Chereads / TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 13 - Chapter 13: Ghost Servants

Chapter 13 - Chapter 13: Ghost Servants

Hinde pa sila nakakapasok pero ramdam na nila na ang madilim na aura ng bahay. Para bang nag mula ang bahay na ito sa empyerno.

Si Farrah ay natatakot na kasi habang papalapit sila, may nararamdaman syang parang may nakatingin sakanya. Ang mga Shadows naman ay hinde natatakot, alam kasi nila na wala naman silang kamatayan, unless mamatay si Farrah hinde sila mamatay. Kaya todo bantay sila sakanya.

"Goddess wag kang matakot nandito lang kami." Sabi ni Shadow 1 at pinalibotan nila si Farrah. Si Shadow 2 at 3 ay pumunta sa kaliwa ni Farrah at si Shadow 4 at 5 naman ay pumunta sa kanan ni Farrah, si Shadow 1 naman ay nasa unahan.

Waaahhhhhhh!!!!

Nung malapit na sila sa pinto, bigla silang may narinig na malakas na sigaw ng halo halong boses ng lalaki, babae, bata at sanggol. Nakakatakot talagang pakinggan, kaya pagkarinig palang ni Farrah dito napatakbo na agad sya palayo sa bahay. Ang mga Shadows naman pagkakita kay Farrah na tumakbo papalayo ay sinundan agad nila sya.

Nang malayo na si Farrah sa bahay saka lang sya tumigil. "Goddess Farrah ok kalang poba?" Tanong ng mga Shadows. "Ok lang ako, nabigla lang ako nang biglang may sumigaw doon. Grabi ako pa talaga tinakot nila, humanda sila. Hintayin nilang matutunan kong gamitin itong Holy Magic ko at uubosin ko silang lahat." Sabi ni Farrah habang nakatitig sa bahay.

Nilabas ni Farrah ang Libro ng Kapangyarihan at binasa ang pahina na naglalaman kung pano gamitin ang Holy Magic. Nakasulat dito, para magamit ang Holy Magic, kailangan mong mag isip ng mabuti at pure na puting ilaw na lumabas sa kamay mo. Pwede mong baguhin ang korte nito, at pwede mo rin itong gamitin kahit sa paanong paraan mo gustohin.

"Ganun lang pala yun? Ang dali lang naman pala hehe at pwede kong gamitin sa kahit anong paraan na gustohin ko. Pwede." Binuksan ni Farrah ang kamay nya at nagpalabas ng Holy Light. Tinignan ito ni Farrah ng ilang sigundo at may inisip sya at nagbago ang itchura ng Holy Light, hinde nalang ito basta ilaw kundi naging hugis Baril.

"Hehehe try." Hinawakan ni Farrah ang Holy Gun nya at hinila ang gatilyo at...

Bang... bang... bang...

Tatlong puting Holy Bullet ang lumabas. "Ngayun na may armas na ako, tara na mga Shadows ko. Marami pa tayong papatayin." Gumawa rin si Farrah ng limang baril at limang espada galing sa Holy Light ni Farrah.

"Let's do this."

Ngayun nawala na ang takot ni Farrah at sya na ang nangunang tumakbo papunta sa malaking bahay at sinipa nya ang pintoan ng bahay na ito at tumalsik ito. Pagkawasak ng pintoan, saka palang nakita ni Farrah ang loob ng bahay. Ang loob ng bahay ay puno ng sapot ng gagamba at ang dilim dilim pa dito, pero hinde yun ang nakakatakot dito. Ang nakakatakot dito ay ang mga lumulotang na mga taong putol putol ang mga katawan at mga inoood na multo.

Waaaahhhhhh!!!!

"Heh! Kala nyo matatakot ako sainyo! Baliw! Kayo ang matakot sakin. Fire in the hole."

Bang...!!!! Bang...!!!! Bang...!!!!

Sinimulan na ni Farrah ang pagpaputok ng Holy Gun nya sa mga multo at ang mga multo na natatamaan nito ay sumisigaw at agad agad na naglalaho. "Wow! Effective pala ito. Shadows, ano pang ginagaw nyo jan? Sali na kayo dito sakin. Ang saya kaya." Sabi ni Farrah habang patuloy na binabaril ang mga lumolotang na multo.

