Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 74 - Chapter 11: The PLAN B

Chapter 74 - Chapter 11: The PLAN B

The day after nung birthday ni Zoid, umuwi na kami ni Aldrich. Actually, may two days pa bago matapos ang two weeks vacation namin sa beach resort na yun but I insist Aldrich na umuwi nalang kami.

Isang malaking disappointment at the same time PAIN yung pagkaka-describe nung emcee kay Chelsea as HIS special girl.

But before that night end, nagkaayos kami nila Yat.

*sniffs*

Hindi ko nalang iki-kwento ang buong pangyayari kasi sobrang madrama but because I all love you, bibigyan ko nalang kayo ng summary and it goes like this;

Pinilit ko si Zoid na bumalik na sa loob ng hotel kahit na ayoko. Why? Ofcourse! Marami na ang naghahanap sakanya sa loob. And besides, gusto kong mapag-isa muna.

Pag-alis nya, bigla nalang may nagsalita galing sa likuran ko.

"Ang pangit mo talagang umiyak kahit kelan."

Napakagat labi nalang ako at humagulgol ng iyak.

It's my first girl bestfriend's voice.

How I longed to her 'medyo-maagas' voice. Ilang buwan na ba ang nakalipas nung huli kaming mag-usap?

"Duh? Kahit naman di sya umiyak, di pa rin sya maganda!"

"Bakit? Kasi ikaw lang maganda?"

"Absolutely right and ikaw lang ang prevert."

"What the---"

"Hold it and just accept."

"Away na naman kayo. Hihihi. Mabuti pa kami ni baby ko."

"Cute mo."

I giggled kasi kahit nakatalikod ako, naiimagine ko ang mga pinaggagagawa nila.

Maya-maya, nakaramdam nalang ako ng yakap mula sa likuran.

"Zai, we're sorry." Boses ni Yat at lalo akong naiyak.

Enebe! Kanina pa ko iyak ng iyak dito.

"We didn't betray you. We are just keeping a secret for your own good." Chloe

"Love ka naming lahat, Zai." Sophi

And then pinalibutan nila ako ng yakap.

"Zailie, sorry na." Dwayne

"Mahal na mahal ka namin. . . lalo na yung maboy mo." Ceejay

Sa mga nangyari, hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi nya.

And the rest was so dramatic. Tinanong ko si Yat kung bakit wala si VJ and ang sagot nya ay, "Kino-comfort. . . este sinamahan si birthday boy."

So ayun, days went on hanggang sa nagstart na ang second sem. Masyadong usap-usapan yung birthday party ni Zoid sa buong academy at ang pinakaayaw ko sa trending topics nila ay yung binigyan daw ni Chelsea si Zoid ng isang sweet birthday kiss after magblow ng candle.

And they were like,

"They're sweet!"

"Baka malaman nalang natin one day na engaged na sila."

Oh yeah! What a nice sentence on my precious ears.

Vacant ko ngayon at kasama ko sila Yat. Balik sa dating gawi.

"Forgive and forget"

Ayan ang ginawa ko because they are my real friends at dahil sa mga sinabi nila nung birthday ni Zoid, I know there is something kaya nagawa nila yon.

"GiiiiiiiiRL!" Sigaw ni Red mula sa malayo habang tumatakbo palapit sa pwesto namin.

Lahat tuloy napatingin sakanila =____=

"Here comes the weirds." Pairap na sabi ni Chloe at nagbasa ng libro about business math. "It's so difficult naman. Dwayne, paturo naman."

"Sa'kin di ka magpapaturo? Magaling ako dyan." VJ

"No, thanks. Yat told us how you hate math!"

Bigla namang namula si Yat, "W-wala akong sinabing ganun, ah!" Pagdepensa nya.

"Ikaw talaga, labs. Kapag nag-oopen ka ng topic sakanila, ako yun?" Nang-aasar na sabi nya at inakbayan si Yat.

"Di nga!"

Yiiie... di nya inalis yung pagkakaakbay ni VJ sakanya (\^__^)

"Kay Ceejay ka nalang magpaturo. Di ko pa tapos turuan 'tong si baby." Ginulo nya yung buhok ni Sophi at hinalikan sa noo.

Sweet.

Bigla ko tuloy naalala yung times na ginagawa sa'kin yun ni Zoid :<

"Dyan ka nalang kay Ceejay magpaturo. Classmate ko yan nung fourth year at dyan ako madalas mangopya este magpaturo. Hihihi."

Akmang magsasalita na si Chloe pero inunahan sya ni Ceejay, "Kiss muna." He puckered his lips then closed his eyes.

"Mamaya." Iniangat nya yung libro hanggang sa matakpan na yung mukha nya.

Tss. I knew it! She was grinning and she was hiding it.

"Sabi mo yan, ah? Gusto ko yung matagal." Nakangising sabi ni Ceejay.

"Hoy!"

Ay palaka! Ito na ata ang the best timing ni Red sa panggugulat.

"Tara, may pag-uusapan tayo about kay Playboy." Vi

"Wait, wait, wait. What does that "may pag-uusapan tayo about kay Playboy" thingy?" Chloe asked, raising an eyebrow.

