Nagtayo ng mga tent ang mga tauhan ni Lord Dennis sa harap ng Gate ng Mansion ni Farrah sa pag aakala na kapag hinintay nila si Farrah makakaya nila syang patayin at kunin ang gintong Mansion nya. Pero ang hinde alam ng mga taong ito, kukulangin ang dala nilang mga tauhan para mapatay si Farrah. Idagdag mopa ang mga walang kamatayan na Ghost Servants, mga Shadows at ang mga Metal Giants.
Kung gusto nila silang patayin, kailangan nilang pagsamahin lahat ng tao at ang ibang mga nilalang na nakatira dito para mapatay sila pero yan ay kung kakayanin nila sila. Sa mga Ghost Servants palang, kahit anong gawin ng mga tao na pagpatay sakanila wala silang magagawa kasi patay na talaga sila. Kung sa mga Ghost Servants palang wala na silang pag asa pano pa kaya kapag ang Shadows na at ang mga Metal Giants na ang kaharap nila.
Mamatay lang sila ng walang kalaban laban. Kaya ang pagpunta nila dito ay parang pag punta sa kamatayan nila.
"Shadow 1, ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" Habang nasa labas ang mga si Lord Dennis at ang mga tauhan nya, hinde nila alam na madami na palang nakatingin sakanilang mga matang gusto na silang pag pipirasohin. Nag usap usap ang mga Ghost Servants, mga Shadows at ang mga Metal Giants kung anong gagawin nila sa mga taong gustong pumasok sa Mansion ng Goddess nila.
"Kapag lumabas tayo jan ngayun at nagkaroon ng labanan sigurado grabi ang ingay na magagawa natin nyan. Baka magising si Goddess Farrah." Sabi ni Shadow 1. "Pero papabayaan nalang ba natin sila? Mga lapastangan ang mga tao na yan! Dapat patayin na natin agad sila." Galit na sabi ni Metal 1. "Metal 1, tama si Shadow 1. Dapat wag tayong magpadalos dalos. Pagod na si Madam Farrah sa napaka habang araw na ito so dapat talagang hinde natin sya ma estorbo. Kung papatayin natin sila dapat masigurado natin na hinde sila mag iingay. Kaya may plano ako at sigurado sa plano ko na ito, mapapatay natin sila at hinde pa natin mae-estorbo ang pag tulog ni Madam Farrah." Sabi ni Buttler kay Shadow 1 at Metal 1.
"Kung ganun naman pala bakit hinde mopa sinasabi agad ang plano mo para madurog kona silang lahat diba mga kapatid kong Metal Giants." Sigaw ni Metal 1. "Yeah!" Sabi ng apat na Metal Giants.
Pak!
Pagkasigaw ng mga Metal Giants biglang bumaon ang mga mukha nila sa ilalim ng lupa. Biglang lumabas ang mga Shadows sa likod ng mga Metal Giants at binaon ang mga mukha nila sa lupa para mapatahimik sila. "Ang ingay nyo! Gusto nyo bang magising si Goddess Farrah!?" Sigaw ni Shadow 1 at ng ibang mga Shadows sa mga Metal Giants.
Pak!
Biglang bumaon din ang mga mukha ng mga Shadows sa lupa. "Tumahimik nga kayo, pag nagising si Farrah lagot kayo sakin! Kaya manahimik kayo! Kakasabi ko palang kanina na wag kayong maingay para hinde natin ma estorbo ang tulog ni Madam Farrah tapos nag iingay parin kayo nang nag iingay." Sigaw ni Buttler sa mga Shadows at Metal Giants na naka baon sa lupa ang mga ulo.
Booom!
Biglang tumalsik si Buttler pataas at tumama sa Shield of the Gods na inilagay ni Farrah. "TU.MA.HI.MIK. KA.YONG. LAHAT!!!!!!" Biglang lumindol ang boong Juperia at nagliparan ang mga nagpapahingang ibon sa mga puno at ang mga tao naman na natutulog ay biglang nagising at natakot dahil sa lakas ng lindol, marami nang bumabagsak na mga gamit sa mga bahay nila at baka gumoho ang bahay nila.
