Half day lang ang pasok ko ngayon kaya maaga ang dismiss ko. Alam ata ni Zoid ang buong schedule ko kasi pagkalabas na pagkalabas ko sa room namin, nasa tapat lang sya at nag-aantay.
Nakapamulsa pa sya habang nakangiti. Ang daming babaeng kumuha ng stolen shots nya >__<
"Tara sa caf. Nagugutom ako eh." Sabi nya tapos lumapit sa'kin.
So, sabay kaming naglakad sa hallway. Halos pinagtitinginan kami tapos may iba na magbubulungan habang nakatingin sa'min. Pinagtsitsismisan ba nila kami?
"Playboy eh." Narinig kong sabi nung lalaking nadaanan ko.
Medyo mahina yung pagkakasabi nya enough para hindi marinig ni Zoid. Pero rinig na rinig ko eh (>u<)
Pagpunta namin sa caf, sinasabayan ko lang si Zoid hanggang sa makapunta kami sa table ni....
ni Ostritch \( *v*)
Mag-isa lang sya sa table nya at panay ang silip sa cellphone nya. Nakatalikod sya sa'min kaya hindi pa nya alam na nandito kami.
Ang daming pagkain sa table nyaaa~ sya na matakaw!
Binatukan ko sya kaya mabilis syang tumalikod para harapin ako, itinaas yung kamay nya at inambahan ako ng suntok pero agad din namang kumalma nung nalamang ako yung nambatok sakanya.
"Ikaw pala yan, mahal kong bestfriend. Kala ko kung sino na eh." Umupo sya ng paharap sa'min. Yung hindi sya nakaharap sa table, reverse.
"Oo ako to! May balak ka pa nga akong sapakin eh."
"Hehehe~" Nag-shift yung tingin nya sa katabi kong si Zoid. "Pare!" At nagkamayan sila O____O
Kelan pa nagkasundo 'tong dalawang to? Yay! Naniniwala na talaga ako sa milagro.
Tinap ni Aldrich yung upuan na parang sinasabing umupo kami tapos inayos na nya ang pagkakaupo nya paharap sa lamesa.
Umupo naman ako sa tabi nya pero ang Playboy nyo itinulak ako ng mahina pa-leftside tapos sya ang umupo sa gitna namin ni Aldrich.
"Oy Ostritch, ang takaw mo! Penge ah!" Sabay hablot ko ng nova at chuckie.
Hindi naman sya sumagot dahil busy sya sa pagkalkal sa cellphone nya. Mukhang may ipapakita sya na kung anong file kay Zoid. Nakadungaw kasi si Zoid eh. Kung titignan, para silang magkaibigan.
Nilibot ko nalang yung tingin ko sa buong caf habang kumakain. Pansin ko lang, lahat sila mga nakatingin sa cellphone nila at tumatawa. Ang ingay tuloy dito sa cafeteria.
"Pft! Ahahahahahahahahaha!" Biglang tawa ng malakas ni Zoid, along with Aldrich habang nakatingin sila pareho sa cellphone ng bestfriend ko.
Hindi naman nakaagaw atensyon si Zoid kasi halos lahat talaga ng tao dito sa caf tumatawa. Ako lang ang hindi (>:<)" ano bang meron?
There, curiousity prompted me na makitingin sa kung ano yung pinagmamasdan ni Zoid at Aldrich sa cellphone kaya binaba ko muna yung nova sa table at lumapit sakanila.
Pero anak ng talong lang! Nung naramdaman ni Zoid na lumalapit ako sakanila para makitingin, tinakpan ba naman nya yung screen ng cellphone ni Aldrich gamit ang kamay nya!
"Bawal sa'yo 'to. Kumain ka nalang dyan," sabi nya sa'kin na parang pinagsasabihan ako.
"Hmp!" Nagpout ako at umayos na ng upo tapos pinagpatuloy ang pag-ubos ng nova. I took a sip sa chuckie tapos pinanood ang mga tao sa paligid na tumatawa.
Ano ba talagang meroooon?! Bakit hindi ako updated (>Ã-<)
Biglang nagkaroon ng commotion sa pagdating ni Clyde. Tumingin-tingin sya sa paligid na obviously may hinahanap. Nagsalubong kami ng tingin tapos naglakad sya palapit sa pwesto namin nang hindi umiiwas ng tingin.
