Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 75 - Chapter 12: Jealous? Respect?

Chapter 75 - Chapter 12: Jealous? Respect?

A feeling of jealous and a respect... shows no other but LOVE.

"Fighting, bakla! Go with the flow lang." Pag-e-encourage sa'kin ni Red bago nila ko iniwan.

Dinala nila ako sa isang restaurant na hindi ko alam ang pangalan. Di ko na nagawang tignan kanina sa labas dahil hinihila nila ako papasok. Pero ganun pa man, alam kong mamahalin ang restaurant na ito dahil bawat table ay pang-VIP na kung iko-compare sa ibang restaurant na napuntahan ko na. Pink round shaped tables with U-shaped sky blue couches.

Yung uniform ng mga waitress ay parang nagko-cosplay.

Anong ginagawa ko dito? Blame VPR -.-

According to them, pupunta din daw si Clyde dito and come what may kung ano ang mangyari.

"Hi!"

Andito na pala si Clyde.

Naka-uniform pa rin sya gaya ko.

"Kanina ka pa ba? Sorry, ah? You should have ask me too early para hindi na ko pumasok sa last subject ko. But it's okay anyway. Atleast kasabay kitang kumain ngayon." Nakangiti nyang sabi at umupo sa tabi ko instead na sa tapat ko.

Wait a minute, ano daw? I should have ask him too early para hindi na nya pinasukan yung last subject nya?

Err. Kaya pala hiniram ni Pink yung phone ko kanina. Tinext siguro nila si Clyde >o<

"Di, okay lang besides kadarating ko lang din." I said, smiling back at him though I was cursing VPR deep inside me.

"Ah," sagot nya habang nakangiti at pinagmamasdan ang mukha ko.

Nakakailang >___<

"Uhm. . . ano. . . uh. . . order na tayo?" Bigla kong sabi at mabilis na hinablot mula sa table yung menu card, iniangat hanggang sa matakpan nito yung mukha ko.

"Surething," he stretched out to reach the other menu card.

Hmmm... no wonder japanese restaurant ito dahil mga japanese food ang nasa menu. Bigla ko tuloy naalala yung hapon kong bestfriend. Haha! Madala nga sya dito minsan (\*__*)

Nung nakapili na kami, may pinindot si Clyde na pink button sa bandang arm rest ng couch.

"Para san yan?" Parang mangyan na tanong ko.

"Ito ba?" Tinuro nya yung button na pinindot nya kanina. I nodded. "Pangtawag sa mga waitress."

"Ah," I nodded slightly and maya-maya lang ay dumating na yung waitress.

Walang waiter, puro waitress lang.

Nung nakuha na nya yung mga order namin, umalis na sya at kasabay nun ang pagdating ng VPR na kalakaladkad si Zoid. Sobrang annoyed yung itsura ni Zoid habang nagpapahatak sa tatlo.

May kinikwento si Clyde pero hindi ko naman maintindihan dahil pinagmamasdan ko si Zoid until our gazes met. His gaze slid at Clyde na hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin. Nagsalubong yung mga kilay nya at tumingin ulit sa'kin. Isang nakakatakot na tingin >___<

And because of that, umayos ako ng upo at nagfocus sa story telling ni Clyde.

"Diba?" I gasped nung bigla akong tinanong ng ganyan ni Clyde.

"Ah! Oo kaya! Tama!" Exagge na sagot ko. He frowned for a moment then nagkwento ulit.

Hinanap ko sila Zoid at nakita syang nakatingin sa'min ni Clyde sa di kalayuan sa table namin.

Magkakatabi ang VPR at sya lang mag-isang nakaupo across them.

Make him jealous.

Make him jealous.

Ugh >.< nakakaloko na!

Parang nagkakasala na tuloy ako kay Clyde. It was like we were using him to make Zoid jealous.

Enebeyen [=___=]

Ah, tama! Iisipin ko nalang, isang friendly date ito. Isasantabi ko muna yung first step ng Plan B.

Act normal, Zai!

Friends naman kayo nyan ni Clyde eh.

"Here's your orders beautiful creatures." Waitress muttered, smiling sweetly.

Isa-isa nyang nilagay yung mga order namin sa table at habang ginagawa nya yun, sumisimple ako ng tingin kay Zoid.

Hawak nya yung phone nya at halatang nagti-text.

My phone suddenly vibrated.