Si Farrah ang sumigaw habang nakahiga sa kama nya sa loob ng Mansion at pinatalsik si Buttler gamit ang Telekinesis nya. Ang mga Ghost Servants, ang mga Shadows at ang mga Metal Giants pagkarinig sa sigaw ni Farrah ay tumigil sa pag galaw kasi alam nila na galit na si Farrah dahil na estorbo nila ang tulog nya.
Dahil sa kapangyarihan ni Farrah na Powerful Senses naririnig nya ang kahit ano kahit malayo pa ito sakanya kaya kahit hinde nya gusto na marinig ang mga tunog ng napaka lakas wala syang magagawa. Lalo na kapag natutulog sya, hinde nya ito makokontrol.
"Anong nangyayari bakit lumilindol!?" Habang natutulog si Lord Dennis, bigla syang natamaan ng baso sa mukha dahil nang lumindol, may tumalsik na baso mula sa lamesa nya papunta sa mukha nya. Lumabas si Lord Dennis at nakita nya na lahat ng tauhan nya ay nagising din dahil sa lindol at pag tingin nya sa paligid, nakita nyang nakabagsak na ang mga puno na kanina ay nakatayo na tuwid.
"Lord Dennis, hinde po namin alam kung bakit lumilindol. Kahit nga po kami nagising nalang na marami nang nagbabagsakan saamin na gamit. Ang isa nga po sa kasamahan namin ay namatay dahil nahulogan sya ng kasama naming mataba, gumolong po sya at nadaganan ang kasama namin at nadurog ang katawan." Sabi ng tauhan ni Lord Dennis. Pagkaraan ng ilang saglit, nawala na ang lindol at bumalik na ang lahat sa dati na para walang nangyari.
Nang maramdaman ng mga Shadows na hinde na lumilindol, bigla silang nag anyong anino para kahit gumalaw man sila ay walang tunog na lalabas sakanila at pumunta sila sa lupa at dumirityo papunta sa Mansion. Ang limang Shadows ay lumabas sa lupa at bumalik sa human form nila saka itinaas nila ang mga kamay nila at may mga naglabasang mga anino.
Unti unti itong tumaas hanggang sa mapalibotan na nito ang boong Mansion korteng bilog ito kaya mula sa taas pati sa baba kolong na kolong talaga ang boong Mansion dito sa ginawa ng mga Shadows. "Woohhh!" Napahinga ng malalim ang mga Shadows at bumalik kung saan nila iniwan ang mga hinde gumagalaw na mga Ghost Servant at mga Metal Giants.
"Pwede na kayong gumalaw. Pinalibotan namin ng anino ang boong Mansion para maging sound proof ito kaya wag na kayong mag alala, kahit sumigaw pa kayo hinde na natin magigising si Goddess Farrah." Sabi ni Shadow 1. Pagkarinig ng mga Ghost Servant dito at ng mga Metal Giants, nakahinga narin sila ng maluwag. Inalis na ng mga Metal Giants ang mga ulo nila sa ilalim ng lupa.
"Grabi bakit ako ang napatalsik ni Madam Farrah eh kayo yung maiingay!?" Si Buttler na kanina ay tumalsik papunta sa taas at tumama sa Shield of the Gods na inilagay ni Farrah ay hinde umalis doon at hinde rin gumalaw pagkatapos nyang marinig ang sigaw ni Farrah at makita na lumilindol.
Pero nang nakita nya na hinde na lumilindol at narinig nya ang sinabi ni Shadow 1 sa baba ay saka sya bumaba at sinigawan ang mga Shadows at ang mga Metal Giants. "Wala kaming magagawa jan, ikaw ang nakita ni Goddess eh. Kami nasa ilalim kami ng lupa at kasalanan mo din yan kasi sumigaw ka so wala na kaming magagawa jan diba mga kapatid at mga Shadows hahahah."
