Chereads / Grow (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 1: Politics

Chapter 2 - Chapter 1: Politics

Nasa templo na naman siya. Pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Kailangan niyang tumakbo at habulin ang papalubog na araw. Doon niya napagtanto na nakapaa lamang siya, at ang mga bakas sa disyerto na tinatahak ay hindi lang sa kanya, kundi dalawang pares ng mga paa. May kasama siya. Ngunit 'di niya makita kung sino iyon. Ang alam niya, may kasama siya. At sabay silang dalawang tumatakbo. Maya-maya, lumipad yung kasama niya. Ito'y naging uwak at lumipad na paitaas.

Gone with the wind, she cannot see it now. Then she stopped running. It's the same feeling she had experienced all over again – the feeling of pity and loneliness, the surreal feeling of being left behind.

Enough. She could not go on. She suddenly stopped while the sun kept on setting. But she wondered. The sand did not hurt her bare feet. A dream. This is a dream, another repetition of same old dream. And she knew where this is heading. She must look at the sunset. There he is. She saw the man, her Dad, again. It would end now.

But it didn't. Instead, the man was blown by a hard wind. He was being torn apart. His blood, had made color to the sun. It was crimson red, the sunset. And wait! He was waving at him. It meant goodbye.

"Daaaaddd!" sigaw ni Yurika. Hindi niya matanggap ang mga nakikita niya sa panaginip. Sariwang-sariwa pa ito sa kanya. Kasabay sa sakit na nararamdaman ang mabilis na pagpatak ng mga luha nito.

Biglang may kumatok sa pintuan. Hindi iyon naka-lock kaya pumasok ang nagmamay-ari sa katok na iyon at tumabi sa kanya.

"Okay ka lang ba?" sabay abot sa kanya ng tubig.

Hindi umimik si Yurika. Sumandal lamang siya sa balikat ng kanyang nag-iisang kasama.

"Salamat, Yaya Loring. Masamang panaginip na naman," anito sabay pahid sa tumutulong luha.

"'Wag mo nang intindihin 'yon. May inihanda na akong agahan sa iyo. Papasok ka pa sa trabaho," tugon ng Yaya Loring nito sa kanya.

Tumayo si Yaya Loring at nagpunta na sa kusina. Silang dalawa lang ang nakatira sa bahay na iyon. Si Yaya Loring na rin ang tumatayo nitong ina simula nu'ng iwan siya ng kanyang mga magulang sampung taon na ang nakalipas at ibinilin dito na siya muna ang mag-aaruga sa kanya habang wala sila.

Wala pa ring kibo si Yurika habang nasa mesa kasabay ng Yaya Loring niya. Sa mga panahong ito, hinahayaan lang siya ng yaya niya dahil nu'ng minsang kinausap niya ito na wala sa sarili, napagtaasan siya nito ng boses.

Tulad pa rin ng dati, nagiging moody siya sa tuwing nananaginip ito ng masama tungkol sa kanyang ama. Kaya madalas, hindi niya nauubos ang agahan at pinapabalot nalang niya ito para maging tanghalian. Maya-maya dumiretso na agad ito sa kanyang sasakyan patungo sa pinagtatrabahuan.

Nagtatrabaho bilang undersecretary ng DENR si Yurika. Sa edad na bente-tres pa lamang, mataas na posisyon na ang hinahawakan nito sa gobyerno. Ngunit hindi natutuwa dito si Yurika. Hindi siya masaya, sapagkat alam niyang hindi pa siya ganun kabihasa sa posisyon na iyon. Frankly, it wasn't her who made her such, it was her mother, her very good mother, whom she hated so much.

Her good mother is currently a Senator of the Philippine Republic. At batid niyang hindi magandang ehemplo ang ina niya. Sa pagkakaalam niya, posibleng mayaman lang sila dahil sa ama niya. Ngunit hindi dahil sa kanyang ina. Ang yaman na nakukuha ng ina niya ay hindi yamang nanggaling sa kanila, kundi sa taumbayan. For her, they were living a dirty life, and in hell, because of her thief mother. All their billions of unexplained properties are theoretically not owned by them, but by millions of innocent taxpayers. Kaya malaki ang galit nito sa kanyang ina. Higit sa lahat, nangingialam ang kanyang ina sa buhay niya, buhay na gusto sana nitong malinis na, ngunit minamantsahan pa rin sa masasamang gawi nito.

