Hindi na nawala sa isipan ni Sofia ang magazine na dala ni Raquel hanggang sa makarating siya sa dormitoryo nila. Sa di mawaring dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng pangungulila para sa iniwang responsibilidad sa Pilipinas.
Paikot-ikot siya sa kama habang laman ng isip si Nicholas at Steffi. Aftet all these years, bakit ngayon lang siya nakakaramdam ng ganito? Konsensiya ba ito? Ngayon lang ba umeepekto ito?
Nakaramdam siya ng pagka-asar kay Raquel. Kundi dahil dito ay hindi siya mai-stress nang ganito. Ito lang naman ang nagpupursige sa kanya na balikan ang mag-ama niya.
Sa ilang beses na pangongonsensiya nito ay tila ngayon lang iyon tumalab! At hindi siya masaya para dito.
Umahon siya ng pagkakahiga. Tila nanunudyo naman ang antok na ayaw pa siyang dapuan.
Tumungo siya sa bag at hinugot mula doon ang magazine. Sabi niya kay Raquel na i-dispose na iyon subalit nang makarating siya ng dorm at ayusin ang gamit ay nakita niya ito.
Ngayon niya ito babasahin. Ano kaya ang nilalaman nito?
Bumalik siya sa kama at naka-indian seat na binuklat ang magazine. Bumungad sa kanya ang picture ng lalaki na nasa sala kasama ang anak nitong babae.
Binasa niya ang caption.
"The twenty-seven year old single dad raised his beatiful young daughter to be a fine girl. We asked about his connection with the pretty girl's mom but only get the reply of, 'let's keep it private'"
Hindi niya naiwasang mapangiti. As expected from Nicholas. Akala niya pa naman ay sisiraan siya nito sa madla.
Pinagpatuloy niya pa ang pagbabasa. Ang mga artikulo ay tungkol na sa kabuhayan ng mga Cuerdo at kung paano minemaintain ang First Class nitong mga produkto.
Wala nang naging artikulo pa tungkol sa personal nitong buhay.
Sinarado na niya ang magazine. Hindi pa rin mawala ang ngiti niya sa kaalamang pinrotektahan pa rin ng lalaki ang dignidad niya kahit na malaki ang pagkakasala niya dito.
At dahil doon ay nakaisip siya ng isang plano. Kaagad niyang kinuha ang cellphone sa side table at kumaripas ng takbo papuntang c.r.
Dinial niya ang numero ni Raquel. Nag-ring ang kabilang linya. Ilang minuto lang ng sumagot ang kabilang linya.
"Bakit nanaman?" base sa naririnig niyang boses nito ay tila naalimpungatan ito mula sa pagkakatulog.
"I-book mo ko ng flight papuntang Pilipinas bukas ng madaling araw oras dito," bulong niya sa telepono. Bahagyang sumisilip-silip siya kung may mga kasamahan siyang gising.
Magkakasama kasi sila sa iisang kwarto.
"Seriously?!" narinig niya ang tila pagkabuhay ng boses nito.
"Ayaw mo?" nananatili pa rin ang mahina niyang boses. Halos nakadikit na ang bibig niya sa mouthpiece ng telepono.
"Sige! Akong bahala!" pagkasabi nito ay pinatay na nito agad ang tawag nang di pa siya nakakatugon.
Napabuntong-hininga siya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya niya lalo na si Nicholas sa biglang pagbabalik niya?
**
01:00 am, KST
Umahon sa pagkakahiga si Sofia at nilingon ang paligid. Nakikiramdam siya kung may mga kasamahan siyang gising pa. Nang matiyak na wala ay marahan siyang bumangon at kinuha ang bag niya.
Nahanda na niya ang gamit niya nang nagdaang gabi kaya naman di na siya nahirapan pang maka-alis agad.
Tahimik niyang kinuha ang bag at binuksan ang pinto. Nakikini-kinita niya na ang magiging reaksyon ng manager nila gayong malapit na ang nalalapit nilang comeback.
Pero hindi rin naman siya matatahimik kapag hindi nagagawa ang naiisip.
Dumaan siya sa Emergency Exit ng gusali. May mga bantay kasi sa main entrance. At isa pa, mas kapansin-pansin kung dadaan siya doon. Mamaya ay magulat siya at trending na siya sa mga social media.
Nakasuot siya ng wig na kulay itim na umaabot ang haba sa baywang niya. Nakasumbrero lang siya at nakayuko. Mas makakabuti kasi na hindi gaanong kabalot ang mukha niya upang hindi maka-agaw ng pansin. Nakasuot siya ng makapal na jacket at hapit na jeans.
Gaya nang inaasahan niya ay naghihintay na ang isang itim na kotse sa tapat ng gusali. Bumukas ang bintana at tumambad sa kanya si Raquel.
"Bilisan mo na!" sabi nito. Ngali-ngali siyang sumakay sa passenger's seat.
"Saan ka nakakuha ng sasakyan?" nakangiting tanong niya sa babae.