Sabi ni Metal 1 sa ibang mga Metal Giants at sa mga Shadows at nag tawanan silang lahat. Natutuwa sila kasi hinde sakanila nabaling ang galit ni Farrah kay Buttler nya nabaling. "Sinasabihan kolang kayo tapos ako pa tuloy ang napatalsik. Hayysss sige na tumahimik na kayo. Pakinggan nyo na ang plano ko para matapos na natin ang trabahon natin." Sabi ni Buttler sa mga tumatawang mga Metal Giants at mga Shadows.
-----------------------
Sa palasyo ng Juperia.
May binabasa si Haring Edgar na mga sulat nang biglang may pumasok sa pinto ng kwarto nya. "Magandang gabi po Haring Edgar. Pasensya napo dahil na estorbo ko kayo. Meron po akong balita mula sa mga tao natin. Meron daw pong lumabas na gintong.....tika anong nangyayari?" Habang nagsasalita ang sundalo, biglang lumindol at nayanig ang boong palasyo sa lakas ng lindol.
"Ronnie, puntahan mo ang anak ko at tignan mo kung maayus sya. Wag kang aalis hanggat hinde pa natatapos ang lindol na ito." Sabi ni Haring Edgar sa sundalo na ang pangalan ay Ronnie. "Opo Haring Edgar." Umalis agad si Ronnie at pumunta sa kwarto ni Prinsesa Kathrine. Pagpasok nya nakita nya na nakaupo si Prinsesa Kathrine sa harap ng lamesa habang may hawak na libro. Pag pasok ni Ronnie, nakita rin sya ni Prinsesa Kathrine.
"Tito Ronnie? Ano pong problima bakit kapo nandito at saka po bakit lumilindol? May kalaban poba?" Tanong ni Prinsesa Kathrine kay Ronnie. "Walang kalaban Prinsesa. Pinapunta lang ako dito ng amang hari mo para tignan kung maayus ang lagay mo. Kumusta nga pala ang mga mata mo?" Tanong ni Ronnie kay Prinsesa Kathrine. "Malinaw na malinaw po. Ngayun nga po nag aaral akong magbasa at mag sulat." Sabi ni Prinsesa Kathrine habang pinapakita ang libro na hawak nya.
"Ahh ganun ba. Mabuti yan para matoto ka Prinsesa. Hmm? Mukhang tumigil na ang lindol. Aalis na ako Prinsesa, may sasabihin pa kasi ako sa amang hari mo." Sabi ni Ronnie. "Ahh sige po Tito Ronnie. Ok lang po ako dito." Sabi ni Prinsesa Kathrine. Umalis na si Ronnie sa kwarto ni Prinsesa Kathrine at pumunta sya sa kwarto ni Haring Edgar.
"Haring Edgar, maayus naman po si Prinsesa Kathrine. Wala naman pong nangyari sakanyan." Sabi ni Ronnie. "Mabuti naman. Ano yung sinasabi mo kanina?" Tanong ni Haring Edgar kay Ronnie. "Haring Edgar, ayon po sa mga tauhan natin, meron daw pong lumabas na isang gintong Mansion sa isang lugar dito sa Juperia. Pinag uusapan na po ito ng mga tao ngayun."
"Gintong Mansion? Alam mona ba kung sino ang may ari nito?" Tanong ni Haring Edgar. "Hinde po pero aalamin po namin." Sabi ni Ronnie. "Sige." Sabi ni Haring Edgar. Hinde pa nakakakita si Haring Edgar ng Mansion na gawa sa ginto, kahit hari sya wala syang sapat na pera para magpagawa nito at tanging ang mga Royal blood lamang sa Kingdome ang mga may kakayahang magpagawa nito. Kaya naisip nya na baka may isang Royal Blood dito na nag mula sa isang Kingdome kaya gusto nyang malaman kung sino ang may ari ng Mansion na yun.
----------------
Sa loob ng Mansion
"Ok, alam nyo na ang mga gagawin nyo. Kaya tara, taposin na natin ang mga taong yan para makapag pahinga na tayo." Sabi ni Buttler.
"Tara!"