2017
"Hyusig-eul gaja! (Let's have a break!)" malakas na sigaw na may halong palakpak, ng dance instructor nila Sofia na si Song Hyun Ah.
Kaagad naman silang nagkalasan mula sa dance formation at tumungo sa kanya-kanyang gamit. Ilang oras na rin silang walang tigil na nag-eensayo.
Samantala, kaagad naman na lumapit ang Personal Assistant/ Bestfriend niya na si Raquel upang punasan ang pawisan niyang mukha.
"Oh tubig. Baka madehydrate ka," Inabot nito ang isang bote ng mineral water sa kanya.
5 years ago nang una siyang makipagsapalaran sa South Korea. Labis ang kagustuhan niyang maging sikat na K-pop Idol!
Sa tulong na rin ng professor niya sa kolehiyo na nagtulak sa kanya na mag-audition sa Vast Galaxy Entertainment o VG Entertainment, lakas-loob na sumabak siya.
Kahit pa alam niya na marami siyang masasagasaan ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagkamit ng pangarap.
Umayon naman sa kanya ang pagkakataon at nakapasa siya. Naging bahagi siya ng K-pop girl group na Yellow Daisy which means Joy and True love. Although alam niya na mas may malalim pang kahulugan ang bulaklak na Daisy higit sa inaakala nang lahat.
Naging layunin ng mga kanta nila na ipagbigay-alam sa mga fans nila na lahat ng tao ay may darating na True Love at walang kasing-saya ang mararamdaman ng mga ito.
Basically, lahat ng kanta nila ay nakafocus sa masasayang side ng buhay.
Limang miyembro ang binubuo ng Yellow Daisy. Si Ajoo, isang pure blood Korean,ang pinaka-unang member na narecruit ng VG Entertainment, at tumatayong lider ng grupo. Ito rin kasi ang pinakamatanda sa kanila. 4 years na itong nagsasanay sa management. Samantalang magkasabay naman sina Dana, half Korean, half Japanese at Jia, half Thai, half Korean, na nakapasa sa audition, 3 years na ang mga itong nagsasanay. Si Mina, isang half Korean, half Singaporean, naman ay narecruit pagkatapos sumali sa isang dance contest sa paaralan nito, at siya naman, Sofia na tinawag na Sofi ang huling nakapasa at may pinaka-maikling training time sa grupo bago ang debut nila noong 2013. Siya lang ang bukod tanging walang Korean blood sa grupo. Magkagayoman ay pantay-pantay ang turing nila sa isa't-isa.
Sa ngayon ay may apat na taon na siya sa K-pop industry. Halos fluent na nga siya sa pagsasalita ng Hangul.
Humugot siya ng malalim na hininga matapos lagukin ang isang bote ng tubig.
Umupo siya pagkatapos.
"Oy! Meoggno sipni? (Do you want to eat?)" tanong sa kanya ni Ajoo na lumapit sa gawi niya.
Umiling siya. "Ani, gomawo, (No, thank you,)" tanggi niya.
"Naneun dangsin-eul naebeolyeo dul su eobsda! ulineun hamkke meog-eoyahanda! (I cannot let you! We should eat together!)" kontra naman ni Dana. Nakaupo ito sa kabilang bahagi nang studio.
Hindi pa siya nakakasagot nang lumapit si Dana at Mina sa kanya at tig-isang hawakan ang braso niya upang hatakin patayo.
"Eoseo! (Come on!)" yakag ni Mina
Sabay-sabay silang tumungo sa pantry area. Doon ay nakasalansan ang napakaraming pagkain. Pumwesto na sila sa hapag at nagsimulang magsalo-salo.
"Jal moke get sum nida! (I will eat very well!)" sabay-sabay nilang wika bago magsimulang kumain. Implikasyon iyon na nag-eexpress nang appreciation nila sa pagkain.
Panay ang kwentuhan nila tungkol sa darating nilang comeback. Pitong buwan na kasi nang huli silang mag-comeback. Comeback - ito ang tawag sa paglalabas nila ng bagong kanta.
Oo, hindi man sila nagnu-number one sa mga music chart pero sapat na ang 5.1+ milliom followers nila sa Twitter at Instagram upang ganahan sila gumawa ng mga kanta. Idagdag pa ang tilian ng mga tao sa tuwing nagpeperform sila.
Sa oras na mapulido na nila ang mga steps nila ay magsisimula na silang gumawa ng music video. Isang dance video at isang official music video.
"Kkamjjagiya! (Surprise!)" Napukaw ang atensyon nila sa nang sumigaw si Jia. Lahat sila ay napatingin sa entrance ng pantry.
