Chereads / Running Idol / Chapter 5 - Chapter II.I

Chapter 5 - Chapter II.I

"Kailangan na nating bumalik sa Seoul," sabi ni Raquel sa kanya nang makarating sila sa unit nila.

"He wanted a divorce," mahina at wala sa sarili niyang wika.

Humarap si Raquel at nagpameywang. "Eh diba iyan naman talaga ang gusto mo? Ayaw mo nun, tuluyan ka nang mawawalan nang obligasyon,"

Hindi niya alam kung bakit hindi siya masaya sa tuluyang pakikipaghiwalay sa kanya ni Nicholas.

At hindi niya rin mawari kung bakit bigla ay gusto niyang ariin ang anak.

"Tumawag si Mr. Lee kanina. Galit na galit sa ginawa mo! Alam mo ba na pwede ka niyang idemanda! Nakapirma ka ng kontrata sa kompanya!"

"Ayaw kong bumalik hangga't hindi pa natatapos ang pag-uusap namin ni Nicholas," sabi niya rito.

Naputol lang naman ang pag-uusap nila nang lalaki nang dumating ang mga korean paparazii na walang ginawa kundi sumunod nang sumunod sa kanya.

"Pero isipin mo rin na may responsibilidad kang sinumulan sa Korea. Hindi mo naman basta pwedeng iwanan iyon," paliwanag ni Raquel sa kanya.

"Alam ko naman iyon. Gusto ko lang ma-settled ang nasa pagitan namin ni Nicholas. Since sinimulan mo ko, gusto kong ayusin ang lahat dito," pagpapaliwanag niya rin dito.

Tumingin lang ng nangangamba si Raquel sa kanya.

"Look, ako nang bahala kay Mr. Lee. Kalma ka lang, okay? I'm sure maiintindihan niya ito," pagkasabi niyon ay hinugot niya ang cellphone sa bulsa at dinial ang numero nang

manager nila.

Hihingi lang siya ng isang linggo upang maayos ang gusot na matagal na niyang iniwanan.

**

"I want to see my daughter," naka-chin up na muling litanya niya nang muli silang mag-usap ni Nicholas.

Alam niyang nasorpresa niya ito nang bigla siyang dumating sa opisina nito kinabukasan din. Sa pagkakataong iyon ay naging maingat ang pagdidisguise niya upang hindi maka-akit ng pansin.

Binigyan siya ni Mr. Lee nang isang linggo upang manatili sa Pilipinas. Kaya naman sisiguraduhin niyang magagawa niya ang mga dapat gawin sa loob lamang ng limitadong panahon.

"I'll let you see your daughter under my terms and conditions," kalmadong wika nito.

"Don't dare make any conditions on me!" matigas niyang wika. "Baka di mo nakikilala ang nasa harapan mo?"

"And may I just remind you tookung sino ang kinakausap mo ngayon?" kalmado pero bakas ang awtoridad sa boses nito.

Hindi siya kaagad naka-imik. Kaagad niya kasing inanalisa ang katayuan nilang dalawa. Alam naman niya kung gaanong kayaman at kaimpluwensiya ang lalaki. Sa huli ay hindi na lang  siya nakipag-argumento dito.

Inilabas nito muli ang folder na naglalaman ng annulment nila.

"Have a seat, Ms. Sofia Belgica," kaswal nitong paanyaya sa kanya.

Tahimik naman siyang sumunod dito.

"First of all, gusto kong pirmahan mo ang annulment paper na ito. I don't want you carrying my name in you anymore. Alam mo naman siguro kung bakit," simula nito. Nakaramdam siya ng kirot sa puso sa malumanay subalit tagos sa laman na mga sinasabi nito.

Kinuha niya ang folder at binuksan ito. Hindi niya ito masisisi kung labis ang galit nito. Five years?! Kahit sino talaga ay mapopoot sa ginawa niya. Kailangan niyang harapin ang mga consequence ng mga desisyon niya.

Sinimulan na niyang pirmahan ang papel. Sa oras na matapos iyon ay opisyal na hiwalay na sila. Idinikit na niya ang pinakadulo nang ballpen sa papel at marahang pumirma.

Kailangan niyang sumunod sa mga kondisyon nito upang makasama si Steffi.

"Good," sabi nito nang matapos siya. Kinuha nito ang folder at muling itinago sa lamesa nito. "Secondly, don't dare confuse my daughter. Kapag nakita mo siya, wag mo siya basta yayakapin at magpakilalang ina niya,"

"Why not?!" alma niya.

"She'll hate you for abandoning her," diretsang sagot nito.

