Chereads / Running Idol / Chapter 7 - Chapter III.I

Chapter 7 - Chapter III.I

"Marriage?!" halos pasigaw na bulalas ni Sofia nang kausapin siya nang magulang isang gabi.

Akala naman niya ay kung anong magandang balita ang magiging resulta ng pag-uusap ng mga ito at nang lalaki.

Nagulat kasi siya nang magpunta ito sa bahay. Inaasahan niya na oofferan siya ng lalaki na maging modelo ng mga produkto nito. Subalit nagkamali yata siya.

"Huminahon ka, Sofia," malumanay na wika ng ina niyang si Roxanne.

Umiling-iling siya. Nagsimula nang mangilid ang luha niya.

"Gusto kong ipaliwanag niyo sa akin kung bakit  niyo ako ibibigay sa kanya? Kasi di ko maintindihan eh," nagsimula nang dumaloy ang luha sa pisngi niya.

"Anak ko," lumapit ang ina niya sa kanya at nagtangkang lumapit subalit umiwas lamang siya dito.

"Para masecure namin ang future mo," tugon ng ama niya.

"Porque mayaman? Ibibigay niyo na ako agad? Hindi niyo naman kilala iyon diba? Malay niyo ba kung sadista siya. Nananakit. Hahayaan niyo lang ba ako na maranasan ko iyon?" pagrarason niya sa mga ito. May bahid nang hinanakit ang bawat salita niya. "Tsaka may negosyo tayo. Napag-aralan ko na kung papaano humawak ng negosyo. Hindi ba't sapat na iyon para masiguro na may maganda akong future?"

Umiling lamang ang mga magulang niya.

"Para sa ikakabuti mo ito," malumanay na pagtatapos ng ama niya.

Wala siyang nagawa kundi ang magwalk out.

Ilang araw din siyang nagkulong sa silid at pinag-isipan ang mga desisyon nang mga magulang.

Against siya sa pagpapakasal. Ni wala pa nga sa isipan niya ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung anong ginawa nang lalaki para mapapayag ang magulang niya.

**

Nagkaroon ng maliit na pagsasalo ang pamilya niya at ang pamilya nito. Inimbitahan sila nito na maghapunan sa mansiyon nito sa Batangas ilang linggo matapos ang pag-uusap ng magulang niya at ng lalaki. Nakilala niya ang isang babaeng kapatid nito na mas bata lang ng kaunti sa kanya at batang lalaki na sa tanyiya niya ay nasa walong taong gulang pa lamang.

Hindi niya rin inaasahan ang pagiging magiliw ng mga magulang nito sa kabila nang marangyang pamumuhay nito.

Naisip niya.. lilipas lang ang maikling panahon at dito na siya maninirahan. Hindi ba't pangarap niyang magkaroon ng mansiyon? Matutupad iyon kapag nakasal na siya sa lalaki. Subalit bukod doon ay pangarap niyang sumikat bilang idol  na malabo na niyang magawa kapag natali dito.

"Hihintayin lang natin na mag-eighteen si Sofia bago isagawa ang pagpapakasal," narinig niyang wika nang nanay ni Nicholas.

"Gusto ko engrande ang magiging kasal ng panganay ko," tatawa-tawa namang wika ng ama ni Nicholas. Tinapik-tapik pa nito ang lalaki pagkatapos.

"Iisa lang ang hihilingin ko sainyo," narinig niyang wika ng ama niya. "Don't hurt my princess. She's the only one we have,"

Sukat na marinig ay napatingin siya sa ama. Nakikita niya ang namamasang mga mata na tila nagpipigil sa pag-alpas ng luha.

Hindi naman kailangan gawin ang kasal diba? Bakit ba kasi nagkaroon ng biglaang fix marriage? Hindi niya maintindihan.

Mahal niya ang mga magulang niya kaya hindi na siya umapela pa sa desisyon nito. Alam niya naman kasi na siya lang ang iniisip ng mga ito kaya nagawa ng mga ito ang kasunduan. At pinagkakatiwalaan niya ang mga ito. Siguro sa una ay maninibago siya subalit alam niya na makakasanayan niya rin ang daang tinatahak.

Pagkatapos ng hapunan ay naisipan muna ni Sofia na magpahangin sa veranda ng mansiyon sa ikalawang palapag. Napagdesisyunan kasi nilang doon na muna magpalipas ng gabi.

Hindi niya maitatanggi na marangya talaga ang pamumuhay ng lalaki. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang isang malaking tila labyrinth sa harapan niya. Halos di na niya matanaw ang gate dahil sa sobrang layo niyon.

Tahimik ang gabi. Literal na tahimik na kahit anong ingay ay wala siyang naririnig.

"Di ka makatulog?" napaitlag pa siya nang biglang magsalita ang boses na iyon ni Nicholas mula sa likuran niya.

