Chereads / TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 14 - Chapter 14: Tapos na ang Mansion ni Farrah

Chapter 14 - Chapter 14: Tapos na ang Mansion ni Farrah

Kahit hinde pa nabibili ni Farrah ang bahay sinabi nya sa sarili nya na yun na ang gagawin nyang tirahan. Una, maganda ang lugar kung nasaan ito kasi malayo sa mga tao. Pangalawa, dito pwede nyang palabasin ang mga Metal Giants nya at ang mga Shadows nya nang hinde nag aalala na may makikita sakanila na ibang tao. Pangatlo, maganda dito kasi meron syang 500 na Ghost Servants na pwede nyang utusan ng utusan.

Simula umaga hanggang gabi na walang tigil ang pagtatrabaho ng mga Ghost Servant at ng mga Shadows saka ang mga Metal Giants. Tulong tulong nilang inayus ang bahay at gamit ang mga kapangyarihan ng mga Metal Giants na kontrolin ang Elemento ng bakal, kumuha sila sa ilalim ng lupa ng mga ginto at ginawa nilang ginto ang labas at loob ng bahay.

Ang mga Ghost Servant naman, dahil nakakatagos sila sa mga padir, marami silang naaayus na hinde na kailangang buksan pa yung padir. Ang mga Shadows rin ay abalang abala sa pag aayus ng bahay. Si Butler at Shadow 1 saka si Metal 1 ang nag sasabi kung ano ang mga gagawin at ilalagay sa bahay. Sa pamumuno nila, walang naging problima sa pag aayus ng bahay at ito ay malapit nang maayus.

Dahil sa hinde sila mga tao, walang napapagod sakanila at tuloy tuloy lang ang pag ayus nila sa bahay. Kung mga tao ang mag aayus nitong bahay, aabotin ito ng 1-taon pero sa mga Ghost Servant, Shadows at Metal Giants, isang araw lang ang kinaylangan nila. "Now that's beautiful!" Napasigaw si Farrah pagkakita nya sa bagong ayus na bahay nya pero hinde na pala ito matatawag na bahay kasi sa laki nito, matatawag na itong Mansion. At finally natapos na rin ang Mansion ni Farrah.

Napaka ganda ng Mansion na nagawa ng mga Ghost Servant, Shadows at mga Metal Giant. Sa paligid ng Mansion, may ginawa silang padir na napaka taba at napaka taas, gawa ito sa napaka tigas na bakal na matatagpuan sa mundong ito, kahit paulanan ito ng mga Canyon hinde manlang ito magagasgasan sa tigas nito. Nilagyan rin nila ng mga gintong desenyo ang mga padir para mas gumanda pa ito. Ang gate naman ay may malaking nakalagay na letter F.

Ito ay somi-simbolo kay Farrah, at ito rin ang nagsasabi na si Farrah lang ang nagmamay-ari ng Mansion na ito. Ang dating madilim at puno ng patay na halaman sa paligid ng bahay ay ngayun naging buhay na buhay at napuno ng mga magaganda at mababangong bulaklak. Ang mga bulaklak na ito ay may kakayahang mag pa relax ng isipan at katawan. Nakuha ito ng mga Ghost Servant sa harden ng palasyo ng Juperia.

Ang mga damo naman dito ay hinde tulad ng mga damo na makikita sa ibang lugar, kapag umapak ang isang tao dito, at kapag inisip nya kung saang direksyon nya gustong pumunta, gagalaw ang mga damo at kahit hinde sya maglakad, gagalaw ang mga damo para dalhin sya doon sa direksyon na gusto nyang puntahan. Sa dating mundo ni Farrah, parang eskalator ito.

May mga ginawa ring mga gintong rebulto ni Farrah ang mga Metal Giants, hinde alam ni Farrah na magagaling pala sila mag design at mag decorate ng bahay. Ngayun ang bahay ay ibang iba na kumpara sa dati. Dati meron lamang dalawang palapag ang bahay pero ngayun, meron na itong limang palapag. Kaya Mansion na talaga ang dapat na itawag dito. Imbes na gumamit sila ng mga bato para gawin ang bahay, gumamit sila ng mga ginto na nakuha ng mga Metal Giants sa ilalim ng lupa.

Sa loob ng Mansion, marami rin silang mga nilagay na nagpaganda sa boong Mansion. Hinde tulad sa labas, ang loob ng Mansion ay hinde poro ginto ang makikita. Tama mga ginto nga ang ginamit nila sa pag gawa ng Mansion na ito pero kinulayan nila ang mga ginto sa loob at pinalitan nila ng kulay para hinde poro ginto ang nakikita nila at para mas gumanda ang loob ng Mansion. Hinde naman kasi maganda kung poro ginto ang bahay mo.