Tila hinampas siya nang matigas na bagay sa mukha sa sinabi nito. Hindi siya nakasagot. Ano nga ba kasi ang dapat na itugon dito?

"Nagiging mabait pa rin ako saiyo kahit hindi mo deserved ang kahit anong konsiderasyon sa ginawa mo," sa mga katagang iyon ay naramdaman niya ang malalim na hinanakit ni Nicholas.

Nararamdaman naman niya ang pag-iinit nang sulok nang mga mata niya. Nang mga oras na iyon ay wala na siyang karapatan kay Nicholas. Tuluyan na nga nitong pinutol ang ugnayan nila..

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya na rin sa wakas mula sa pagkakatahimik.

"Ipapakilala kita bilang kaibigan ko. Kung gusto mong makabawi sa kanya, iparamdam mo ang pagiging ina mo sa kanya," sabi niya. "Bibigyan kita nang pagkakataon para patunayan mo ang sarili mo hindi na sa akin kundi sa anak mo dahil alam ko na kahit ano pa man ang ginawa mo, karapatan pa rin ni Steffi na makilala ka," mahabang paliwanag nito.

Hindi siya nakapagsalita. Wala siyang maapuhap na salita na maaari niyang itugon dito.

"Susunduin kita bukas sa tinutuluyan mo," pagpapatuloy mo. "Pwede ka nang maka-alis,"

Tila may isip naman ang nga paa niya na umahon at naglakad papalabas nang opisina nito.

Para siyang interviewiee na pagkatapos sumalang sa tanong ay umalis na lamang.

Napaka-kaswal nilang dalawa. Malayo ito sa Nicholas na nakasama niya dati.

Paglabas niya pa lamang ng opisina ay nakita niya agad si  Raquel na mabilis na tumayo nang makita siya. Lumapit ito agad sa kanya.

"Anong balita?" tanong agad nito.

"Wala na kami," tugon niya rito. Hindi niya alam kung bakit nanginginig ang tinig niya.

Nakatulong ang pagdidisguise niya nang simple upang di siya makilala nang mga tao sa opisina.

"Tara na," inalalayan na siya ni Raquel papunta sa emergency exit. Doon sila kadalasan dumadaan sa upang maiwasan ang mga tao.

**

Nakaparada ang kotse nila Sofia sa tapat ng isang magarang restaurant. Iyon lang naman ang restaurant na pagmamay-ari nang pamilya nila.

Mula sa malayo ay natatanaw niya ang mga magulang niya na hands-on sa pagpapatakbo nang negosyo.

Hindi naman sila ganoong kayaman. Nakakasapat lang sa pang-araw araw ang kinikita nila. Hindi rin naman ganoong kalakas ang catering service nila dahil baguhan lang sila sa negosyo. Pero nagpursige sila. At heto, mukhang nakikita niya na malago na ang negosyo nila.

"Hindi ka ba magpapakita sa kanila?" tanong ni Raquel sa kanya.

Naisipan niyang dumaan muna sa kinasasadlakan ng negosyo nila upang kamustahin ang takbo nito at para na ring makita ang mga magulang.

Hindi lingid sa mga ito ang pangarap niya. Kaya hindi na siya nagtaka kung hindi siya habulin ng mga ito nang umalis siya. May kirot man sa puso na parang walang paki ang mga magulang niya sa paglalayas niya ay nakatulong na rin iyon upang madali niyang maabot ang pangarap.

"Hindi ko pa kaya," tugon niya sa babae.

Hindi niya kasi alam ang sasabihin niya sa mga ito. Nahihiya din siyang magpakita sa pamilya ni Nicholas dahil sa ginawa niya.

It was a reckless move. Pero handa niyang tanggapin ang lahat ng consequence na darating sa kanya.

May isang batang lalaki naman ang tumutulong sa pag-aasikaso nang mga customer.

Elegante ang lugar subalit nakikita niyang abot-kamay naman ang mga presyo nang pagkain nila.

"Matutuwa sila kapag nakita ka nila," sabi pa ni Raquel sa kanya.

"Sa tingin mo?" tanong niya rito. Nakikini-kinita niya kasi na dadapo ang palad ng ina niya sa kanya.

"May magulang ba na matitiis ang anak?" pangangatwirann pa ni Raquel.

Matiis? Bumalik muli sa kanya ang nakaraan. Nakaraan kung saan natiis siya ng mga ito na matali sa isang lalaki na hindi niya naman mahal.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa siyang ibenta nang mga ito gayong buong buhay niya ay nakasunod siya sa mga ito.

Kaya hindi siya naniniwala na hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang mga anak.

++

itutuloy...