Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 92 - Chapter 29: Sick

Chapter 92 - Chapter 29: Sick

"Ano, Louise? Okay na ba sa'yo yung idea?" Mom snapped kaya naman nakawala ako sa pagiging tulala.

"Ahm... kayo po. Kung okay po sainyo okay din po sa'kin."

Nasa living room ako together with my mom and miss party organizer. We were discussing about my debut program. Actually, six months na nilang pinagpaplanuhan yan. Bago pa kami magpunta sa Korea, naisipan na nila mommy't daddy na magprepare for my debut.

Ang bilis ng araw, noh? Almost three months na nung huli kaming nakapag-usap ni Zoid. Bakasyon na. At kapag bakasyon na, malapit na ang birthday ko kaya halos nagra-rush na sila though konti nalang ang dapat asikasuhin for my debut.

"Okay ka lang ba, iha?" Tanong sa'kin nung organizer.

Di naman ako nakasagot. Di ko alam kung bakit. Pero nung huling nag-usap kami ni Zoid, feeling ko nabawasan ng malaking percent yung energy ko. Yung tipong tamad na tamad ako kumilos kahit na magsalita. Kaya nga kahit puntahan ako ni Aldrich at ng mga kaibigan ko, parang wala akong kwenta kasi di ko inaasikaso yung mga bisita ko.

"Umakyat ka nalang muna, anak. Kami na bahala dito. Pupuntahan nalang kita sa kwarto mo para i-inform ka about sa napag-usapan namin." Sabi ni mommy.

Tumango lang ako bago tumayo at umakyat papunta sa kwarto ko. At nung tumingin ako kila mommy habang paakyat ng hagdan, nakita kong sinusundan nila ako ng tingin.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, ibinagsak ko yung sarili ko sa kama.

When I was thirteen sobra kong excited na magdebut. In that stage daw kasi nagiging fully-lady ang isang babae. Pero ngayon? Ilang weeks nalang maglelevel up na ko into a womanhood pero hindi ako excited.

After one week

"Princess." Dahan-dahang pumasok si Daddy sa kwarto ko. Napatingin ako saglit sa invitation na hawak nya.

Palapit na ng palapit yung araw ng debut ko. Feeling ko nga wala akong kwentang debundant eh. Will you believe it, ni invitation hindi ko pa tinitignan yung itsura.

Kung sino yung mga nasa 18 candles, dance, wines, girfts and everything. Hindi ko rin kilala kung sinu-sino ang mga nandoon. Basta nagbigay ako ng mga pangalan kila mommy't daddy kung sino ang dapat na ilagay nila doon at kung may slot pa, sila na yung bahalang pumili kung sino.

Napaka-hands on ko para sa party ko, diba?

Umupo si daddy sa kama ko tapos inabot sa'kin yung invitation.

Tinanggap ko naman yun at tinignan.

"Send that to him." Sabi ni Daddy habang nakatingin sa invitation card na hawak ko.

Alam ko naman kung sino yung tinutukoy nyang HIM eh.

"Daddy, baka po hindi sya pumunta."

Hindi na kasi nagpaparamdam si Zoid since our last meet up. Iniisip ko na baka hindi sya pumunta sa birthday ko, pero ganun pa man sinama ko pa rin sya sa 18th dance. Hindi ko alam kung sa pang-ilan sya nilagay nila mommy't daddy. Basta ang sabi ko lang sakanila isama sya kahit na hindi ako 100% sure kung makakapunta nga sya.

"How come? Sinabi ba nya sa'yo?"

"Hindi po. Pero kasi----" Di na ko natapos magsalita kasi pinutol na ni Daddy habang hinahaplos yung buhok ko.

"Don't you trust him? Si Zoid pa. He'll come, my princess. Believe me."

Dahil sa sinabi ni Daddy nabuhayan ako ng loob kaya tumango ako at ngumiti.

"Take care." Hinalikan ako ni daddy bago lumabas ng kwarto ko.

Ako naman parang shunga. Feeling ko bumalik sa'kin yung malaking percent ng energy na nawala. Haha! Nakakatuwa naman. Sana nga pumunta sya.

Naligo ulit ako tapos nag-ayos. Hindi na ko naglagay ng make-up atsaka lipstick kasi mas gusto ni Zoid kapag plain.

Pagbaba ko, pumunta agad ako sa garden. Doon kasi sila nag-uusap para sa party eh.

Niyakap ko si Mommy tapos si Daddy naman. Nakita ko pang napangiti yung organizer.

"Alis na po ako." Paalam ko tapos hinalikan si mommy sa pisngi.

"Aba, masaya na ulit ang dalaga namin ah." Tuwang-tuwang sabi ni mommy tapos tumingin kay Daddy nang nakangiti.

"Bye po!" Kumaway ako sakanila pati na rin sa organizer bago tumakbo palabas ng gate. Doon kasi nag-aantay yung driver namin.

