Chapter 17: Utosan?
Lumabas si Farrah at ang mga Shadows sa Mansion at naglakad para maghanap ng mabibilihan nila ng damit. "Dapat siguro sabihin ko kay Lolo Rennie na may bahay na ako. Baka hanap parin sya ng hanap ng bahay para sakin." Naisip ni Farrah na baka naghahanap pa si Lolo Rennie ng bahay para sakanya kasi sinabi lang naman ni Farrah kay Lolo Rennie na titignan nya ang bahay na sinabi nya na may pumapatay daw na multo doon, ang hinde alam ni lolo Rennie ay ginawa na ni Farrah ito na Mansion nya.
At ang mga multo doon ay mga naninilbihan nalang kay Farrah. Naglakad ng 15 minutes si Farrah at ang mga Shadows hanggang sa makakita sila ng parang palengke kung saan maraming mga tao ang nagtitinda. Tumingin tingin sila sa mga tinda ng mga tao dito. "Bili na kayo ng mga armas, ang mga ito ay gawa pa sa mga napaka matitigas na bakal sa mundong ito." Tumingin si Farrah sa direksyon ng sumigaw at nakita nya ang mga armas dito at nasapasabi syang 'Manloloko'. Unang kita palang dito ni Farrah alam nya na agad na hinde totoo at peke ito.
Dahil sa kakayahan ni Farrah na kontrolin ang elemento ng bakal, alam nya na hinde gawa sa pinaka matigas na bakal dito sa mundo ang mga armas na binibinta nung tindero. Alam ito ni Farrah pero hinde ang mga tao na nandito. Ngaun, pinagkakagulohan na ang mga armas ng mga tao sa pag aakala na totoo ang mga ito. Nakita ni Farrah na may mga bumibili ng mga armas ng tindero at ang mahal pa ng mga presyo nito. 'Nanloloko lang ang lalaki nayan. Pano kapag may nakita silang halimaw at sa pag aakala na napaka lakas ng armas nila ay kalabanin nila ito at biglang masira ang armas na binili nila pag laban nila sa halimaw. Edi patay sila, mukhang walang paki ang tindero na ito at tanging sakim lang talaga sya sa pera. Haysss, tulongan ko nga ang mga taong ito'
"Bili na kayo ng mga armas na ito, tiyak ko sa inyo na kapag meron kayo nito mananalo kayo kahit sino man o kahit ano man ang kalaban nyo." Sigaw ng tindero. "Manong, sigurado poba kayo na matigas ang mga armas na ito at hinde ito masisira?" Naglakad si Farrah papalapit sa tindero at tinanong. Ayaw nya na kasing makita ang panloloko na ginagawa ng lalaking ito sa mga tao.
"Bata, syempre naman. Maniwala ka, kahit anong mangyari dito sa mga armas na ito hinde yan masisira. Bakit? Bibili kaba?" Sabi ng tindero. "Weee di nga? Kasi parang oo eh, parang mabilis masira ang mga ito." Sabi ni Farrah at kinuha ang isang espada. "Bata, wag ka ngang mambwesit dito. Sabing hinde yan nasisira kahit anong gawin mo jan. Kung hinde ka bibili lumayas ka dito ngaun na!" Nainis na sabi ng tindero.
"Hehe, ganito nalang po kaya. Maglaro tayo, susubukan kong baliin ang espada na hawak ko gamit lang ang kamay ko. Kapag nasira ko ang espada na ito, ibig sabihin lahat yan ay peke at kapag napatunayan ko ngang peke ang mga ito kailangan mong lumayas dito." Sabi ni Farrah habang naka ngiti."Anong sabi mo? Babaliin mo ang espada na yan gamit lang ang kamay mo? Hahahaha. Kung gusto mong makipag laro edi pagbibigyan kita." Napatawa ang tindero pagkarinig sa sinabi ni Farrah at sumang-ayon rin agad ito kasi iniisip nya na sa liit ng katawan ni Farrah, kahit anong gawin nya hinde nya ito mapuputol o kahit mabali manlang ng kunti.
