Chereads / Running Idol / Chapter 6 - Chapter III

Chapter 6 - Chapter III

August 2009

"Nakuha ko ang Luxe Cosmetic Company!" tili ni Menchie, ang catering coordinator ng negosyo nila.

Abala si Sofia, kasama ang ama niya na si Gerardo Belgica sa paghahanda nang mga pagkain para sa reservation nila. Kasama na rin ang ina niya na si Roxanne na abala naman sa paghahakot ng mga gamit sa kusina. Kaunti pa lang kasi ang mga empleyado nila. At aaminin niya na kulang ang tao nila sa paghahanda!

Unang taon pa lang ng negosyo ng Belgica's Catering kaya naman hindi pa ito gaanong kakilala. Subalit nagsimula na rin sila nang advertisement sa mga kilalang dyaryo upang maipromote ang negosyo.

Sa tulong na rin ni Menchie, ay nagkakaroon sila ng mga bagong kliyente. Madaldal kasi ito at marami nang naging karanasan sa trabaho. Nakatulong iyon upang umangat ang popularidad nang negosyo nila.

Ngayon ay nakuha nito ang malaking kliyente gaya nang Luxe Company! Kung paano ay hindi niya alam. Basta ang importante ay laking tulong sa kanila na makuha ang malaking kompanyang iyon.

Lahat ng mga kitchen staff ay napatingin dito.

"Totoo ba yan?" tanong agad ni Roxanne.

Lumapit ito sa ina at hinawakan ang dalawang kamay. "Totoong-totoo!" tili pa nito. "2,000 pesos per pax ang nakuha ko. May higit 500+ employees ang Luxe! Company annieversary kasi kaya as in lahat ng mga empleyado nila dadalo!"

Narinig niya rin ang pagtili ng ina niya. Nakita naman niya ang pagngiti nang mga nasa loob ng kusina.

"Nakausap ko mismo yung CEO nang kompanya nila. 18 dishes ang requested nila. More on seafood and veggies ang gusto nila. Although dapat may all types of meats sa 18 na iyon. Then appetizer, sidedish, desserts. Tayo na daw ang bahala. Basta ang salita, served them our most delicious meals. Kaya ba?" mahabang wika ni Menchie.

"Baka gusto din nila ng special performance?" singit niya sa usapan. Na ikinahinto nang mga ginagawa nang lahat. Napatingin ang mga ito sa kanya. "Diba sa mga event naman, laging may mga performances? Pwede akong magperform. Iyan ang magiging advantage natin sa ibang catering services. Hindi lang puro pagkain tayo. May performance tayo,"

"At paanong performance naman ang gagawin mo? K-pop?" naka-arko ang kilay na tanong ni Menchie. Hindi kasi lingid dito ang pagka-adik niya sa K-pop.

Napaisip siya saglit. Oportunidad niya iyon upang madiscover gayong alam niya na may koneksyon sa entertainment industry ang dadalo sa event na iyon. Kung sosyalen na event ito, may naiisip na siyang perfomance na gagawin.

"Contemporary dance," tugon niya kay Menchie. "May naisip na kong performance," sabi pa niya rito.

Sana lang ay magawa ni Menchie na maisingit ang performance niya sa event.

**

Day of Event

Namatay ang buong ilaw sa malaking bulwagan ng isang five-star hotel na pinadarausan ng company celebration nila.

Lahat ay natahimik nang bumukas ang ilaw at isang babae na balot nang puting damit ang nasa gitna ng entablado.

Nagsimula nang tumunog ang musika.

♪♪ Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin

Sa iyong maagang pagdating

'Pagkat ako'y nababalisa 'pag di ka kapiling

Bawat sandali'y mahalaga sa atin

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin

Tulad ng langit na kay sarap marating

Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin

Tulad ng himig na kay sarap awitin

Nanana nanana... ♪♪

Hindi namamalayan ni Nicholas ang sarili na mapanganga habang pinapanuod ang sumasayaw na babae. Kahit mag-isa lamang ito sa harapan ng entablado ay kaya nitong dalhin ang pagsasayaw.

Hindi niya maipaliwanag subalit hindi niya matanggal ang mga mata dito.

♪♪ At ngayon kaw ay nagbalik sa aking piling

Luha ng pag-ibig kay sarap haplusin

Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin

Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin, ooh ooh

Nanana nanana... ♪♪

Napakagaan ng katawan ng babae na para bang nakalutang ito sa hangin habang nagsasayaw. Namamangha siya. May kung anong sensasyon din ang nagsisimula niyang nararamdaman habang pinagmamasdan ito.

♪♪ Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin

Tulad ng langit na kay sarap marating

Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin

Tulad ng himig ng pag-ibig natin

Nanana nanana... ♪♪

Hindi niya naiwasan na mapansin ang hapit nitong kasuotan na nagbibigay-diin sa mga kurba nitong sumasabay sa bawat malamyos na galaw nito.

Nararamdaman niya ang confidence sa babae. Ni walang bahid nang kaba ang mababakas sa mukha nito. Tila ba sanay ito na magperform sa harap ng maraming tao.

