Chereads / Grow (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2: Run

Chapter 3 - Chapter 2: Run

"Andu'n po siya sa rooftop niyo Ma'am," sagot ng pulis.

Yurika hurriedly went to the spiral staircase and sprinted to the rooftop. There she saw her Yaya Loring, watching the night, with a burning cigarette in her right hand. It was the first time she saw her Yaya lighting some cigars. Ngunit hindi niya inintindi iyon. Agad niyang niyakap ang Yaya niya sa likuran.

"Yaya naman, buti ligtas kayo," sambit nito kasabay ang pagpatak na naman sa luha. "Akala ko may nangyaring masama sa inyo."

Hindi agad kumibo ang Yaya Loring niya. Malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa kalangitang naaninag ng buwan. Patuloy pa rin ang paninigarilyo.

"Ano ka ba naman. Halos buong araw ka ng umiiyak ah. Daig pa sa'yo ang magdamagang manood ng teleserye."

"Yaya naman e. Huwag ka ngang magbiro nang ganyan. Alam mo namang tayong dalawa na lang rito. Baka mamaya iiwan mo pa ako," pahikbi niyang sabi.

"Nagwawalis ako sa labas ng may nakita akong kahina-hinala, at mukhang paparating sa atin. Kaya pumasok ako sa loob, ni-lock ang gate at ang pintuan, saka nilipat sa Vault Room yung mamahalin mong mga alahas. May dala pang baril ang mga kumag na 'yon. Buti nalang nakatawag agad ako ng pulis."

"Hay naku Yaya, kahit mawala man lahat ng mga materyal na bagay, ang mahalaga ligtas 'ho kayo."

Maliban sa ina, itinuturing din niyang matalik na kaibigan ang Yaya Loring niya. Hindi siya ang tipikal na yaya na utusan lamang, na sumusunod agad sa kung ano ang gusto ng amo niya. Madalas tahimik ang yaya niya, at laging mapag-isa. Ngunit hindi ito ni kailanman nagkamali o naging pabaya sa pagiging katulong niya – sa bahay man o sa buhay.

Yurika admits that she was the coolest,and hottest Yaya ever. Still in her late 40s, Yaya Loring often went to the gym or attend her yoga classes while Yurika is at school. Kaya nananatili pa rin ang fit n' right figure nito, dahilan upang ligawan pa rin siya ng mga kapitbahay. Matandang dalaga si Yaya Loring, pero kung tutuusin, mas marami pa ang nanliligaw sa Yaya niya kaysa sa kanya. Pero sinisiguro nitong nasa bahay siya lagi sa mga oras na paparating na ang alaga niya. Masarap din ito magluto, kaya madalas nagbabaon siya kaysa bumibili sa labas.

The incident made her realize how important Yaya Loring is to her. Hindi niya lubos maisip kung ano ang gagawin niya kung sakaling may mangyaring masama sa yaya niya. Kaya laking pasasalamat nito na ligtas pa siya.

"Kailangan mo munang magpahinga sa trabaho. Sabi ng pulisya doble ingat tayo sa mga araw na 'to. Kinakabahan ako para sa 'yo eh. Saka birthday mo na sa makalawa. Mag-leave ka muna. Baka pwedeng doon ka muna mamalagi sa unang rest house ng papa at mama mo habang iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidenteng ito," mungkahi ng Yaya Loring niya.

"Rest house? Ng ama at ina ko? Ito ba 'yung nasa Tagaytay? Sa pagkakaalam ko, mama ko lang ang may rest house."

"Hindi. Isang isla ito. Nu'ng malaman ng papa mo na buntis ang mama mo, bumili ang papa mo ng isang buong isla. Nasa Pacific ito. Mararating lamang ito sa pamamagitan ng private jet o helicopter. Kaya sigurado akong ligtas ka doon. May caretaker din doon sa isla."

Biglang nanumbalik ang siglang nadarama ni Yurika. Hindi niya inakalang may mga bagay pa palang hindi niya alam tungkol sa mga magulang niya.

