Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 71 - Chapter 8: Phone battery

Chapter 71 - Chapter 8: Phone battery

"Gusto kong maligo ngayong gabi." Sabi ni Aldrich kaya naman napatingin sakanya ang lahat.

Nasa isang first class restaurant kami ngayon dito sa L resort nagdi-dinner. Marami kami kaya sa may pinakamalaking table kami nakapwesto.

Kasama namin ang VPR, Clyde and his friends na blockmate pala ni Zoid and even him with Chelsea. Meron pang tatlong lalaki at apat na babae na hindi ko naman kilala. Si Aldrich ata kilala yung apat na babae kasi kinakausap sya kanina or shall I say, NILALANDI sya kanina.

Hindi ko nalang pinansin si Aldrich at nagfocus nalang sa pagkain ko. Kanina pa ko tahimik dahil kanina pa ko nagseselos sa sweetness nung lovers na kaharap ko. Tch.

Uminom ako ng juice.

"Zailie, sabay tayo."

O_____O

Muntikan ko ng mabuga yung iniinom kong juice.

"What?!" Tanong ni Clyde.

Bakit feeling ko parang may kakaiba sa tono ng boses nya?

Tumingin ako saglit kay Zoid at nakitang ang sama na naman ng tingin nya sa'kin. Bigla tuloy akong umiwas ng tingin.

Yan tayo eh! Bigla nalang nya ko sinasamaan ng tingin nang walang dahilan. Nanahimik ako dito sa isang tabi tapos... tapos... *pout*

"Bakit? Wala namang masama, ah? Ilang beses na nga namin nagawa yun nung mga bata pa kami eh." Tumingin sa'kin si Aldrich at inakbayan ako.

Ayan na naman ang akbay nya =____= "diba, Zai?" He continued, smiling wickedly.

Naramdaman kong may bumubunggo sa paa ko mula sa ilalim ng table. Inantay ko muna na makipag-usap na ulit si Aldrich kay Clyde bago ako yumuko at sinilip kung sino yung gumagawa nun.

Paa ni...

Dahan-dahan kong iniangat yung tingin ko at nalamang pag-aari ni Zoid ang paang yun.

Pinandidilatan nya ko ng mata na parang sinasabing, ipaliwanag mo sa'kin ang lahat or di sya nagsasabi ng totoo, diba? Err. Hindi ko alam.

I shot him a curious look because I really don't get what's behind that looks.

"Tara na, Zai." Tumayo si Aldrich at hinila ako.

"Hoy saan kayo pupunta?!" Tanong ni Zoid na parang naiilang pa sa tanong nya.

Bakit naman sya naiilang?

"Oo nga. Saan mo dadalhin si Zai?!" Clyde, tumingin sya saglit sa'kin tapos kay Aldrich naman.

Aldrich grinned from ear to ear. "Maliligo lang kami."

My eyes widened and before I could react, he was dragging me out of the restaurant.

Pagdating sa room namin, kinurot ko sya ng madiin sa tagiliran kaya napasigaw sya ng mahabang 'aray'.

"Anong pinagsasasabi mo kanina, huh? Maliligo ka dyan? Di ka pa ba nagsawa sa beach kanina? Eh, madilim ka na nga umahon sa tubig eh. Shokoy ka ba?"

Sa hinaba-haba ng sinabi ko, ngumiti lang sya.

"So, payag ka nga na sabay tayong maligo? Di ka tumanggi eh."

Err. Itinaas ko yung nakasara kong palad sa harap ng mukha nya.

"Joke lang po! Nagbibiro lang eh!" Lumapit sya sa'kin at may binulong malapit sa tenga ko. "Nakita mo yung itsura ni Zoid kanina? Hahahaha! Nakakatawa talaga!" Umayos sya ng tayo at tumalikod. "Maliligo ulit ako. Ang sarap sa katawan ng tubig eh. Shokoy nga ata ako." Sabi nya habang papunta sa cr.

Tumingin ako sa wall clock. 8pm na pero di pa ko inaantok. Feeling ko ang aga-aga pa. Eh, ganitong oras ako natutulog kasi umaga ang klase ko. Oh well, wala namang pasok bukas kaya magpupuyat ako. Magpapahangin nalang muna ako sa labas.

Naglakad ako papunta sa closet ni Aldrich at kumuha ng jacket. Mas makapal kasi yung mga jacket nya kaysa sa mga jacket ko.

Sinuot ko yun at bubuksan na sana yung pinto kaso....

"ARGH! BAKIT WALANG TUBIG?!" Sigaw nya galing sa loob ng cr tapos maya-maya lang lumabas na sya. May towel na nakapulupot sa waist nya.

"H-HOY! PUMASOK KA NGA SA LOOB!"

Yung abs nya >o<

Magkakasala mata ko neto eh!

"Wala ngang tubig eh." He looked pissed.

"Baka natakot na sa'yo yung tubig. Magbihis ka nalang!"