'Hehehe, ano kayang magiging reaksyon ng lalaking ito pagkatapos kong baliin ang espada na nyang sabi nya ay gawa sa pinaka matigas na bakal sa boong mundo' Sabi ni Farrah sa isip nya. "Sige po manong, sinabi nyo yan ha. Walang atrasan." Sabi ni Farrah. "Hahaha, syempre naman. Pwedi pang maging testigo ang mga tao dito. Sige. Simulan mona." Sabi ng tindero kay Farrah. Pagkarinig dito ni Farrah, hinawakan nya ang espada gamit ang dalawang kamay nya at ginamit nya ang kapangyarihan nyang Super Strength.
"Tika!" Babaliin na sana ni Farrah ang espada nang pigilin sya ng tindero. "Pano naman kapag natalo ka at hinde mo naputol ang espada na hawak mo? Anong gagawin mo?" Tanong tindero. "Ikaw, anong gusto mo. Kapag hinde ko ito nabali gagawin ko ang gusto mong gawin ko." Sabi ni Farrah ng walang alinlangan. Alam naman kasi ni Farrah na napaka dali lang para sakanya na putolin ang espada na hawak nya. Wala manlang itong kahirap hirap.
"Sinabi mo yan ha. Walang atrasan. Kapag hinde mo naputol yang espada na yan, magigi kang utosan ko habang buhay. Lahat ng sabihin ko ay dapat mong sundin." Sabi ng tindero habang tinitignan ang katawan ni Farrah. Tiningnan ni Farrah ng matalim ang mga Shadows. Pagkasabi kasi ng tindero na gagawin nyang utosan si Farrah at nang tingnan nya ang katawan ni Farrah, papatayin na sana nila ang tindero kung hinde lang sila tiningnan ng matalim ni Farrah.
Kahit alam nila na madali lang para kay Farrah na putolin ang espada, nagalit parin ang mga Shadows sa lalaki pero dahil sa warning ni Farrah, kahit gusto na nilang patayin ang tindero ay wala silang magagawa kundi manahimik na lang at manood nalang. Tumingin si Farrah sa tindero at ngumiti. "Syempre naman po. Payag ako." Sabi ni Farrah. Akala ng tindero hinde papayag si Farrah pero hinde nya naisip na papayag si Farrah.
"Heh, kung ganun edi simulan mo na." Sabi ng tindero habang tinitignan ang katawan ni Farrah kasi akala nya talaga na mapapasakanya na si Farrah, ang hinde nya alam ay pangarap lang iniisip nya. "Grabi naman ang tindero na yan. Yun talaga ang gusto nyang mangyari pag hinde naputol nung bata ang espada."
"Kasalanan din naman yun ng bata, kung hinde nya sinabi na peke ang mga armas na yan na halata namang totoo ay hinde sana mangyayari ang lahat ng ito saka. Saka sya naman ang nag alok ng pustahan na yan."
"Kaya nga, kawawang bata. Mukhang magigi syang utosan ng tindero na yan. Base sa mukha ng lalaki na yan ay may masamang balak yan sa bata. Haysss kawawa talaga ang bata." Habang nag uusap si Farrah at ang tindero, pinag uusapan rin sila ng mga tao na tumitingin sa mga armas na na ibinebenta ng tindero.
"Sisimulan kona po." Sabi ni Farrah at ang tindero naman ay ngumiti lang na para bang siguradong sigurado na sya na mananalo na sya. Ngumiti rin si Farrah at gamit ang Super Strength nya, dahan dahan nya itong binali at nang nabali na ito ni Farrah, hinila nya ang magkabilang dulo ng espada at hinila pa layo sa isat isa. Paghila ni Farrah dito, naputol ang espada. ibinagsak nya ang dalawang parte ng espada na sa lupa at ngumiti saka tumingin sa tindero.