"Salamat Yaya, the best ka talaga," sabay yakap nito sa Yaya Loring niya nang mahigpit.

Umalis na ang mga pulis matapos maimbestigahan ang pangyayari. Agad na kumalat iyon at naibalita sa telebisyon. Pinangangambahang hindi lang pagnanakaw ang motibo nito, kundi ang magtangka sa buhay ng dalaga. Tinitingnan nitong anggulo ang mga negosyanteng posibleng nagalit sa ginawa niyang pagsara sa negosyo nila. Ngunit mahihirapan dito ang pulisya 'pagkat humigit-kumulang limampung establisyemento na ang napasara nito sa loob ng isang taong panunungkulan sa DENR. For the mean time, the police left its two officers to guard her house, pending the results of its investigation.

Hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Yurika. Hindi pa rin siya mapakali kaya nakapagdesisyon itong pumunta na lang sa Vault Room na iyon. Naka-pwesto ito sa ikatlong palapag ng mansyon nila, madadaanan ito bago marating ang rooftop.

She was now standing in front of the room. Binuksan niya ang pinto at may pinto na namang kailangan ulit buksan. It asked for her right eye as it can only be opened through a retinal scanner. Tanging mata lamang niya at ng Yaya Loring ang nababasa sa scanner na 'yon. It's scanning now through her eye. The metallic door hissed and slowly opened.

The Vault Room was made with the ambiance of maroon bricks lit by shy, cylindrical, lampshades attached in its walls, giving a gold and brown color to its entirety. All valuable items and files are kept inside, including pieces of jewelry and precious stones inside the vault.

As she stepped in, her eyes immediately caught the two magazines she previously posted on the walls. One was dated 2009, with the headline "Nobel Peace Prize Awardee and Fil Scientist and Hero dies of heart attack at China Con".

It was the news that became a major turning point in her life. Her father was having a conference in China that time, presenting to the Chinese government how he was able to develop DNA-improvised agricultural seeds, necessary for Chinese farmers' higher yields of harvest. Her father, considered as a nation's hero, died in a noble cause, fighting for what he believes in, that is, saving the world and making it a better place.

Her father bade goodbye ten years ago, with the promise of returning after a year, and make her watch the wild, Savanna animals of Africa with him. Her father though did not fulfill his promise. Instead, he returned not as a father, but as ashes, placed inside a green, jade jar.

Yurika's eyes can't get away with the article. She saw again what she previously highlighted in the news:

Her daughter becomes too emotional upon seeing the remains of her father. "I wanted my breathing, forest-scented Daddy to come home, not these ashes. You guys, said it was my Dad, of course it's not! This is just a bunch of awful dust! I want my Dad, not this dusty and loose grains of dry soil!"

A tear dropped again. Followed by another. And another. She can remember now the times her father brought her with him, planting rare vines and trees in the mountains, when she was a child.

"Dad," she whispered, referring to the ashes, which were now locked inside the vault.

And then she saw another magazine. It was a 2010 article dated on a second Sunday of May, or on Mother's Day, about her Mom, with the line: "A Senator seen buying all books inside a mall for her only daughter".

What a pathetic story line, she thought. Wanting to impress the people all the time, but cannot impress your own daughter.

She was just the only daughter of Senator Sandra Caron, the Senator who influenced the Chief Commissioner of Commission on Appointments to make her daughter an undersecretary of DENR. The truth is, her mother would not have become a senator, if it was not because of her father. For Yurika, her father was the direct opposite of her mother. Her father hates corruption and is noble to his cause, while her mother uses politics and dirty tactics in all her dealings. And worse? She even used the death of her husband to gain sympathy from the people. Her mom just proved that in Philippine politics, when a good husband dies, an overrated housewife takes over.

