"Sigurado ka ba sa outfit na yan? Hindi ba masyadong halata na isa kang idol?" sinuyod pa ni Raquel ang suot niya mula ulo hanggang paa.
Naka-stilletos siya na may 5 inches ang taas. Suot niya ang isang kulay gold na palazzo pants na tinernuhan niya nang hapit na puting sleeveless blouse na umabot lamang sa ibabaw ng tiyan niya. Talaga namang makikita ang magandang kurba ng katawan niya.
Hanggang balikat lang ang buhok niya. Hinayaan niya na lamang iyon nakalugay. Saka siya nagsuot ng shades.
Humarap siya sa isang full-body mirror at hinagod ang kabuuan niya. Tiyak na maipagmamalaki siya ni Nicholas dahil sa angking kagandahan niya.
Hindi niya naiwasang mapangiti.
Lumapit sa kanya si Raquel at ipinatong ang isang dilaw na floppy hat.
"Isuot mo yan para maitago naman kahit papaano ang identity mo,"
Tinignan niya sa salamin at sinuri ang sarili. Nagmodel-model pa siya sa harapan na parang nagpipictorial lang.
"Diyosa na ba?" tanong niya kay Raquel na nagpoposing pa sa salamin.
"The simplier, the better kasi. Makikipagkita ka, hindi ka magpeperform," iirap-irap na wika ni Raquel.
"Kahit na.. gusto ko pa rin maging diyosa sa paningin ng lahat," kumikinang ang mga mata na wika niya.
Napailing-iling si Raquel. "Goodluck saiyo kapag pinagkaguluhan ka,"
She just gave her a smirk.
Kung alam lang nito kung gaano siya natetense sa nalalapit na pagkikita nila ni Nicholas. Dinadaan na lamang niya sa pagiging overconfident niya para lang maibsan ang matinding kaba na nararamdaman niya.
Kaya ko 'to! sa isip niya. Mas nakakakaba pa yata ito kaysa sa pagpeperform niya sa libo-libong tao!
**
Mas tumaas pa ang sales nila nitong nakaraang buwan. Nakatulong ang pagkuha nila ng mga international celebrity sa pagpo-promote ng mga produkto nila.
Abala si Nicholas sa pagsusuri ng development ng kompanya. Nag-iisip siya kung sino ang maaaring sumunod na modelo nila.
Napukaw lamang ang atensyon niya sa mga ingay na naririnig niya sa labas ng opisina niya - na tila ba may nagtatalo.
Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang sekrtarya niyang abot-langit ang ngiti sa di malaman na dahilan.
"Anong nangyayari?" tanong niya rito.
"Sir, si --"
Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang pumasok ang isang nakaposturang babae.
"You can leave us now," sabi niya sa sekretarya.
Kaagad niyang nakilala ang babae. Nakaramdam siya ng pagkabigla nang muling makita ito. Subalit hindi iyon nabakas sa walang ekspresyong mukha niya.
Five years ang lumipas simula nang umalis ito. Ibang-iba ito kaysa dati. Ang Sofia na nasa harapan niya ngayon ay hindi na isang mapangaraping babae kundi isa nang tagumpay na babae.
Nakikita niya ito base sa tindig nito na diretso ang pagkakatayo at chin-up sa lahat ng oras.
Bukod sa pagkabigla ay nakaramdam din siya ng magkahalong pakiramdam na natutuwa at nayayamot.
Nagsalita lamang siya nang maiwan silang dalawa.
"Buti naisipan mo pang bumalik?" tanong niya rito na sumandal sa kinauupuan.
"I came here to visit you especially my daughter," wala ring emosyon ang mukha nito.
"You daughter? Am I hearing it right?" tatawa-tawa niyang wika. "After all these years? Naisip mo pa palang may anak ka pa?"
Nakita niya ang paglunok nito. Senyales iyon na may kaba itong nararamdaman. Kaba dahil alam nitong may kasalanan ito.
"I'm serious," she blurted.
"So am I," agap na wika niya. "Six months nang iwanan mo ang anak mo. Alam mo ba kung gaano kahirap para kay Steffi na lumaki na walang kalinga ng ina? The cause? Because her mother chose her dream over her daughter," may panghahamak nang nababahid sa tinig niya.