Ilang beses na kong nagdodoorbell dito sa condo ni Zoid pero wala pa ring nagbubukas.

Napabuntong hininga nalang ako.

Alam ko naman yung passcode pero ayaw kong gamitin. Ah! Baka wala sya dito. Baka nandoon sya sa bahay nila. Bakasyon na nga kasi, diba?

Tumingin ako sa invitation na hawak ko at sinabing, "Tama. Baka nasa bahay nila si maboy." I giggled as I say "maboy"

Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas yung pinto.

Nakita ko kung paanong nanlaki yung mga mata nya. Hindi nya siguro expected na pupunta ako.

Ako din. I mean, ako din nanlaki yung mata ko at the same time nararamdaman kong nag-iinit yung mukha ko.

Shet naman oh! Kailangan talaga topless sya kapag bubuksan nya yung pinto? Eh pa'no nalang kung hindi ako yung pumunta? Edi may iba pang magpapantasya sakanya? Noooo!

Pumeke sya ng ubo. Ay mali! Totoong ubo. Akala ko peke lang yung ubo kasi ganun yung ginagawa nya kapag natutulala ako. Nalaman kong hindi peke yung ubo nya kasi sunod-sunod. Pansin ko lang, nangangalumata sya.

"Ahm," inabot ko sakanya yung invitation. "Invited ka sa debut ko. Sana makapunta ka."

Binuksan nya ng tuluyan yung pinto at naglakad palapit sa'kin.

"Zoid!" Napasigaw ako kasi muntikan na syang matumba. Mabuti nalang nasalo ko.

"Teka ang init mo."

Lumayo sya ng konte sa'kin. Ako naman, dinikit ko yung kamay ko sa pisngi at noo nya.

"May sakit ka." Pagkasabi ko nun, kinuha nya yung invitation, tumalikod at papasok na sa condo nya.

Hinila ko sya paharap sa'kin.

"Umuwi ka kaya sainyo para may mag-alaga sa'yo." I suggested.

"Okay lang ako." Tumalikod na sya at tuluyang pumasok sa condo nya.

Sumunod naman ako tapos ako na yung nagsara ng pinto. Alam kong alam nya na nasa likuran nya ko pero di naman sya nagreklamo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." I mumbled.

Umupo sya sa couch tapos nilapag sa center table yung invitation card. Umupo din ako sa tabi nya tapos dinampi ulit yung kamay ko sa noo nya.

"Ang taas ng lagnat mo. Umuwi ka na kasi! Kung gusto mo samahan pa kita."

Umiling lang sya. Tss. Parang bata talaga.

"Kung ayaw mong umuwi, hindi nalang din ako uuwi."

Nanlaki yung mga mata nya sa sinabi ko.

"Tss. Bumalik ka na sainyo. Baka hanapin ka pa ng parents mo." Tumayo na sya at nagsimula ng maglakad.

Jeez. Ang sexy ng likod nya! Topless lang kasi sya then naka-jeans. Wala syang suot na sinturon kaya sumisilip yung garter ng boxer nya >____<

Tumayo ako at sinundan sya papunta sa kwarto nya. Humiga lang sya tapos nagtaklob ng unan sa mukha.

Abnormal talaga 'tong Playboy na 'to. Ang taas na nga ng lagnat nya tapos ang lakas lakas pa ng aircon.

Tumalikod na ko at lumabas ng kwarto para pumunta sa kitchen. Nagpainit ako ng tubig pero hindi ko naman inantay na kumulo. Pagkatapos, sinalin ko na yung mainit na tubig sa basin. Habang inaantay na maging maligamgam lang yung tubig, nagluto na rin ako ng oriental nido.

Saktong pagkaluto ng oriental nido, maligamgam na yung tubig.

Bumalik na ko sa kwarto ni Zoid. Wala ng unan yung nakatakip sa mukha nya. Pagkalapag ko sa bedside table nung basin, pinatay ko na yung aircon. Naglakad ako papunta sa drawer para maghanap ng towel.

Waaah! Maling drawer yung nabuksan ko >___< Yung unang nabuksan ko kasi ay drawer ng mga underwear nya. Enebeyen >u<

Nung nilingon ko si Zoid, nakapikit pa rin sya pero halatang nagpipigil ng tawa. Naman eh *pout*

Alam ko namang di yan tulog eh. Nakita nya siguro na maling drawer yung nabuksan ko (~ >O<)/

Binuksan ko na yung pangalawang drawer. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi puro towel ang nandoon.

Bumalik na ko sa upuan na nasa gilid ng kama nya. Binasa ko yung towel sa maligamgam na tubig tapos sinimulan na syang punasan sa mukha pababa sa leeg nya.

Tapos ko ng punasan yung magkabikang braso nya. *Gulp* Napatingin tuloy ako sa katawan nya. Shet! Ang abs >___<

I wonder kung naggi-gym sya. Bawal ba yun sa may heart disease?

"Bakit di mo pa punasan?"

