Chereads / TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 27 - Chapter 27: MADUGONG LABANAN

Chapter 27 - Chapter 27: MADUGONG LABANAN

"Oras na, SUGOD!!!"

Pagkasabi nito ni Farrah ay sinugod na nila ang napaka daming sundalo ng Elf Race na papunta sakanila. Wala silang takot kahit napaka rami ng kalaban nila kasi naniniwala sila na kaya nilang mananalo kahit hinde kayang ikumpara ang dami nila sa dami ng kalaban nilang mga Elf.

Mabilis ang pag galaw nila Farrah at kahit ang mga Elf na sundalo kaya ilang saglit lang ay nagsimula na agad ang laban.

Boooommmm

Ang mga Metal Giants ang unang sumabak sa laban, gamit ang mga malalaki nilang katawan lahat ng Elf na nadadaanan nila ay walang ibang magawa kundi madurog. Ang mga kamay nila ay ginawa nilang parang Espada at ginamit nila ito para potolin ang mga ulo ng mga sundalong Elf na umaatake sakanila.

Saan man magpunta ang mga Metal Giants ay nag iiwan sila ng kumpol kumpol na katawan ng mga sundalong Elf na napatay nila. Walang nakakatakas sakanila kahit saan man sila pumunta, walang naiiwan na buhay na Elf. Ang mga Lycans naman tulad ng Metal Giants ay patay rin ng patay ng mga sundalong Elf, ang iba nga ay kinakain pa nila.

Gamit ang mga matatalim nilang mga kuku lahat ng makita nilang Elf ay nag kakaputol putol ang katawan. Lahat ng madaanan nila ay napupuno ng mga pira-pirasong parte ng katawan ng mga sundalong Elf, yung iba nga makikita mo na may mga kinagatan silang marka sa katawan.

Ang mga Ghost Servants naman ay sumasanib sa isang Sundalong Elf at saka nila inaatake ang mga Elf na makita nila. Hinde alam ng mga sundalong Elf na may mga nakasanib sa mga katawan ng mga kasamahan nilang Elf kaya hinde nila akalain na bigla nalang silang papatayin ng kasamahan nila.

Ang ibang Ghost Servants naman ay imbes na sumanib sa isang Elf ay dumadaan lang sa mga katawan nila at paglabas nila sa katawan nito ay may hawak hawak na silang mga puso at ang mga Elf na pinasokan nila ay isa isang nagbagsakan, ang buhay sa mga mata nila ay naglaho na.

Ang mga Shadows naman ay parang mga hangin na bigla nalang dadaan sa mga sundalong Elf pero pag daan nila ay bigla nalang babagsak ang mga Elf na iyon. Magagaling talagang magtago ang mga Shadows kaya wala manlang sakanilang nakakakita, kahit ang mga pinapatay nila ay may nararamdaman lang na malamig na hangin na dumaan sakanila at mapuputol na ang ulo nila.

Si Farrah naman gamit ang HoverBoard nya ay lumipad pataas at itinuro nya ang kanyang palad sa baba at saka lumabas ang napaka init na apoy na mabilis tumama sa mga Elf sa ibaba. Lahat ng natamaan na Elf ay dahan dahan namatay, ang mga soot nilang kalasag ay natutunaw at ang mga bakal na materyales nito ay kumakapit sa mga katawan ng mga Elf na ito kaya bago paman sila mamatay ay nakakaramdam muna sila ng napaka grabing sakit.

Pero kumpara sa sakit na dinanas ni Shane sa kamay nila, ay kulang pa yun. Kaya hinde manlang naawa si Farrah habang pinopuno nya ng apoy ang boong lugar. Kumpara sa paraan ng pagpatay ng mga Metal Giants, Lycans, Ghost Servants o kahit ang mga Shadows ay mas brutal talaga at mas masakit ang paraan ng pagpatay ni Farrah.

Sakanila mabilis nilang pinapatay ang mga Elf na makita nila pero si Farrah ay pinapadanas muna sakanila ang napaka grabing sakit bago sila mamatay. Ginamit ni Farrah ang elemento ng Apoy, Hangin, Lupa, Tubig, at Kidlat.

Gamit ang Elemento ng Apoy, sinunog ni Farrah ang mga sundalo ng dahan dahan hanggang sa mamatay sila. Gamit ang Elemento ng Hangin, lahat ng makita ni Farrah na sundalong Elf ay tinatanggalan nya ng balat gamit ang lakas ng pwersa ng hangin at pinapadanas muna ni Farrah ang sakit na matagalan ng balat habang buhay pa sila at saka nya sila susunogin ng dahan dahan.

Swerte ang mga ginatimitan ni Farrah ng Elemento ng Lupa kasi dinudurog lang ni Farrah ang mga Elf sa paggawa ng parang bibig sa lupa at pinapakain dito ang mga Elf para madurog. Masaklap nga ang pagkamatay nila pero kumpara sa mamatay sila sa Element ng Apoy ni Farrah o Elemento ng Hangin ni Farrah ay mas mabilis pa at mas kaunti pa ang mararanasan nilang sakit dito sa Elemento ng Lupa.

