"ZOID!!!!" Pagsigaw ko sa pangalan nya.
Hinawakan ko yung pisngi ko dahil nararamdaman kong basa. Basang-basa ng luha.
Panaginip lang pala. Haaaay... akala ko totoo na. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Mabuti nalang panaginip lang yun dahil hindi ko ma-imagine na iiwan ako ni Zoid.
Ayokong mangyari yun ;(
Saktong pang-sigh ko, nasalubong ko ang tinging nanlilisik nung librarian. Dahil siguro sa pagsigaw ko >o<
>_>
<__<
Tumingin-tingin ako sa paligid dahil wala akong ingay na naririnig.
At asdfghjkl lang!!!
Nasa library pala ako kaya ang tahimik. Tapos lahat ng tao dito nakatingin sa'kin >___ Ang agaw eksena ko naman. Haha! Kinuha ko yung mga libro ko at tumayo. Para akong ewan na tinatakpan ng libro yung mukha ko habang naglalakad. Nakakahiya talaga >„< Joshua's POV Ano ba yan =___= Ang tagal namang magising ni Zai. Inaantok na ko eh *yawn* Natulog ba naman sa loob ng library? Kung hindi lang ako inutusan ni boss na bantayan ko sya, kanina pa ko nasa bahay at nagbabasa. Hindi rin naman ako makapagfocus sa binabasa ko dahil baka mawala sa paningin ko yung babaeng binabantayan ko. "ZOID!!!" Ay pushang gala! Nawala antok ko sa sigaw nya ah! Halos lahat ng tao dito sa library napatigil sa mga kanya-kanyang ginagawa dahil sa pagsigaw nya. Pati ba naman sa paniginip si Zoid pa rin? Naguguluhan na ko sa dalawang yan. Mukhang Zoid yang si Zailie tapos si Zoid naman naggi-girlfriend ng iba tapos sa'kin pababantayan -.- Buhay naman oh! Bakit kaya hindi nalang nya gawing girlfriend si Zailie para sya na yung magbantay? Hindi yung inuutos pa sa iba, may kasama pang pananakot. Tsk. Tumayo na sya at lumabas ng library habang tinatakpan ng libro nya yung mukha nya. Ganyan din ginagawa ko kapag nakikita ko si kras eh. Sinundan ko pa sya hanggang sa makalabas ng university. Madilim na at kabilin-bilinan sa'kin ni boss na mas bantayan ko daw sya kapag umuuwing madilim na. I need to make sure daw na dapat nakapasok na sya sa bahay nila bago ako umalis. Nice job I got here =____= Kung hindi nya lang ako tinakot na sasabihin nya kay Kras na may crush ako sakanya hindi ko talaga gagawin ang pinapagawa nya. Huminto sa paglalakad si Zailie dahil may lalaking kumausap sakanya. Ako naman, pilit na tinatago ang sarili sa likod ng poste. "May gusto kong sabihin sa'yo. Tara," sabi nung lalaking kausap nya. Kahit medyo madilim, nakita kong nag-nod si Zailie tapos nagsimula na silang maglakad. Maya-maya lang ay nagring yung cellphone ko. Tumatawag si boss. "Bakit, Boss?" [Nakauwi na ba sya?] "Hindi pa ata." [ANONG ATA?] Pusha naman oh! Bagay nga sila ni Zailie. Pareho silang eskandalosa/eskandaloso. Nilayo ko yung cellphone sa tenga ko. Mahirap na baka mabingi ako. Hindi ko na maririnig ang magandang boses ni Kras. [I TOLD YOU NOT TO TAKE OFF YOUR SIGHT ON HER HANGGA'T HINDI PA SYA NAKAKAPASOK SA LOOB NG BAHAY NILA!] Sabi pa nya este sigaw pa nya. Kahit malayo sa tenga ko yung cellphone, rinig na rinig ko pa din. Parang naka-hands free lang -0- "Kasi po, boss, di ko na sya sinundan." [FCK! WHY?] "May lalaking kumausap sakanya eh. Narinig kong may pag-uusapan daw sila. Alam mo naman, baka masyadong importante. They need a privacy." [D*MN THAT PRIVACY!] Sanay na ko sa mga mura nitong si boss kapag nagpapanic. Oo, sya ang nagpapanic at