Napatingin ulit ako kay Zoid nang magsalita sya. Sabi na eh. Hindi sya tulog.

"Di ka naman pala tulog. Ikaw na magpunas sa sarili mo." Sabi ko sakanya yung towel pero di nya tinanggap.

Umupo sya tapos sumandal sa headboard.

"Bakit ako? May sakit ako, diba? Ganyan ba tamang pag-aalaga sa may sakit?"

Napangiti ako bigla dahil sa way nya magsalita. He's back! My old Zoid is now back!

Mula sa tinging mapang-akit, the way he talk, the way he grin... everything!

Feeling ko nabalik na nya yung sarili nya. Yung kaya na nyang gawin yung mga gusto nya nang walang iniintindi na iba.

Is that because break na sila ni Chelsea? At dahil ba sa tapos na yung karma nya na sinabi nya sa'kin na hahanapan nya ng solusyon?

Waaaah! I wanna know kung ano yung karmang yun!

"Pwedeng magtanong?"

"Ano pa ba yang ginagawa mo?"

Jeez! Imbes na mapikon, kinikilig pa ko.!

He really is back!

I love his sarcastic yet maangas tone (^___^)

"May sinabi ka sa'kin na KARMA mo. Atsaka, gusto kong malaman kung ano yung sinasabi nila VJ na nakipag-break ka sa'kin dahil may malalim na dahilan. Please, gusto kong malaman."

Natigilan sya sa sinabi ko. Looks like ayaw nyang sagutin yung sagot na hinihingi ko. At dahil sya si Zoid Louie Lee, ang maboy ko, sumegway na naman sya.

Hinawakan nya yung kamay kong may hawak na towel at ipinunas sa katawan nya.

SHUTANG INABELS!

Napakagaling talaga sumegway ng lalaking 'to. Will you believe it, nawala yung curiousity ko nang dumikit yung kamay ko sa mga abs.

Asdfghjkl! Tukso ang lalaking 'to! Tukso!

Nilayo ko yung kamay ko tapos narinig kong nagchuckle si Zoid. Tumingin ako sakanya at tinitigan sya ng masama. At dahil dun, lalo nya kong pinagtawanan.

"Pasalamat ka mahal kita." Sabi ko sa sarili ko tapos pinunasan na sya nang hindi ko dinidikit yung balat ko sakanya.

Bakit? Tukso sya eh =___=

Binalik ko na yung towel sa basin at tumayo. Hinawakan naman ako ni Zoid sa kamay para pigilan.

"Babalik ako." Sabi ko sakanya.

Dahan-dahang lumuwag yung hawak nya sa kamay ko hanggang sa bitiwan na nya.

Nginitian ko sya bago buhatin yung basin at lumabas ng kwarto. Bumalik ako sa kusina. Naglagay ako ng niluto ko kaninang oriental nido sa bowl. Nilapag ko muna yun sa lamesa para kumuha ng gamot para sa flu sa cabinet. Nakita ko pa yung mga gamot ni Zoid para sa sakit nya.

Nilagay ko sa tray yung bowl, kutsara, tubig sa baso pati na yung gamot.

Bago ako pumasok sa kwarto, sinilip ko muna sya. Nakaupo pa rin sya at mukhang ang lalim ng iniisip. Hay nako. No wonder kung bakit sya nagkakasakit.

Pumasok na ko tapos nilapag sa table yung tray.

"Say aahh~" sabi ko habang nilalapit sakanya yung kutsara.

Natawa naman sya tapos binukas yung bibig.

Matapos ko syang pakainin, pinainom ko na sya ng gamot tapos inalalayang humiga ulit.

"Mapapatawad mo pa ba ko?" He asked out of nowhere.

Hinawakan ko yung kamay nya, "Oo naman. Ikaw pa."

Ngumiti sya tapos hinila ako pahiga sa kama sa tabi nya.

"Malapit na yung debut mo. Excited ka na ba?" He asked as he snaked his arms around me.

"Slight." Sagot ko tapos humarap sakanya.

One inch lang ata yung layo nya sa mukha ko. Di ko tuloy maiwasang di tumingin sa lips nya ( >v< )\>

"Hindi na ba.... hindi na ba talaga pwedeng mabalik yung dati?" Bigla nalang may pumatak na luha galing sa mga mata ko.

Stupid na kung stupid. Babaeng walang ka-pride pride o anu pa yan.

"I don't deserve to be your boyfriend anymore."

My world stopped from spinning as he said that. I forced a smile at him then turned my back at him so that he wouldn't know I was crying.

He doesn't deserve to be my boyfriend anymore.

It's just a proof that we really can't bring back our past relationship we used to be.

So, I think it's better to follow what my mom told me before: Wag mong paikutin ang mundo mo sa isang lalaki lang.

-----

Note: Plug ko lang po new story ko. Rendezvous, Photos & Thoughts 😊

Let's talk on Twitter: @iamgenibabe

Instagram: @_callmejennie