Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 70 - Chapter 7: A special shirt

Chapter 70 - Chapter 7: A special shirt

"ANO? WALA KANG DALA?" Red

Ang lakas ng boses nya.

Nandito kami sa kwarto nilang tatlo. Nagri-ready para sa beach. Yung iba mga nag-eenjoy na doon pero kami may discussion pang nagaganap.

"Resort tailed by the word swimming! Bakit wala kang dala?" Vi

Napailing nalang silang tatlo.

"Mabuti nalang girl scout kami. We brought you something!" Pink

Kanya-kanya sila ng alis sa kama at kinuha yung mga bag nila tapos bumalik.

"A Pink bikini!" (*O*)

"A violet two piece for you, girl!"

"A red top!"

"TOP LANG?"

"Kekeke. Ito lang nadala ko na color red aside sa swim wear ko eh."

"Oh well, wear this one, Zai." Vi

"No! Mas bagay sa'yo ang Pink!"

"Ito nalang." Red

"Top lang? Duh? Ikaw nalang magsuot nyan." Sabi ni Pink kay Red.

"Wala na bang iba?"

"Ako! Marami akong dala!" Tinaktak ni Red yung bag nya at nahulog sa kama nya lahat ng laman.

Puro bikinis >…<

"Wow. Ang dami." Vi

"Hihihi. Masyado kasi akong na-excite kaya ayan! Ang dami kong binili. Mwehehe~ Zai, pili ka na. Bago lahat yan."

Pinili ko yung color blue.

"Wow!" (*____*) sabay sabay na sabi nung tatlo paglabas ko ng cr.

"Naiilang ako sa ganitong suot. Ayokong bumaba >___< kayo nalang mag-swimming."

Oo, nakapagsuot na ko ng swim wear nung birthday ko. Pero nakasuot naman ako ng shorts nung time na yun. At konti lang ang mga tao. More on girls pa nga eh.

"Gaga! Sexy mo nga eh. Yiiie~ magpapatalo ka ba sa mga babae ni Zoid?" Vi

"Magsuot ka nalang muna nito." Inabot sa'kin ni Red yung cover. Sinuot ko naman yun.

"Perfect! Let's go na." Pink

Wala na kong magawa kasi kinaladkad na nila ako.

"Ow my geeeeee! Ang daming hotties! Kyaaaaah~"

Lumingon-lingon ako sa paligid hoping na makikita ko si Zoid.

"There your bestfriend oh!"

Lumingon ako kung saan may tinuturo si Pink at nakita ko si Aldrich na naka-beach shorts lang at walang top. Yeboy! Silaw na silaw ang mga kababaihan sa abs nya. Ang daming babae ang kumikinang yung mga mata habang pinapanood syang maglaro ng freesbi. Pati ako napapatitig >…<

"OMG! AYUN SI ZOID! AYUN SI ZOID! KYAAAAH!" Naghysterical na yung tatlo at tumakbo palapit kay Zoid.

Shemz! Ang hot nya!

Nakakainis lang kasi ang daming babae ang nakapalibot sakanya >___< dumagdag pa yung tatlo.

Teka nga!

Akala ko ba gusto nilang maging kami ulit ni Zoid? Tss.

Naglakad ako at humiga sa bakanteng sun lounger.

Maya-maya, dumating si Chelsea. Litaw ang kasexyhan nya sa floral two-piece. Nginitian nya yung mga babaeng kasama ni Zoid though ang sasama nung tingin sakanya ng mga yun, kasama yung tatlo.

Bilib din ako sa babaeng to. Nagtitiis sya kahit Playboy si Zoid. Haaaay. Ikaw na gwapo, Zoid! Ang daming babae ang nagpapaka-martyr para lang sa'yo.

"Andito na ka na pala. Tara, swimming tayo." Hinila ako patayo ni Aldrich.

Nailang naman daw akong tumingin sakanya.

"Tara na!" Nagsimula na syang kaladkarin ako papunta sa blue sea.

"Wait lang," sabi ko kaya naman huminto sya at binitawan ako.

Tinanggal ko yung suot kong cover at kumapit sa braso nya. "Tara na, Aldrich?"

Nginitian nya ko sabay sabing, "Sexy ka din pala."

>____< binatukan ko nga!

Natawa kami pareho tapos tumakbo papunta sa dagat.

Nagtatalsikan kami ng tubig ni Aldrich nang biglang lumapit yung tatlo.

"Honey my loves so sweet!" Pink

"Aldriiiiiich!" Vi

"Si Aki?" Red

"Ayan na naman sila. Aish!"

Natawa ako sa reaction ni Aldrich.

"Honey my love so sweet, turuan mo ko mag-swim. I don't know how eh." Pink

"Me too!"

"Pasan mo ko!"

Biglang sumampa si Red sa likod ni Aldrich. Nakakapit pa sya sa leeg. Hahaha!

"Nooooo! Aldrich, ihulog mo nga yan! Ako ang ipasan mo!" Pink

"Bye, Ostritch! Goodluck sa kanila!" Nag-evil laugh ako bago sya iniwan sa tatlo.

Kawawang bata xD

Nakarating ako hanggang sa may dibdib ko na yung tubig. Hanggang dito lang ako. Natatakot akong lumayo kasi baka malunod ako though marunong naman akong lumangoy. Bah, baka mamaya lumakas yung wave ng dagat eh.

Napasinghap ako ng may humahawak sa paa ko. Paglingon ko, wala namang tao.