Ang Dating napaka ingay na lugar na puno ng mga tao na nagbibinta ng mga kung ano ano ay biglang naging kasing tahimik ng cementeryo. Sa sobrang tahimik ng lugar kapag may naghulog ng isang karayom sa lupa ay rinig na rinig agad ang tunog nito. Ang tindero ngayon ay nakanganga na ng napaka laki at halos lumuwa na ang mata pagkatapos nyang makita ang espada nyang kanina pa nya sinisigaw na napaka tigas at kahit anong mangyari dito ay hinde ito masisira. Nagtataka ang tindero kung pano nagawang mabali ng isang batang babae ang napaka kapal na espada na na yun.
Hinde lang ang tindero ang manghang mangha sa ginawa ni Farrah, pati rin ang mga tao na nanonood kay Farrah nakangaranga narin. Kanina na aawa sila kasi alam nila na walang pag asa na maputol ni Farrah ang espada pero iba ang nakikita nila sa harapan nila.
"Pa..Panong naputol mo yun!? Yun ay gawa pa sa pinaka matigas na bakal sa boong mundo. Panong..." Hinde talaga makapaniwala ang tindero. "Pwede ba tumigil kana sa kakasinongaling mo. Kung gawa yan sa pinaka matigas na bakal dito sa boong mundo sa tingin mo kaya ng tao na gumawa ng armas gamit yun!? Pinaka matigas nga eh! Alam moba ibig sabihin nun. Wag mong sabihin na ang mga Dwarfs ang gumawa ng mga armas na yan!? Ayon sa nabasa ko sa isang libro, hinde gumagawa ng ganyan kahihinang armas ang mga Dwarfs. Ngayon, sabihin mo nga kong pano naging gawa yan sa pinaka matigas na bakal sa boong mundo." Sigaw ni Farrah sa tindero.
Kanina habang tinitignan ang katawan ni Farrah ng tindero, kahit sya man tulad ng mga Shadows ay gusto na sanang pagpira-pirasohin ang tindero. Kung hinde lang dahil sa maraming tao dito ay napintorahan na sana ng dugo ng tindero ang boong lugar na ito. Kahit sino namang babae kapag tinignan ang katawan nila ng isang lalaki na para bang may pagnanasa sila sayo ay makikipag gira agad at mapupuno ng sampal ang mukha nang lalaki.
"Si.. Siguro may ginawa ka sa espada na yun kaya naputol mo ito. Tama yun nga, may ginawa ka nga siguro doon. Pano naman na mapuputol ng isang bata na tulad mo ang napaka laking espada na yun ha!?" Sinigaw ito ng tindero habang tinotoro ang daliri nya kay Farrah. Pagkarinig sa sigaw ng tindero, ang mga taong kanina pa nakanganga ay nagising na at sinara ang mga bibig nila na tumotulo na ang laway.
At napa-isip sila, tama nga. Pano mapuputol ng isang bata ang ganong kalaking espada kung wala syang ginagawa dito na kung ano. Tumingin si Farrah sa mga tao. "Nakita nyo naman diba na wala akong ginawa sa espada. Hinawakan kolang ito yun lang. Kung meron man akong ginawa sa espada na yun edi dapat nakita nyo na yun, hinde ba tama ako!?" Pagkarinig ng mga tao sa sinabi ni Farrah napa isip sila. Tama nga naman, kanina pa nila tinitignan si Farrah kaya malabo na may gawin sya sa espada nang hinde nila nakikita.
Pero may mga tao parin na naniniwala sa tindero at may mga tao naman na naniniwala kay Farrah. "Tama, walang kwenta ang mga armas na yan. Kung kaya ngang sirain yan ng isang bata pano pa kaya kapag ginamit namin yan sa pakikipag laban!? Edi kami naman ang napatay nyan."
"Pag namatay ka kasalanan mo na yun. Tignan mo nga ang mga itchura ng mga armas na ito. Sa unang tingin palang masasabi Mona na totoo at matibay ang mga ito. Kaya wag kayong maniwala sa bata na yan."
