"Miss Farrah, simula ngayon pagsisilbihan kita at ikaw na ngayon ang amo ko." Sabi ni Elder Loyd kay Farrah habang naka luhod. Sa totoo lang habang sinasabi nya yun ay grabi na ang pagsisisi nya. Kung hinde nya lang sana sinabi na magiging alipin sya ni Farrah edi sana wala sya sa sitwasyon na ito, at kung sana hinde sya pumunta dito edi hinde sana sya naging alipin ng isang bata.
Pero kahit bata man tignan ang babae na nasa harap ni Loyd, alam nya na hinde sya bata kundi isang halimaw. Sa mga kapangyarihan nya palang at mga nakakatakot na paraan ng pagpatay, kahit sino iisipin na halimaw sya.
Ano man ang gawin nya ay talagang wala na syang magagawa para baguhin ang mga nangyari, simula ngayon alipin na sya ng isang halimaw. Pinangako ni Elder Loyd na pag nakabalik sya sakanila ay hahanapin nya ang mga sundalo na nagsimula nito at pagpapatayin nya isa isa hanggang sa mawala ang galit na nasa puso nya.
Nagsisisi man sya dahil sa nangyari sa kanya, pakiramdam parin ni Elder Loyd ay magandang bagay ito kasi ngayon meron na silang mapupuntahan kapag nasa critical silang sitwasyon. Kahit ang ibang Elder Elf ay ganun din ang naiisip kaya hinde na masama para sakanila na maging alipin ng isang tao ang isa sa mga kasamahan nila.
"Goddess Farrah ang dapat na itawag mo sa kanya simula ngayon at wag na wag kang mag isip ng masama kundi lagot ka saamin, patay ka." Sabi ni Metal 1 habang tinitignan nya ng matalim si Elder Loyd. Pagkakita dito ni Elder Loyd ay bigla syang napaatras. Natandaan nya na hinde lang pala basta si Farrah ang halimaw dito kundi pati ang mga kasama nya, base sa narinig nya ang tawag nila kay Farrah ay Godddes kaya naisip ni Elder Loyd na pinagsisilbihan nila si Farrah.
Akala ni Elder Loyd ay mga kaibigan ni Farrah ang mga kakaibang nilalang na kasama nya pero ngayon nya lang na pansin na si Farrah pala ang amo nila. Noong una, hinde sya naniniwala doon sa balita ng ibang Elder Elf tungkol kay Farrah na sya ang pinono ng mga kakaibang nilalang na ito pero ngayon naniniwala na sya.
"Goddess Farrah, pwede pobang magtanong?" Tanong ni Elder Loyd. "Ano yun alipin ko?" Sagot ni Farrah habang nakangiti. Pagkarinig ni Elder Loyd sa sinabi ni Farrah lalo na noong narinig nya ang salitang alipin ay bigla syang nanggigil pero tinago nya agad ito sa loob nya. Ano naman magagawa nya kahit magalit sya, para namang may kapangyarihan sya para mapatay sila Farrah, kung ang napaka dami ngang Elf na sumogod dito para patayin sila Farrah ay walang nagawa pano pa kaya sya.
"Goddess Farrah, bakit po kayo may kasamang Elf?" Tanong ni Elder Loyd kay Farrah habang nakatingin sa baba kung saan nakahiga ang Elf na si Shane at sa tabi nya ay si Shadow 1. Binabantayan ni Shadow 1 si Shane simula pa kanina kahit noong lumalaban sila sa mga Elf na Sundalo, pinoprotektahan nya si Shane kasi yun ang utos sakanya ng Goddess nya at hinde nya kayang suwayin ang utos na ibinigay sa kanya.
"Paki mo! Wag mo ngang pakialaman ang Elf na kasama ko kasi simula ngayon wala na syang koneksyon sainyo." Sigaw ni Farrah, ang galit na nawala na sana kanina ay bigla nanamang bumabalik sa mata nya.
