Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 90 - Chapter 27: Ice cream

Chapter 90 - Chapter 27: Ice cream

Weeks had passed, tinupad ni Zoid yung sinabi nya na hindi nya ko lalapitan at guguluhin.

Nagkikita pa naman kami. Hindi naman maiiwasan yun since sa iisang school kami nag-aaral tapos kaibigan din nya ang mga kaibigan ko. Mutual friends kumbaga. So ayun, kapag nagkikita kami, nagngingitian lang kami at nagkakamustahan. Nothing more.

Okay na rin yun kaysa naman pabago-bago yung feelings na pinapakita nya sa'kin. Natatahimik yung utak ko sa pag-iisip kung paano tumatakbo yung isip nya.

But ofcourse! Palagi ko pa rin syang iniisip. Hindi ko nga alam kung bakit eh.

Malapit na yung Christmas break kaya ang daming requirements na kailangan. Okay nga yun eh. Ino-occupied ko yung utak ko sa mga school works pero magpahinga lang ako ng saglit, sya na naman yung iniisip ko.

Hay. Iba na talaga ang epekto nya sa'kin.

Naglalakad ako mag-isa papunta sa gilid ng vacant building ng DH university. Ako lang mag-isa kasi may mga klase pa sila Yat at Sophi. Si Chloe naman, niyaya ni Ceejay ng LUNCH DATE. Niyaya pa nga nila ako na sumama sakanila but I refuse. Moment nila yun eh. So kailangan nilang magsolo.

Naisipan kong pumunta sa gilid ng vacant building kasi sobrang bihira ang may magpunta doon tapos may mga puno pa kaya masarap yung simoy ng hangin.

Sumampa ako sa duyan na nakakabit sa dalawang puno atsaka humiga. Wala akong dalang gamit kasi naiwan ko kanina sa locker ko bago ako pumunta dito.

Binaba ko yung isa kong paa para pantulak so that gagalaw yung duyan ng mahina. Pumikit ako hanggang sa nakatulog ako.

Red's POV

Iniwan ko sila Vi and Pink sa washroom nang hindi nagpaalam. Kasi naman eh >0< Dalawang oras na ata sila doon hindi pa tapos humarap sa salamin. Di ba sila natatakot sa mga mukha nila?

Naglakad-lakad nalang ako sa school grounds at alam nyo na.... naghahanap ng pogi. Hihi!

Tuwang-tuwa ako kasi ang daming mga pogi sa paligid. Bihira lang kasi ang hindi maganda at poging nag-aaral dito. Kaya nga dito ko pinili mag-aral eh. Maraming pogi, maraming inspirasyon! Haha.

Sa paglilibot ko ng tingin, nasalubong ko ng tingin yung nerd. I remember that nerd! Sya yung pinagbitbit namin ni Pink ng mga alak nung nasa L resort pa kami.

As I caught him staring at me, he immediately looked away and then..... run?!

Bakit naman sya tumakbo?

Nakakatakot ba ko? *pout*

Naglakad nalang ulit ako hanggang sa makita ko si Zoid.

"Zoid!" Tinawag ko sya pero hindi sya lumingon.

Hindi nya at narinig kasi seryoso syang nakatingin sa.....

Tumingin ako kung saan sya nakatingin and BOOM! Caught in the act! Sinusundan nya ng tingin si Zailie na naglalakad mag-isa.

Tinignan ko ulit si Zoid. Nakapamulsa pa sya habang sinusundan ng tingin si Zai. Waaaah! Ang hot talaga ni Zoid! Hihi

Maya-maya, nagsimula na syang maglakad habang sinusundan pa rin ng tingin si Zai.

Yeee~ sinusundan ba nya si Zailie? Ahoho (*0*)/

Kiligmats!

Sinundan ko din si Zoid hanggang sa makarating kami sa gilid ng vacant building.

Pumitas ako ng maraming dahon sa puno. Gagawin ko kasing props sa pagtatago. After that, nilabas ko yung glue sa bag ko atsaka pinahiran yung mga dahon then dinikit sa buhok ko. As in sa buong ulo. Pati noo ko nilagyan ko na.

Mabagal na naglalakad si Zoid palapit kay Zailie na natutulog sa duyan. Tinignan ko ng maigi yung mukha ni Zoid.

Kyaaah~ ampogi nya talaga kapag naka-smile!

Natataranta kong kinuha yung cellphone sa bulsa ng skirt ko para ma-videohan. Hihi!

Para may maipost ako sa FP page nila sa fb. Doon sa ZLovers. Hihi isa kaya ako sa mga admins doon (^___^)

Nung na-set ko na sa video, dumapa ako sa sahig at sinimulan ng kuhanan ng stolen video ang ZL. Nyahahaha~

Base sa nakikita ko, nakatukod yung isang tuhod ni Zoid sa lupa habang nakatingin kay Zai at hawak-hawak yung kamay nya.

Kyaaaah~

Pinagmamasdan lang ni Zoid si Zai habang natutulog. Maya-maya, ngingiti tapos ilalapit yung mukha nya kay Zai at.....

