Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 34 - Chapter 34: Savior

Chapter 34 - Chapter 34: Savior

Thursday na ngayon. Haist. Bakit hindi nalang naging sabado agad? Ayoko mang pumasok, pero hindi pwede. I'm pretty sure, loner ako.

"Louise, ano ba yang ginagawa mo?"

"AYYY!"

Muntikan ko ng mabitawan yung nova at piatos na hawak ko.

"Mommy, nakakagulat po kayo!" Sabi ko, tapos binuksan yung fridge para kumuha ng chuckie.

"Ano ba kasing ginagawa mo?"

"Magbabaon po ako."

"Himala ata."

Hindi nalang ako nagsalita. Magbabaon ako ng snacks ngayon, kasi wala akong makakasamang mag-break time at mag-lunch break mamaya. Kapag naman pumunta ako sa cafeteria, baka mailang lang ako kasi alam kong pag-uusapan nila ako.

Ganun naman lagi eh.

"Nga pala, nung nakausap ko yung principal, sinabi nya na running for valedictorian ka. Buti nalang daw nagpalipat ka ng section."

Sa section A lang kasi kumukuha ng honorable mentions. May good effect din pala ang revenge thingy ko kay Zoid. Kasi, kung hindi ko naisip na maghiganti sakanya, hindi ako magpapalipat ng section.

"Galingan mo pa lalo, Louise. Matutuwa na naman kami ng Daddy mo nyan."

Napangiti nalang ako. Kahit ang dami kong problema sa school, nagagawa ko pang pasayahin yung parents ko.

***

Nung break time, okay naman. Saglit lang ako naging loner. 15 minutes lang naman kasi yung break time eh.

Ito ang kinatatakutan ko...

Ang lunch break TT___TT

Naglabasan na silang lahat hanggang sa ako nalang ang naiwan. Feeling ko, ayaw nila akong lapitan kasi nakakadiri ako.

Kinuha ko yung mga snacks na binaon ko kanina. Dinagdagan pa nga ni Mommy ng dalawang monde special mamon eh.

Nanlalabo ang mga mata ko habang binubuksan yung nova. Ganito pala feeling ng loner. Ansakit >.<

Hindi lang yun, ang sakit kasi mas naniwala pa sa mga edited pictures si Yat kaysa sa'kin. Ang tagal na namin magkakilala, pero bakit ang bilis naman nyang maniwala sa mga litsing edited pictures na yun?!

Agad kong pinunasan yung luha ko nang may pumasok sa classroom.

Zoid's POV

"Wait me here, Babe. I'll make pila lang."

Tumango nalang ako. Hindi ko pa sya natatanong kung bakit nya yun ginawa kay Zai.

Nung nakapila na sya sa isang stall, bigla akong umalis. Sasamahan ko si Louise ko sa classroom. Di ko alam kung pa'no, pero basta! I need to accompany her. Especially now na wala syang kasama.

Pagkapasok ko sa classroom, nakita ko syang umiiyak habang nagsi-sip ng chuckie. Bigla akong tumingin sa iba nung tumingin sya sa'kin, para hindi nya makita na tinitignan ko sya. Baka kasi lalo syang maawa sa sarili nya.

Umupo ako sa upuan ko. Nasa likuran ko sya. Hindi ko alam kung pa'no ko sya kakausapin. Pero sana, ma-feel nya na may karamay sya.

I can't take this anymore. Kakausapin ko na sya. Bahala na kahit lumabas na wala akong ka-pride-pride.

Lumingon ako nang biglang..

"Zai!" Biglang dumating si Dwayne na naka-civilian. Panira >.<

Umayos nalang ako ng upo at tumingin sa bintana.

Pero sa totoo lang...

NAKIKINIG AKO SAKANILA!!

"Ba't nandito ka?" Tanong ni Louise ko.

"Ayaw mo?" -Dwayne

Oo. Ayaw nya. Ayaw ko din =___= Epal.

"Di naman. Pero diba, may basketball camp kayo sa Batangas?"

"Yep. Pero mamaya pa yung alis namin. Kaya dito muna ako. Hehe."

"Okay. Baka hanapin ka nung coach nyo."

"Di yan. Penge nga nyan."

"Alin?"

"Yung nova."

"Oh.. Kuha ka.."

"Ayaw. Subuan mo ko."

"Eh, may kamay ka!"

"Dali na!"

"Sige na nga. Say ahhh~"

BSTRD! KAASAR! EPAL KA, DWAYNE!

Selos ako >___<

Gusto kong lumingon para suntukin sya, pero ayoko. Baka ma-turn off sa'kin si Louise ko.

"Diba kaibigan mo si Sophi?" Biglang tanong ni Dwayne matapos ang 3 minutes na katahimikan.

"Oo, bakit?"

