Chereads / TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 24 - Chapter 24: Mga Clan ng Fairies

Chapter 24 - Chapter 24: Mga Clan ng Fairies

Pag pasok ni Farrah, hinanap nya na agad si Andrea para makuha nya na yung pinanagako ni Andrea na gagawin nyang damit para kay Farrah.

Totoo naman talaga na magagaling ang mga Fairies sa paggawa ng damit o kahit ano pa mang kasootan yan kayang kaya ng mga Fairies na gawin yun. Dito sa mundong ito kung gusto ng mga tao na magpagagawa ng damit, ang una agad nilang lalapitan ay ang mga Fairies. Ang kanilang galing sa paggawa ng damit ay talagang tinatangkilik ng mga tao dito at kahit nga ng mga Elves at Dwarfs.

Kung mapapasyal ka sa kahit saang Kingdom, mapapansin mo na ang mga kasootan nila ay napaka gaganda at napaka taas ng kalidad, kumpara sa mga soot ng mga taga Juperia sa mga soot ng mga tao sa mga Kingdom, para silang pulubi. Ang mga tao kasi sa mga Kingdom ay may mga taga gawa ng damit nila na mga Fairies kaya natural lang na maging napaka ganda ng mga damit nila kumpara sa ibang tao.

Pero kung gusto ng mga tao sa Kingdom ng magagandang damit mula sa mga Fairies syempre kailangan nilang magbayad. Wala namang libre sa mundo specially pag ang Fairies na ang pinag uusapan kasi magagaling silang mga negosyante. Ang mga ginagawa ng mga Fairies na damit ay napaka mamahal, kaya ang mga tao sa mga lugar na tulad ng Juperia ay hinde nakakabili ng mga kasootan mula sa kanila.

Tanging ang mayayaman lang na tao ang may kakayanan na bumili ng mga kasootan na ginawa ng mga Fairies.

Pumunta si Farrah sa harap ng kwarto ni Andrea at kumatok sya. "Lola Andrea! Nanjan kaba? Nasaan na yung damit ko, daya mo naman. Gusto konang magpalit ng soot na damit. Mukha na talaga ako nitong pulubi, sabi ko sayo mag shopping nalang tayo para mas mabilis...." Bago paman matapos ni Farrah ang sinasabi nya, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Andrea at lumabas sya na may hawak hawak na damit pang itaas pati pang ibaba. Sa laki ng hawak ni Andrea midyo nahihirapan na syang lumipad.

"Ang kulit kulit mo talaga! Sabing wag mo akong tatawagin na Lola! Ilang beses koba sasabihin na hinde pa ako ganun ka tanda para matawag na lola."

Tumingin si Farrah sa hawak hawak ni Andrea at dali dali nyang kinuha ito, hinde nya na pinansin kung ano ang pinagsasabi ni Andrea at lumipad agad sya papunta sa kwarto nya para esukat ang damit ni ginawa ni Andrea para sa kanya. Sa loob ng kwarto ni Farrah, tinatanggal nya ang lahat ng soot nya at dali dali nyang isinoot ang bago nyang damit.

Kinontrol ni Farrah ang tubig na nasa fountain sa harap ng Mansion para tumaas at pumasok sa kwarto nya at ginawa nya itong kurteng bilog saka nya tinignan ang sarili nya dito. Maganda ang damit nya kulay puting long sleeve na kapag nasisinagan ng araw ay kumikintab, ang lambot pa sa pakiramdam ni Farrah ang kapag soot nya at kapag gumagalaw sya ay parang wala manlang syang soot at hinde sya napipigilan na gumalaw kahit anong kilos ang gawin nya, nakakagalaw parin sya ng maayos hinde tulad nung dati nyang soot na kaunting galaw lang ay magkakapunit punit na.

Anyways natural lang naman talaga na mapunit ang damit nya sa bawat galaw nya kasi sa kapangyarihan nyang Super Strength hinde na maiiwasan ito. Napaka lakas ni Farrah kaya wala talagang tatagal sa kanyang ordinaryong damit, pero ang ginawa ni Andrea na damit ay napaka tibay kaya hinde na sya matatakot na gumalaw galaw at hinde nya na rin kailangan na mag alala na baka biglang mapunit ang damit nya.

