Tulala lang ako habang kinakausap nya yung tindera hanggang sa inabutan nya ng pera.
"Uiga-e gaja." (Let's go.) inakbayan nya ko at nagsimula na kaming maglakad.
Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit nakangiti si VJ nung sinabi nyang hindi makakarating sa airport.
Ewan ko ba. Napangiti nalang ako habang inaakbayan nya ko at sabay kaming naglalakad.
Pero mali!
Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din sya. Tinanggal ko yung braso nya sa balikat ko.
"Alam ko kung ano yung iniisip mo." Sabi nya kaya naman napatingala ako sakanya.
Hinawakan nya yung magkabila kong balikat at iniharap ako sakanya, "Pwede bang.... isantabi muna natin ang lahat? Kahit ngayon lang."
"Christmas gift mo na sa'kin. Pagkabalik na pagkabalik natin sa Pilipinas, hindi na ulit kita lalapitan.
Matagal bago ako sumagot. "In one condition."
Tumingin sya lalo sa'kin ng seryoso na parang inaantay yung susunod na sasabihin ko.
"Bakit nandito ka din?"
Nag-soften yung mukha nya, yung medyo natanggal yung pagiging seryoso. Umiwas sya ng tingin at alam kong nag-iisip yan ng palusot.
I giggled. Nakakatuwa kasi nandito din sya. Assumera na kung assumera pero feeling ko sinundan nya ko.
"Palagi naman kaming pumupunta dito every christmas break eh."
"Ows? Kaya pala sa bahay kayo nag-spent ng Christmas and New year last year." Sarcastic na tawa ko.
Natawa nalang din sya tapos inakbayan ulit ako.
"Salamat nga pala." Sabi ko habang naglalakad kami tapos sinimulan ng lantakan yung icecream ko.
"Anytime." Narinig kong sagot nya.
"San mo una gustong puntahan?"
May apat na babae kaming nadaanan. Sinusundan nila ng tingin si Zoid kaya naman nung napatingin sila sa'kin sinamaan ko sila ng tingin. Kaya ayun, bigla silang umiwas ng tingin. Haha!
Possessive girlfriend kunyare ako.
"Hoy sabi ko saan mo gusto natin unang puntahan."
"Sa carosle nalang. Di pa ubos yung icecream ko eh."
Gusto kong mag-enjoy ngayon kaya gagawin ko yung sinabi nya. Kakalimutan ko muna yung problema. At iisipin ko din na wala syang girlfriend.
Hay. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko, inlove ako sa isang Playboy.
So, sumakay kami sa carosle. After that, tinry namin yung iba't-ibang rides. Ofcourse, yung mga rides lang na mild. Hindi kami sumakay sa mga rides na hindi pwede sa mga may heart disease. Pinipilit nya nga ako na sumakay doon kahit na maiwan sya para antayin ako. I refused at nagdahilan nalang na baka masuka lang ako.
Pumasok kami ni Zoid sa isang souvenir shop.
"Look, maganda ba?" Pinakita nya sa'kin yung couple shirt.
May nakasulat na "SEOUL MATE" tapos may blue shadow guy and pink shadow girl.
"Meron pa sa likod," sabi nya tapos tinalikod yung shirt. May kalahating heart na nasa gilid.
"Ahm... oo. Ang ganda." Sagot ko.
Maganda naman kasi talaga eh. Pero alam ko naman kung kanino nya yan ibibigay.
"Okay."
Bumili pa sya ng kung anu-anong makita namin doon. Pasalubong daw sa mga kaibigan namin.
"Let's go somewhere." Sabi nya bigla.
Ang bilis naman kumain nito. Hindi ko pa nga nauubos yung burger at fried ko eh. Sya ubos na lahat.
"Saan naman?"
"Basta."
"Ayan na naman yang basta mo."
"Louise ko, basta."
"Huh? Anong basta?"
"Basta mahal kita."
Natigilan ako sa sinabi nya.
Bigla naman syang umiwas ng tingin. "Sorry. I didn't mean na guluhin yung isip mo. Hindi ko lang kasi mapigilan----"
"Okay lang." I cut his explanation.