Gamit ang Elemento ng Tubig, pinapasok ni Farrah ang mga tubig sa mga katawan ng mga Elf at pinono nya ang katawan nila nito hanggang sa ang dugo na dapat ay nasa loob ng katawan nila ay ngayon ay nasa labas na at napalitan ng mga tubig na ipinasok ni Farrah sa mga katawan nila.

Kumpara sa mga unang ginawa ni Farrah sa mga sundalo ay hinde naman ito masyadong masakit, masakit na masakit lang. Lahat ng dugo nila ay naglabasan sa boong katawan nila dahil sa tubig na pumasok na sa katawan nila at ang mga laman loob nila ngayon ay wala na sa dapat nila pag lagyan at lumulutang lutang nalang sa loob ng katawan ng mga Elf na para bang nasa aquarium lang sila.

Hinde pa tapos si Farrah jan, pagtagal tagal bago mamatay ang mga Elf na napuno ng tubig ay kinontrol ni Farrah para lumabas sa mga katawan nila kaya ang mga katawan nila ay biglang sumabog at naglabasan ang kaninang napakalinis na tubig pero ngayon ay kulay pula na kasama ang mga laman loob nung mga Elf.

Ginamit rin ni Farrah ang Elemento ng Kidlat, sa lahat ng Elemento na ginamit ni Farrah, ito lang ang Instant kill at walang sakit na naidadala sa mga Elf kasi kapag tinatamaan sila ng mga kidlat na pinalabas ni Farrah mula sa kamay nya ay nagiging abo agad sila. Kaya napaka swerte ng mga namamatay sa Kidlat ni Farrah.

Kung titingnan ngayon ang paligid ay makikita mo lang na puno na ito ng mga bangkay ng mga Elf. Kanina napaka ganda ng paligid at kahit sino sasang-ayon na matatawag itong paraiso. Pero ngayon ay ang natira na lamang ay sira sira puno at mga gusali na wasak wasak na. Mahirap nang ihalintulad ito sa paraiso na dati ay napaka ganda.

Ang mga dalang mga makabagong armas ng mga Elf ay mga malalaking baril na may lakas na magpasabog ng isang syodad. Pero wala manlang itong epekto sa mga Metal Giants, ang ibang mga bala nga ay nilulunok nila at hinahayaan lang ito na sumabog sa loob nila pero hinde naman sila sumasabog at parang nasasarapan pa nga sila.

Marami ring marurunong gumamit ng Magica sa mga Elf pero hinde pa nga nila nagagamit ang mga Magica nila ay bumabagsak na agad sila at ang puso na dapat ay nasa loob ng katawan nila ay ngayon nasa labas na at naapakan ng mga sumusugod na sundalo kina Farrah.

Ang sandata nila ay napaka lalakas lalo na ang mga espada nila kasi kaya nitong palakasin ang mga katawan nila at hinde sila mapapagod kahit anong gawin nila kasi pinapalakas din nito ang mga stamina nila.

Malalakas talaga ang mga armas ng mga Elf pero kung kaharap na nila ay mas malakas sakanila ay wala paring silbe ang mga armas nila. Ang mga na una ngang Elf na namatay ay hinde manlang nagkaroon ng pagkakataon para magamit ang armas nila bago sila mamatay at mawala sa mundong ito.

Nagpatuloy ang Gira sa pagitan ng grupo ni Farrah at ng mga Elf. Pero habang nagtatagal ay napapansin nila na pakunti ng pakunti ang mga sundalo na nakikita nila. Umabot na sa punto na wala na silang makitang buhay na sundalong Elf tanging bundok bundok na lamang na katawan ng mga Elf ang nakikita nila.

Tumingin si Farrah sa paligid at wala na talaga syang makitang Elf. Ang alam ni Farrah ay dapat may natira pang kalahati doon sa sandatahan ng mga Elf na sumugod sakanila, kaya nagtataka si Farrah kung saan na sila napunta.

"Farrah, mukhang hinde na kaya ng Elf ang dami ng namatay sa mga ka uri nila kaya pinaatras ng mga namumuno sa Elf Race ang mga sundalong natira." Sabi ni Andrea na simula ng laban ay nakatingin lang sa mga nangyayari at nakatago lang sa likod ni Farrah, wala naman talagang magagawa si Andrea kasi hinde naman sya marunong makipag laban, baka nga pag pumunta sya doon sa baba ay hinde pa nga sya nakakalaban ay bigla nalang syang mamatay.

Kaya nagtago nalang sya sa likod ni Farrah habang naglalaban silang lahat.