Natapos ang performance at masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong bulwagan. Tumayo nang diretso ang babae at malapad ang ngiti na nagbigay ng bahagyang pagyuko sa mga tao. Pagkatapos ay mabilis din itong tumungo pababa ng entablado.

Hindi naman niya mapigilan ang sarili na sundan ito ng tingin.

"If you want her, go get her," narinig niyang wika ng ama niya na noon ay nag-oobserba pala sa kanya.

Sa pagkaka-alam niya ay kasama sa catering service ang performance nito. Kung ganito ang magiging marketing strategy ng catering services na inokupahan nila ay madali itong makikilala.

Tungkol sa babae, hindi niya patatapusin ang araw na ito na hindi ito makikilala.

**

"Ikaw na talaga ang dyosa!" biro ni Menchie sa kanya. Nasa parking lot na sila no'n. Kasalukuyan namang hinahakot ng mga tauhan nila ang mga kagamitan sa loob. Tapos na kasi ang selebrasyon at nagsisiuwian na ang mga bisita.

Napili niyang sayawin ang version ni Yeng Constantino na Himig ng Pag-ibig na naging theme song ng Dyosa. LSS kasi siya sa kantang iyon at matagal na niya iyon gustong gawan ng sayaw.

Sa wakas ay nagawa niya rin ang gusto niya!

Sa una ay nakaka-kaba. Mabuti na lamang at madilim ang kapaligiran. Hindi niya ganoong kita ang mga tao. Inisip na lamang din niya na kailangan niyang masanay sa mga tao dahil sa pangarap niya. Kailangan niyang maging confident para makapagbigay siya ng magandang performance.

"Mayroon na bang gustong makipagkilala sa akin? Mayroon bang nagandahan sa performance ko?" tanong niya kay Menchie.

"Excuse me?" tutugon pa lang ang babae nang mula sa kung saan ay may baritonong  boses ang pumukaw sa pag-uusap nila.

Sabay pa silang napatingin sa pinanggalingan ng tinig.

Hindi siya nakapagsalita nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng business suit na kulay-grey.

Kaagad niyang sinuri ang pisikal na anyo ng lalaki. Kayumanggi ang kulay  nito na may matipunong pangangatawan. May pagkasingkit ang mga mata nito bagay na ikinagusto niya rito. Matangos na ilong.. magagandang labi..

Para bang isa itong leading man sa mga korean soap na napapanuod niya. Hindi niya maiwasang mapalunok.

Ubod kasi ng gwapo ang nasa harapan niya!

"Sir Cuerdo," kaagad na humarap dito si Menchie. "What can I do for you sir?"

Saglit nitong tinignan si Menchie pagdaka'y muling bumalik sa kanya.

Nakaramdam naman siya ng ilang dahil doon. Bakit ba ito nakatingin sa kanya? Alam niyang maganda siya pero dapat ba lantaran itong magpakita ng paghanga sa kanya?

"I'm here to personally express my pleasure on your goood service and .. impressive performance," nakangiti nitong wika.

Mas lalo yata itong gumwapo sa pagkakangiti nito. Hindi nila naiwasang magkatinginan ni Menchie.

So ano? Kukuhanin na ba siya nito? Pwede siyang maging model. Willing siya sa lahat basta't may exposure sa tao.

"Thank you sir," sabi naman ni Menchie.

"And to express my interest on knowing the lady behind you," dagdag pa nito na halos ikinagulat niya.

Pakiramdam naman niya ay namula siya. Interesado ito sa kanya? Dahil ba sa performance niya?

Naeexcite siya sa oportunidad na ihahain nito sa kanya. Would you believe na ang isang CEO ng malaking kompanya ay nanaisin siyang kilalanin?

Sukat na marinig ay lakas-loob na tumungo siya sa harap ni Menchie.

Nagbigay siya ng napakatamis na ngiti dito. Hindi niya alam kung nagmumukha na ba siyang flirt sa harapan nito.

"I am so pleased to meet you too sir. I am Sofia Belgica, daughter of the owner of Belgica's Catering," pakilala niya agad na walang sabing hinawakan ang kamay nito at nakipagshake hands kahit hindi naman ito nakikipagkamay.

Kaagad naman siyang hinatak papalayo ni Menchie dito.

"Uhmmm... sir.. try talking to her parents first. She's only seventeen and cannot decide by her own," paliwanag ni Menchie sa kanya.

Napatango-tango ang lalaki. "I see. I'll talk to her parents then," Lumapit ito sa kanya. Napapiksi pa siya nang hawakan nito ang kamay niya at iangat papunta sa labi nito. He literally kiss her hand! Hindi siya makapagreact sa ginawa nito. "See you soon, darling,"  wika nito sa malamyos na tinig pagdaka'y lumakad na papasok muli ng venue.

Naiwan na walang maapuhap na salita si Sofia. Tila may nararamdaman siyang hindi magandang mangyayari.

Tama kaya na tinugon niya ang interest nito sa kanya?

"You get yourself into trouble, dear," tulala ding wika ni Menchie.

++

itutuloy...