Chereads / TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 30 - Chapter 30: Bagong Yugto

Chapter 30 - Chapter 30: Bagong Yugto

Nagsimula ulit ang paglalakbay ni Farrah at ang mga tauhan nya pabalik sa Mansion ni Farrah.

"Miss Farrah, gaano poba kalayo yung Mansion na sinasabi mo?" Pagkatapos ng ilang sandaling pagkatahimik ni Shane ay nag salita na rin sya.

"Midyo malayo lang naman yun ng kunti pero makakapunta agad tayo dun kaya maghintay ka lang muna jan at mag relax. Sigurado ako magugustuhan mo ang pupuntaha..."

Booooommmmm

Bago paman matapos ni Farrah ang sinasabi nya ay biglang nagkaroon ng malaking pagsabog sa langit at lumabas ang napaka puting ilaw na dahan dahan ay naging isang malaking tao.

"Hahahah Farrah, musta na?" Ang malaking tao na ito ay si God, ang nagbigay kay Farrah ng lahat ng mga Kapangyarihan nya.

"God? Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Farrah habang nakatingala sa malaking tao na nasa taas nila. Ang mga tauhan ni Farrah ay naging alerto at naghanda para protektahan si Farrah.

"Wag kayong mag alala hinde nya ako sasaktan. God bakit po kayo nandito?" Tumingin si God kay Farrah at ipinalakpak nya ang kamay nya ng isang beses at lahat ng tauhan ni Farrah ay tumigil sa pag galaw.

"Farrah, times up." Sabi ni God habang nakangiti. "God anong times up? At saka bakit mo pinipigilan na gumalaw ang mga tauhan ko?" Tumingin si Farrah sa mga tauhan nya habang sinasabi yun.

"Farrah sorry pero ang oras mo dito sa mundong ito ay tapos na. Oras na para lisanin mo ang mundong ito, sigurado naman ako na nasiyahan ka sa pag gamit ng kapangyarihan ko. Kaya ngayon oras na para magpaalam ka sakanila." Sabi ni God kay Farrah.

"Grabi God ang bilis naman. Bakit ganun? Hinde pa nga umaabot ng isang taon o isang buwan ang tagal ng pagtira ko dito." Sabi ni Farrah.

"Pasensya na Farrah." Pumalakpak si God ng tatlong beses at may lumabas na puting ilaw mula sa ulo ni Farrah. "God ano yang lumabas sa ulo ko?" Tanong ni Farrah habang hinahawakan ang noo nya.

"Ito ay ang pinagmumulan ng kapangyarihan mo, ngayon kukunin ko na ito kasama ang buhay mo." Sabi ni God habang inaabot nya ang puting ilaw. "God madaya ka! Ang bilis naman nun. Pero mukhang wala na akong magagawa, kung ganun edi bahala na kung anong mangyari!"

Kahit natanggal na ang kapangyarihan ni Farrah at parang isang normal na tao na lamang sya ngayon ay may kaya pa syang gawin na kakaiba. Kahit na natanggal ang pinag kukunan nya ng kapangyarihan at nasa labas na ito ng katawan nya ay kaya nya parin itong kontrolin at pagalawin. Ito ay dahil sa tagal na nitong nasa katawan ni Farrah kaya nagkaroon na sila ng parang koneksyon sa isa't isa.

Gamit ang koneksyon na ito ay pinagalaw ni Farrah ang puting ilaw na ito at pinapunta sa langit palayo kay God at mas pinabilis nya pa ito. Sa sobrang bilis ay sa isang iglap ay hinde na agad nila ito makita.

"Hahaha God, good luck nalang sa paghahanap." Tumatawang sinabi ni Farrah.

Tumingin si God kung saan naglaho ang pinag mumulan ng kapangyarihan ni Farrah at na patingin sya kay Farrah.

"Hahahah good girl! Yan ang gusto ko sa mga nilikha ko, matatapang. Kahit alam mo na isang dyos ako ay hinde ka natakot at ginawa mo parin ang gusto mo. Hahaha napahanga mo ako dun, wag kang mag alala hinde kita paparusahan pero kailangan mo na talagang umalis sa mundong ito." Sabi ni God.

"Hahaha ok lang yun. Nasiyahan narin naman po ako kahit papaano dito. Hayysss paalam mga tauhan ko, magpakabait kayo!" Sabi ni Farrah habang unti unting naglalaho ang katawan nya. Kinukuha na talaga si Farrah ni God.