ewan ko ba sakanya. Malaki na naman si Zailie kaya bakit kailangan pang bantayan? [ATSAKA, LALAKI? WHO THE FCK IS THAT? ONE OF HER ADMIRERS? D*MN IT, NERD! TELL ME!] Napailing nalang ako habang nakatingin sa cellphone ko. "Si Clyde. Yung blockmate mo." Kilala ko si Clyde kasi sikat din sya dito sa DH University. [WHAT?] Sunod-sunod ang pagmumura nya mula sa kabilang linya. [Where are they?] Chelsea's POV "Where are they?" Tanong ni Zoid sa kausap nya sa cellphone. Nagpaalam sya kanina na may kakausapin lang sya saglit at nagpunta sa kitchen. I followed him without him knowing it and I heard everything. Eventhough hindi sya magbanggit ng pangalan, I know it was Zailie he was talking and caring about. Bakit ba palagi nalang sya? Can't I really replace her in his heart? Nilapag nya sa table yung cellphone nya saka umupo, he massage his temple as if in a deep problem. I even noticed na napahawak sya sa chest nya and parang may something pain na nararamdaman. I wanna go near him but I chose not to. He's near yet so far. He stood up kaya nagmadali akong makabalik sa living room at umupo sa couch na parang walang narinig. I forced a smile at him. "May kailangan akong puntahan," he said in front of me. Tumayo ako at lumapit sakanya tapos hinawakan ang dalawa nyang kamay. "Dito ka nalang muna, please." I plead. I plead for his presence most of the time pero ito na ata ang pagkakataon na matatanggihan nya ako. I can say it the way he looked at me. Binitawan ko ang dalawa nyang kamay at tumalikod para bumalik sa pagkakaupo sa couch. Habang nakatalikod, pinipigilan ko ang sarili kong wag maiyak. I composed myself as hard as I can. And once I got sat down, I flashed a fake smile. "Mukhang importante. Ingat nalang sa biyahe." Ngumiti sya tapos lumapit sa'kin atsaka ako niyakap. I hugged him back, tighter. Why can't you be mine, Zoid? 3rd Person's POV Palabas na ng gate si Zoid pero hinarang sya ng isang lalaki. "Bakit ka aalis? Iiwan mo yung kapatid ko?" "Buong araw ko na syang kasama, hindi pa ba sapat yun? Besides, mas kailangan ako ni Zai." Naglakad sya pakaliwa pero humarang ulit ang lalaki. He placed his palm against Zoid's chest, stopping him. Sa inis ni Zoid, he slid off his palm with too much force and blurted out, "KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SAKANYA, IIWAN KO NA TALAGA YANG KAPATID MO! Ginagawa ko naman lahat ng mga sinasabi mo ah! I even chose your sister na hindi ko naman talaga mahal---" Before he could finish his words, he hit his face. "Mamili ka. Ang kapatid ko o may mangyayaring masama dyan sa babaeng sinasabi mong mahal na mahal mo." Pinunasan nya yung gilid ng labi nyang may dugo bago nagsalita, "Subukan mo lang ulit na saktan sya. Hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa kapatid mo lahat ng kagaguhang pinaggagagawa mo." Natulala at hindi nakasagot ang lalaki kaya naman nagsimula na syang maglakad paalis. Zai's POV "Zailie," Clyde said kaya napahinto ako sa paglalakad. I can't describe where we were dahil sa madilim. Basta ang alam ko lang, malayo na kami sa school. Kanina pa kasi kami naglalakad at ewan ko ba dito kay Clyde kung saan kami papunta. Sumama ako sakanya kasi kilala at may tiwala naman ako sakanya. But the way he say my name right now, I suddenly felt nervous and I