"Our plan A failed kasi and----" Pink

"Plan A? About saan?" Nagtatakang tanong ni Sophi.

"How to attract a playboy named Zoid Louie Lee." Red

Ugh >,<

Tinignan nila ko ng napakamakahulugang tingin kaya naman napayuko ako at kinagat ang ibabang labi.

Nagiging hobby ko na ata to >___<

"Nice one! Mahal na mahal si Zoid." Sabi ni Dwayne habang nagsusulat sa notebook ni Sophi. "Eto baby, importante yang mga formula na yan. Dapat kabisaduhin mo para alam mo kung paano iso-solve yung problem."

"Grabe! Dinadamay nyo pa si Zai sa kabaliwan nyo." Yat

"Hindi yun kabaliwan!" Halos sabay-sabay na sabi namin ng VPR.

"Whatever!" Chloe

"Sige na. Isama nyo na yan. Sabihin nyo lang kung may maitutulog ako dyan sa how to attract a playboy thingy na yan. Suportado ko kayo dyan." VJ said smiling then winked.

***

"Mission failed tayo >___<" Vi

"Ayaw na kasi sa'kin ni Zoid."

"Di, ah! Nakita kaya namin yung nangyari sainyo nung birthday ni Zoid. Yayakapin ka ba nya ng ganun kahigpit kung talagang wala na syang feelings sa'yo?" Pagpapaliwanag ni Vi.

"Tama na ang satsat. Let's now open up the Plan B." Pink

Nakaupo kami sa bilog na wooden bench.

"Hohoho (~ *_*) tagal kong inantay to!" Red

"Ano ba yun?"

"Step no.1 make him jealous." Said Pink. Magsasalita na sana ako pero tinaas nya yung kanang kamay nya para pigilan ang binabalak ko. "We have to make him jealous for us to make sure he still loves you." She added.

"Tomo! Hindi naman sya magseselos kung hindi ka na nya mahal." Vi

"Pa'no kung hindi magselos?" Tanong ko.

"Magseselos yan. Tiwala lang." Sabi ni Red habang pinaglalaruan yung dulo ng buhok ko. "Ang ganda naman ng hair mo, girl. Walang split ends."

Yung totoo? Ang iksi na nga ng buhok ko magkaka-split ends pa? Haha.

"And kapag nagselos sya, isasagawa natin ang step number two." Pink stated that made Red felt so excited.

"Oh my! Oh my! That is sooo exciting! Yung step number two ang pinakapaborito ko sa lahat! Ahohoho!"

"Ano ba yung step number two?"

Nagtinginan muna silang tatlo bago sumagot ng sabay-sabay. "ASK HIM FOR A SEX."

O____O

"WHAAAAAAAAT?!"

Good thing at napakainit ngayon kaya kami lang ang nakatambay. Nakakahiya kasi kapag may nakarinig.

"Grabe naman yang step number two na yan! Sino ba nag-isip nyan, huh?! Kayo ba?!"

Nagtinginan ulit sila bago umiling-iling.

"Hindi kami nag-isip nitong Plan B na ito including yung steps sa how to attract a Playboy. Nagpatulong lang kami kay...." tumingin muna si Vi kay Red at Pink na parang nagpapaalam kung pwedeng sabihin kung sino.

"Wag, bakla! Lagot tayo nyan. Wag nga daw sabihin eh." Bulong ni Red.

Pero hello!

Katabi ko si Red sa kaliwa at si Pink ang nasa kanan ko na katabi naman ni Vi. Bago marinig ni Vi ang mga sinasabi nya dun, dadaan muna yun sa'kin at kay Pink.

Haaaay. Talaga naman. Tsk. Tsk. Tsk. (-.-)

"Pa'no kapag pumayag? Ibig sabihin ba nun..."

Bye bye V-card na? 

(>___<)

"Gaga!" Red

Aray. Na-gaga pa ko.

"You will just ask him for a toot not because you'll do 'it'. But because to test him." Pink

"Ang gulo >___< bakit kailangan tanungin ko pa ng ganun? Eh, make him jealous na nga yung first step, diba?"

"Ganito kasi yun, bakla. Kapag mission accomplish ang ating step one, kailangan natin ng kahit na napakaliit na clue para malaman kung bakit sya nakipag-break sa'yo eh mahal ka pa nga nya." Red

"And according sa babaeng gumawa nito, baka daw gusto ni Zoid na mag-toot kayo pero ayaw mo." Pink

"Di sya ganun!" Pagtatanggol ko kay Zoid.

"Malalaman natin yan kapag ginawa mo na ang step two." Vi

"Kapag pumayag sya, sipain mo yung etits nya. Pero kapag humindi sya, kiligin ka. Ibig sabihin nun, mahal na mahaaaaal at nirerespeto ka nya. And kung ganun, may malalim siguro na dahilan kung bakit sya nakipag-break sa'yo." Pink added.

"Pero paano ko gagawin yun?"

Sabay-sabay silang ngumisi at sinabing, "Leave that to us."

Related Books

Popular novel hashtag