Kaagad naman niya itong nilingon. May formality pa rin sa panunuot nito. Nakasuot ito ng kulay-maroon na long-sleeve polo at nakapantalon na itim.

Sapat na ang liwanag sa veranda upang makita niya ang kaaya-ayang tindig nito. Hindi nanaman niya naiwasang mapalunok pagdaka'y muling bumaling sa harapan ng mansiyon na tinalikuran ang lalaki.

"Oo eh. Nagpapahangin lang ako," tugon niya rito.

Kanina habang kumakain; hindi niya ito tinatapunan ng ni katiting na tingin. Nang minsan na tignan niya kasi ito ay nakita niya ang malagkit na pagkakatitig nito sa kanya. Naiilang siya. Although nasanay naman siya na hinahangaan dahil maraming nagsasabi na maganda siya subalit iba ang nararamdaman niya sa lalaki. Nakakaramdam talaga siya ng pagka-ilang.

Ganoon na lamang ang piksi niya nang mula sa likod ay pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya.

Naalerto siya. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Nawiwindang siya. Lalo na nang maramdaman niya ang hininga nito sa leeg niya.

Gusto niyang kalasin ang kamay nito sa baywang niya subalit hindi niya naman magalaw ang mga kamay niya. Tila ba tinakasan siya ng lakas upang umalma dito. And hello? Hindi pa nga nila masyadong kilala ang isa't-isa!

"Do you know how seductive you are?" narinig niyang bulong nito sa kanya. Naramdaman niya pa ang labi nito sa tainga niya. Tila nanlamig ang buong katawan niya sa labis na pagdidikit nila. Hindi siya nagsasalita. Panay paglunok lamang ang ginagawa niya. "Had your parents been not here, I would have take you right here, right now,"

Napapikit na lamang siya nang sinimulan nitong pupugin nang maliliit na halik ang leeg niya. Nagdulot ito ng pamilyar na sensasyon sa kanya. Na kahit pigilan man niya ay katawan niya mismo ang nagpapaubaya. Nagkusa naman siya na inihilig ang ulo sa kabilang direksyon upang bigyan ito ng espasyo sa ginagawa nito.

Hindi tama ang ginagawa nila pero sa kabilang dako ng isip niya ay gusto niya ang ginagawa nito.

Napahugot siya ng malalim na hininga nang hapitin pa siya nito nang mas malapit.

Marami na siyang nakarelasyon. But the amount of burning sensation he is inflicting on her right now is incomparable.

She had given up her virginity on her first boyfriend. Kasi akala niya iyon na iyon. Pero di pala. Kaya simula nang unang heartbreak na iyon ay hindi na niya ipinaubaya ang katawan sa iba. Natuto na siyang mag-ingat at kontrolin ang sarili.

Subalit ang simpleng ginagawa ni Nicholas ngayon ay tila ba nakakapagpatakas sa katinuan niya. Partida pa, ito pa lang ang ginagawa nito. Paano pa kaya kapag ginawa na nila ang mas malalim dito? Baka takasan na siya ng bait sa sarili.

Hindi niya kilala pa ang pagkatao ni Nicholas. They've just met for only three times! Pero kahit papaano ay tila nakikita niya ang mga nangingibabaw nitong pag-uugali.

Gaya nang pagiging straight to the point na tao. He has already expressed his interest on her - na akala niya ay tungkol sa career - pero more than  that pala.

Ginagawa nito kung anong maisipan nito. If he wanted to kiss her, he'll kiss her. Ngayon, gusto nito na yakapin siya, halikan, at baliwin.. at tila nagtagumpay naman ito sa ginagawa. Wala itong kinikilalang restrictions kahit pa nandyan lang ang magulang niya.

Ganoon ba kapanatag ang loob nito na hindi aalma ang mga magulang niya kapag nakita ng mga ito ang sitwasyon nila?

Itulak man niya ito papalayo gaya nang ginagawa niya sa mga dati niyang boyfriend na nagtatangkang makipag-sex sa kanya ay nakikita niya na di niya matatakasan ang lalaki. Mahahanap at mahahanap pa rin siya nito dahil sa mga koneksyon nito.

Inikot siya nito papaharap dito. Wala na itong sinayang na segundo at kaagad nitong sinakop ang labi niya.

Naging malalim ang halik na ipinataw agad nito. Malalim na may halong diin at bilis. Naramdaman niya ang isang kamay nito sa likuran niya na humahaplos at ang isa naman ay nakasapo sa ulo niya na patuloy hinahapit upang lalong magsalubong ang mga labi nila.

And one more characteristic she has observed just now is that.... he's wild.

Dapat na niyang asahan ang mga wildness nito. Dahil sa oras na maikasal na sila, kailangan niya ring mabuhay sa kapusukan nito.

++

itutuloy...