Tumingin sya sa mga nilikha nya at napangiti nalang habang may lumalabas na luha sa mga mata nya. Mamimiss nya ang mga nilikha nya. Ilang saglit lang ay ipinikit nya na ang mata nya at naglaho na ang boong katawan ni Farrah.

Simula ngayon wala na si Farrah.

Si God naman ay biglang sumabog at biglang naglaho.

Ilang saglit lang at ang mga tauhan ni Farrah na hinde makagalaw ay nakakagalaw na ngayon. Tumingin sila sa palagid at hinanap si Farrah pero hinde nila sya matatagpuan.

Naghanap silang lahat sa boong lugar at kung saan saan na rin sila pumunta, bumalik na rin sila sa Mansion pero wala parin silang makita, ni anino ni Farrah wala. Pero kahit na ganun ay hinde sila tumigil at pumunta pa sila sa ibang mga lugar, kahit sa mga Kingdom.

Nanggulo pa sila habang nasa tatlong Kingdom sila. Pilit nilang hinanap si Farrah pero wala parin silang makita.

Hinde nagtagal ay lumipas ang 20 taon at ang mga tauhan ni Farrah kahit masakit sakanila ay pinilit nalang ang mga sarili nila na tanggapin na wala na talaga si Farrah.

Hinde nagtagal ay nag kanya kanya na sila at nanirahan ng hiwa-hiwalay at malalayo sa isa't isa.

Ang mga Metal Giants ay nanirahan sa mga kabundukan at doon namalagi kung saan walang manggugulo sakanila.

Ang mga Lycans naman ay pumunta sa Elves Forest para doon manirahan at para maging taga protekta nila. Nakita ng mga Lycans ang ganda at ang kabaitan ng puso ng mga Elves kaya pinangako nila na hinde nila ito hahayaang masira.

Ang mga Shadows naman ay nag hiwa-hiwalay rin at pumunta sila sa iba't ibang lugar. Si Shadow 1 pumunta sa Vinceria Kingdom at si Shadow 2 ay pumunta sa Gomeria at si Shadow 3 naman ay pumunta sa Uldarica kingdom. Si Shadow 4 at 5 ay bigla na lang naglaho at hinde alam nila Shadow 1,2, at 3 kung saan sila pumunta.

Ang mga Ghost Servants naman sa pumumuno ni Butler ay gumawa ng isang bagong Kingdom na ang lahat ng nandito ay mga multo at walang buhay. Pero kahit na ganun ang Kingdom na ito, ay marami paring pumupunta dito at imbes na maging nakakatakot ang Kingdom na ito ay mas naging nakakaakit pa ito.

Naging Trading site ang Kingdom na ito kung saan marami kang mabibili na kakaibang bagay na talagang nakaka attract sa mga tao kaya naging sikat ang ginawa ng mga Ghost Servants ni Farrah na Kingdom. Ang tinawag ng mga tao dito ay Ghost Kingdom.

Si Andrea kasama si Shane ay nanatili sa Mansion ni Farrah, nangako sila na na babantayan nila ang Mansion hanggang sa bumalik si Farrah.

Ngayon ang mga tauhan ni Farrah ay nag hiwa-hiwalay na at nagkaroon na ng kanya kanyang buhay.

.......

Lumipas ang maraming taon at madami na ang nagbago sa boong mundo. Ang mga tao ay hinde na tulad ng dati na mahihina at hinde manlang kayang ipaglaban ang mga sarili nila, ngayon may mga Kapangyarihan na sila.

Dahil sa puspusang pag aaral ng mga matatalinong tao sa Vinceria ay natuklasan nila kung paano gamitin ang enerhiya na nasa paligid nila para magawa ang anomang gustuhin nila. Tinawag nila itong Human Magic.

Hinde tulad ng mga Elves na gamit lang ang isip nila ay kaya na nilang gamitin ang enerhiya sa paligid para sa gusto nila, ang Human Magic ng mga tao ay kailangan pang gamitan ng mga spicific na mga Spells at mga gamit tulad ng wand para makontrol nila ang enerhiya sa paligid.

Pero ang pag gamit ng Human Magic ay napakahirap sapagkat ang isang tao ay kaya lamang komontrol ng napaka kaunting enerhiya mula sa paligid, pag nasubrahan sila ay maaring manghina sila at magkasakit o mas malala ay mamatay.

Kaya ang mga matatalinong tao sa Vinceria ay gumawa ng isang Technique para palakasin ang katawan nila at para mas madami silang makontrol na enerhiya.

Ngayon ang mga tao ay hinde na basta basta natatakot sa mga Orcs o sa ibang mga nilalang na maaaring magdala ng kapahamakan sakanila kasi kaya na nilang lumaban gamit ang Human Magic nila.

.....

Sa isang lugar sa Uldarica Kingdom ay merong bata na naglalaro. Ang pangalan nya ay Vince at sya ay limang taong gulang palamang. Sya ay napaka siglahing bata at ang hilig nya ay tumakbo nang tumakbo. Isang araw habang nakikipag laro sya sa mga bata na kasing edad nya ay bigla syang na patingin sa isang puno na napaka ganda.

Lumaki ang mata nya at bigla syang tumakbo papunta doon sa puno at nang malapit na sya ay bigla syang nadulas at nakapasok ang paa nya sa butas na nasa may ugat ng puno. Si Vince ay umupo at tumingin sa paa nya na nasa loob ng butas at nang tatayo na sya ay bigla syang hinimatay at ang paa nya ay umilaw.

Ang pinagmumulan ng kapangyarihan ni Farrah nang alisin ito ni God at itinapon ito ni Farrah palayo ay napunta sya sa ilalim ng puno na ito. Sa pagdaan ng panahon ay dahil sa kapangyarihan ng pinagmumulan ng kapangyarihan ni Farrah ay hinde namamatay ang puno na ito at mas gumanda pa ang itchura nito.

Para sa mga tao dito ang puno na ito ay tulad rin ng ibang puno na nagpapaganda lang sa paligid. Ang hinde nila alam ay may napaka lakas na kapangyarihan na nakatago sa ilalim nito at kapag nakuha nila ang kapangyarihan nito ay magigi silang parang dyos.

Pero ang kapangyarihan na iyon ay nakuha lang ng isang bata na limang taon palamang at ang alam lang ay maglaro nang maglaro.

Ang mga tao sa paligid pagkatapos na makitang hinimatay si Vince ay binuhat sya at dinala sa bahay nila kung saan nandun ang Ate nya.

Ang puno naman ay biglang naglaho at naging abo sa harap ng mga mata ng mga tao. Dahil hinde ito maipaliwanag ay kinalimutan nalang nila ito at inakala nalang na natural lang yun kapag masyado nang matanda ang isang puno.

Si Vince naman ay hinde na nagising simula nang himatayin sya. Madami nang doctor at mga Fairy ang tumingin sakanya pero wala parin makatulong kay Vince na gumising.

Pagkakuha ni Vince ng Kapangyarihan na yun ay nalaman agad ito ni God. Tumingin si God sa tv nya mula sa maliit nyang kwarto at nagpalabas ng remote at may pinindot sya dito at lumabas si Vince na ngayon ay natutulog.

"Hahaha mukhang may bago nanaman akong mapapanood, sana pasayahin mo rin ako tulad ng dating nag mamay ari nyang kapangyarihan mo. Pero tika.... May kakaiba sa kaluluwa ng batang ito, para bang nanggaling sya sa ibang mundo. Ano ito?" Pumalakpak si God ng dalawang beses at sa tv ay may lumabas na magandang babae.

"Angel, magpaliwanag ka. Bakit may kaluluwa ng taga ibang mundo ang bata na yun?" Tanong ni God sa babae na ang pangalan ay Angel.

"Reporting to God, sya po ay ang napili ng Soul Lottery para manalo ng sandamakmak na Swerte kaya po nanjan sya ngayon." Puno ng respeto na sinabi ni Angel.

"Ahh ang Soul Lottery pala. Hahaha ginawa ko yun dati siguro limang billiong taon na para mag laro at para may mapanood ako. Kaya naman pala sya nanjan at kaya pala nakuha nya ang kapangyarihan ko, hahaha sige hayaan na natin. Tignan ko kung anong mangyayari sa buhay ng bata na yan." Sabi ni God habang tumatawa.

Sa bahay nila Vince, pagkalipas ng ilang taon ay hinde parin sya nagigising at ngayon ay lumipas na ang 9 na taon pero hinde parin magising si Vince. Isang araw sa bahay nila, si Vince ay nakahiga sa kama nya nang biglang bumukas ang mata nya at umilaw ito nang napaka liwanag.

"I'm back"