'Ang galing nya nga talagang gumawa ng damit, ang sarap pa sa pakiramdam kapag soot ko ito.' Sinabi ni Farrah sa isip nya habang tinitignan ang sarili nya sa salamin. Gumawa rin si Andrea ng pantalon na kulay Red para kay Farrah para bumagay sa damit ni nya. Sumipa sipa pa si Farrah pero talagang malakas talaga ang pantalon na ginawa ni Andrea kaya hinde manlang ito napupunit.

Ang lakas na inilagay ni Farrah sa mga sipa na yun ay malakas na para mawasak ang 5 kilometrong lupa at ang lahat ng nandito.

Lumabas si Farrah na tuwang tuwa sa ginawa ni Andrea. Paglabas nya nakita nya si Andrea sa may hagdan. "Lola Andrea, ang ganda talaga ng gawa mo. Nagustuhan ko sya, napaka tibay nya pa." Sabi ni Farrah habang nakangiti. "Hehehe alam ko na magugustohan mo yan. Pinag hirapan ko kaya yan, kitams mas gumanda ka jan pag soot mo." Tinignan ni Andrea si Farrah mula ulo hanggang paa pagkasabi nya nito.

Si Farrah naman talaga ay napaka ganda na kahit noong sira sira pa ang damit nya hinde parin maitatanggi na maganda sya kahit anong soot nya. Kaya nga maraming nagkakaroon ng masamang balak pag nakikita nila ang ganda ni Farrah. Ngayon na may soot syang napaka gandang kasootan mas dumagdag pa ito sa kagandahan nya at naging parang Dyosa na talaga si Farrah. Kahit sino yun ang sasabihin kapag nakita nila si Farrah.

"Lola Andrea tara, labas tayo. Punta tayo sa Elves' Forest may bibisitahin ako." Tanda pa ni Farrah yung Elf na ang pangalan ay Shane. Sya ang pinaka unang nakausap ni Farrah simula nung itapon sya bigla dito ni God. Kung hinde dahil kay Shane edi sana natagalan pa sya bago maka-alis doon sa napaka habang gubat na yun.

"Huh!? Sa Elves' Forest? Sigurado kaba? Hinde moba alam na bawal doon ang tao. Wag nalang, kapag nakita ka nila doon huhulihin ka agad nila at wala akong magagawa kapag nahuli ka nila." Sabi ni Andrea habang nag aalala.

Hinde nga pwede doon ang mga tao sa Elves' Forest pero ang mga Fairies at Dwarfs ay pwede doon pero yun ay kung may importanteng dahilan lang sila para pumunta doon kung hinde, hinde sila papapasokin. Ganun sila ka estrikto.

"Wag kang mag alala Lola Andrea, nakalimutan mona ba na may mga kapangyarihan ako so hinde mona kailangan mag alala. Madali lang naman tayo, magpapasasalamat lang ako sa isang Elf doon yun lang at sunod ay aalis na tayo." Sabi ni Farrah habang at nag thumbs up pa sya.

"Lola mo mukha mo! Sigurado kaba? Baka mahuli tayo jan sa pinag gagawa mo." Sabi ni Andrea ni hinde parin maalis ang pag aalala. "Tara na, wag kang matakot. Pangako ko sayo hinde tayo mahuhuli." Pagkasabi nun ni Farrah itinaas nya ang kamay nya at dali dali nya itong ibinagsak. Sabay ng pagbagsak ng kamay nya biglang nahulog si Farrah at si Andrea naman na lumilipad ay biglang hinila ni Farrah.

Pumasok si Farrah kasama si Andrea sa Shadow World. Ito ang mundo na gawa sa anino ng totoong mundo sa itaas. Lahat ng bagay may anino kahit ang boong mundong ito may anino kaya natural lang na magkaroon ng Shadow World. Dito sa Shadow World may mga naninirahan din na mga nilalang na napaka panganib pero kung susubukan nilang kalabanin si Farrah dito sa Shadow World hinde manlang nila malalaman kung paano sila namatay bago sila maglaho dito sa mundo.