Hindi niya mapigilan ang sarili. Kung nailalabas man niya ang hinanakit ay wala na siyang pakielam.
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko nang magdesisyon ang pamilya ko na maikasal tayo. Alam mo rin kung gaano ko hinangad na makamit ang tagumpay na mayroon ako ngayon..." naririnig niya ang panginginig sa boses nito. Batid niyang naiiyak ito subalit hindi niya lang makita dahil may suot itong salamin.
"And are you satisfied?" tanong niya rito.
Hindi ito sumagot.
"You know what, I think this relationship never works out to begin with," pabuntong-hinimga niyang wika. Binuksan niya ang cabinet sa ilalim ng lamesa niya at kinuha ang isang folder.
Naglalaman iyon ng annulment. Kumpleto naman na ang lahat at pirma na lang nito ang kulang.
Humakbang ito papalapit sa kanya at kinuha ang folder.
Saglit niyang napagmasdan ang anyo nito. Tunay nga na nakaka-akit ito. Hindi pa rin nawala ang malaking pagkagusto niya dito mapaghanggang ngayon.
Sa katunayan ay madalas siyang manuod ng mga performances nito at hindi maiwasang makaramdam ng tuwa. Proud siya sa asawa pero sa tuwing naiisip niya ang ginawa nito ay napapawi din iyon.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang mag-angat ito nang tingin mula sa pagbabasa.
"Annulment?" tanong nito sa kanya.
Tumango siya. "I'm setting you free,"
"What about Steffi?" tanong nito. Bakas dito ang pag-aalala.
Nagkibit-balikat siya. "May pagkakaiba ba kung magkakahiwalay tayo?"
Sasagot pa lamang ito nang muling pumasok sa opisina ang sekretarya niya.
"Sir! May mga korean paparazi sa labas ng building. Gusto nilang i-confirm kung nandito ba talaga sa loob si Ma'am Sofi," ulat nito.
Bumalatay ang lubhang pag-aalala sa muka ni Sofia. Sumunod naman na pumasok sa opisina nito ang long time bestfriend nito na si Raquel.
"Halika na! Dun tayo sa Emergency exit, dumaan," sabi nito na nagpatong ng coat sa babae.
Tumingin ito sa kanya at nagbigay ng ngiti. Pagdaka'y hinatak na ang babae papalabas.
"Guide them," utos niya sa secretarya niya.
Napabuntong-hininga siya. Hindi na nawala sa isipan niya ang imahe ng babae. Sa balintataw niya ay malinaw niya pa rin itong nakikita na tila nasa harapan niya lang ito.
Tila nanunudyo naman ang isip niya na pinaalala ang mga panahon na kasama niya pa ito.
Mga panahon kung saan napaka-inosente pa nito. Mga panahon na para bang isa itong teenager na mahilig manuod ng k-pop shows.
Minsan nga ay nakikita niya pa itong sumasayaw sa harapan ng salamin.
He had been so selfish as to claim her at the young age. Labing walong taong gulang ito nang maikasal sila. She was nineteen when got pregnant and twenty when Steffi born. She let her finished her college bago siya nagdesisyon na gusto na niyang magka-anak.
He ruled over her. Alam niya na maraming nagkakagusto dito kaya hinigpitan niya ito.
Nang maisilang si Steffi, nakita niya ang pagbibigay niya nang walang interes dito. Subalit ang hindi niya matanggap ay nang umalis na lamang ito nang walang sabi.
Marami siyang paraan para mahanap ito pero mas pinili niyang hayaan ito sa desisyon nitong umalis.
Pinangako niya sa sarili na hindi niya pababayaan si Steffi.
Napukaw lamang ang malalim na pag-iisip niya nang bumukas ang opisina at tumakbo papasok si Steffi.
"Daddy!" masayang wika nito.
Sumampa ito sa kanya at yumakap.
Kinintalan naman niya ito ng halik sa noo.
"How's your day, sweetie?" nakangiting tanong niya rito.
"I'm fine! Daddy, I want to be in a dance class," hinatak-hatak pa nito ang coat niya.
"Why, sweetie? Do you like to dance?"
Tumango ito pagdaka'y bumaba mula sa kandungan niya. Sumayaw ito sa harapan niya -- sayaw na gaya nang sa mga nakikita niyang korean dance.
She is indeed the epitome of her mother..
++
itutuloy