"Hmmm, kung ganun ay tayo naman susugod sakanila. Kung sila nga ay walang takot na inatake tayo papatalo ba tayo, tara pupuntahan natin sila kung nasaan man sila at ipagpapatuloy natin ang laban. Tara na!" Sigaw ni Farrah sa lahat nang tauhan nya at sya na ang nauna sa paghanap sa mga natirang Elf.

Tumingin si Andrea sa likod ni Farrah at napahinga nalang sya ng malalim. 'Mahirap talaga kapag bata ang kasama.' Yan ang iniisip ni Andrea, at dali dali rin syang lumipad para makahabol kina Farrah.

Hinanap nila Farrah kung saan nagpunta ang mga Elf pero hinde nila sila makita sa sobrang laki ng Elves Forest. Kaya walang magawa si Farrah kundi pakilusin ang mga Ghost Servants para mag hiwa-hiwalay para mahanap nila ng mabilis ang mga Elf. Ang mga naiwan naman ay nagpahinga muna.

............

Sa kanang parte ng Elves Forest, doon pumunta ang mga Elves para magtago. Lahat ng Elf ay nadala na dito, bata man o matanda lahat nandito. Noong unang pagkakita ni Farrah sa mga mukha ng mga Elf ay puno ito ng saya pero ngayon ang natira na lamang ay lungkot at pagkatakot, ang iba nga nakatulala nalang at hinde na gumagalaw.

Ang mga Elf kasi na ito ay mga mahal sa buhay na isang sundalo pero namatay sila sa kamay nila Farrah kaya wala silang magawa kundi umiyak nalang at maupo sa isang tabi kasi alam naman nila na wala silang magagawa kahit magalit sila at malungkot dahil sa pagkamatay ng mahal nila sa buhay.

Malalakas ang pumatay sa mga mahal nila sa buhay, kaya nga ang natira nalang sa kanina ay Million million na sundalo ay kalahati nalang sa numero nila kanina bago paman sila sumabak sa laban. Kaya wala talaga silang magagawa kahit gusto nilang sumugod kina Farrah para subukan na patayin sila.

Sa isang gusali na puno ng mga kumikinang na ginto at mga diyamante, merong mga nag uusap na mga Elf. Dito nagpupulong ang mga namumuno sa boong Elf Race.

"Elder Loyd, sila po ay napaka lakas talaga. Wala po talaga kaming magawa, lahat nang plano at lahat ng armas na meron tayo ay nagamit na namin. Talaga pong masyado silang makapangyarihan." Sabi ng isang Elf habang nakaluhod sa harap ng apat na matandang Elf

"Sige makakaalis kana Ryan, alam naman namin na ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo. Sadyang... Mahina lang talaga tayo kumpara sakanila." Sabi ni Elder Loyd kay Ryan. Pagkarinig dito ni Ryan ay nagpaalam na sya kay Elder Loyd at sa mga katabi nya at saka sya umalis.

"Elder Christian, ano ang iyong napag alaman tungkol sa sakanila?" Sabi ni Elder Loyd sa isa sa mga kasama nyang matandang Elf. "Ayon po sa aking nalaman, ang tao na kasama ng mga kakaibang nilalang na yun ang pinuno nila, kasi po sa lahat nang nandun sya lang po ang may napaka lakas na kapangyarihan at napaka dami pa nito."

"Kaya nya pong gamitin ang limang Elemento ng Apoy, Hangin, Lupa, Tubig, at kidlat. At nakita kopo na kahit na abala ang mga kakaibang nilalang na kasama nung tao sa pagpatay sa mga kauri natin ay napansin kopo na binabantayan po nila ang tao, na kapag nalagay sa alanganin ang yung tao ay iiwan agad nila ang ginagawa nila at pupunta doon sa tao para tulungan yung tao." Sabi ni Elder Christian.

"Kung ganun, edi ang tao pala ang pinuno nila. Sa aking palagay may dahilan kung bakit nila ito ginagawa kasi sa ulat na nakalap ng mga tauhan ko ay bago paman maganap ang Gira, may iniligtas yung tao na Elf na naparusahan dahil sa pagtulong sa isang tao na makaalis pagkatapos makapasok dito nung tao. Sinama pa nila ang Elf na yun sakanila. Dapat kausapin natin ang taong iyon para matigil na ang lahat ng ito. Kasi sabi ng mga tauhan ko, may mga nakikita silang mga multo na nakakalat sa boong Elves Forest, ibig sabihin gusto talaga nila tayong taposin." Sabi ng isa sa mga matatandang Elf na ang pangalan ay Elder Micheal.

"Sang ayon ako kay Elder Micheal. Dapat makausap natin ang taong ito para mapag-usapan ang mga hinde nagkaintindihan sa mga panig natin. Sang ayon rin ba kayo? Kung oo edi tara at puntahan na natin ang tao na yun." Sabi ng pang apat na Elf na ang pangalan ay Carlo.

Napatahimik ang apat na Elder at nag isip muna, tumingin sila sa bawat isa at sabay sabay na nagsalita. "Para matapos na ang girang ito. Sang ayon kami!"