O/////O

Waaaah! Hinalikan nya si Zai! Omo! Omo! Kinikilig ako! Stolen kisses are really cute! Hihi.

He won't notice me beacuse of my props! Haha!

Gumagalaw yung bibig ni Zoid habang nakatingin kay Zai. May sinasabi ata. Sayang naman di ko marinig ;(

Naglean-in na naman si Zoid tapos hinalikan ulit si Zai. Smack lang naman pero pinapatagal nya ng mga five seconds.

Paulit-ulit lang ang nangyari pero nakakakilig! Papanoorin ni Zoid si Zai na natutulog, ngingiti ng malapad tapos hahalikan si Zai. Kyaaaah~

Kinikilig kilig na ko sa pwesto ko.

Zoid was about to kiss Zailie again pero napalakas ata yung pag-giggle ko kasi nakaagaw ng atensyon ni Zoid kaya napatingin sya sa'kin.

Nakatingin sya sa'kin habang nakalapit yung mukha nya kay Zai.

OMG!

PANIC! PANIC!

"Luh, saan ako magtatago?" Natatarantang tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ng pwedeng mataguan.

Naman eh! Tinatamad na kong tumayo.

Using my free hand, I used it to cover my face. Patuloy pa rin ako sa pagbi-video sakanila kahit na may takip ako sa mukha. May gap naman eh. Haha!

Tumingin na ulit si Zoid kay Zai at hinalikan ulit na parang sila lang ang tao.

Eneba! Ang sweet talaga ni Zoid.

"Uy, Red! We're looking for you for about an hour!" Hindi ko pinansin si Pink.

Bakit ba? Kinikilig ako sa nakikita ko eh.

"Oo nga. Tapos andito ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dyan?" Vi, sinisipa-sipa ng mahina yung tagiliran ko.

"Ano ba! Wag nga kayong magulo!"

Naramdaman kong umupo sila sa magkabila kong side pero di nakasayad yung butt nila sa lupa. Maarte kaya yang mga yan!

"Wow!" Kinikilig din na sabi nilang dalawa.

"Ahihi! Ang daya mo, Red! Di ka nagtatawag. Kanina pa ba yan?" Pink

"Medyo lang. Ipo-post ko 'to sa page mamaya. Hahahaha!"

"Gagi wag na! Iregalo nalang natin kay Zai. Malapit na yung birthday nya, diba?" Vi

"May pa birthday nun eh. Yung totoo? Di pa nga nagbabagong taon. Tsk." Sagot ko habang nanonood kay Zoid.

"Vi's right! You can post that pa naman after ng birthday ni Zai eh. May naisip akong plano."

Napatingin kaming dalawa ni Vi kay Pink.

"Let's discuss it nalang sa Pad ko." Sabi ni Pink.

May napansin kaming anino kaya naman sabat-sabay kaming tumingala.

O____O

Waaaah! Nakatayo sa harapan namin si Zoid!

"Haluh, mga bakla. What to? What to do?" Natatarantang sabi ko sa dalawa.

* * *

(A/N: Sorry na pooo~ writer's block eh -___- BTW fast forward na xD hahaha! Malapit na syang matapos. Any idea sa ending?)

After 3 months....

(December)

Tinatawag na yung flight namin pero parang ayoko pang tumayo sa kinauupuan ko.

Nandito na lahat ng kaibigan ko kanina pa pero bakit wala pa sya? Hindi ba sya pupunta?

Wala rin si Aldrich kasi nagpunta sila sa Japan nung isang araw pa. Doon sila mag-i-spent ng christmas vacation eh.

"Louise, kailangan na nating umalis. Magpaalam ka na sa mga friends mo." Nakangiting sabi sa'kin ni mommy.

Tumayo naman ako para yakapin silang lahat.

"Girl, magpakasaya ka sa Korea, huh?" Pink

"Oo nga. Pero wag mo pa rin kaming kakalimutan." Vi

"Atsaka, kapag may nakita kang kamukha ni Lee Min Ho, inform mo agad ako. Haha!" Red

"Waaaaah~ mamimiss ka talaga namin, Zai!" Niyakap ako ng mahigpit ni Sophi.

"Do anything para wag tayong mawalan ng contacts, ha? Ha?" Yat

"Oo na." Natatawang sabi ko.

"You girls are so OA naman! Like duh? She will magbabakasyon lang naman sa Korea, ah? Babalik din sya after christmas break!" Pairap na sabi ni Chloe.

Natawa naman kaming lahat. Tumingin ulit ako kung sa paligid.

Bakit wala si Zoid :(

"Di sya pupunta." Sabi ni VJ.

Imbes na maging malungkot sya para sakin, nakangiti pa sya kasi hindi pupunta si Zoid. Tss. Kaakiba sya ha!

"Hoy, Zailie, pasalubong ah. Damihan mo." Pabirong sabi ni Ceejay.

"Balitaan mo kami sa bakasyon mo sa Korea, okay?" Cool na sabi ni Dwayne.

"Oo na. Oo na."

Nag-group hug kaming lahat kasama si mommy.