Bakit ba sya nagpapaliwanag?
* * *
"Wow! Ang ganda!" Amaze na amaze na sabi ko.
Tumingin ako kay Zoid. Nakatingin din sya sa'kin tapos nakangiti.
Nasa cable car kami ngayon. Kaming dalawa lang sa loob. Kitang-kita yung buong Seoul sa kinatatayuan ko.
Nakakalula sya pero sa simula lang naman. Lalo akong na-amaze nung umulan ng snow.
"Wow! Parang snow ball lang!" Kitang-kita kasi yung dahan-dahan na pagbagsak ng snow sa buong syudad.
Oh my God! I sooo love the view!
"Sabi na magugustuhan mo dito eh."
"Ang ganda talaga! Thank you!" Sa sobrang saya ko, bigla ko nalang syang nayakap.
Natigilan kami parehas kaya naman humiwalay ako.
"S-sorry."
"Don't be."
Ngumiti nalang ako ng pilit at tumingin na ulit sa napakagandang view through glass wall ng cable car.
Brrr... ang lamig naman talaga. Ang kapal kapal na nga ng mga suot kong jacket eh.
"Are you cold?" Narinig kong tanong nya mula sa likuran ko.
"Medyo."
Maya-maya, naramdaman kong nakayakap na sya sa'kin. Err... mabagal lang naman ang pag-andar ng cable car pero bakit parang nag-a-upside down yung tummy ko?
Waaaah :3
As the cold breeze touches my skin, Zoid gave me a warmth hug.
Akala ko magiging malungkot yung pasko ko kasi wala yung mga kaibigan ko pati na rin si Zoid. Pero nagpunta din pala sya sa Seoul, Korea na talaga namang ikinasaya ko.
Gaya nung last christmas, sa bahay nagspent ng pasko si Zoid pati na rin yung family nya.
*knock knock*
Hindi pa ko nakakatayo para pagbuksan yung kumakatok, bumakas na yung pinto.
Nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan yung kapares ng couple shirt na binili ni Zoid sa isang souvenir shop sa Korea. Akala ko para kay Chelsea pero nagulat nalang ako nung nasa airport kami pabalik sa Pilipinas, binigay nya sa'kin 'to. And yes, kasabay namin sila sa eroplano nung pauwi na kami.
"Zailie!" Hyper na sigaw ni Sophi at tumakbo papunta sa kama ko. Kasama nya si Yat at Chloe.
Parang ang tagal naman naming di nagkita -______- Eh almost two weeks na ang nakakalipas simula ng pumunta kami sa Korea.
Tumalon si Sophi papunta sa kama ko at umupo sa tabi.
"Bakit di ka pa bihis?" Tanong ni Yat.
Umupo din sila ni Chloe sa edge ng kama.
Birthday kasi ni Ceejay ngayon. Isasara nya yung bar nya this night para sa celebration. Close friends lang ang invited pati yung mga teammates nya and ofcourse inluding their coach.
"Oo nga. Don't tell us na paghihintayin mo kami?" Tanong ni Chloe and as usual nakataas na naman ang isang kilay.
"Nakaligo na ko, noh! Magbibihis nalang."
"Wow! Zailie, ang cute naman nyan." Kinuha ni Sophi yung shirt sa kamay ko.
"Couple shirt?" Tanong ni Yat habang nakatingin sa tshirt.
"Ayan nalang kaya ang i-wear mo." Suggest ni Chloe.
Pansin ko lang lahat sila naka-white shirt. Hindi naman plain pero white.
"Oo nga, Zai. Para parehas tayong lahat na naka-white. Sigeeee naaaa~" binalik na nya sa'kin yung tshirt tapos nagpuppy eyes (*_*)
"Ayoko. Marami pa naman akong ibang white na damit eh."
"Yan na! You're so maarte naman!"
Ako pa maarte ha =___=
"Sige na, Zai. Ayan na suotin mo. Wala namang masama, diba? Dun ka nalang namin aantayin sa baba. Bilisan mo ah?" Yat
Tumayo na sila tapos lumabas na.