"Kasi---"

Di ko na narinig yung sasabihin nya, kasi biglang dumating si Chloe.

"BAAABE!!! Where have you been ba? Bumili lang ako ng foods, then pagbalik ko sa table natin, nawala ka na!"

"Ayoko ng bumaba. Wala na kong gana."

"Ehhh~ Tara na. I'm hungry na."

"Kumain ka mag-isa mo!"

Hinayaan ko nalang sya mag-maktol ng mag-maktol hanggang sa wala na syang magawa kundi ang kumain mag-isa sa cafeteria.

Ayokong iwan si Louise ko kay Dwayne. Baka mamaya.. tss....

***

"Bye na, babe. Gusto mong pumasok sa loob?" Yaya nya.

Magkatabi lang naman yung unit ko sa unit nya eh -__-

"Di na. Pasok na ko sa unit ko."

Ngumiti nalang sya, tapos pumasok na sa loob ng unit nya.

Napatingin ako sa kanang kamay ko. Engot! Nakalimutan kunin sa'kin yung bag nya. Ako kasi yung pinagdala nya ng bag nya  >,<

Suit herself. Pumasok na ko sa loob ng unit ko.

Pagkatapos kong kumain, napatingin ako sa bag ni Chloe na nasa couch. Nakasabit dun yung USB nya. I shook my head. Malamang, puro pictures ko na naman yung laman nun.

Kinuha ko yung USB nya at sinalpak sa laptop ko. Ide-delete ko lahat ng pictures ko

Matapos kong i-delete yung 'My babe's pictures' folder,

a 'great pretender's pictures' folder caught an attraction in my eyes.

Isang tao lang naman ang sinasabihan nyang great pretender eh... si...

SI LOUISE KO!

Agad kong in-open yung folder na yun. May dalawang folder pa na naka-save sa loob nun. Edited and Unedited. Inuna kong buksan yung unedited. Sumikip yung dibdib ko ng makita yung mga pictures. Yun yung time na magkayakap sila VJ at Zai sa labas ng building na 'to.

After that, yung edited folder naman ang binuksan ko. In-edit nila sa adobe. Yung angle and etc. Pinalabas nilang may ginagawang masama sila VJ at Louise ko.

Ito siguro yung ini-slide na pictures nung nasa auditorium. Hindi ko kasi napanood eh. Bakit kasi nagpa-late pa ko? Edi sana, napigilan ko pa si Chloe nun.

Kinopy ko yung dalawang folder sa dekstop ko. I need to do something para hindi na umiyak ang Louise ko.

***

Zai's POV

Another day. Means, Friday na ngayon.

AT lunch break na naman TT___TT

Kinalkal ko yung bag ko, para kunin yung iPhone ko para hindi ako masyadong ma-op.

Pero... LINTEK! Hindiko mahanap >O<

Kaasar. Naiwan ko ata. Litsi!

Intercom: To all DH Students, kindly go to auditorium for important matters. To all DH Students, kindly go to auditorium for important matters.

Nu ba yan? Parang may phobia na ko sa auditorium. Parang ayoko ng tumuloy.

Pero kahit ayoko... wala pa rin akong magagawa. Baka mamaya, napaka-importante talaga nun.

Pagkapunta ko dun, weird ulit. Walang mga teachers sa paligid. Kagaya sya nung isang araw. Yung evil plan ni Chloe. +__+

Aalis na sana ako nang biglang....

"Zailie Louise Alvarez is not allowed to leave."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nagsabi nun.

Si Sophi.. May hawak syang mic.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang nangyayari at kung ano ang mangyayari.

"To all DH Students, we want you all to watch this slide pictures carefully."

Biglang lumabas si Yat, kasunod nya si VJ.

"But first of all, would you care to join us here on stage, Ms. Alvarez?" Tanong ni VJ.

Tumingin ako kay Yat. Nakangiti sya sa'kin habang tumatango na para bang sinasabi na sundin ko si VJ.

Naguguluhan man, pero umakyat pa rin ako ng stage.

Then, tumingin silang tatlo (Sophi, Yat at VJ) sa big screen. Lahat kami, tumingin din dun.

First, ini-slide yung mga pictures na inedit ni Chloe. After that, yung mga unedited naman. Sure akong unedited yun, kasi ayun lang naman talaga ang ginawa namin ni VJ. Friendly yet comforting hug lang. And last, pinagsama yung mga edited at unedited pictures. Mga 4 minutes nagpo-pause every picture, kaya makikita mo talaga yung differences.

"So, lahat ng pinakita sainyo ng bruhang Chloe na yun were all untrue." -Yat

"Insecure lang yun kay Zai eh." -Sophi

"T-teka... diba.. galit kayo sa'kin? Kasi.."