Doon ay kakapasok lang ang isang koreanong lalaki na may bitbit na baby. Nakapolo na pang-opisina ang lalaki habang nakabestida naman ng blue ang baby girl na buhat nito.
"Neo wae yeogi issni? Naneun neoleul gidaehaji anh-assda..(Why are you here? I did not expect you to be here,)" Nakangiting sabi ng dance choreographer nila na si Hyun Ah.
"Uli gongjunim-i neoleulbogo sip-eohagi ttaemun-e. (Because our princess wants to see you)" tugon naman ng asawa ni Hyun Ah.
"Sweet!" sabay-sabay na wika ng mga kasama niya.
Habang ngiti lang ang naging reaksyon niya. Hindi niya alam subalit nakaramdam siya ng munting kirot sa dibdib niya. Lalo nang makita na magkakasama ang tatlo.
Nakaramdam siya ng tapik sa braso niya. Pasimangot niya itong nilingon.
"Problema mo?" tanong niya na napagtanto na si Raquel pala iyon.
"Baka binubulungan ka na ng konsyensya mo," sabi nito
"Pwede ba?" pairap niyang wika. "Wag mong sirain ang kasiyahan ko,"
"Maybe she's missing her mom now," sabi pa ni Raquel sa kanya.
Tahimik siyang tumayo. Nagpaalam siya sa mga kasamahan na magpupunta muna sa wash room. Sinundan naman siya ni Raquel.
"Hindi magbabago ang nararamdaman ko sa kanila. Ayaw ko pa rin sa kanila," sabi niya kay Raquel nang makarating sila nang wash room.
"Hindi ka talaga nakokonsyensa ano? Six months nang iwanan mo ang baby mo. Hindi ka ba nakakaramdam ng motherly instincts?" sabi pa ni Raquel.
"None at all!" deklara niya rito. Subalit alam niya na may bahagi nang utak niya na hindi sang-ayon sa tinuran niya.
Alam nang management nila ang pagkakaroon niya ng asawa at isang anak. Subalit naging lihim ito upang mapangalagaan ang repustasyon niya. At isa pa, wala sa pisikal na anyo niya ang bakas na isa na siyang ina.
Tama nga ang kasabihan na, 'Every one has a skeleton on their closet,' At ang sa kanya ay makakapagpasira sa career niya. Hindi niya hahayaan iyon! Malayo na ang narating niya para lang igive-up basta ang nasimulan na.
Ni hindi pa nga sila nagnu-number one? At lalong hindi pa niya nakakasayaw ang napakasikat na Beyond Your Heart (BYH) na boy group! Super idolo niya kasi ito.
Nagkita nga sila sa Mnet Asia Music Awards o MAMA noong 2014 sa Singapore pero wala namang pagkakataon na malapitan ang mga ito.
Nakuntento na lamang siya sa panunuod ng performance ng mga ito at pagtanaw-tanaw sa upuan.
Ang MAMA ay isa sa mga malaking k-pop music awarding taon-taon na pinapangunahan ng CJ E&M sa music channel nitong Mnet na kinabibilangan ng mga nomimadong sikat na celebrity sa China, Japan, Indonesia, Canada, Singapore, Taiwan, at United States.
Sa madaling salita ay isang dangal na makasama at maging nomimado dito. Kaya naman labis ang kagalakan nila nang manominate ang grupo nila sa Best Female Group at Best Female Dance Performance. Subalit hindi pa sila nakakasungkit nang kahit isang award mula sa MAMA. Magkagayoman ay umaasa pa rin sila na balang-araw ay makakasungkit din sila ng isang bigating award.
"Nasaan ang cellphone ko?" tanong niya kay Raquel.
"Nasa bag mo," sagot nito.
Madali siyang tumungo sa studio kung saan nakalagay ang bag niya. Nakakaramdam nanaman kasi siya ng hindi maipaliwanag na discomfort.
Kapag nakakaramdam siya ng ganoon ay kaagad siyang nakikinig sa Soothing Sound Application na ininstall niya upang gumanda ang ulit ang mood niya.
Lingid sa kaalaman niya na nakasunod si Raquel sa kanya.
"Wait lang!" pigil sa kanya ni Raquel.
Subalit huli na nang mapagtanto niya ang isang magazine na nakalagay sa loob ng bag niya. Dala ng kuryosidad ay itinaas niya ito.
Halos bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Nicholas na cover ng isang lifestyle magazine.... at kasama nito si Steffi.. ang anak na inabandona niya...
++
itutuloy...
P.S : Hindi ko po ina-assure na accurate ang mga korean translation pero un din naman po ang meaning..
Thank you sa pagbabasa!