Dito, si Farrah ang God. Kaya nyang gawin lahat ng gustuhin nya, kung gusto nyang patayin lahat ng nakatira dito o kung gusto nyang wasakin ang boong mundong ito, madali lang yun para sa kanya. Isang isip lang ni Farrah at mangyayari lahat ng iyon. Pero hinde nya naman gagawin yun kasi nandito lang naman sila para mas convenient at para walang pipigil sakanila at sa paglalakbay nila papunta sa Elves' Forest.

Ang mga Shadows ay biglang sumulpot sa tabi ni Farrah at tumingin sa paligid para siguradahing ligtas ang paligid. "Shadow 5, ikaw na bahala." Sabi ni Farrah habang nakatingin kay Shadow 5. "Opo Goddess." Pumunta sya sa unahan nila at bigla syang lumaki at naging karwahe na may tatlong itim na kabayo na may mga pakpak. Lumipad si Farrah papunta sa upoan ng karwahe at sumunod naman si Andrea.

Dito sa Shadow World pwedeng pwede si Farrah na lumipad kasi nga sya ang God dito kaya natural lang na makalipad sya dito kahit wala na ang Hoverboard nya. "Shadow 5, sa Elves' Forest tayo pupunta." Sabi ni Farrah at nagsimula nang gumalaw ang mga pakpak ng kabayo at ilang saglit lang ay lumilipad na ang karwahe pataas. Ang ibang Shadows naman ay nakabantay sa paligid ng karwahe para maprotektahan nila si Farrah at si Andrea kung sakali man na may umatake.

"Kakaiba talaga Farrah ang mga kapangyarihan mo. Ang dami mo talagang nagagawa na hinde kopa nakikita, nabuksan mo talaga ang isip ko." Mangha na mangha si Andrea sa mga nakikita nya simula nung una nyang makita si Farrah. Kahit na bata lang si Farrah, madami na syang mga kapangyarihan kaya kayang kaya nya na mabuhay dito sa mundong ito kahit mag isa lang sya at kahit walang nag aalaga sakanya.

Maganda pa ang ugali nya kaya alam ni Andrea na hinde nya gagamitin ang mga kapangyarihan nya sa masama.

"Lola Farrah, madadagdagan pa ang mga kapangyarihan ko sa hinaharap. Lahat ng nakikita mo na kapangyarihan ko na nakikita mo wala pa ito, marami pang mas makapangyarihan dito. Basta makikita mo nalang yun hehe." Sabi ni Farrah habang nakangiti. "Talaga? You mean mahina pa pala itong mga kapangyarihan na nasa sayo ngayon?" Tanong ni Andrea habang gulat na gulat.

"Oo naman, hintayin mo lang Lola Andrea." Nag usap silang dalaw nang nag usap habang papunta sila sa Elves' Forest. Sakanilang pag uusap, nalaman ni Farrah ang maraming bagay tungkol sa mga Fairies.

Nahahati pala sa limang Clan ang mga Fairies. Ang limang Clan na ito ay ang Dark Fairies Clan, Big Fairies Clan, Healer Fairies Clan, Earth Fairies Clan at ang Little Fairies Clan. Si Andrea ay nagmula sa Little Fairies Clan. Ang limang Clan ng mga Fairies ay may iba't ibang itchura na pwedeng gamitin para malaman kong saan silang Clan kabilang.

Kapag may nakita kang mga Fairy na maiitim, sila ay kabilang sa Dark Fairies Clan. Sila ay mga palaban at mabilis magalit na uri ng mga Fairies. Ang hilig nila ay makipag away pero hinde yung patayan, mga sparring lang ang gusto nila para mas gumaling pa sila sa pakikipag labanan. Ang mga Dark Fairies ang Warriors ng boong Fairy Race.