Tss. Baka guni-guni ko lang yun. Nilubog ko sa tubig yung nakabukas kong palad at nung inangat ko yun, may color blue na tubig ang naiwan sa kamay ko. Ang ganda ng kulay ng dagat!

Ay butiki! May humahawak talaga sa paa ko!

Shokoy?

Sumisid ako sa tubig para tignan kung ano ba yung humahawak sa paa ko. Sa pag-ikot ko habang nasa ilalim ng tubig, may nakita akong tuhod. Pinagmasdan ko yun pababa sa paa nya.

Eh?

Kumunot yung noo ko dun ah!

Pag-ahon ko, biglang natakluban yung mukha ko ng isang malaking tela. Nung una, nagulat ako. Pero nalaman ko nalang na may nagsuot lang pala sa'kin ng isang malaking t-shirt.

Iniangat nya pa talaga yung braso ko para maisuot sa sleeve.

Si Zoid na naman.

Anong nangyari sa mga babae nya? Si Chelsea?

Magtatanong pa sana ako kaso inunahan nya ko ng isang nakakamatay na ngiti.

"Wag mong huhubarin yan. Sige ka, gagahasain kita." Hinawakan nya yung likod ng ulo ko at hinalikan sa noo. "Ibalik mo nalang yang shirt na yan pagkatapos mong gamitin. Masyadong importante sa'kin yan." Sabi nya bago lumangoy at bumalik sa mga babae nya

You're confusing me out, Zoid!

Lumangoy nalang ako papunta kung nasaan sila Aldrich. Nilayo ko sya ng konti sa tatlo kasi nahaharass na sya masyado. Haha. Nagsalubong yung kilay ni Aldrich nung nakitang may shirt akong suot. Yung tatlo naman, parang kinikilig na ewan.

"Laro tayo ng bilog-bilugan." Red

"Ikaw honey my love so sweet ang taya!" Pink

"Bakit ako?" Reklamo ni Aldrich

"Ikaw lang lalaki eh. Dali na! Wag maarte!" Ako

"Dyan ka sa gitna." Vi

Uto-uto naman sya at pumunta nga sa gitna.

Pinalibutan namin sya at naghawak-hawak ng kamay.

"Ano namang gagawin ko?"

Nag-smirk ako. "H-hoy, ayoko ng tingin mong yan, ah!"

Hahaha. Mukhang kinakabahan na si Aldrich.

"Kakanta kami tapos kekembot ka."

"WHAT THE FVK! HELL NO!"

"Arteeee! Sige na! Di naman makakabawas sa pagkagwapo mo eh. In fact, cute nga sa mga lalaki ang nagsasayaw ng girl dance."

"Talaga?" Tanong nya habang nakangiti sa'kin.

Medyo nailang ako pero umoo pa rin.

"Game!" Sabay sabay na sabi ng tatlo.

"Sasara ang bulalaklak. Bubukaka ang bulaklak. Papasok ang reyna sasayaw ng cha-cha."

"Pffft," napabitaw ako sa pagkakahawak kay Pink at Vi (nasa gitna kasi nila ako) dahil di ko na mapigilan yung tawa. "HAHAHAHAHAHAHAHA." There, I burts a mega laugh. LOL.

Pati yung tatlo, nakitawa na rin. At mukang kanina pa rin nila yan pinipigilan gaya ko.

"Tinatawanan nyo naman ako eh!" Maktol ni Aldrich habang nagkakamot ng batok.

Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Isang hot na lalaki with heavenly body ang pagkembotin mo. Ang tigas pa ng katawan nya sa pagkembot.

Napatigil kami sa pagtawa nang mapansin na nagtatakbuhan yung mga tao papunta sa isang lugar tapos doon nagkukumpulan.

"Anong meron dun?" Tanong ni Aldrich, seryosong nakatingin kung saan nagkukumpulan ang mga tao.

"Tara, tignan natin." Naunang maglakad si Red at sumunod naman kami.

Napatakip ako ng bibig nung nakita ko si Chelsea na nakahiga sa puting buhangin at walang malay.

Yumuko yung lalaki at mukhang isi-CPR nya kaso biglang dumating ang nagmamadaling si Zoid tapos tinulak nya yung lalaki.

"Chelsea! Chelsea!" Sabi nya habang tinatapik sa pisngi si Chelsea. Kitang-kita sakanya na masyado syang natataranta sa pag-aalala.

"Ewan ko, basta ang narinig ko, pinulikat daw sya kaya nahirapan lumangoy. Mabuti nalang may nakakita sakanya at ayan niligtas sya." Sabi nung babaeng nasa harapan ko.

Yung lalaking tinulak siguro ni Zoid kanina yung nagligtas kay Chelsea.

Yumuko si Zoid at ni-CPR nya si Chelsea. Nagdikit yung mga labi nila

Naramdaman kong hinawakan ni Aldrich yung kamay ko.

Inantay ko muna na magkamalay si Chelsea bago ako umalis.

Before I take a shower, I glanced at my own reflection at the mirror above the sink.

Kaya pala!

Kaya pala ganun ang reaksyon nung tatlo at ni Aldrich nung makita yung suot kong shirt, dahil ito yung couple shirt namin ni Zoid. Ito yung shirt nya.

"Ibalik mo nalang yang shirt na yan pagkatapos mong gamitin. Masyadong importante sa'kin yan."

Napangiti ako nang maalala yung sinabi nyang yan.