Ano ba yan >___<
Hmmm... bakit nga ba ayaw ko 'tong suotin? Tss. Hindi naman siguro suot ni Zoid yung kanya, diba? Tama.
Tumayo ako at nagbihis na. Sinuot ko yung Seoulmate shirt tapos ng maong shorts.
Pagdating namin sa bar ni Ceejay, konte lang ang tao unlike kapag nakabukas yung bar.
Pumunta kami sa table kung saan kami palaging naka-pwesto. Nadoon na pala yung mga boys, si Ceejay lang ang wala. Ini-entertain siguro yung mga bisita nya.
Umupo ako sa gilid ni VJ. Bale nasa gitna namin sya ni Yat tapos kaharap ko si Zoid.
Infairness, wala syang babae ngayon.
Pagtingin ko sakanya, nakatingin din sya habang nakangiti. Not just an ordinary smile but a playful one.
Nagtaka naman ako kung bakit. By the way, ang cool nya sa leather jacket nya ngayon. Lagyan lang sya ng eyeliner pwede na syang maging sexy gangster. Hmm... lucky 13 ng TBYD? Pwede! Haha
"Guys," biglang dating ni Ceejay.
Tapos na kami kumain tapos umiinom sila VJ and Dwayne. Si Zoid hindi umiinom. Mabuti nga yun eh. Baka kasi ako yung malasing. Haha!
"Tara sa taas." Pagyaya nya sa'min tapos inalalayang makatayo si Chlor then sabay na silang naglakad.
Tumayo naman kami at sinundan sila. Nasa unahan namin silang dalawa.
Pag-akyat namin sa second floor ng bar ni Ceejay, napataas yung isa kong kilay. Nakatayo kasi kami sa harap ng isang kwarto.
Binuksan ni Ceejay yung pinto ng kwarto tapos tumayo paharap sa'min. Bale nakatalikod sya sa now-opened room. Ang dim naman ng ilaw sa loob.
"Zai," pagtawag sa'kin ni Ceejay kaya napatingin ako sakanya.
"Sorry but I'm doing my friend a favor." Kinindatan nya ko tapos hinila papasok sa kwarto.
Nagulat ako syempre! Bigla-bigla ba namang nanghihila?!
"Oy, ano 'tong trip nyo, ha?" Lalabas na sana ako kaso tinulak na naman ako ni Ceejay.
Nakabukas pa rin yung pinto tapos bawat step out ko sa pinto, itutulak ako ni Ceejay papasok.
Ngumisi si Ceejay tapos tumingin kay Zoid. Si Zoid na parang walanh pakialam -__-
Tinulak din ni Dwayne si Zoid pero mahina lang hanggang sa dalawa na kaming nasa loob ng kwarto.
"Hoy ano bang ginagawa nyo?!" Lalabas na sana ulit ako kaso tinulak na naman ako ni Ceejay at hinarang yung katawan nya sa pinto. Nakisali na rin sila Yat, Chloe at Sophi.
"Dahil kaibigan ka namin, we'll tell you the truth." Dwayne
"We're going to locked to the both of you in that room until tommorrow." VJ
"Huwat?"
Matapos kong tignan silang lahat tumingin ako kay Zoid. Naka-poker face lang sya at hindi manlang ako tulungan =___=
Hinampas ko nga sya sa braso. "Hoy ano ba! Tulungan mo nga kong magreklamo dito! Papayag ka bang makulong dito?"
Nag-shrug lang sya. Potek!
Nagmartsa ulit ako palabas pero dahil nakaharang yung mga KAIBIGAN ko sa pinto, napigilan na naman ako.
"Bakit nyo ba kasi 'to ginagawa? Hahanapin ako sa bahay! Chloe, Yat, Sophi, tulungan nyo naman ako oh!"
"Napaalam na kita sa mommy mo, Zai. She knows everything about this. In fact, sya nga yung nakaisip nito eh." Yat
"Argh! Eh bakit nyo nga ginagawa 'to?"