Bagamat mga multo na sila, nakakapag isip parin sila at pagkakita nila na kaya silang patayin gamit ang mga lumiliwanag na armas na hawak nila Farrah, nagsitago ang mga ito. "Ayy mga kill joy. Wag naman kayong ganyan, ang saya na eh. Shadow 1,2,3 dito kayo sa baba, ubosin nyo ang mga multo dito at kayo Shadow 4 at 5 samahan nyo ako sa 2nd Floor doon tayo mag mamassacre ng mga multo.

"Opo Goddess, mag ingat kapo." Sabi ni Shadow 1 at umalis na sila. Sila Farrah naman ay umakyat sa 2nd Floor at nag ghost hunting.

Bang... Bang... Bang... Bang...

Imbes na tao ang matakot sa multo, naging baliktad na ang sitwasyon. Multo na ang takot sa tao. Ang bahay na dating puno ng sigaw ng mga multo ay nahaloan na ng mga tunog ng baril. Dahan dahan nauubos na ni Farrah at ang mga Shadows ang mga multo. Pumasok si Farrah sa isang kwarto at may nakita syang lalaki na nakasoot ng uniform ng isang butler. 'Butler siguro sya dati dito noong buhay pa sya' Inisip ni Farrah pagkakita nya sakanya pero patay na sya kaya itinotok ni Farrah ang baril nya sa multo at babarilin nya na sana ito nang nagsalita ang multong butler.

"Wag po! Hinde naman po namin gustong manakot ng mga tao dito. Sila kasi, pag pupunta sila palagi nalang silang nagnanakaw sa bahay namin at sinisira pa nila at pinaglalaroan ang bahay namin! Sino bang hinde magagalit dun. Pasensya napo talaga, sana po tigilan nyo napo ang pagpatay saamin." Sabi ng Butler na Multo, halatang halata sakanya na takot sya kay Farrah.

"Kahit na, pumapatay parin kayo ng mga tao! Masama yun!" Sabi ni Farrah habang mas nilalapit ang baril nya sa Butler na Multo at ito naman ay mas lumalayo pa. "Hinde naman po kami pumapatay, nanakot lang kami. Hinde naman namin alam na aatakihin sila sa puso nang tinakot namin sila. Kaya wala kaming magagawa dun." Sabi ng Butler na Multo na mas lumalayo pa kay Farrah.

"Mga Shadows, Cease Fire! Tigil nyo muna ang pag patay sa mga multo. At ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ni Farrah sa Butler na Multo. "Hinde mona poba kami papatayin? Ang.. ang pangalan kopi pala ay Butler. Yun po ang binigay saaking pangalan ng magulang ko kasi gusto nilang maging Butler ako paglaki ko." Sabi ni Butler. "Butler talaga? Ok Butler, papuntahin mo lahat ng multo dito sa bahay na ito sa baba at kakausapin ko silang lahat." Sabi ni Farrah habang palabas ng pinto at papunta sa baba.

Hinde naman nagdalawang isip si Butler at pinapunta lahat ng natitirang multo sa 1st Floor ng bahay na ito. Kahit na marami na sila Farrah na napatay na mga multo, marami parin ang natira. Kung bibilangin sila, mukhang aabot sila sa 500 na multo. "OK, pinatawag ko kayong lahat para sabihin na hinde kona kayo papatayin pero kung gusto nyo pang mabuhay, i mean mamatay, ay hinde, basta hinde ko kayo tataposin basta pagsilbihan nyo lang ako at lahat ng iutos ko ay susundin nyo. Maliwanag? Kung gusto nyo pwede ko rin gawing madilim." Pagkasabi ni Farrah ng madilim, itinotok ni Farrah at ng mga Shadows ang mga baril nila sa mga multo.

"Maliwanag po, maliwanag. Maliwanag na maliwanag po, wag nyo lang kaming patayin." Nagmamaka-awa na sigaw ng mga multo. "Goood." Tumingin si Farrah sa mga multo na nasa harap nya at midyo na creep out parin sya kasi nakakatakot talaga ang mga itchura nila. Kaya may naisip si Farrah, gusto nyang mag experiment.