don't know why. Pansin ko rin kanina nung sinabi nya na may sasabihin daw sya sa'kin na parang mapungay yung mga mata nya. Yung parang nakainom? O.o "Zailie," he called my name again habang seryosong nakatingin at naglalakad palapit sa'kin. "B-bakit?" Kinakabahang tanong ko habang naglalakad ng paatras. Nagulat nalang ako nang bigla nya kong tinulak ng may kalakasan dahilan para tumama yung likod ko sa wall. Ang sakit nya, men >^< He leaned his palms against the wall, completely trapping me. "C-Clyde," nanginginig na pagtawag ko sa pangalan nya. He looked at me in the eye deeply. Kahit malalim syang tumingin, walang ni katiting na imaginary sparks ang nararamdaman ko unlike the way Zoid stare at me. "Gusto kita. Gustong-gusto kita, Zailie." Natulala ako sa sinabi nya. Napakalapit pa nya kaya naamoy ko yung alak. Feeling ko tuloy malalasing ako @___@ The next thing I knew, hawak-hawak na nya ang dalawa kong wrist na ngayon ay ka-level na ng ulo ko. "CLYDE! STOP!" Pumapalag ako dahil inuumpisahan na nya kong halikan sa leeg. *BOGSH* My eyes widened as I witnessed how he fell on the ground. I shifted my gaze at the person who saved me. "Zoid," nasabi ko nalang habang sinusundan sya ng tingin sa pagsuntok kay Clyde. "Nandito rin ako." Biglang sulpot ni Aldrich. Kinindatan nya ko bago bumaba sa motor nya. Pagkatapos, hinila nya si Zoid palayo kay Clyde. Akala ko naman naawa sya kay Clyde kaya nya ginawa yun. Pero hindi! Dahil inawat nya pala si Zoid para sya ang magpatuloy sa pagsuntok kay Clyde na ngayon ay wala ng malay. "Aldrich, tama na!" Pero sadyang kolokoy talaga tong si Aldrich at hindi tumigil. Wala na ngang malay yung tao eh =___= "Okay ka lang? May iba pa bang ginawa sayo yang mokong na yan? May masakit ba sa'yo? Sinaktan ka ba nya?" Sinunod-sunod na tanong ni Zoid. It's really good na nag-aalala pa pala sya sa'kin kahit hindi na kami. Umiling lang ako at tumakbo palapit kay Aldrich na wala atang balak na tumigil sa pagbugbog kay Clyde. Tinulak ko palayo si Aldrich kay Clyde pero potek! Si Zoid naman ang pumalit. "Hoy, ano ba! Wag ka ngang makipag-away!" Hindi sya nakinig at nagpatuloy sa ginagawa nyang pambubugbog. "HOY! SIGE KA! GAGAWIN KO YUNG AYAW MONG GAWIN KO! MAKIKIPAG-DATE AT PAPAYAG AKONG MAGPALIGAW SA IBANG LALAKI!" Napatigil sya sa kinatatayuan nya. Nalaman ko nalang na si Aldrich na ang sumusuntok kay Clyde. Kelan kaya matatapos to? "Aldrich, tama na!" Lumapit pa ko sakanya at hinila yung shirt nya. Hinawi nya lang yung kamay ko tapos pinagpatuloy na naman ang "business" nya kay Clyde. Ang kulet talagaaaa~! "TAMA NA SABI!" I yelped kaya huminto sya. "Kailangan pang sumigaw para manahimik to eh noh!" Mahinang sabi ko. Umayos sya ng tayo at pinagpagan yung kamay nya. "Istorbo ka naman, mahal kong bestfriend." Sabi nya habang naglalakad palapit sa'min ni Zoid. Zoid faked a cough. Dahil ba sa tinawag ako ni Aldrich na mahal kong bestfriend? "Nag-eenjoy pa kaya ako," he continued. "Gagi ka! Baka mapatay mo na yan." "Tch. Ayan?" Nilingon nya si Clyde na mahimbing na natutulog sa sahig. Mabuti nalang bihira ang mga sasakyang dumadaan dito kundi kawawa yan (-__- )/ "Di pa yan mamamatay. Di mo ba alam na matagal mamatay ang masamang damo?" Sabi pa nya at tumawa ng malakas. May nakakatawa ba? Wala naman ah (Ã-_Ã-) Baliw