3 new messages received

From: bespreng ostritch 

Mahal ko umuwi knb? Iniwan mko :(

I mentally giggled. Bakit kaya ang isip bata ng ostritch na to sa text o kaya naman sa phone call? Ibang-iba kapag sa personal.

Mareplyan nga muna.

To: bespreng ostritch 

Haha d pko umuuwi :p secret kung nasaan ako ;3 ipupunta kta dto kpag may free time tau :)))))

After kong isend, binasa ko pa yung ibang text messages.

From: Vi 

Make him jealous girl ^___^ andto lang kmi pra umawat once na sapakin yan ng maboy mo hahaha :DD

Tss. Mga baliw lang.

Nireplyan ko lang sya ng "bleeeh" and then binasa na yung isa pang message.

From: maboy/louie ko 

HOY! BAKIT MAY KASAMA KANG UNGGOY? UMUWI KA NA! IWAN MO NA YANG UNGGOY NA YAN!!!!!

Pfttt. Tumingin ako sa direksyon nya kaso epic. Nakaharang yung waitress na naglilista sa pink notepad ng mga orders nila.

"Let's eat." Clyde uttered, dragging me back.

"Oh-kay."

Alam nyo yung tipong nararamdaman nyo kapag may nakatitig sa'yo? Ganun yung nararamdaman ko habang kumakain kaya hindi ako masyadong makakain ng maayos.

Mapapatingin ako kung nasaan si Zoid tapos biglang iiwas ng tingin at tutunggain yung iced tea ko. Nakakanerbyos naman kasi yung tingin nya.

May time nga na yung iced tea ni Clyde yung nainom ko. Hindi naman sya nagalit. Ngumiti pa nga eh.

"Zai, may ano..." tinuro nya yung gilid ng lips nya.

"Huh?" Tinitigan yung gilid ng lips nya kung saan yung tinuturo nya. "Wala namang dumi, ah?"

He chuckled, "Hindi." Tinuro na naman nya yung gilid ng lips nya.

I scowled at his gesture.

"Eto oh,"

Nagulat nalang ako ng dahan-dahan syang naglean forward. Napapaatras na nga ako sa kinauupuan ko hanggang sa mabunggo na ng likod ko yung glass wall.

Nilapit pa nya yung mukha nya hanggang sa napapikit ako.

I heard him chuckled again and his finger gently touched the side of my lips.

"Engot mo talaga, Zai! Kung anu-anong iniisip mo." Sabi ko sa isip ko.

Sakto namang pagdilat ng mga mata ko, nalaman ko nalang na wala na sa couch si Clyde. Kundi, nasa sahig na.

What the!

Halos lahat ng tao nakatingin sa pwesto namin.

Pinunasan ni Clyde yung gilid ng labi nya na may dugo, "Bakit na naman ba, huh, pare? Wala na naman kayo, diba?"

Lalong dumilim yung aura ni Zoid at nakita kong sinara nya ng madiin yung mga palad nya.

Tumingin sya sa'kin at nilapitan ako saka hinablot yung wrist ko at hinila patayo.

"Ano ba! Wait nga lang!" Pagrereklamo ko.

Kasi naman po hindi ko pa naayos sa pagkakasukbit yung bag ko, kinakaladkad na ko.

Bago pa kami tuluyang makalabas ng restaurant, nakita kong sinusundan na kami nung VPR.

Hinayaan ko syang kaladkarin ako kahit na nasasaktan ako sa higpit ng gasp nya sa wrist ko.

Bakit ba hilig ng lalaking to ang mangaladkad kapag nagagalit?!

Pagkarating namin sa parking lot binitawan na nya ko. Kami lang ang tao kaya makakapag-usap kami ng maayos nito. Maayos nga ba?

"Hindi mo naman boyfriend yung unggoy na yun, diba? DIBA?!" Bahagya akong napaatras dahil sumigaw sya. Hinawakan nya yung dalawa kong balikat. "THEN WHY THE FCK YOU'RE GOING OUT WITH THAT RETARD MONKEY . . . and . . . and letting him kiss you?" Mula sa galit na boses, naging tonong nagtatampo more like. . .

Tinaggal ko yung dalawa nyang kamay sa balikat ko, "Nagseselos ka ba?" And I can't help myself from grinning.

His expression turned into amused rather than embarassing. "Pa'no kung sabihin kong OO?" He smirked.

Crap this guy. Ang bilis magbago ng mood.

"Yun naman pala eh. Then why did you always refuse my offer to be one of your girlfriends?"