"Hoy ikaw, lumapit ka dito." May tinoro si Farrah na isang matandang lalaking multo mula sa mga lumilipad na multo. Ito naman ay biglang natakot pagkatawag sakanya ni Farrah, baka kasi patayin sya ni Farrah, yun ang iniisip nya kaya natatakot sya pero pag sinuway nya rin naman si Farrah mamatay rin sya kaya sumunod nalang ito sa utos ni Farrah.

"Try natin this." Itinapat ni Farrah ang palad nya sa matandang multo at ginamit nya ang healing magic nya sa multo. Ilang saglit lang ay umilaw ang boong katawan ng multo. Nang nawala na ang ilaw ng katawan ng matanda, laking gulat ng ibang multo kasi kanina ang itchura ng matanda ay tanggal tanggal ang balat sa mukha at nakikita na ang bongo nito saka nawawala ang isang mata nito at ang damit nya naman ay sira sira at wasak wasak ang tyan nito.

Pero ngayun, ibang iba na itchura nya. Lahat ng nakakatakot sakanya kanina ay nawala at napalitan ng kapogian, kahit na matanda na sya ay nagmumukha parin syang pogi, ang soot nya naman ay napalitan ng napakalinis na uniform na tulad ng unifor ng isang taga silbi sa palasyo. Kung hinde lang dahil sa lumilipad ang matandang lalaki at tumatagos ang paningin ng kahit sinong tumingin sa katawan nya, aakalain nila na buhay ang matandang lalaki na ito.

"Anong nangyari sakin? Pogi na ulit ako yes!" Sigaw ng matanda pagkakita nya sa reflection nya sa salamin sa gilid nya. "Working nga hehe." Sabi ni Farrah habang tinitignan ang nagawa nya. "Ikaw ba Madam ang nag balik ng dating itchura ko?" Tanong ng matandang multo. "Hehe nagustohan moba?" Tanong ni Farrah habang nakangiti.

"Syempre naman Madam. Pangako po, dahil binalik nyo ang dati kong itchura susundin ko lahat ng iutos nyo kahit ano paman yan. Maraming salamat po Madam." Sabi ng matandang multo habang nakaluhod sa harapan ni Farrah. "Madam kami rin po. Pangako rin po namin pagsisilbihan kapo namin palagi at susundin namin lahat ng iutos nyo." Sabi ng mga multo pagkakita sa nangyari sa matandang lalaki.

"Hehehe madali lang yan." Itinaas ni Farrah ang kamay nya at umilaw ito ng napaka lakas, sa sobrang lakas na ilawan ang boong bahay nito. Ang ilaw na pinalabas ni Farrah ay isang Healing Light, naisip kasi nya na kung iisa-isahin nya pa ang pag ayus sa itchura nila ay matatagalan yun, 500 banaman. Kaya nagpalabas nalang sya ng Holy Light para mas madali.

Pag kawala ng Holy Light na pinalabas ni Farrah, ang dating madilim na bahay ay nagi nang maliwanag at ang itim na aura na nandito ay nawala na, napalitan na ng magandang aura, at ang mga multo naman, tulad ng nangyari sa matandang lalaki ay gumanda narin at naging maayus ang mga itchura nila. Hinde na ito nakakatakot.

"Ngayun, mukhang kailangan nating ayusin ang boong bahay na ito. Marami nang sira dito at marami na ring dapat palitan. Kayo na bahala ayos ng bahay na ito. Butler! Ikaw bahala tumingin sa mga aayusin. At linisin nyo rin ang boong bahay, ang alikabok. Ang mga materyales, kumuha nalang kayo sa mga bahay dito basta wag kayong magpapakita. Sige na, ayusin nyo na ito. Shadows, tumolong kayo. Metal Giants! Lumabas na kayo! Tumolong rin kayo." Sabi ni Farrah. Ang mga Metal Giants naman ay agad na lumabas sa lupa at tumolong na din sa pag aayus ng bahay.

Ang aayusin nila ay ang 1st saka 2nd floor ng bahay na ito. Base sa sira ng bahay, matatagalan sila bago maayus ang boong bahay pero yan ay kung mga ordinaryong tao lang ang mag aayus nito pero hinde mga tao ang nandito sa bahay except kay Farrah kaya madali lang ito para sakanila.