"Sige na, magagandang iha at magagwapong iho, kailangan na naming sumakay sa eroplano."

Hinila ko na yung mga luggage namin tapos nagsimula ng maglakad.

Lumingon ulit ako kasi umaasa ako na pupunta si Zoid. Pero wala akong nakitang Zoid. Nagwave yung mga kaibigan ko kaya kumaway din ako tapos tuluyan ng umalis.

Alam naman nya na ngayon yung flight ko pero bakit di sya sumama para maghatid?

Dahil ba sa sinasabi nyang binibigyan nya ng space yung utak ko? Pero hindi naman sya makakagulo sa isip ko kung pupunta sya para ihatid ako!

Nu ba yan. Feeling ko tuloy wala akong ganang pumunta sa Korea dahil hindi ko sya nakita at hindi sya makikita for three weeks.

* * *

"Daddy! Mommy!" Pagsigaw ko habang bumababa ng hagdan.

Dalawang araw na kong nandito sa Seoul, Korea pero hindi pa ko lumalabas. Sobrang lamig naman kasi eh. Pero ngayon, naisipan kong pumunta sa Lotte Land para magsaya kahit ako kang.

Pumunta ko sa grand kitchen kasi alam kong nandion sila. Tumutulong sila sa mga maid sa pagluluto. Pupunta kasi dito sa bahay namin yung mga professional investors nila eh. Kaya todo preparations sila.

"Bakit, princess?" Tumigil si Daddy sa pag-spicy ng kimchi atsaka humarap sa'kin. Naka-apron din sya. I mean, lahat sila.

Hinanap ko si mommy at nakitang busy sya sa stove.

"Daddy, pupunta lang po ako sa Lotte Land." Paalam ko sakanya.

"Kala ko naman kung ano na." Bumalik na sya sa trabaho nya. "Sige lang. Basta wag kang magpapaabot ng gabi. Bumalik ka agad dito. Ipapakilala kita sa mga investors ko."

"Okay." Lumapit ako sakanya para ikiss sya sa cheek.

Pumunta rin ako kung nasaan si momny at hinalikan din sya sa pisngi.

"Mag-iingat, Louise." Sabi nya habang nakatingin sa hinahalo nya.

"Opo."

As I went outside, sinalubong ako ng napakalamig na hangin.

Dalawang makapal na jacket na yung suot ko pero ang lamig-lamig pa rin.

Pinagbuksan ako ng driver ng pinto ng limousine namin.

Nagbow ako sabay sabing, "Komawo!" (Thanks)

Nag-bow din sya. Pumasok na ko sa loob kaya sinara na nya yung pinto.

Pagpunta ko sa Lotte Land, nilibot ko ang paningin ko. Bata pa ako nung huli kong punta dito. Ang daming nagbago. Lalong lumaki yung place tapos gumanda.

Dumami rin yung mga rides at yung mga iba't-ibang booth.

Lalo tuloy akong na-excite!

Naglakad muna ako sa stall ng Korean ice cream.

"Chapsalttuk," I ordered. 

"Bun dong-an gidalibnida,"

Inabot nya sa'kin yung ice cream na binili ko. Kinapa-kapa ko yung pockets ng jacket ko pero NAMAN! Nakalimutan ko palang magdala ng pera.

Argh! Ang tanga ko talaga! Masyado kasi akong excited eh.

Yung itsura nung tindera parang naiinip na.

"Uhm... naneun-ileul dasi seoljeonghal su issseubnida naega nae don-eul ij-eossda." (can I turn this back? I forgot my money). Sabi ko habang inaabot sakanya yung icecream.

Umiling naman sya sabay sabing, "Aniyo! dangsin-eun dasi kyeol su eobs-seubnida!" (You can't turn that back!)

"Arasso. Arasso. Hehe. Uhm... naneun yaggan-ui don-eul eodgi wihae jamsi tteonalgeoya geuligo naegai aiseukeulim-eul jibul dol-aol geos-ida yagsog." (I'll leave for a while to get some money and I promise I will come back to pay for this icecream.)

Arasso= understand

Tama. Pupuntahan ko nalang yung driver namin. Nasa parking lot lang naman sya eh. Mangungutang nalang muna ako ng pera tapos papabayaran ko kila daddy when we got home.

"Dangsin-i naleul sog-il su eobsda! geu jibulhageona Ineun boan-eul buleul geos?" (you can't fool me! Pay that or i'll call a security?)

Nagulat ako sa sinabi nya. Security agad?

"Yagsog. Haejuseyo." (please. I... I promise...)

"Hwagana!" (I'm getting mad.) Pagsigaw nya sa'kin.

Napayuko nalang ako kasi napapahiya na ko. Lahat ng tao nakatingin sa'kin tapos pinagbubulungan ako.

"Sillyehabnida." (excuse me) Umangat yung ulo ko para tignan kung sino yung nagsalita.

Nanlaki yung mga mata ko sa nakikita ko.

It can't be happening!

"Zoid." Nasabi ko nalang ang pangalan nya habang nakatulala sakanya.

Related Books

Popular novel hashtag