Napakamot nalang sya sa ulo nya habang nakatingin sa jacket na suot ko.

"Oo nga pala, Ostritch. Pahiram ako nito, ah?" Tinuro ko yung jacket.

"May magagawa pa ba ko? Suot mo na eh. Saan ka ba pupunta?"

"Magpapahangin lang sa labas."

"Umuwi ka agad."

"Opo, master!" Nag-salute ako sakanya saka tumalikod.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil nakatayo si Zoid sa harap mismo ng pinto ng kwarto namin habang nakasandal sa wall. Nakapamulsa pa sya.

Sarap piktyuran (*v*)

Naka-smirk sya sa'kin pero nung napatingin sya kay Aldrich, agad yun nawala.

"Hi, Zoid!" Aldrich greeted, teasing him.

Bago pa makapagsalita si Zoid, inuhan ko na sya.

"Magbihis ka na nga, Aldrich!" Sabi ko sabay sara ng pinto.

Hinarap ko ulit si Zoid.

"Ano? Nakapagsabay ba kayong maligo?"

"Wala ngang tubig eh. Tss." Nagsimula na kong maglakad.

Nararamdaman ko naman na sumusunod sya. "Really?" Tanong nya, tonong tagumpay

"Oo." Sagot ko at binilisang maglakad.

Ilang minutong pagmumuni-muni sa harap ng dagat, napag-isipan kong maglibot dito sa L resort. Nakakalibang kasi masyado eh.

Habang naglalakad, binabalikan ko yung sweet memories namin ni Zoid.

Nung una kaming nagkakilala, yung prom, yung surprise nya sa'kin nung birthday ko and so on. Every details ay tandang-tanda ko pa at hinding-hindi ko makakalimutan yun.

Bigla akong napahinto sa paglalakad. Napasobra na ata ako sa pag-iisip kaya hindi ko na namalayan na napasobra din ako sa paglalakad at hindi ko na alam kung nasaan ako.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Walang iba't-ibang botiques ang makikita sa paligid unlike sa nadaanan ko kanina.

Walang hotels and stuff.

Where am I? I'm lost! Ugh. Stupid me.

Tumalikod ako para maglakad pabalik pero pagtalikod ko, I bumped into something... I mean, someone.

I looked up to meet his gaze. "You again? Are you following me?" Tanong ko kay Zoid.

"Yes I am."

"At bakit?"

"Kasi..." he paused as if finding for an excuse. "... yung ano... yung shirt. Kukunin ko na."

I made a face. "Nasa harap ka na kanina ng kwarto namin, hindi mo pa pinaalala? Besides, mukhang bang dala ko yun ngayon?"

"Sungit. Are you on your period?"

"Aba't! Bahala ka nga sa buhay mo!" I walked passed him.

"Wait," he grabbed my arm and turned me so that I am facing him again. "bahala ako sa buhay ko? Pa'no ba yan?" nilapit nya yung mukha nya sa'kin. Err. Nag-iinit na naman yung pisngi ko. "Ikaw ang buhay ko, so bahala ako sa'yo? Ganun?"

>/////<

"E-ewan ko sa'yo!" I removed his grasp on me. Hindi ba nauubusan ng flowery lines 'tong Playboy na to? Ganun ata kapag playboy eh.

Naglakad ako pero napahinto rin naman agad.

Baka alam nya pabalik sa hotel. Right!

I spun then walked towards him again. Nakatayo pa rin sya sa pwesto nya at nakatingin sa'kin. "Uhm..."

Hindi ko alam kung tatawagin ko syang maboy >…<

"Alam mo ba pabalik sa hotel?"

"Bakit? You mean... pumunta ka dito nang hindi mo alam pabalik?"

"Kaya ko nga tinatanong eh." *kamot ulo*

Napaisip sya saglit hanggang sa bigla syang ngumiti ng malapad. Wirdo!

"Hindi eh. Hindi ko alam."

"May dala ka naman sigurong phone dyan."

"Wala din."

"Maniwala!" Naglakad pa ko palapit sakanya at kinapkapan yung bulsa nya.

"Whoa! Not here. Let's get some room."

Tumingala ako sakanya at tinitigan sya ng masama. Kamanyak ng isang to! Tch >u<

"Got it!" Nilabas ko yung phone nya galing sa bulsa ng jeans nya.

Hinanap ko yung name ko sa phonebook nya. Naiwan ko kasi yung phone ko sa room namin ni Aldrich at kapag maya't-maya nagring yun, sure ako na sasagutin na yun ni Aldrich. Pakilamero yun eh =___=

"Ano bang name ko dito sa PB mo?.... hoy ano ba!"

Bigla ba naman nyang inagaw yung phone sa kamay ko!?

Nanlaki yung mga mata ko sa sumunod nyang ginawa. Tinanggal nya yung battery ng phone at hinagis sa dagat.

"BAKIT MO GINAWA YUN?! PAANO TAYO MAKAKABALIK SA HOTEL?" sigaw ko sakanya habang nagpapapadyak na parang batang inagawan ng laruan.