"Napag-usapan na natin yan, diba?" Nagbago na naman ang mood nya. Langyang mood swings ng lalaking to.

"Pero---"

"As I repeat, you don't deserve to be treated like that."

"And Chelsea does?"

Hindi sya sumagot. "Alis na ko." Tumalikod na sya and took a few steps but I said something that made him stopped.

"Let's have..... a sex."

This! Nasabi ko na. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sabihin ang mga salitang yan >___<

Papayag ba sya? Baka OO. Kahit anong gawin natin, lalake pa rin yan.

Pero sabi nga ni Pink, sipain ko daw sya sa etits nya kapag pumayag sya. It means na wala syang respeto sa'kin.

Waaa~ ang sakit naman kapag wala syang respeto sa'kin ;(

Matagal bago sya umikot paharap sa'kin. "What the . . . this is so unbelievable!" Napasabunot sya sa buhok nya because of frustration.

Naglakad sya palapit sa'kin. Sobrang lapit. Yung tipong nakayuko sya sa'kin at ako naman ay nakatingala sakanya.

"Why are you asking me for a shit?"

"Wala lang. Ayaw mo kasing pumayag na maging girlfriend mo ko eh. Edi ... nalang tayo. Wag kang mag-alala, I make sure to you na hindi ako boring sa kama-----"

"STOP IT!"

Again, medyo napaatras na naman ako sa pagsigaw nya.

"Why the hell were you thinking? Don't you dare ask that shit to whoever guy 'coz I am pretty sure you won't like what I might do to whoever that guy is. Understand?"

Hindi ako agad nakapagreact. Hindi sya pumayag? Ibig sabihin....

Yes! Nirerespeto nya ko! Waaaah~ kinikilig nga ako! Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

"UNDERSTAND?!"

Ay potek! Hoy Zai, understand daw!

"Ano . . . o . . .oo! I . . . I understand!" Nabubulol na pagsang-ayon ko.

Tumalikod na sya at akmang aalis na kaya naman bigla kong syang nilapitan at niyakap patalikod.

"Hindi na ba," I paused for a moment. Kanina ang saya-saya ko pero ngayon naiiyak na naman ako. "Hindi na ba natin mababalik yung dati? Miss na miss na kita." I closed my eyes, letting my tears to fell as I hugged him tighter.

We stayed at that position until his phone rang.

"Yes, hello?" Naramdaman kong huminga sya ng malalim. "Okay. Okay." After he hung up, he took the phone back at his pants pocket.

"Kailangan kong puntahan si Chelsea." Mahinang sabi nya.

Hinigpitan ko pa lalo yung pagkakayakap sakanya. Ayokong iwan na naman nya ko.

"Wag mo kong iwan. Please." Kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.

Instead of answering, inalis nya yung mga braso kong nasa bandang tyan nya.

"Sorry," mahinang sabi nya nang nakatalikod at nagsimula ng maglakad paalis.

And that really means he more cared about Chelsea than I.

"Zai," inabutan ako ng panyo ni Pink.

Tinanggap ko naman yun at pinunas sa mukha ko.

"We saw the whole scene. He still loves you. Gusto mo manghingi pa kami ng other steps kay PekengKyoot?" Sabi pa nya.

"Oo nga. About naman sa kung paano mapapaamin si Zoid what his real reasons for your break up." Vi

"O kaya naman ay about kung paano pikutin ang Playboy."

Napatingin kaming lahat kay Red.

"Uhh, may mali ba sa suggestion ko?" Tanong nya.

"Wag na. Itigil na natin to."

"But why?" Sabay sabay na tanong nila.

"Wala rin namang mangyayari. Hindi pwede na ako lang ang may gusto na magkabalikan kami. Dapat sya din at kahit anong gawin nating steps, kung ayaw naman nya, wala rin. Besides, kung mahal nga nya talaga ako, kahit wala tayong oplan na gawin, sya na mismo ang gagawa ng paraan." I explained.

Tumango-tango naman sila.

"So, susuko ka na?" Vi

"Not really. Magpapahinga lang siguro."

"Oh gosh! Wag, Zai! Mahal ka pa nam----" Hindi na nya natuloy yung sasabihin nya dahil binatukan na sya ni Pink.

"Oa ka, Red!"

Hinayaan ko nalang na mag-away silang dalawa.

Makaka-move on din ako sa'yo, Zoid.

Sana nga.