Si Elder Loyd naman ay biglang nagulat, hinde nya alam kung bakit biglang nagalit si Farrah. Tinanong lang naman nya kung bakit may kasama silang Elf. Sa likodan ni Elder Loyd ay biglang lumapit si Elder Christian at may ibinulong sya sakanya. Pagkarinig ni Elder Loyd sa ibinulong sakanya ni Elder Christian ay saka nya nalang naintindihan ang lahat at saka nya lang nalaman kung bakit sila may kasamang Elf.
Ang Elf pala na kasama nila ay ang taksil na Elf na hinayaang mabuhay ang isang tao pagkatapos nyang makapunta dito at tinulungan nya pa itong makatakas, kung hinde nagkakamali si Elder Loyd ang tao na tinulungan ng Elf na kasama nila Farrah ngayon na makatakas ay ang naging amo nya. Sa sobrang tagal nya nang nabubuhay dito sa mundo ay madali lang para makita nya ang lahat.
Wala namang mag aaksaya ng oras na tulungan ang isang Elf na tulad ni Shane kung wala silang pinagsamahan o kung wala namang sila koneksyon sa isa't isa kaya mabilis nyang nalaman na si Farrah at ang taong tinulungan ni Shane noon ay iisa. "Lahat kayo! Lumuhod kayo! Humingi kayo ng tawad kay Goddess Farrah!" Sumigaw si Loyd sa lahat ng Elf kahit na sa mga kasama nyang Elder Elf at saka sya lumuhod. Pag luhod nya ay lumuhod rin lahat ng Elf na pumunta dito.
Tumingin si Farrah kay Shadow 1. "Shadow 1, dalhin mo dito si Shane." Sabi ni Farrah. Si Shadow 1 naman ay kinontrol ang anino ng mga kahoy na nasa paligid nya at gamit ito ay pinaangat nya si Shane papunta kay Farrah.
Pagkalapit ni Shane kay Farrah sa tulong ni Shadow 1 ay hinawakan ni Farrah ang noo ni Shane at dahan dahan, ang natutulog na si Shane ay dahan dahang binuksan ang kanyang mga mata. Pag bukas nya ng mata nya ay nakita nya agad si Farrah, noong una ay parang na blangko pa ang isip nya at nakatulala lang sya pero dahan dahan lahat ng nangyari ay bumalik na sa isip nya at bigla syang nagising.
"Miss Farrah!? Anong ginagawa mo parin dito? Diba sabi ko tumakbo kana, hinde mo alam ang gagawin sayo ng mga kauri ko kapag nahuli ka nila. Takbo dali! Ako na bahala kapag may sumunod sayong sundalo, pipigilan ko sila." Pagkasabi nya nito ay tumingin sya sa gilid nya at bigla syang napakanganga sa gulat. Sa harap nya ay nakita nya ang mga Elf na sinasabi nya ay pipigilan nya na nakaluhod.
Tumingin si Shane sa mga Elf na ito at ngayon nya lang napansin na pati ang mga Elder Elf na namumuno sa kanilang lahat ay nakaluhod din. Ang mga Elf na nakikita ngayon ni Shane ay napaka dami para bilangin, sapalagay nya ay parang ito na yata lahat ng kauri nya na pinag sama sama sa isang lugar. "T..Tika anong na...nangyayari? Ba...bakit ang daming sundalo dito at b..nakit sila lahat naka... luhod." Tanong ni Shane habang nauutal utal sa nakikita nya.
"PATAWARIN MO PO KAMI SA MGA GINAWA NAMIN SAYO, PATAWARIN NYO PO KAMI!"
Habang nakatingin si Shane sa mga Elf na nakaluhod sa baba ay biglang tumingin ang mga Elf na ito kay Shane at bigla syang napaatras, akala nya kung anong gagawin nila sakanya pero nang makita nya ang ginawa nila ay biglang na blangko ang isip nya. Sa harap nya ay ang mga Elf na dati ay pinanonood lang sya habang pinahihirapan at tinatawag na taksil at walang hiya at kung ano ano pang mga masasamang salita ay ngayon ay humihingi ng tawad sa harapan nya.