"Simple lang naman. Para magkaayos kayo ni Babe. Break na naman sila ni Chelsea so pwede na ulit maging kayo."
What? Break na sila? Tumingin ulit ako kay Zoid, umiwas lang sya ng tingin.
Atsaka ano daw? Wala na sila kaya pwede na kami ulit? Wow ha! Parang ganun-ganun nalang yun.
"Mga baliw ba kayo? Hindi porket wala na sila magkakabalikan na kami! Ano yun laro? Pasa-pasaha----" natigilan ako sa pagsasalita kasi alam kong nasobrahan na ko.
Lahat sila nakatulala sa'kin. Totoo naman kasi diba? Hindi ganun kadali yun. Alam kong may point ang sinabi ko pero mas concern ako dahil alam kong nasaktan si Zoid sa sinabi ko.
Waaah! Gusto kong bawiin yung sinabi ko.
"Wag na kaya nating ituloy. Kawawa naman si Zai eh. Nagmu-move on nga sya, diba?"
Awww. Thanks to you, Sophi! Out of 6 of my friends may ISA akong kakampi.
"Tama si Sophi. Wala rin namang magagawa kung ikukulong nyo kami dito. Ako na nagsasabi sainyo. Hindi ganun kadali. Wala sanang mao-offend pero hindi naman pwedeng kapag nawalan na sya ng girlfriend, ako naman ang ipapalit nya. Tapos anong next? Kapag nagsawa na sya sa'kin, maghahanap na naman sya ng iba tapos iiwan nya ko. At kapag nagsawa na sya sa bago nya, babalikan na naman nya ko. Hindi ako laruan, okay? Ayoko ng ganung klaseng sitwasyon.... nagiging.... nagiging mababa kasi yung tingin ko sa sarili ko."
Kahit mahal ko pa sya, hindi ako papayag na gawin nya kong laruan. Yung pwede nyang iwan at balikan kahit kelan nya gusto. Pinilit kong wag tignan si Zoid para malaman yung reaksyon nya. Alam ko kasing nakaka-offend yung sinabi ko. Hindi ko lang mapigilan na hindi sabihin para malaman nila yung nararamdaman ko tapos ipinagtutulakan pa nila ako kay Zoid.
Naglakad na ko papunta sa pinto.
Tahimik lang naman silang lahat kaya akala ko hindi na nila ko pipigilan pero mali ako. Mas lalo pa nilang pinagpilitang wag akong makalabas.
"What if hindi ka nya talaga pinagpalit?" Seryosong tanong ni Ceejay.
Kinilabutan naman ako sa tono ng pananalita nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso.
"Naging sila nga ni Chelsea, diba?"
"Pero pa'no kung may malalim syang dahilan kung bakit nya ginawa yun?" Dwayne
"Alam nyo, naiintindihan ko kung bakit nyo sya kinakampihan."
"Hindi namin sya kinakampihan dahil kaibigan namin sya. Kinakampihan namin sya kasi alam namin ang lahat." VJ
"Na hindi ko alam? Ano ba yang nalalaman nyo? Sabihin nyo nalang para hindi na ko naguguluhan sa mga nangyayari."
Inisa-isa ko ng tingin si VJ, Ceejay at Dwayne. Mukhang magsasalita na si VJ para magpaliwanag pero inunahan sya ni Zoid.
"Tama sya. Walang magbabago kahit i-lock nyo pa kami dito. I've hurted her enough kaya naiintindihan ko kung wala na syang tiwala sa'kin."
Natigilan ako sa sinabi nya. Tiwala? Wala na nga ba kong tiwala sakanya? Di ko alam. Basta ang alam ko lang natatakot ako na magpahulog na naman sakanya, na maging girlfriend nya ulit.
He looked at me in the eye and flashed a weak smile. Naglakad na sya palabas ng pinto. Nag-give way naman sila Chloe at Yat, pero hindi pa sya tuluyang nakakadaan, nakita kong nagtinginan sila Dwayne, Ceejay at VJ tapos hinila si Zoid papasok ulit ng kwarto. Nanlaki yung mata ko nang iniharap nila sa'kin si Zoid tapos tinulak ng malakas.
