"Do you think I would react easily if you k--Did "that" to me?!" bwisit na kanong to! Nosebleed na! Sobra na to!

"Ah, so you're saying that you've been mesmerized by my charm?" sabi niya at nagsmirk. Ang kapal ng apog nito!

"What?! You're such an exuberant! Tss. I really regret that I've adored you for five years! Tsk!"

Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko, basta pag galit ako, hindi ako nag-iisip. Emosyon ko ang nananaig. Wala akong pakialam kung makasakit ako ng tao, basta kung ano yung nararamdaman ko, lumalabas nang kusa. Prangka nga di ba?! *roll eyes*

"If you don't want to give that to me, I don't care." at mabilis akong naglakad palayo. Ewan ko kung sumunod si Pajen. Alam ko lang sinabihan ako ni JM nang...

"I'll definitely see you snotty girl. No matter what."

At napatakbo ako sa elevator bigla. Ewan ko ba. Adrenaline rush ba tawag dun?

Tangsh*t! Naiinis na naman ako. Makapunta nga ng Black Castle. -_-

I definitely need a pissed externalization right now!

Pagdating ko sa BC, sina Silent at Pink lang ang nandun.

"Hey Curse Princess! What brings you here?" sabi ni Pink, malamang. Di mo maaasahang bumati si Silent.

"I'm pissed!"

"Wanna fight? 3 vs. 3."

"Do what you want. Hey Silent! You're in?" tanong ko sa kanya.

Nagthumbs up lang siya.

"Trio Trickers, call them." sabi ko sa kanila.

Let the battle begins.