Lahat na nandito, merong kusina, merong living room, merong dinning room, merong maraming kwarto na malalaki at lahat din ng kailangan sa mga kwarto nandito na. Ang mga kama, Cr at iba pang mga kailangan sa isang kwarto. Lahat ng ito ay nakuha ng mga Ghost Servant sa mga tao dito sa Juperia. Ang mga tao sa Juperia habang ginagawa ang mga sarili nilang mga trabaho ay natakot at yung iba ay nahimatay na dahil may nakita silang mga gamit na lumilipad at alam nila na multo ang nagpapalipad nun, at napuno nanaman ng takot ang mga mamayan ng Juperia.

"Wow! Good work sainyo! Ang ganda ng ginawa nyo! Talagang tagala i really like it." Sabi ni Farrah na hinde mapigilan ang tuwa at tumatalon talon pa. Ito ang first time na nagkaroon si Farrah ng sariling nyang Mansion, at napaka ganda pa ng itchura. "Pero may mga idadagdag pa ako dito." Sabi ni Farrah at naglakad sya palabas ng bahay saka gamit ang kapangyarihan nyang gamitin ang Elemento ng Lupa at tubig, gumawa sya ng fountain sa may harapan ng bahay.

At ang tubig sa fountain na ito ay ginawa ni Farrah na Healing Water. Habang gumagalaw ang tubig umiilaw ito at nagbibigay ng magandang aura na nagpapa-aliwalas sa paligid. Hinde pa si Farrah natapos dito at gumawa sya ng apat na malaking aso na kasing laki ng sampung nakatayong pinagpatong patong na tao. Ang apat na ito ay gawa mula sa kahoy at gamit ang kapangyarihan ni Farrah na Life Giving, binuhay nya ang apat na higanteng aso.

Sila ang magiging bantay dito sa labas ng Mansion ni Farrah. Pagkatapos nun, naglabas si Farrah ng Yellow na liwanag mula sa palad nya at pumunta ang ilaw na ito sa taas ng Mansion at pinalibotan ang boong Mansion kamasama ang mga padir sa labas at pumunta pa sa ilalim ng lupa hanggang sa maging parang bilog na ito na nakapalibot sa Mansion ni Farrah. Ang Yellow na ilaw na ito ay ang Shield of the Gods. Hanggat nanjan ang Shield of The Gods, walang makakapasok dito hanggat hinde pinapayagan ni Farrah. Pero kung ang mga Shadows o Ghost Servant or ang Metal Giants, makakalabas pasok sila dito. Gusto kasi ni Farrah na safe na safe talaga ang Mansion nya.

"Yes! Tapos na rin. Hehehe ngayun kailangan konang mag Shopping. Kailangan konang palitan ang damit ko, mukha na nga akong polobi." Tumingin si Farrah sa damit nya at nakita nyang punit punit na ito at puno ng dumi. "Pero bago ako mag Shopping, maliligo muna ako. 3 days na akong walang ligo." Kinuha ni Farrah ang HoverBoard nya at lumipad sya papunta sa pinaka mataas na palapag ng Mansion nya.

Dito merong swimming pool na puno ng Healing Water. Inutos ni Farrah sa lahat na bawal pumunta dito hanggat hinde nya sinasabi. Ayaw nya kasing may nanonood sakanya habang naliligo, bagamat hinde sila tao, ayaw parin nun ni Farrah. Kaya bago sya maligo, naglagay muna sya ng Shield of the Gods sa boong padir at sa sahig pati sa ilalim ng swimming pool. Para pag maliligo sya hinde na nya kailangang mangamba na may biglang papasok dito.

Nang nasigurado nya na na safe na, naghubad na sya at dahan dahang lumusong sa tubig. Hinde masyadong malamig ang tubig at hinde rin masyadong mainit, yung tama lang. Habang nasa tubig si Farrah, ramdam na ramdam nyang gumaganda ang pakiramdam nya at lahat ng pagod nya ay nawawala na at mas nagiging relax na sya. Maganda talaga ang epekto ng Healing Water sa katawan.

Habang nailigo si Farrah, hinde nya na nakita ang oras at inabot na sya ng 2 hours sa swimming pool. "Masyado na yata akong matagal dito, sarap kasi maligo sa Healing Water diko mapigilan." Umalis na si Farrah sa swimming pool at nagbihis saka lumabas na. Pagtingin nya sa bintana, nakita nya na ang dilim dilim na pala. "Ayysss ano bayan, diko napansin ang oras. Bukas nalang nga ako mag sa-shopping. Matutulog nalang ako." Sa panlimang palapag, merong nag iisang kwarto. Ito ang kwarto ni Farrah, at napaka laki nito.

Kasya na ang 500 na tao dito at baka nga kulang pa ang 500 dito. Dumirityo si Farrah sa malaki at napaka lambot nyang kama at natulog.

Habang mahimbing na natutulog si Farrah, hinde nya alam na may nangyayari na pala sa labas ng Mansion nya.