Sobrang lakas dahilan para ma-out of balance kami pareho at natumba. Hindi naman sumakit yung ulo ko kasi nasalo nya ng palad nya. So, parang nauunanan ko yung palad nya. Nasa ibabaw ko pa sya.
Dug dug. Dug dug.
Naalala ko yung unang araw kaming nagkita sa mall. Ganitong ganito yung nangyari. Nasa ibabaw ko sya at nasalo nya yung ulo ko. Yun nga lang, magkadikit yung lips namin that time. Err...
Napaangat ang tingin ko kasi nakita kong naglalakad palapit sa'min si Ceejay at alam nyo kung anong ginawa nya? Tinulak lang naman ng mahina yung ulo ni Zoid hanggang sa magdikit yung lips namin.
Waaaah! Lalong nanlaki yung mga mata ko.
"Tandaan mo, Zai, hindi ka nya pinaglalaruan." Sabi pa nya.
Nabalik lang ako sa katinuan nung nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Tinulak ko si Zoid tapos tumayo ako at umupo sa kama.
Jeez. Ang init ng pisngi ko.
Pasimple kong sinulyapan si Zoid at nahuli syang nakangiti habang tumatayo papunta sa kama at umupo sa likuran ko. Nakatalikod ako sakanya.
Ilang minuto kaming tahimik. Wala ni isa sa'min ang nagsasalita. Nahihiya kasi ako dahil sa mga sinabi ko kanina. Kahit di nya aminin, alam kong naoffend sya dun.
"Sorry kung na-offend ka." Sabi ko habang nakatalikod pa rin sakanya.
"Don't be. Naiintindihan kita."
Another silence....
"Uh, break na pala kayo ni Chelsea." Tanong ko habang nakatalikod pa rin sakanya.
"Oo. Sya yung nakipagbreak."
"Ah," tumango-tango nalang ako though deep inside of me gustong malaman kung ano yung dahilan ng break up nila.
"Wala kang ano ngayon.... uh..."
"Flavor of the month?" Sya na yung nagtapos kaya naman napalingon ako sakanya.
"Wala." Sagot nya.
"Tama yan. Magseryoso ka na."
"Seryoso naman ako eh." Lumapit sya sa'kin.
Gusto kong umatras pero di ako makakilos.
"Seryoso ko pagdating sa'yo." Sabi nya malapit sa mukha ko. Naamoy ko tuloy yung mabango nyang hininga.
Kumunot yung noo ko sa sinabi nya. Lasing ba 'to? Sa'kin seryoso sya?
"Tss. Kaya pala." Sarcastic na sabi ko tapos tinalikuran na ulit sya.
Okay na rin pala na ni-lock nila kaming dalawa dito. Nasasabi ko yung mga gusto kong sabihin dati pa. Yung mga hinanakit ko. LOL.
"Di kita pipilitin na maniwala sa'kin na seryoso talaga ako sa'yo." Tumawa sya ng pilit. "Sa dami ba naman ng naging kasalanan ko sa'yo eh." He paused. "Like what I've said, wag mo sanang isipin na pinaglalaruan kita. You have no idea on how much I wanted you to not get hurt. I sacrificed my own happiness for your own good, to keep you safe. Hindi ka nga nya nasaktan pero ako naman yung nakakasakit sa'yo. And no matter how I tried.... nasasaktan at nasasaktan pa rin kita. I'm so sorry for that." Naramdaman ko yung mga braso nya na gumalaw payakap sa'kin.
He was hugging me from behind. I wanna enjoy the moment pero naguguluhan ako. May sinabi na naman syang naging palaisipan sa'kin.
You have no idea on how much I wanted you to not get hurt. I sacrificed my own happiness for your own good, to keep you safe. Hindi ka nga nya nasaktan pero ako naman yung nakakasakit sa'yo. And no matter how I tried.... nasasaktan at nasasaktan pa rin kita.
I sacrificed my own happiness for your own good, to keep you safe.
I sacrificed my own happiness for your own good, to keep you safe.
Sacrifice?