Hinde nya alam kung anong nangyayari, pagkagising nya lang ay nakita nya si Farrah sa harap nya at saka nya nakita ang mga kauri nyang Elf na nakaluhod sa harap nya. Bigla syang tumingin kay Farrah at nakita nya sya na nakangiti sakanya.
"Miss Farrah, anong nangyayari dito?" Si Shane ay 25 years Old na, sa edad nyang yan ay marami na syang naranasan kaya kung hinde nya parin alam na dahil kay Farrah ang lahat ng nangyayari dito ay sayang lang ang lahat ng naranasan nya sa buhay nya para hinde nya maisip ang napaka simple at halatang halatang bagay na yun.
"Wag monang alamin hehe, basta ngayon wag kanang mag stay dito. Sumama kana saamin, pagkatapos ng ginawa nila sayo dapat patay na sila ngayong lahat pasalamat sila wala na akong gana pumatay kung hinde hehe." Pagkasabi ni Farrah nun ay bigla syang tumingin sa mga Elf na nakaluhod at ngumiti.
Ang mga Elf dahil malalakas ang mga pandinig hinde tulad ng tao ay rinig na rinig ang sinabi ni Farrah at bigla silang natakot lalo na nung nakita nila ang ngiti ni Farrah. Ang kahit sinong tao na makakita ng ngiti ni Farrah ay sasabihin na ang cute ni Farrah pero pag isang Elf ang nakakita sa ngiti ni Farrah ay sasabihin nila na may halimaw silang nakita.
Natural lang naman na ito isipin nila, kahit nga si Elder Loyd ganun din ang nararamdaman.
"Ngayon na tapos na ang problema at nakuha na natin si Shane, pwede naba tayong umalis?" Tanong ni Andrea. "Bakit Lola Andrea? Mamaya na." Sabi ni Farrah. "Lola mo mukha mo, uwi na tayo. Ayoko na dito, ang dami konang dugo sa katawan ko at gusto kona itong alisin. Ayokong pumangit ang balat ko dahil sa mga dugo na ito." Sabi ni Andrea habang nakatingin sa balat nya na may mga dugo.
Hinde nga si Andrea nakipag laban sa mga Elf pero habang pinapatay ni Farrah ang mga Elf na umaatake sakanya ay natatalsikan sya ng mga dugo kaya ngayon ay hindi nya na kaya. "Oo sige sige, kahit nga ako puno na rin ng dugo. Lahat kayo! Aalis na tayo. Hoy alipin ko! Wag mong tangkain na tumakbo kasi mahahanap kita saan kaman pumunta. Tara umalis na tayo."
Si Shane ay parang walang buhay na dahil sa mga nangyayari ngayon. Nahihirapan na eproseso ng utak nya ang mga nangyayari ngayon lalo pa nang nakita nya ang mga kakaibang nilalang na kasama ni Farrah na nakakatakot ang mga mukha lalo na yung mga higanteng aso na gawa sa kahoy, nakita nya na may kamay na nakasabit sa pagitan ng ngipin nito at may mga dugo pang gumugulo mula dito.
Pagkakita ni Shane na inuutusan ni Farrah ang mga kakaibang nilalang na ito na parang wala lang sakanya ay saka nya lang na gets na si Farrah ang amo nila. Akala ni Shane na sila ang dahilan kung bakit nag iba ang trato ng mga Elf kay Shane at kaya sila humingi ng tawad sakanya pero ang hinde nya alam ay kahit pagsamahin ang mga kakaibang nilalang na nakikita nya ay kulang parin ito para talonin si Farrah.
"Shane, pupunta tayo sa bahay ko. Yun na ang magiging bahay mo simula ngayon, magiging masaya ito kasi mas marami na akong kasama. Lola Andrea, hahanapin natin ang Clan mo bukas kaya wag kang mag alala ako bahala hehe."