Ang mga Fairy sa Big Fairies Clan tulad nga sa tawag sa Clan nila ang mga Fairies dito ay malalaki. Pero hinde yung para higante na sa laki, kasing laki lang sila ng tao. Usually ang height ng isang normal na Fairy ay kasing laki ng 5 taon na bata. Kaya nagkaroon ng Big Fairies Clan ay dahil sa pagmamahalan ng dalawang mag kaibang uri. Isang tao at isang Fairy at ang naging bunga na nga ay ang mga Big Fairies.

Sila ay mga half breed lamang, pero kahit na ganon ay mukha parin silang mga Fairies. Meron silang mga pakpak na tulad sa isang Pure blood na Fairy at magaganda rin at gwapo ang itchura nila at tulad ng mga Pure bloods na Fairy ay may kakayahan rin silang gumamit ng Magica.

Ang mga Fairy naman sa Healer Fairies Clan ay mga manggagamot, sila ang mga bihasa sa pag gagamot ng mga sakit at iba pang karamdaman. Wala nakakahigit sa kanila pag dating dito kaya sila ang palaging hinahanap ng mga tao kapag meron silang gustong ipagamot. Sa mga Kingdoms ang mga Fairy sa Healer Fairies Clan ay may mga napaka tataas na posisyon.

Sa tuwing may nakakakita sa kanilang tao ay palagi silang ngumingiti at nagbibigay agad sila ng respeto sa mga Healer Fairies.

Ang dahilan nito ay kumpara kasi sa mga manggagamot na tao ng mga Kingdom ay mas mabisa pa at mas epektibo ang kakayahan ng mga Healer Fairies na magpagaling ng sakit o karamdaman kaysa sa mga tao. Kaya ganun na lamang ang respeto ng mga tao sa Fairies.

Ang mga Earth Fairies naman ay ang mga Fairies na ayaw na ayaw makipag halobilo sa mga tao tulad ng mga Elves. Sa ilalim sila ng lupa nakatira at magagaling sila sa paghuhukay kaya madali lang para sa kanila na gumawa ng tirahan sa ilalim ng lupa. Ang balat nila ay kulay Brown kahit buhok nila ay brown din. Dahil sa tagal nilang naninirahan sa ilalim ng lupa naging ganito na ang mga balat nila at buhok nila.

Nagkakaroon na sila ng koneksyon sa lupa at para sa mga Earth Fairies tinuturing na nilang Dyos ang lupa. Sila ay namumuhay nang matiwasay sa ilalim ng lupa na malayo sa gulo at away at ayaw na nilang magbago pa ito. Mas gugustuhin na nilang manirahan nalang sa ilalim ng lupa habang buhay kaysa makisali sa gulo ng mundo.

Ang mga Fairy naman sa Little Fairies Clan ay mga Traveler. Mahilig silang pumunta sa iba't ibang lugar para mag lakbay at para makakita ng bagong lugar. Mabibilis ang mga Fairy sa Clan na ito kaya kung habolan ang gusto nyo, game na game jan ang mga Fairy sa Little Fairy Clan.

Si Andrea ay nagmula dito kaya lang bigla syang napahiwalay sa Clan nya kaya lungkot na lungkot sya ngayon. Kahit gusto nyang hanapin ang Clan nya, mahihirapan sya kasi napaka laki ng mundong ito para sa isang tulad ni Andrea na napaka liit. Hinde nga alam ni Andrea kung saan mag sisimula.

"OK lang yan Lola Andrea, mahahanap rin natin ang Clan mo. Tiwala lang." Sabi ni Farrah. "Lola mo mukha mo! Hayyssss sana ok lang sila, Miss kona sila." Nalulungkot na sinabi ni Andrea.

"Diba sabi ko na tutulungan kita, wag kang mag alala Lola Andrea tutuparin ko ang pangako ko. Uyy yun na pala yung Elves' Forest oh. Nandito na tayo." Sa taas nila ay ang Elves' Forest, tandang tanda pa ni Farrah ang gubat na ito at may nakita nga rin syang napaka laking butas sa lupa. Natandaan ni Farrah na sya pala ang gumawa ng butas na iyon gamit ang Aura Ball nya.

"Tara Lola Andrea punta na tayo doon sa taas."