Ngunit hindi niya pwedeng ipagkatiwala sa kahit kanino ang trabahong ito. Kailangan niya itong gampanan, hindi dahil sa utos ito ng kanyang ina, na 'pag tinanggihan niya ay magagalit ito sa kanya dahil mapapahiya siya, kundi dahil sa katotohanang maraming naiiluklok sa gobyerno na wala namang kakayahan at hangad ay pansariling interes lamang.

Sa katunayan, naging masamang balita sa karamihang negosyante ang pagkatalaga sa kanya bilang undersecretary sapagkat hindi siya nababayaran. Besides, like her Dad, she was an avid advocate of the green environment. Mahal niya ang trabaho niya. At kahit kinaiinggitan siya at pinagtsitsimisan ng karamihan, wala siyang pakialam sapagkat ginagawa niya nang maayos ang trabahong nakatadhana sa kanya.

The whole day was full of routinary works: series of approvals, reviewing reports, media interviews on current issues affecting the environment, handling complaints and settling common cases. Sa araw na iyon, apat na establishment ang napasara niya dahil hindi sumusunod ang mga ito sa batas na pinapatupad ng departamento niya.

Revoking their licenses is no joke. She always keeps in mind the consequences of her actions, as these greatly affect those minimum wage earners who solely depend on these establishments for food to be taken home to their families. Isang maling pirma lang niya, at wala nang trabaho ang daan-daang manggagawa. But she has to choose, and the natural environment is her utmost priority. Else, a greater number of population will suffer.

Ngunit sa araw din na iyon may naibalita na namang pinaslang. Ngayon isa na namang CEO sa sikat na mining corporation ang binaril. Pangatlo na iyon sa buwang ito, at panglabing pito sa buong taon. Nagmistulang palaisipan sa kanya ang mga pangyayari. Dati iniisip niya na kalakaran ito ng administrasyon, gaya ng pagsupil nito sa mga kalaban ng drug war. Hayagang nagagalit kasi ang kasalukuyang Pangulo sa mga korporasyong lumalabag sa batas lalo na ang pagsira sa kalikasan. Pabor man sa kanya 'yon, hindi pa rin ito maganda. Ang target ng kung sinumang pumapaslang sa mga ito ay hindi ordinaryong manggagawa, kundi mismong may-ari ng negosyo, o kaya'y Board of Director na may pinakamalaking share, o 'di kaya'y mga key officers ng kompanya gaya ng CEO, CFO at COO. Nasa tabloid at balita sa TV na base sa mga datos at ebidensya, iisang grupo lang ang may pakana ng lahat ng ito. But there's one common denominator for all of these incidents. The targets are those connected with destroying the environment – mining companies, illegal loggers, plastic producers, gasoline stations, and even resort industries.

Subalit naalis sa isipan niya na pamahalaan ang may pakana nito nu'ng napag-alamang hindi lang sa Pilipinas nangyayari ito kundi pati na rin sa ibang bansa.

It was a hot and sensational topic around the world: protecting the environment has gone through a whole new level. Hindi na uso ang kampanya o forum upang labanan ang climate change at i-preserve ang kalikasan. Bagkus, kung sino ang lumabag, agad na tinutumba. At dahil usapang kalikasan ang mga insidenteng ito, nakatuon din masyado ang media sa departamento niya.

It was a tiring but fulfilling day. Inabutan na ulit siya ng gabi dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA, at nagasgasan na naman ang kotse niya sa mga nagsisiksikang motorsiklong nagnanais dayain ang traffic. Ilang metro na lang at aabot na siya sa gate ng bahay niya nang bigla niyang mapansin na may dalawang police cars na nakaparada sa harap. Kinabahan siya. Dali-dali siyang bumaba at pumasok. May mga pulis at awtoridad sa loob ng bahay nila. Animo'y ini-examine nila ang buong bahay. Maraming durog na salamin at mga wasak na kagamitan. 'Di mahitsura ang kalat sa paligid.

"Ma'am, may mga magnanakaw 'ho sa bahay ninyo. Nilooban po kayo," sabi ng isang pulis sa kanya.

Ngunit nilagpasan niya ang mga ito. Hinahanap ng kanyang dalawang mata ang natatanging taong kasa-kasama niya. Ngunit wala iyon sa loob.

"Ma'am, may alam po ba kayong nagtatangka sa buhay niyo?" sambit ng isa namang pulis. "Maliban sa nakaw ang motibo, may iba kaming anggulong tinitingnan ngayon. May mga basyo ng bala 'ho kasi kaming nakita sa sahig, at ang mga bala nito ay natagpuang nakabaon sa sofa."

"Teka, wala bang ibang tao rito? Nasaan yung kasama ko? May kasama ako dito!" alalang sabi ni Yurika.