"Edi wag na tayong bumalik," calm na sabi nya tapos hinaplos yung buhok ko. "You cut your hair."

Alam nyo hindi ko na talaga maintindihan kung paano kumikilos ang pag-iisip ng Playboy na to.

Nalaman ko nalang na hinawakan nya ko sa kamay at dinala sa kung saan. Hindi na ko nakapagsalita dahil masyado na kong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko.

Tapos..... bigla nalang akong napangiti.

Iba talaga yung feeling na hawak ni Zoid yung kamay ko.

"How I love fireflies," masayang sabi nya habang pinapanood yung mga fireflies nang hindi binibitawan yung kamay ko.

Nasa garden kami, I think. Medyo madilim kasi eh.

Habang pinagmamasdan ko yung mga alitaptap, biglang nag-flashback sa'kin yung moment na sinurprise nya ko nung birthday ko.

"but I more love you." He continued that made me looked up to him. He's gazing me too.

"But you most love Chelsea."

Bigla syang umiwas ng tingin. Ang tanga ko talaga! Sinabi ko pa ang mga salitang yun. Ayan tuloy... parang any moment babagsak na yung luha ko.

"Ano ka ba?! Baka mamaya kasuhan tayo ng tresspassing ng may-ari nyan. Maghanap nalang tayo ng iba." Nasa harap kami ng sa tingin ko ay isang private cottage. At etong si Playboy, pinagpipilitan na dito daw muna kami magpalipas ng gabi.

"Wala na tayong ibang mahahanap dito. Besides, gabing-gabi na. Dito nalang muna tayo." Sabi nya tapos binuksan yung pinto.

Actually, may code yun. At nung tinanong ko sya kung paano nya nalaman yun, sagutin ba naman ako ng, "Hinulaan ko lang."

Pagpasok nya sa loob, hinila ko yung laylayan ng damit nya.

"Trust me," malambing na sabi nya tapos hinawakan na naman ako sa kamay then sabay na kaming pumasok sa loob.

Ang gandang cottage naman nito. Yung architecture ay parang katulad ng sa condo ni Zoid. Yun nga lang, isa lang ang kwarto sa condo ni Zoid. Dito naman, tatlo. Naka-lock yung dalawa.

May mga gamit din na parang nakakatakot hawakan dahil babasagin at mukhang napakamahal.

"Nagugutom ka ba?" Tanong nya.

Umiling lang ako. "Gusto ko ng matulog."

Binuksan nya yung kwartong hindi naka-lock at pumasok kami dun.

Tinanong nya ko kung saan ko gustong matulog. Sa taas ba o sa baba ng double deck. Sinabi ko na sa taas nalang.

~~~

Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko.

-_____O

0_____0

Napaupo ako bigla sa kama.

Napakagandang view para sa napakagandang umaga.

Nakaupo kasi si Zoid sa dulo ng kama habang pinapanood ako.

"Good morning," nakangiting sabi nya.

"Good morning din."

Sumilip ako sa bintana na katabi ko.

Maliwanag na.

(O…O)

Haluh!

Inalis ko yung kumot na nakapatong sa'kin.

"Bakit?" Tanong nya. Nakapansin nya siguro na natataranta ako.

"Kailangan na nating bumalik."

"Dito nalang muna tayo." sabi nya.

Gusto ko sana pero....

"Baka hinahanap na ko ni Aldrich." Pagkasabi ko nun, biglang nagbago yung expression ng mukha nya.

He looked away then faked a laugh. "Oo nga pala. May... may maghahanap pala sa'yo. Tara?"

I nodded.

As he got down, he reached out his hand para alalayan akong makababa.

Aldrich's POV

"Kyaaaah! She's here na! I told you magkasama sila ni Zoid." Pink

"Andito na po sya.... yep... salamat nalang po." I hung up.

Kausap ko yung head ng security. Kagabi pa kami naghahanap kay Zai pero hindi sya mahanap.

Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit. Suot-suot pa rin nya yung jacket ko na hiniram nya kagabi.

"Where have you been? You don't have any idea how worried I am." Lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sakanya. Niyakap nya rin naman ako pabalik.

Who knows how I love this girl.

"I'm sorry. Naligaw ako kagabi."

Then suddenly, Zoid show up.

Nakatingin sya sa'min ni Zai.

Zai's POV

Habang yakap-yakap ako ni Aldrich ng mahigpit, nakita ko ang VPR.

They all mouthed,

"Anong ginawa nyo ni Zoid?"

"Saan kayo nagpalipas ng gabi?"

"Marami kang iki-kwento sa'min later."

Nginitian ko sila hanggang sa masagip ng paningin ko sila Yat, Chloe, Sophi, Dwayne, VJ at Ceejay.

They all looked worried.

Lumayo ako ng konte para lingunin si Zoid.

And I regret doing that dahil nakita ko lang naman na magkayakap sila ni Chelsea.