Nung nakalapit na sya, biglang tumayo si Zoid at Aldrich sa harapan ko. Hinaharangan nila ko kay Clyde.
Feeling ko tuloy may phobia na ko sakanya.
"Problema mo?" Tanong ni Zoid.
"Ow! Nakawala ka na pala sa pagkakabihag. Ha ha! Nasaan na yung tali? Kinain mo?" Sarcastic na tanong ni Aldrich habang nagpipigil ng tawa. Mukhang alam ng mga tao dito kung anong ibig sabihin ni Aldrich kasi nagsitawanan sila.
Napayuko nalang tuloy si Clyde. Napahiya sya. Nakaramdam tuloy ako ng awa sakanya.
He looked at me again and managed a smile, "Zai, I just wanna say sorry. Nakainom kasi ako kaya ko nagawa yun---"
"Hindi dahilan yung nakainom ka!" Madiing sabi ni Zoid.
Tumango naman si Clyde at nagsabi ulit ng, "Sorry talaga. Kung gusto mo lumuhod pa ko para mapatawad mo ko." Malungkot na sabi nya.
"Ang drama naman nitong unggoy na 'to. Bading ka ba, ha? Sige nga, lumuhod ka. Picturan kita ulit." Bakit ba tawa ng tawa 'tong Ostritch na 'to?
Napansin kong nagsara yung mga palad ni Zoid at umamba na susugurin si Clyde kaya hinila ko yung damit nya sabay sabing, "Wag ka sabing makipag-away, diba?"
Tumahimik naman sya pero parang napamali ata ako. Iloloob ni Zoid yung galit nya so makakaapekto yun sa health condition nya.... argh!
Luluhod na si Clyde kaya tumayo na ako at nilapitan sya, "Wag na. Oo na. Pinapatawad na kita."
Pinigilan naman ako ni Aldrich. "Baliw ka na ba? Hindi biro yung ginawa nya sa'yo! Pa'no kung ulitin nya yun?" Tumingin sya kay Zoid. "Diba, pare?"
Tumango naman si Zoid habang ang sama ng tingin kay Clyde.
"Ano? Bubugbugin ko na ba? Kating-kati na kamay ko eh." Pinagtagpo ni Aldrich ng may tunog yung palad at kamao nya. "Ikaw!" Pagtawag nya kay Clyde. "Gusto mo durugin ko mukha mo? Gago ka eh! Ang manyak mo!"
Mukhang nasobrahan na sa pananalita si Aldrich kaya nagsalita si Clyde.
"Sino ka ba? Ano bang pakelam mo, ha? Si Zai ang pinunta ko at hindi ikaw! At anong tinawag mo sa'kin? Unggoy? Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo!"
"Talagang mahiya ka sa'kin dahil walang-wala ka sa kalikingkingan ko! At bakit ang lapit mo sa'kin, ha? Bading ka talaga, noh?"
Napikon si Clyde at tinulak ng malakas si Aldrich. "Sino kayang bading sa'ting dalawa? Ikaw nga 'tong nanghuhubad eh!"
I scowled at his statement. Si Aldrich? Nanghuhubad? Nagbulungan yung mga tao sa paligid.
"G*go! Bagay lang sa'yo yun! And ow men! Nakalimutan kong sabihin na nagtrending yung picture mo na yun. Yes! Nagtrending. Sikat ka na, pare! Yes!" Pumalakpak si Aldrich na may halong pang-aasar.
Tumingin-tingin si Clyde sa paligid tapos mukhang may na-realize. Na-realize nya siguro na kaya pinagtitinginan sya kanina ay dahil sa "picture". Ayun ata yung pinagtatawanan ng lahat.
Anong picture naman kaya yun?
"Fck you! Bakit mo ginawa yun, ha? Di ka pa ba kontento sa katarantaduhan ginawa mo sa'ki----"
"Wow! Kung makapagsalita ka parang ikaw yung biktima, ah!"
"Eh, ano bang pakelam mo, huh?"
"Bestfriend ko kaya yung ginawan mo ng katarantaduhan!" Galit na sabi ni Aldrich at mabilis na sinunggaban si Clyde tapos sinuntok ng malakas.
Nakarinig ako ng ilang tili at sigawan ng mga babae.
Naglakad ako para awatin si Aldrich pero huminto din at nilingon si Zoid. "Don't you dare!" I warned. Baka kasi maulit na naman yung nangyari kagabi.
Yung naawat ko nga si Aldrich pero si Zoid naman ang pumalit. At nung si Zoid ang naawat ko, si Aldrich ang pumalit.
Diba? Nakakaloko!
Natakot ako sa expression ni Aldrich ngayon. Kanina tawa sya ng tawa pero ngayon galit at the same time seryoso yung mukha nya.
Gumanti naman ng suntok si Clyde. At ayun na po, nagrambulan na sila.
Niyakap ko si Aldrich from behind at pilit na inilalayo kay Clyde. Kagabi pa yan nauulanan ng suntok -.- May iba na ring tumutulong sa'kin sa pag-awat kay Aldrich. Hindi na kasi makalaban si Clyde nakailalim na kasi sya kay Aldrich.
Finally! Naawat ko rin si Aldrich. Ang lakas nya sobra! Nahirapan ako sa pag-awat.
Minumura-mura nya si Clyde habang nagpupumiglas sa pagkakayakap ko sakanya. Oo, niyayakap ko na sya para hindi nakawala. Parang leon eh >__< Ganito ba talaga magalit yung mga lalaki? Panay pa ang mura. Tch.
Nilapitan ni Zoid si Clyde at tinulungang makatayo. Natuwa naman ako sa ginawa nya. Pero nagkamali ako. Nagkamali ako dahil hindi nya inalalayang makatayo si Clyde para tulungan.
Bakit?
Simple lang. Hinawakan nya sa collar si Clyde at hinila palapit kat Aldrich. Kaya ayun! Parang leong kumawala sa yakap ko si Aldrich at nagrambulan na naman po sila.
Maya-maya,
*PRRRRRT*
Patay kayong dalawa -.-
Dumating kasi yung kagalang-galang, strikto at super duper terror na disciplinary president.
"At anong kaguluhan ang nangyayari?" Sabi nya na parang nag-i-speech sa sona.
"Naglalambingan lang po kami, ma'am." Sagot ni Aldrich.
"Anong naglalambingan?" Piningot nya yung tenga ni Aldrich.
"Araaaay ko ma'am! Araaaaay masakiiiit poooo~!"
"Talagang masakit yan! Mga college na kayo pero kung umasta kayo para pa rin kayong elementary!"
"Ma'am, tama naaaa!"
Sumunod naman si Ma'am. Naawa ata kasi ang pula-pula na ng tenga ni Aldrich. Ayan kasi!
"Ma'am, ayan oh!" Tinuro nya si Clyde. "Ayang baklang yan yung pingutin nyo."
"Okay," sabi nya at naglakad palapit kay Clyde tapos sya naman ang piningot sa tenga.
"Aray ko, ma'am! Nabugbog na nga pinipingot nyo pa. Ma'am, tama na po pleeeeease!"
Tumingin ako kay Zoid na katabi ko tapos siniko ko sya kaya napatingin sya sa'kin.
"Bakit mo nilapit si Clyde kanina? Nagrambulan na naman tuloy."
"Ayaw mo kong makipag-away edi nilapit ko nalang sya kay Aldrich para sya na ang gumulpi sakanya." He pointed out the tumingin na ulit kila Aldrich.
Grabe lang! Parang naghagis lang sya ng kawawang pusa sa nagwawalang aso.
Tumingin si Aldrich sa wristwatch nyang basag na. Sa pagkakaalam.ko, kakabili nya lang nyan eh.
"Sht! Late na ko." He murmured.
"Kayong dalawa! Sumama kayo sa'kin." Sabi ni ma'am.
"May klase pa po ako."
"Weh? Maniwala?"
"Opo, promise!" Inangat pa nya yung kanang kamay nya na parang nagpapanatang makabayan.
"Oh sya! Pasalamat kayo at mabait ako. Pumunta na kayo kung saan yung mga building nyo." Sabi pa nya sa dalawa.
"Talaga po, ma'am? Hindi nyo na kami idi-detent?" Hopeful na tanong ni Aldrich.
"HINDI! Pupunta pa rin kayo after your class. At kapag hindi kayo pumunta," ngumisi sya ng sobrang nakakatakot. "Alam nyo na. UNDERSTAND?"
"O-OPO!" Todo tangong sagot nung dalawa.
"Owkay. Makakaalis na ko." Nagflip si ma'am ng hair bago umexit na parang sundalo.
"Pakshet ang sakit ng tenga ko." Pagrereklamo ni Aldrich habang hinihimas yung namumula nyang tenga. "Mas masakit pa pumingot si Ma'am kaysa sa suntok ng baklang 'to eh."
"Anong sabi mo?!" Galit na tanong ni Clyde.
"Sabi ko, mas mahinhin ka pa sa babae kung sumuntok! Bading ka kasi, diba?"
"Mas okay ng maging bading kaysa naman sa'yo budoy! Ah budoy budoy budoy budoy!"
Gamit ang isang kamay, hinila ko na si Aldrich. Mahirap na baka magkaroon ng round three. Tapos gamit naman yung kabila, ipinanghila ko kay Zoid. Pasama kasi ng pasama yung tingin nya kay Clyde at kanina ko pa yun napapansin kaya nga tumabi ako sakanya kanina.
Ano ba naman 'tong mga 'to =___=
"Eat a damn shit, you son of a bitch! So di mo talaga tinangging bading ka? Bakla ka talaga tanga! Sali-sali din sa pogay pag may time! Ay, hindi ka pala qualified dun. Ang tinatanggap kasi nila ay yung mga gwapong bading. Wala ka kasing gwapo. Ang meron lang sa'yo, BADING! PAKYU KA, CLYDE! SAGAD!" Sigaw ni Aldrich habang hila-hila ko silang dalawa palabas ng caf.
Lahat pa rin ng estudyante pinapanood kami. Pero potek! Ang hirap hilahin ni Aldrich ah! Super pahirapan. Mabuti pa si Zoid nagpapadala sa agos. Hahahaha
Hindi pa kami tuluyang nakakalabas, may pahabol na sinabi si Clyde.
"FCK YOU MORE!" Nagdirty finger sya kay Aldrich tapos tumingin sa'kin. "Zailie, totoo yung sinabi ko na gusto kita. Gustong-gusto talaga kita! I really do like to bed you."
Nanlaki yung mga mata ko at the same time nagpintig yung pandinig ko.
Nalaman ko nalang na nagwawala na naman si Aldrich kaya tinulungan ako ni Zoid na hilahin sya palabas.
Potek! Pwedeng bumalik sa loob tapos ako naman ang bubugbog sa taong yun?
Aish! Next time na nga lang! May araw rin sa'kin yung mokong na yun! Mas kailangan kong intindihin muna itong bestfriend ko na kanina pa nagwawala.
"Payagan nyo nga akong makapasok ulit sa loob! Pota papatayin ko na yung lokong yun!" Nagwawalang sabi nya at nagpupumilit na makapasok ulit sa loob.
Tinutulungan naman ako ni Zoid para pigilan sya.
"Ano ba, Aldrich?! Gusto mo bang madagdagan yang kaso mo?"
"Wala akong pake! Maparusahan na kung mapaparusahan basta gusto kong lumpuhin yung gagong manyakis na yun! Pota nanggigigil ako." Hindi sya mapakali sa kinatatayuan nya at halatang gustong-gusto na namang sumugod ng nagwawalang aso ang kawawang puso.
Hindi sya kawawang pusa! Argh! Nakakainis talaga sya!
Binabawi ko na yung sinabi kong pinapatawad ko sya! Kadiri sya, argh!
"Bibili lang ako ng malamig na tubig. Ang init ng ulo ni pare eh." Sabi ni Zoid.
"Ayan, Ostritch oh! Gayahin mo siya," tumingin ako saglit kay Zoid. "Cool lang. Wag ka ngang highblood dyan."
"Oo nga, pare. Chill ka lang." Ngumisi si Zoid sakanya habang nakangiti.
Eto na naman sila. Nag-uusap na naman gamit ang mga ngising yun. Enebe! Di nga sabi ako maka-relate eh!
"Sige. Bibili lang ako." Nginitian nya ko bago tumalikod at bumalik sa loob.
Pinanood ko sya hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.
"Naniwala ka naman na bibili nga talaga yun ng tubig." Biglang sabi ni Aldrich. Sumandal sya sa wall at nagcross arms.
Napaisip ako sa sinabi nya hanggang sa nakarinig ako ng sigawan na nanggagaling sa loob ng cafeteria.
Oh men! Sabi na eh! May ibig sabihin talaga yung ngisi nya kanina. Tsk.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pero nilingon ko ulit si Aldrich. "Utang na loob lang wag ka ng sumunod pa sa loob." Pakikiusap ko sakanya.
"Okay. Okay." He said, holding up his hands na parang sumusuko. "Basta wag lang akong mabo-bore dito sa kinatatayuan ko."
"Oo na. Bibilisan ko." Mabilis kong sabi tsaka tumakbo papasok at sumingit sa spot kung saan may mga nagkukumpulan.
Napatakip ako ng bibig dahil nasaksihan ko kung paano sipain ni Zoid si Clyde sa bandang tyan. Nakatayo si Zoid tapos nakahiga na sa sahig si Clyde.
Yumuko sya at kinwelyuhan si Clyde at mukhang susuntukin na nya sa mukha kaya agad akong lumapit sakanya at hinawakan sya sa kamay.
"Tama na." Pag-awat ko sakanya. Hinawi nya lang ng malakas yung kamay ko tapos tinuloy ang gagawin nya kay Zoid.
Naiinis ako kay Clyde pero hindi ko maiwasang maawa sakanya. Ang dami na kasing pasa at dugo sa mukha nya. Pati yung uniform nya nabahiran na ng dugo.
One more thing, ayokong nakikitang ganito si Zoid. Ayokong nagiging brutal sya kaya niyakap ko na sya ng patalikod. "Please, tama na." Lalo ko pang hinigpitan yung yakap sakanya.
Naramdaman kong huminto na sya at umayos ng pagkakatayo. "Isang beses ko lang na makitang malapit ka kay Zai hindi lang lang yan ang aabutin mo." Tinanggal nya yung braso kong nakapulupot sa waist nya para hawakan ang kamay ko at hilahin ako palabas.
Naabutan namin si Aldrich na nakasandal pa rin sa wall pero nakapamulsa na.
"Ano, pare? Napuruhan mo ba?" Tanong ni Aldrich habang nakangiting nakakaloko.
Paglapit ko sakanya, sinabunutan ko sya using my free hand. "Late ka na sa klase mo, diba?"
"Ah sht! Oo nga pala. Sige, alis na ko. Good job, pare!" Natatawang sabi nya bago tumalikod at magsimulang maglakad.
Maya-maya, nilingon nya ulit kami ni Zoid para sabihing, "Naubos yung lipstick mo, mahal kong bestfriend eh. Papalitan ko nalang." Tumatawa pa sya habang sinasabi yan pati si Zoid tumatawa.
Enebeyen! Kaninang kanina pa ko hindi maka-relate ha!
Bigla syang napahinto sa pagtawa nang mapansin ang magkahawak naming kamay ni Zoid.
Nag-tsk sya ta tuluyan nang umalis.
***
Wala na kong klase pero nasa loob pa rin kami ng univeristy. Specifically, sa garden. Hinila ko ni Zoid dito eh. Gusto nya daw matulog at kailangan nya daw ng unan.
Kelan pa ko naging unan?
Nakaupo ako sa damuhan habang sya nakaunan sa lap ko. Hindi pa sya natutulog at kasalukuyang nilalaro yung mga daliri ko.
"Ano yung tinatawanan nyo kanina?" Tanong ko pero sinagot nya lang ako ng isang malakas na tawa.
"Hahahahahahahaha!" Tawa sya ng tawa habang nakahiga.
Pinanood ko nalang syang tumawa ng carefree. Ganda ng view! Heaven!
Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa tumigil na sya sa pagtawa. Tinitigan nya yung mukha ko. Eye to eye. Nakakailang pero ang sarap sa feeling.
"Alam mo bang gusto kong pumatay kapag nababastos ka? Kaya sorry kung hindi kita nasunod kanina. Di ko mapigilang hindi saktan yung unggoy na yun eh." He said, lightly stroking my cheek with his finger.
"Naiintindihan kita. Maski nga ako gustong-gusto ko syang sakalin pero mas iniisip ko kayong dalawa kaya next time nalang yun."
Natawa sya sa sinabi kong next time nalang.
"Itutulog ko nalang yung galit ko." Sabi nya atsaka pumikit.
Ako rin. Itutulog ko nalang din ang galit ko.