na ata tong lalaking 'to eh. Nagkatinginan kami ni saglit ni Zoid at sabay na tumingin ulit sa mala-autistic kong bestfriend na hanggang ngayon ay tawa pa rin ng tawa as if wala ng bukas. "Pa'no nga pala kayo napadaan dito? At kayo ni Aldrich? Pinag-usapan nyo o coincidence lang?" Tanong ko kay Zoid. Si Aldrich kasi tawa pa rin ng tawa eh. Nakahawak na nga sya sa tyan nya at halos naiiyak na sa kakatawa. Pwedeng pakibatukan yang taong yan? Akala ko isang makahulugang "basta" na naman ang isasagot nya pero hindi. Salamat naman ( ^ v *) "Nalaman ko kasing gabi na hindi ka pa umuuwi at talagang kasama mo pa yang tarantadong yan. I texted him," tumingin sya kay Aldrich saglit. "Sabi ko tulungan akong maghanap sa'yo. Mas maganda kung hindi lang ako ang maghahanap sa'yo. So ayan, thank God hindi ako nahuli ng dating." He stroke my cheek. "Sabi ko naman sa'yo mag-iingat ka sa lalaking yan eh. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Matigas daw ulo ko? Di naman ah! *pout* "Ako na bahala dito." Sabi ni Aldrich. Infairness, tapos na pala sya sa laughing mode nya. "Peram nga ng lipstick mo." Nakangising sabi ni Aldrich. "Ano namang gagawin mo dun?" Nagtatakang tanong ko. "Basta." Sabi nya at lalong ngumisi tapos tumingin sya kay Zoid. Tumingin din ako sakanya at napansing pareho sila ng ngiti ni Aldrich. Yung parang nag-uusap sila through their minds at kung may kung anong kalokohang pinaplano?! Argh. Ayoko ng mga tingin nila ha >__< *** We were on our way pauwi sa bahay. Si Zoid ang naghatid sa'kin kasi may "mission" daw na dapat gawin si Aldrich kay Clyde. Tahimik lang ako habang nasa byahe dahil kinakabahan ako sa kung anong pwedeng gawin ni Aldrich kay Clyde. Hindi ako kinakabahan dahil baka mapatay sya ng bestfriend ko. I know him at alam kong hinding-hindi sya makakagawa ng ganun. What am I afraid is baka kung anong kalokohan ang gawin sakanya ni Aldrich. Matindi gumawa ng kalokohan yun eh (+__+) Yung mas gugustuhin mo pang mamatay nalang kaysa sa mapagtripan ng taong yun. Oo, ganun sya kalala mangtrip (=__=) "Sige na. Pumasok ka na sa loob. I won't go anywhere until I make sure you are inside and safe," he said. Natuwa ako sa sinabi nya. Akala ko nung nagbreak kami magbabago ang pakikitungo nya sa'kin. But I was completely wrong. Ganitong-ganito mag-care si Zoid... ang maboy ko. Nasa tapat na kami ng gate namin. Nakatayo kami parehas habang nakasandal sya sa kotse nya tapos naka-cross arms. And out of nowhere, nag-play sa utak ko yung napanaginipan ko sa library. Nakaramdam tuloy ako ng kaba at lungkot. Napansin nya at na naiiyak na ko kaya umayos sya ng tayo at nilapitan ako. "Bakit? May iba pa bang ginawang hindi maganda sa'yo yung gagong yun? Tell me." I can't utter even a single word and just bursted out a tears. He gasped nung sinunggaban ko sya ng yakap. Yakap na sobrang higpit. "May problema ba?" He asked as he hugged me back. I shook my head once again. Hinawakan nya ko sa balikat at inilayo sakanya ng kaunti. He lowered his head to level mine. "Tell me." He muttered as if he was talking to a kid. "Wala. Na-miss lang kita." I hugged him again. Sabi nila, yung ibang panaginip daw nagkakatotoo. Pero ayoko! Ayokong mangyari yun! I felt him hugging me back and because of that naibsan ang takot na nararamdaman ko. He placed his chin at the tip of my shoulder, hugging me tighter. "ZOID!" I gasped nung nawalan sya ng balance. Fortunately, magkayakap kami kaya hindi sya natumba. Lumayo ako ng kaunti para tignan sya pero nakahawak ako sa magkabila nyang balikat. "Yeah. Zoid." he mumbled weakly and glaring at me. "Masakit na naman ba?" Tinulungan ko syang makaayos ng tayo at isinandal sya sa kotse pero nakaalalay pa rin ako. He looked away and shook his head. "Nagsinungaling pa. Gusto mo dalhin na kita sa hospital?" I offered. Lumalakas na naman ang pintig ng puso ko. "Ayoko. Sawang-sawa na ko sa lugar na yun." "Pero----" tinitigan nya ko ulit ng masama kaya di ko na tinuloy yung sasabihin ko. "Pa'no ba yan? Ahm," napakamot nalang ako ng ulo ko. Tigas naman kasi ng ulo ng lalaking to eh =___= "Mawawala din 'to." Pero kailangan mo pa rin magpa-check up sa doctor! Err. Gustong-gusto kong sabihin yan. "Eh, san mo gusto kitang dalhin?" Pilit kong tinatago yung tarantang nararamdaman ko dahil sa kaba. Shet lang! "Sa puso mo," he said, staring down at me. Shutang inebels naman oh! Pwedeng tumili sa kilig? Biglang nawala yung takot ko dun ah! Simpleng flowery lines lang, kilig to the bones na agad ako. Wala eh \(=___=)/ kay Zoid nanggaling. "Seryoso ako." Seryoso ako kaya UTANG NA LOOB lang wag mo kong pakiligin! "Seryoso din naman ako ah!" I clicked my tounge and glanced around. And because of that, naisipan kong dalhin nalang muna si Zoid sa garden para makapagpahinga. Na-pressure na naman siguro ang emotion at katawan nya. Galit na galit kay Clyde kanina eh >___< Sabagay, naiinis din ako sa ginawa nya. I treated him as my friend tapos magagawa nya sa'kin yown? Saklap nun, dre! "Sino iniisip mo?" He snapped. "Si Clyde." Mabilis kong sagot. Nagsalubong yung kilay nya at nag-TSS. "Kung pwede lang ako pumasok dyan sa isip mo kanina ko pa ginawa. Papaslangin ko yang Clyde na yan! T*ng i** lang! Ginawan ka na nga ng masama sya pa rin iniisip mo? Makaalis na nga! Asar ampucha!" Sunod-sunod na sabi nya at itinulak ako ng mahina para makadaan sya. Kelangan talaga may kasamang mura? Kaya ayokong naiinis ang maboy ko eh. Bukod sa nakakaapekto sa sakit nya, ang pangit ng mga salitang lumalabas sakanya >___< Medyo okay pa kung english. Ngayon kasi tagalog na tagalog yung mga sweary words nya. Damang-dama tuloy =____= Nakakailang hakbang palang sya muntikan na naman syang ma-out of balance. Mabilis naman syang nakahawak sa kotse at ako naman ay inalalayan ulit sya. "Wag mo nga kong hawakan!" Pagtataboy nya sa'kin pero di ako nakinig. Instead, pinulupot ko pa yung mga braso ko sa waist nya. "Baka matumba ka." "Hayaan mo na ko." Umiwas sya ng tingin. "Nakakahiya naman baka naiistorbo ko na yang pag-iisip mo sa gagong Clyde na yun." I smiled at his reaction. Nagseselos sya >////< Ang kyut kyut talaga ng maboy ko kapag nagseselos. Hihi Niyakap ko sya and touched his chin. "Nagseselos si maboy." I uttered. Nakita ko kung paano nagbago yung expression nya. Unti-unting nawawala yung dark aura sa mukha nya. "Ngayon ko lang sya naisip at dahil yun sa ginawa nya. Pero kahit sino at ilang lalaki pa ang pumasok sa isip ko.... iniisip ko lang sila at wala ng iba. Pero ikaw, hindi lang kita nasa isip... nasa puso pa kita." Kahit madilim alam kong namumula sya. "Galit pa rin ako." Sabi nya nang hindi makatingin sa'kin. "Okay." Pagkasabi ko nyan, napatingin sya sa'kin. "Dun tayo sa garden. Mamaya ka na umuwi." Akin ka muna ngayon, maboy. Next time na yung mga babae mo. Yah, martir na kung martir. Hinawakan ko sya sa kamay at inalalayan hanggang sa makapasok kami sa loob papunta sa garden. Wala naman syang imik hanggang sa paupuin ko sya sa swing bench. Nilagyan ko pa ng unan yung likod nya para komportable sya sa pwesto nya. Magkatabi kaming nakaupo habang pinagmamasdan yung mga stars sa langit. "Galit ka pa rin?" Hindi sya sumagot. Galit nga sya ;< "Wag ka ng magalit." Niyakap ko sya tapos sinandal ko yung ulo ko sa chest nya. "Kelan ba ko nagalit sa'yo?" Sabi nya matapos ang ilang minutong katahimikan. Inangat ko yung ulo ko para makita sya pero hindi ako lumayo sa pagkakayakap. He was glancing me down. "Sabi mo kaya kanina!" Nag-chuckle lang sya. Sya na may maraming moods =___= bipolar ampotek. *Silence* "Zoid," "Wala kong naririnig." -.- sabi nya habang nakatingin sa langit. "Maboy." "Yes?" "Pwede bang wag mo kong iiwan?" Nagtataka syang tumingin sa'kin. He was also giving me a "why" look. "Kahit hindi mo ko girlfriend... kahit hindi mo ko mahal... can you promise me na hindi mo ko iiwan?" And with unknown reason, bigla nalang akong naiyak. He hugged me back and stroke my hair, comforting me. He frowned at me, "Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Bakit mo naman naisip na iiwan kita?" "Basta magpromise ka." I wiped my tears with his shirt. Hindi naman sya nagreklamo. "Okay, I promise. Pero wag mong isipin na hindi kita mahal." He kissed my forehead. And dahil sa mga sinabi nya, nabuhayan ako ng loob. Wag ko daw isipin na hindi nya ko mahal. So, it means na mahal pa nya ko? "Don't dare to ask something about that," he said. Galing talaga mambasa ng isip nito (>Ã-<) Another silence.... "Malandi ba ko? Masama ba kong babae?" I asked out of the moon blue. Yeah, moon blue =.....= "Ano bang klase yang mga tinatanong mo?" "Gusto ko lang malaman... kasi... nagsasabi ako ng mga sweet words sa lalaking hindi ko naman boyfriend knowing na may girlfriend yung sinasabihan ko nun. Masama ba yun?" "Kelan naging malandi ang taong showy? Pero depende pa rin." "Pa'nong depende?" "Kung ako yung lalaking tinutukoy mo, hindi masama. Pero kung ibang lalaki, masamang-masama. Kaya sa'kin mo lang dapat gawin yun para hindi ka maging masama." Oo nalang po =____= Mukhang okay na ang pakiramdam nya. Thanks, Lord! "Eh, kapag hinalikan ko yung babaeng di ko naman girlfriend, masama ba yun?" Tanong nya. Natawa tuloy ako. "Depende. Kung ako yung babaeng tinutukoy mo, very good. Pero kung ibang babae, very wroooong!" Natawa sya sa sinabi ko. I know natututo na kong makipag-flirt dahil sa playboy na to. Pero alam ko naman sa sarili ko na sya lang ang lalaking nilandi, nilalandi at lalandiin ko. "So," sabi nya at bigla akong hinalikan sa pisngi. "Bakit ang kissing monster ng lalaking may pangalang Zoid Louie Lee?" "Hmmm.." he touched his chin as if in a deep thought. "Sa pagkakaalam ko, sa isang babae lang sya kissing monster eh. Sa babaeng nagngangalang Zailie Louise Alvarez." He smiled playfully while wiggling his eyebrows up and down. Natawa nalang kami pareho sa kalandiang nagaganap sa'min.