She now took the treasure chest inside the vault. She opened it and saw a glimmering necklace. It was a chain of silver with green, maple-leaf-shaped Dresden diamond pendant, the size of a fist. The Indian government gave it to her father as a token of appreciation for the good deeds he had done to its country. Her father then gave it to her on her tenth birthday.

"Dad, sabi mo, pag-uwi mo galing China, kulay pula na moonstone naman ang ibibigay mo eh, 'di ba? Ngunit di mo naman ito tinupad. Pinapaasa mo lang ako parati 'eh," kantyaw nito sa namayapang ama.

Maya-maya, nagbukas bigla ang pintuan ng Vault Room. It was Yaya Loring, running and moving to her direction.

"Yurika! Anak makinig kang mabuti sa sasabihin ko ha! Kailangan na nating umalis ngayon na!" alalang sabi ng Yaya Loring niya sa kanya.

"Ha?! Bakit anong nangyari Yaya? Akala ko ba sa makalawa pa?"

"Nagpasundo ako ng chopper, papunta na ito sa rooftop, kailangan na nating umalis ngayon na!"

"Anong ibig sabihin nito Yaya?"

"Basta sumunod ka nalang sa akin. Wala na tayong oras! Andyan na ulit sila!"

"Ha?! Ngunit Yaya, 'di ba may mga pulis naman sa baba?"

At biglang may narinig silang pagsabog sa baba ng bahay nila. Sunud-sunod ang pagputok at walang tigil.

"Umakyat ka na! Dali! Ila-lock ko ang mga pinto!"

"Ngunit paano ka, Yaya?!"

"Saka mo na isipin yan! Kailangan mong umalis ngayon na! Abangan mo ang chopper sa taas! I'll give you more time!"

Adrenaline rushed through her. Saka narehistro sa isip niya ang agad-agad na pag-akyat sa rooftop. Nakarating na siya doon ngunit wala pa doon ang chopper. Nang tiningnan niya ang pintong lagusan sa rooftop, biglang nagsara ito at nilock sa loob.

"Yaya! Ano yang ginagawa mo! Buksan mo to! Sumama ka sa akin!" sigaw ni Yurika na may kasamang iyak at pangangamba.

Sa ilang sandali lang dumating ang chopper. Tanging ang piloto lamang ang laman nito.

"Ma'am! Akyat na po kayo dali! Nanganganib buhay niyo!"

"Ngunit may kasama pa ako! Antayin natin siya!"

Biglang may pwersang nagnanais kumawala sa pintong kanina lang ay sinarhan ng Yaya niya. Nakatingin parin si Yurika sa pintong iyon.

"Ma'am wala na po tayong oras! Kailangan niyo na pong sumama sa akin! Maawa na kayo pareho tayong mapapahamak dito kung ayaw niyo sumama!"

Nanaig ang kaba ni Yurika sa puntong 'yon. Totoo din naman. Wala na siyang magagawa. Sinara na ng Yaya Loring niya ang pintuan. Hindi na rin siya maaaring pumasok pa sa loob 'pagkat may mga nakaabang. Magiging walang saysay ang ginawa ng Yaya niya kung hindi siya aakyat sa chopper. Mas mabuti na ring buhay siya para maisumbong niya sa mga awtoridad ang mga pangyayari.

Biglang nagbukas ang pinto. Sakto ring nakapasok na si Yurika sa loob ng helicopter. Pinaputukan ito ng mga bala ngunit hindi ito tinablan at nakalipad na paitaas.

Wasak ang gabing ito para sa kanya. Madilim ang himpapawid, singdilim sa mga sagot ng samu't saring katanungang pumapatay sa utak niya.

"Kuya, saan po tayo ngayon? Ano na 'to? Hindi ko maintindihan! Saan niyo 'ho ba ako dadalhin?"

"Napag-utusan lang 'ho Ma'am. Pasensya na 'ho. Sa isla daw 'ho kayo. Saka Ma'am, pakitapon nalang 'ho ng cellphone niyo para hindi tayo ma-track. Utos lang din po sa'kin Ma'am."

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag