Chapter 22 - Chapter 22: Unexpected

Ang ilaw ay nawala at lumabas ang lumilipad na si Butler. Nagulat si Haring Edgar at ang mga sundalo na kasama nya. Pinalibotan ng mga sundalo si Haring Edgar. "Protektahan ang Hari! Ihanda nyo ang mga armas nyo!" Sigaw ni Ronnie pagkakita nya sa lumilipad na Butler. Nilabas ni Ronnie ang espada nya at itinotok ito kay Butler at sumigaw. "Sino ka!? At anong gusto mong gawin!?" Akala ni Ronnie sya ay isa lamang tao na may ginagamit na kung anong ilusyon para mag mukhang lumilipad sya at umiilaw sya pero ang una talagang naisip ni Ronnie ay multo, pero inalis nya agad ito sa isipan nya.

Tulad nga ng sabi ni Haring Edgar, hinde dapat sila maniwala sa mga multo kasi ginagamit lang ng mga matatanda ang multo para pang takot sa mga bata. Kaya sinabi nalang ni Ronnie sa sarili nya na tao ito na gumagamit ng mga ilusyon. Pumunta si Butler sa gilid ni Farrah at humarap sakanya saka sya lumohod. "Madam Farrah, patawarin nyo po ako dahil lumabas ako at nagpakita sa mga taong ito. Ang lalaking yan na salita ng salita ay ang dahilan kung bakit pinatapon ako dito sa lugar na ito at ang dahilan kung bakit naging multo ako na hinde matahimik! Kailangang mapatay ko ang lalaki na yan para mawala na ang sama ng loob ko." Tinignan ni Butler si Padz na para bang gusto nyang pag pira-pirasohin ang katawan nya.

Si Haring Edgar pagkakita kay Butler ay may naalala sya na nangyari noon sa palasyo. Dahil sa nataponan ng taga inumin ang importanteng mga papeles ng Hari ay nagalit sya at pinatapon ang tagapag selbi na tumapon ng inumin sa binabasa ng Hari. "Butler? Ikaw ba yan?" Tanong ni Haring Edgar. Tanda nya ang itchura ni Butler kasi matagal na syang nagseselbi sa palasyo at dahil nga dun kaya hinde sya pinapatay ng Hari at pinaalis sa palasyo.

Tumingin si Butler sa kay Haring Edgar at lumipad sya papalapit sa Hari. "Opo Haring Edgar, ako nga po ito. Ang nangyari noon ay hinde kopo kasalanan. Kasalanan yun ng lalaking yan! Kung hinde nya ako pinatid edi hinde sana nataponan ang mga papeles nyo Haring Edgar. Sya dapat ang pinalayas nyo sa palasyo hinde ako, pero tulad nga noon kahit ilang beses ako magpaliwanag na hinde ako ang may kasalanan at pinatid ako ng lalaki na yan ay wala manlang naniniwala sakin. Haring Edgar, ngayon nandito ako sa harap nyo para hingin ang permiso nyo para mapatay kona ang lalaki na yan." Lumuhod si Butler sa harap ni Haring Edgar.

Si Padz ngayon ay kinakabahan na kaya dali dali nyang kinontra ang mga sinabi ni Butler. "Haring Edgar, wag po kayong maniwala sakanya, sigurado po nagdadahilan lang sya para mapatay nya ako at para mabawasan ang lakas natin, sunod nyan iisa-isahin na nila tayo. Kaya Haring Edgar wag kang maniwala, matagal na akong naninilbihan sayo mahal na Hari, tapat na tapat ako sa inyo kaya ako sana Haring Edgar ang paniwalaan nyo."

"Ha! Matagal kana ngang naninilbihan sa Hari pero puro naman kasamaan ang ginagawa mo, ang ibang tao takot na sabihin kay Haring Edgar ang mga masasamang ginagawa mo pero ako, wala akong takot sayo. Kaya nga kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko. Haring Edgar, maniwala po kayo sakin. Sa tagal ng paninilbihan ko sa inyo sigurado po ako alam nyo na ugali ko. Alam nyo na hinde ako marunong mag sinungaling." Sabi ni Butler habang nakatitig kay Haring Edgar.

Tumingin si Haring Edgar kay Padz at kay Butler. Sa mga oras na yun hinde nya na alam ang gagawin nya at kung sino ang papakinggan nya sa kanilang dalawa.

"Butler bakit ba kasi ikaw nakikipag usap jan, patayin mona yan. Haring Edgar, narinig mo naman diba ang sinabi ni Butler. Maniwala ka sa kanya kasi wala naman syang mapapala sa pag sisinungaling at pag gawa ng kwento para sirain ang isang sundalo na tulad nya." Sabi ni Farrah habang naka tingin kay Haring Edgar at medyo naiinis.

Naiinip na talaga si Farrah kasi kanina pa sila nandito at nag dadaldan. Bata pa naman kasi si Farrah, 15 years old palang sya kaya tulad ng ibang bata hinde mawawala sa kanya ang pagiging mainipin.

Dahil biglang nagsalita si Farrah, saka nalang natandaan ni Haring Edgar na nandito pa pala si Farrah. Tumingin sya kay Farrah at napaisip, base sa tuno nya habang kausap si Butler ay parang inuutusan nya sya at pagkatingin nya sa kay Butler ay parang natural lang sa kanya na utos utusan ng ganito ni Farrah.

"Hoy! Ikaw na bata ka, anong patayin!? Baka gusto mong ikaw ang patayin ko!" Sigaw ni Padz habang tinuturo ang espada nya kay Farrah. "Hahahah! Lumapit ka at subukan mo." Sabi ni Farrah habang nakangiti at iniinis si Padz sa tingin nya sakanya na para bang nakatingin sya sa isang clown na ang alam lang ay mag pa tawa.

"Abat! Akala mo nagbibiro ako!? Hintayin mo ako!" Bumaba si Padz sa kabayo nya at lalapit na sana sya kay Farrah nang takpan ng kabayo ni Haring Edgar ang daan papunta kay Farrah. "Padz! Ito na ang huling warning ko sayo! Jan ka lang!" Sigaw ni Haring Edgar kay Padz. Hinde na alam ni Haring Edgar ang gagawin nya, kung hinde lang dahil dito sa sundalong ito edi sana maayos ang pag uusap ni Haring Edgar at ni Farrah pero sinira lahat ni Padz.

Pero kahit ganun walang magagawa si Haring Edgar. Kapag binigay ni Haring Edgar si Padz kina Farrah para patayin ay magiging napaka laking problema yun, kasi mababalita yun at magkakaproblema rin ang posisyon nya bilang Haring ng Juperia. Kung ang sundalo nya nga hinde nya maprotektahan paano pa kaya ang mga tao ng Juperia na umaasa kay Haring Edgar.

"Hello Young Miss, pwede bang malaman ang pangalan mo?" Sabi ni Haring Edgar habang nakangiti. "Farah, yan ang pangalan ko." Sabi ni Farrah na parang walang paki kung Hari man ang kausap nya.

Natural lang naman ang pinapakitang attitude ni Farrah, sino ba naman ang hinde maiinis pag may mga tao na biglang mabobolabog sa harap ng bahay mo at kung ano ano ang pinag sasabi at binabantaan kapa na papatayin ka. Syempre magiging ganito talaga ang attitude ni Farrah habang kausap si Haring Edgar kahit na alam ni Farrah na hinde sya ang nag banta ka Farrah na papatayin sya, tauhan nya parin ang sundalo na yun kaya parehas na rin yun.

Saka bakit naman kailangan ni Farrah mag bigay ng respeto sa isang Hari, kung gugustuhin ni Farrah pwede rin syang maging Reyna. Sa lakas ng kapangyarihan nya, madali lang para kay Farrah na sakupin ang boong Juperia at gawin itong sa kanya. Pero kahit na alam ni Farrah na kayang kaya nya itong gawin, ayaw nyang gawin ito kasi tinatamad sya at kapag naging Reyna na sya sigurado marami syang gagawin dun at marami rin syang magiging trabaho at kailangan nya pang makinig pag may problema ang mga tao ng Juperia at kailangan nya pang mag isip ng mga gagawin para eresolba ang mga ito.

Iniisip palang ito ni Farrah ay parang mas gugustuhin nya nalang na magtago sa loob ng Mansion nya at hinde na lumabas kahit kailan.