To keep me safe?
At eto pa,
Hindi ka nga nya nasaktan pero ako naman yung nakakasakit sa'yo.
Magtatanong na sana ako kaso natigilan ako dahil may naramdaman akong pumapatak sa balikat ko.
T-teka.... umiiyak ba sya?
Naramdaman nya ata na lilingunin ko sya kaya naman inunahan na nya ko. Hinawakan nya yung gilid ng ulo ko to make me still.
He doesn't want me to see him crying, I know.
Hindi ako gumalaw kaya naman binalik na nya ang pagkakayakap sa'kin. He even rested his chin against my shoulder.
"Talaga bang.... ayaw mo na kong maging boyfriend?" His voice crack.
Halatang umiiyak sya.
Gusto kong sumagot pero ayaw gumalaw ng bibig ko.
Tuwing nagkakaroon talaga kami ng confrontation ni Zoid naguguluhan ako. Bakit kasi hindi nalang nya sabihin ang lahat kaysa nagiging mystery pa sya?
Atsaka..... ayaw ko na ba talaga syang maging boyfriend?
Oo, natatakot ako. Pero..... parang gusto ko pa rin. Kahit ilang ulit ko na syang iniyakan, sya at sya pa rin.
"I understand." Kumalas sya sa yakap at nararamdaman kong nagpupunas sya ng luha kaya naman hindi na muna ako lumingon.
"I respect you kaya hindi kita pipilitin na maging boyfriend mo ulit ako."
Naramdaman kong hinubad nya yung jacket nya at sinuot sa'kin. He kissed my head.
Gumalaw yung kama. Ibig sabihin, umalis sya kaya nilingon ko na sya.
Pumunta sya sa couch at nahiga.
"Goodnight." Sabi nya bago pumikit.
Bumaba yung tingin ko sa suot nya. Napangiti nalang ako kasi suot nya yung couple shirt.
Matagal ko syang tinitigan bago ako nahiga.
Tumigilid ako patalikod sakanya so that he won't figure out na umiiyak ako.
"I respect you kaya hindi kita pipilitin na maging boyfriend mo ulit ako."
So that means wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa kami.
Kinabukasan, nalaman namin ni Zoid na hindi pala naka-lock yung pinto. Ang shunga lang namin, diba? Ni hindi manlang namin chineck kung ni-lockan ba nila kami o hindi.
Maaga rin namang bumalik yung mga kaibigan namin para i-check kami. Nung napansin nila na hindi kami okay at wala ni isa sa'mim ang may gustong magsalita, nanahimik nalang sila.
Si Zoid ang naghatid sa'kin.
Huminto na yung kotse kaya naman napatingin ako sa bintana na nasa tabi ko. Nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
Buong biyahe pareho kaming tahimik. Actually, may gustong-gusto akong itanong sakanya eh. Yun nga lang wala akong lakas ng loob.
Huminga ako ng malalim. Sige na. Lunukan na ng pride 'to.
Tumingin ako sakanya. Nakatingin lang sya sa windshield habang nakahawak sa manibela.
"Ahm," paninimula ko kaya napatingin sya sa'kin. "Ano..." napakamot ako ng batok. "S-sigurado ka na ba talaga sa sinabi mo kagabi?" Jeez. Nasabi ko >__<
Kung anu-anong sinabi ko kagabi but here I am now... gustong bawiin ni Zoid yung sinabi nya kagabi.
Tumango naman sya. Outch.
"Para hindi na kita masaktan."
Ngumiti nalang ako ng pilit at todo pilit na wag tumulo yung luha ko.
"S-sige. Ingat ka sa daan." Tumalikod na ko at lumabas ng kotse nya.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, agad kong inilabas yung luha ko. Bigla namang may yumakap sa'kin.
"Mommy," nasabi ko nalang at niyakap sya pabalik.
"Sshh. It's okay, sweetie." Sabi nya habang hinihimas yung buhok ko.
Wala ng pag-asa.
Tapos na.
The end.
Is this really the ending of our love story?
Mapupunta nalang ba sa wala dahil pareho na tayong sumuko?