"Dahil sa pictures nyo ni VJ? Haha. Why would I? Di ako nagseselos noh!"-Yat

"Weh? Deny ka pa, labs eh!"

"Shut up!" Inirapan nya muna si VJ bago tumingin sa'kin. "Actually, na-shock ako nang makita yung mga pictures nyo ni VJ. Pero syempre, bestfriend kita. I know you very well. I know na hindi ka ganun. Nagkunwaring galit ako kasi I have a plan. Actually, WE have a plan." Tapos tumingin sya kay VJ at Sophi.

Niyakap ko silang tatlo.

"Akala ko, galit kayo sa'kin."

"Di nga sabi. Wag ka na ngang umiyak! Baka magalit pa sa'min si---"-VJ

"JAAAAAARED! Wag nga daw sabihin eh!"-Yat

"Oo nga pala. Hehe."

"Alin ang hindi sasabihin?" I asked.

"Wala yun. Group hug." -Sophi. Then, nag-group hug kami.

This tears rolling down on my cheeks is what you called...

a tears of joy.

Pumunta na kami sa cafeteria. Ang saya ko ngayon grabe! Akala ko, mas naniwala pa sila Yat at Sophi sa mga edited pictures eh. Hindi pala ^o^

Napahinto ako sa pagkain nang bigla akong may naalala.

I stood up and was about to leave, pero napahinto ako nang maalala ko na may kasama pala ako.

"Guys, excuse lang, ah? May pupuntahan lang ako."

"UPO! Hindi pwede!" -Yat

"Pero kasi---"

"Si Zoid ba yan?" -VJ

"Ha?.... uhh... oo."

"Okay. Go! Bye! Shoo!" -Sophi.

Ehhhh? Tumingin ako kay Yat. Tumango lang sya.

Ang gulo! Kanina ayaw nila akong payagan, pero pagdating kay Zoid.... tch... botong-boto talaga sila kay Louie ko :">

Zoid's POV

Nakakuha na 'ko ng permit sa clinic para makauwi. Masama kasi yung pakiramdam ko ngayon. Naglalakad ako ngayon sa hallway nang biglang may humatak sa braso ko at iniharap ako sakanya.

"What was that, babe?"

Dang! Kahit ba galit sya, babe pa rin yung tawag nya sa'kin?

"Ang alin?"

"Don't be so pa-inosente! Diba galit ka sakanya? Then, why da hell did you save her?"

"I already forgive her."

"Forgive her? BUT WHY?"

"BUT WHY? HA? Diba dapat ako ang magtanong sa'yo nyan? Why did you do that do her? She don't do anything to you, Chloe!"

"She don't do anything to me? She did, babe! She did! She took you from me!"

"You're crazy." Tumalikod na ko dahil gusto ko na talagang umuwi. Pero napahinto ako nang magsalita ulit sya.

"Don't you dare to be with her again. You know, I can make her life so much miserable. And yung ginawa ko sakanya nung isang araw? Patikim lang yun, babe. Patikim lang."

I let out a deep sigh then faced her.

"Don't harm her.... please..."

"Wow. You beg? Is that really Zoid Louie Lee?" Sarcastic na tanong nya.

"JUST DON'T FCKN HARM HER!"

"Oww... relax lang, babe. I will not harm her naman. BUT... in one condition."

"What the hell it is?"

"Iwasan mo sya. Ayokong magkasama kayo. You're only mine, babe."

"Bakit ba napaka-obsessed mo?"

"Wala kang magagawa. Stay away from her...

or I will---"

"Fine! I'm dealing with your stupid condition."

"Great.. Oh... here comes she is."

Napatingin ako sa babaeng tumatakbo palapit sa'min. Nakangiti pa sya. How can I resist that girl?

Zai's POV

Nung nakita ko si Zoid sa hallway, agad akong tumakbo palapit sakanila. I don't care kung kasama nya si Chloe. Epal yang Chloe na yan. Malaki kasalanan nya sa'kin!! Grr..

Pasalamat sya, good mood ako ngayon ^___^

"Uhh... P-pwede ba kitang makausap?"

Gaaa~ Nabubulol na naman ako!? Gusto kong magkaayos na kami. Gusto ko ring magthank you sakanya, dahil kinomfort nya ko nung down ako.

Ngiting-ngiti akong nakatingin sakanya. Pero,

Hindi ko inaasahan ang isasagot nya sa'kin..

"Ayoko. Kung pwede lang, ayoko na kitang makita."

Then he left.

OUCTH!

MASAKIT.

Hindi lang

Napatingin ako kay Chloe. Naka-evil smile sya. Sarap sampalin! Gusto ko syang habulin, pero hindi ko magawa. I was rooted on the ground. Kung dati,lagi nyang sinasabi na 'I want you to focus on me. Only on me.' Ngayon, ayaw na daw nya kong makita T^T

Ansakit, men!