"Maganda lang panglabas na itchura nyan pero tignan nyo sa kalooban mapurok. Kaya walang kwenta yan, dapat na yang paalisin dito para hinde na makapangloko pa."
"Mas walang kwenta kayo! Mahihina lang kasi ang mga mata nyo para hinde nyo makita kung gaano ito katibay."
"Suntokan nalang ano!"
"Sige ba."
May mga nag aaway na at nagsusuntokan sa dalawang panig. Nung una si Farrah lang at ang tindero ang nag aaway pero ngayon pati ang mga tao na nanonood ay nag aaway narin. Tiningnan ni Farrah ang lahat ng nangyayari at nang tumingin sya sa tindero, tumatakas na ito dala ang mga armas na tinitinda nya. "Hinde ka makakatakas sakin pagkatapos ng mga ginawa mo. Shadows! Dakpin nyo sya ngayon din!"
Ang mga Shadows na nasa isang tabi pagkarinig sa sinabi ni Farrah ay agad nag anyong anino at pumunta sa ilalim ng tindero at pinasok sya sa loob mga ng anino nila. Si Farrah naman ay dali dali pumunta sa magubat na lugar at nang nakita nya na wala nang tao dito saka sya tumigil. Ilang saglit lang, dumating ang mga Shadows at inilabas ang tindero mula sa anino nila.
"Haaahhh! Ano kayo... Anong gagawin nyo sakin? Tika, oo aaminin kona peke nga yung mga armas na yun. Wala akong magagawa, kailangan ko ng pera. Tag hirap na ngayon at yun lang ang naisip kong paraan para mabuhay. Nakiki-usap ako, wag nyo akong sasaktan." Sabi ng tindero habang nakaluhod sa harap ni Farrah. "Heh, kahit hinde mo sabihin na peke ang mga yun wala akong paki. Kung may gusto kang gawing utosan wag ako! Maghanap ka sa gaybar, marami dun pwede! At alam mo, ayoko sa mga taong tulad mo, at lalong hinde kailangan ng mundong ito ang mga katulad mo! Shadows, alam nyo na ang gagawin."
Naglakad papalapit sa tindero ang mga Shadows."Tika! Anong gagawin nyo!? Babayaran ko kayo! Wag nyo lang akong patayin. Babayaran ko kayo ng doble sa bayad nya, kung ayaw nyo edi triple! Buhayin nyo lang ako. Nagmamaka-awa ako." Umiiyak na sabi ng tindero habang gumagapang papalayo sa mga Shadows. "Pasensya na pero hinde mo kami mabibili. Tapat kami sa Goddess namin, at dahil nagkasala ka dapat kanang mawala sa mundong ito." Sabi ng mga Shadows ng sabay sabay.
Kahit sinong makarinig sa boses nila ay siguradong kikilabotan at matatakot. Mukha silang nagmula sa empyerno sa boses nila at itchura, isama mo pa ang mga butas ng mata nila na wala kang makikitang mata. Tinanggal kanina ng mga Shadows ang mga soot nilang disguise pag anyong anino nila para takotin ang tindero.
Biglang nawala ang limang Shadows. Hinanap ng tindero sa paligid kung saan sila nag punta.
"Nandito kami."
At bigla nya nalang narinig na may bumolong sa tenga nya at nagkita nya na ang dalawang paa nya, ang dalawang kamay nya, pati ang ulo nya ay hinawakan ng mga Shadows. "Magpaalam kana sa mundo."
Haaaaaaaahhhhh!!!!
Hinila ng mga Shadows ang mga hinahawakan nila at nagtanggalam mula sa katawan nya ang ulo, ang dalawang kamay at ang dalawang paa nya. At bumuhos ang dugo ng tindero sa lupa at ginawa itong kulay pula.
"Yan ang mga nakukuha ng mga lumalapastangan sa aming Goddess."