Pinagkakagolohan na ng mga tao ang Mansion ni Farrah. Ang dami nang mga tao dito at yung iba nga gusto nang pumasok kaso hinde sila makapasok dahil sa taas ng padir at ang gate naman ay merong malaking lock na nakalagay so hinde talaga sila makakapasok. Isama mopa ang nakatagong Shield of the Gods na inilagay ni Farrah.

"Diba dito nakatayo yung bahay na puno ng mga multo? Anong nangyari at naging iba na ang itchura nito? Tignan mo ang mga padir na ito, dati wala namang padir na nakalagay dito at saka tignan mo yang Mansion na gawa sa ginto na yan, kailan pa nagkaroon ng ganyan dito sa Juperia!?" Maraming tao na ang gustong malaman kung saan nanggaling ang Gintong Mansion na nakikita nila.

Hinde naman kasi pweding bigla nalang itong sumolpot dito. Ngayun palang nakakita ng gintong Mansion ang mga tao sa Juperia kaya gusto nilang makapasok at tignan ito ng malapitan. Ang iba naman ay gustong pumasok para angkinin ang Mansion na ito at nakawin lahat ng ginto nito.

"Umalis kayo sa daan lahat kayo!" Habang pinag uusapan ng mga tao ang Mansion na gawa sa ginto sa harapan nila, may biglang dumating na mga tao sakay ng mga kabayo. Sa unahan nila ay may mataba at panget na lalaki. "Lahat kayo! Lumayas kayo sa lupa ko! Ngayun din! Ako si Lord Dennis, ang nag mamay-ari ng lupain na ito kaya lumayas kayo ngayun din!"

Pagkarinig ng mga tao sa sinabi ng matabang lalaki, hinde sila naniwala kasi kanina pa sila dito at ang matabang lalaki kasama ang mga tauhan nya ay kakarating palang kaya pano nya nasabi na sya ang nag mamay-ari ng lupa na ito. "Bakit naman kami maniniwala sayo! Malay namin gusto molang kunin ang mga ginto dito at solohin ito!" Sigaw ng isang babae. "Kaya nga! Wag kayong maniwala jan sa mga yan."

"Tumahimik kayo! Meron akong proweba, ito ang titulo ng lupa, si Haring Edgar pa ang nakapirma dito. Kaya wag na kayong mag ingay jan at lumayas na kayo!" Sigaw ni Lord Dennis at may ipinakita syang kasulatan sa mga tao. Pagkakita dito ng mga tao, alam nila na hinde ito pike at nagsasabi ng totoo si Lord Dennis kaya kahit ayaw man nila, umalis nalang sila.

Pagkatapos makaalis ng mga tao, bumaba si Lord Dennis at ang mga tauhan nya mula sa mga kabayo nila. "Lord Dennis, mukhang totoong ginto nga po talaga ito walang duda. Sigurado yayaman tayo dito Lord Dennis." Tuwang tuwa na sabi ng tauhan ni Lord Dennis. "Tayo? Walang tayo! Ako lang hahahah." Sabi ni Lord Dennis habang tumatawa.

"Ihanda nyo na ang pang wasak sa gate na ito, dapat ngayung gabi makapasok na tayo para bukas mag buhay hari na ako. Hahahah kaya dalian nyo na." Sigaw ni Lord Dennis habang tumatawa. Ang mga tauhan nya naman ay may inilabas na napaka king sanga ng puno, mas malaki pa sakanila. At sama samang binuhat ito ng mga tauhan ni Lord Dennis at bumwelo saka sila tumakbo papunta sa gate para ibonggo ang buhat buhat nila sa gate ng Mansion.

Booooommm!!!

Akala ng mga sundalo mawawasak agad nila ang gate pero nagkamali sila at tumalsik pa sila palayo. "Anong klasing Mansion ito?" Tanong ng mga tauhan ni Lord Dennis. "Lord Dennis, may salamangka yatang nakalagay sa Mansion na iyan. Pano kaya kung pabayaan nalang natin yan at hintayin natin na lumabas jan ang may ari ng Mansion na yan saka natin patayin?" Sabi ng tauhan ni Lord Dennis. "Hmm mukha ngang mahihirapan tayo dito. Magtawag pa kayo ng ibang makakatulong saatin dali! At magtayo kayo ng tent dito, dito na ako matotolog." Sabi ni Lord Dennis.

Habang nangyayari ang lahat ng iyon sa labas, hinde nila alam na nung sinubukan nilang wasakin ang gate biglang nagising lahat ng nakakatakot na halimaw na nasa Mansion. Ang Ghost Servants, ang Shadows, ang Metal Giants at ang apat na higanteng Aso ni Farrah.

Lahat sila tumakbo palabas para makita kung sino ang may lakas ng loob para magtangkang pumasok dito at mang estorbo sakanila at lalo na sa Goddess nila.