Nagkibit-balikat ito habang nakangiti sa kanya. "Diskarte?"
"Ite-treat kita next time," pangangako niya dito.
"Aasahan ko yan," pagtatapos nito.
Nagbook ng first class seat si Raquel para sa kanilang dalawa. Mabuti iyon dahil hindi naman mag-aabala ang mga mayayaman na magpapicture sa kanya.
Swerte nang mga oras na iyon ay wala ng naka-okupa at solo nilang dalawa ang paligid.
Kaagad siyang umupo malapit sa bintana. Ilang oras na lang.. ilang oras na lang at makakaharap na niya si Nicholas.
Ano kaya ang sasabihin niya? At ano kaya ang magiging reaksyon nito?
Hindi niya alam ang maaaring mangyayari subalit alam niya na nakakaramdam siya ng excitement.
**
Pasay, Philippines
Paglabas pa lang nila sa airport ay bumungad sa kanya ang maalinsangang panahon ng Pilipinas. Natitiyak niya na nasa bansang sinilangan na talaga siya!
"Pwede mo nang tanggalin ang jacket mo," puna sa kanya ni Raquel.
Tinapunan niya lang ito ng masamang tingin pagdaka'y naghubad na ng jacket. Bakit di nga ba niya naisipan iyon? Nasanay lang ba siya sa malamig na klima ng Korea?
Hindi na sila nahirapang makasakay dahil may nakatambay na taxi sa harapan ng airport.
"Saan tayo tutuloy?" tanong niya rito.
"Sa mumurahing hotel," tugon ni Raquel.
"Sa mumurahin lang?" bulalas niya dito.
"Gusto mo bang makilala kapag sa mamahaling hotel ka tumuloy? Remember, hindi ka ordinaryong tao! Kpop Idol ka na may international influence! Buti nga walang nakakakilala saiyo sa airport eh," sabi pa ni Raquel.
Napatingin pa siya sa taxi driver na napatingin sa kanila.
"Kilala mo ko?" tanong niya rito.
Napakamot sa ulo ang lalaki. "Sorry ma'am, hindi po eh,"
"Good," napatango-tango niyang wika.
"Saan po tayo?" tanong ng driver.
Tumingin siya kay Raquel.
"Saan may pinakamalapit na hotel sa Luxe Cosmetic Company?" tanong ni Raquel dito.
"Sa main office sa Taguig?" tanong pa ng driver.
"Oo, dalhin mo kami sa pinakamurang hotel na alam mo dun," utos pa ni Raquel.
"Sige po," tugon naman ng driver.
**
"Dito talaga? Ang pangit! Hindi bagay sa beauty ko dito!" nakasimangot niyang tili.
Masyado kasing plain ang silid. Nasanay siya na colorful ang ginagalawan niya.
"Naku! Wala ka sa Korea para mag-inarte!" saway sa kanya ni Raquel.
Isang silid iyon na may dalawang kama. Walang makikita sa silid kundi maliit na de antennang telebisyon at salamin.
Wala man lang kaispe-ispesyal na makikita dito. Tumungo siya sa bintana at binuksan ito.
Napaubo na lamang siya nang may alikabok dumapo sa mukha niya.
"Iiiiiii!" tili niya na mabilis nagpunta sa c.r at naghilamos. Tinignan niya ng malapitan ang mukha sa salamin.
Nakita naman niya si Raquel sa likod niya na umiiling-iling dahil sa kaartehan niya.
"Baka tubuan ako ng tigyawat," sabi niya habang halos nakadukdok ang mukha sa salamin. "Hala?! May whiteheads na ko!"
"Guni-guni mo lang yan," pairap na wika ni Raquel.
"Paano na lang kapag nagkaroon ako ng close up interaction sa mga fans? Matuturn off sila kapag nakita nila itong mga whiteheads ko! Bwisit kasi yang alikabok na yan!" yamot niyang wika. Tumungo na siya kay Raquel na kasalukuyang nag-aayos nang mga gamit nila. "Dito talaga tayo tutuloy? Wala bang multiple choice? Ayoko dito! Papangit ako dito!" patuloy na pag-iinarte niya.
Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Raquel pagdaka'y umirap.
"Kasalanan mo kapag pumangit ako, sige ka?" pangngonsensiya na rito
"Paano kapa ---
"Hep!" Tinaas nito ang isang kamay para patigilin siya sa pagsasalita. "Lilipat na tayo ng five-star ah? Ang arte mo kasi e..."
"Mukha ang puhunan ko, day! Pag nawala 'to, tapos na ang career ko!"
"Oo na nga diba?" sabi pa nito na binitbit muli ang gamit nila.
Sinuot niya uli ang wig at ang sumbrero bilang pagdi-disguise.
Nasunod ang gusto niya. Ang advantage? Walking distance lang ang Luxe Cosmestics sa tinutuluyan nila!
Mas madali niyang mapupuntahan ang lalaki!
++
itutuloy ....